Kabanata 1: Engagement Party

1846 Words
Seven years. Pitong taon na ang nakalilipas, akala ko nakalimot na ang puso’t isipan ko. That one lust night was never a mistake. It was the best thing that ever happened to me. Gael was my first love. The only man who captured my heart. After him, wala na akong ibang lalake na minahal. But that was seven years ago. Madami nang nangyari. I wonder how is he doing right now. May pamilya na kaya siya? Is he married? Ilan na kaya ang anak niya? “Sa tingin ko bagay sa’yo ‘to.” Ugh. My mind is preoccupied again. Palihim akong napailing para makapag-focus ulit. Enzo is now standing in front of me habang may hawak-hawak itong dress. It’s a Navy Blue Sleeveless Maxi Dress, V-neck ang front and back nito. It’s fitted and has a flaring mermaid hem. May hidden back zipper din ito. Enzo’s smiling from ear to ear while showing me the dress na napilii niya. Ever since, I never doubted his taste when it comes to fashion. I guess bagay nga itong dress sa akin. “What are you gonna wear then?” I asked him. Tila napaisip siya. “I’ll look for a suit na kakulay din ng dress mo para we’re match.” He winked. Bitbit niya ang dress na pinili niya para sa’kin saka kami naghanap ng suit na kakulay rin ng dress ko. After ten minutes of looking ay may nahanap na ako. Nang ipakita ko ang napili kong suit para sa kanya ay hindi na siya pumalag pa. While paying for the items we buy, may iilan na lumapit para magpa-picture sa amin. We’re not that snobby type of people kaya hinahayaan na lang namin sila. “I’ll pay,” I offered. “No. Ako ang nagyaya, ako ang magbabayad.” He insisted. Masama ko siyang tiningnan. “When will you let me treat you, huh?” Ngumisi lamang siya. “Iyong pagpayag mo na maging date ko sa engagament party ng pinsan ko, that’s enough treat, Mic.” Hindi na ako muling nakipagtalo pa sa kanya dahil tinitingnan na kami ng cashier na nasa harapan namin. Nakangiti pa ito at tila kinikilig habang nakatingin sa’min. Ibinalik ko na lang yung wallet ko sa loob ng bag at nanahimik na lang habang hinihintay si Enzo na bayaran ang dress at suit na pinili namin. “Ilang taon na pala ‘yung pinsan mo? And what’s her or his name?” I asked curiously. Naglalakad na kami ngayon palabas ng mall. Nag-aaya pa nga si Enzo na bumili kami ng heels for me kung hindi ko lang siya pinigilan. Ang dami ko ng heels sa bahay, ayoko ng dumagdag pa ‘yon. Tsaka alam ko na siya na naman ang magbabayad kaya mas mabuting huwag na kaming bumili at baka magtatalo na naman kami pagdating sa cashier. “She’s Maxine, and she’s twenty-five,” sagot naman ni Enzo. “Ang bata pa pala ni Maxine. Eh, yung fiance niya?” Kumunot ang noo ni Enzo. “Hmm. I forgot his name pero I think he’s around twenty-eight or nine?” Tumango-tango naman ako. Not old enough. Nasa ganoong edad na rin si Gael ngayon. Geez. Why did I even think about him? “May pupuntahan ka pa ba? Or I’ll drive you home na?” tanong niya nang makapasok na kami sa loob ng kanyang sasakyan. Umiling ako. “Gusto ko na rin magpahinga, e. Napagod ako sa shoot kanina.” Umabot ng halos isa’t kalahating oras ang byahe pauwi sa’min. Hindi ko na rin naisipan pang matulog sa byahe at baka kung anu-ano na naman ang mapapanaginipan ko. Mula pa kanina ay hindi iyon mabura sa isip ko. “I guess I’ll see you this weekend?” Isiniara niya na ang pinto nang makalabas ako ng sasakyan. “Dipende kung susunduin mo ‘ko rito sa bahay,” natatawang sagot ko. Ginulo niya ang buhok ko. “You silly. Sige na’t magpahinga ka na. Oh! Here’s your dress pala.” Iniabot niya sa akin ang paperbag na naglalaman ng dress ko. “I can’t wait to see you wearing that. I know that it’ll look stunning on you.” “Tsk tsk.” Bahagya pa akong umiling. “I can’t wait rin na magka-girlfriend ka na para tumigil ka na sa pambobola sa’kin,” biro ko. Ngumisi siya. “Hindi ka magseselos kung magkaka-girlfriend man ako?” Nanlaki naman ang mga mata ko sa tanong niya at sa gulat ko’y nahampas ko siya sa balikat. “Ba’t naman ako magseselos?!” He shrugged habang nakangisi pa rin. Inirapan ko siya. “Mangilabot ka nga sa sinasabi mo, Enzo. Maliban sa boss kita, kaibigan lang din ang turing ko sa’yo. Period. Papasok na ako.” Hindi na ako naghintay pa ng isasagot niya dahil tumalikod na ako at nagmadaling pumasok sa loob ng condo. Oo’t sa condo ako nakatira. Isa sa mga kaibigan ni Enzo ang nagmamay-ari ng condo na ito kaya ito ang ni-recommend niya para sa akin. Masyado kasing malayo sa studio ‘yung apartment na inuupahan ko dati kaya lumipat na ako. Studio type lang naman ito at kayang-kaya ng bulsa ko. Kinabukasan ay medyo tinanghali ako ng gising. Mamayang alas singko pa naman ako susunduin ni Enzo, I still have hours to prepare. Inilapag ko na sa kama ang dress na binili namin kagabi. Pumili na rin ako ng heels na susuotin at ang Silver Rhinestone Heels Sandals ang napili ko – regalo iyon sa’kin ni Enzo no’ng 26th birthday ko. Kulay Silver din ang pouch na pinili ko. Pagkatapos ay nagluto na ako ng pang-lunch ko. Sa kalagitnaan ng pagla-lunch ko ay tumawag pa si Enzo para i-remind sa akin ang tungkol sa party mamaya. After his call ay nagligpit na ako ng pinagkainan at naligo na. It took me almost an hour and a half to prepare. When I checked the time it’s already 4:30, tamang-tama lang sa pagdating ni Enzo. I checked my reflection in the mirror right in front of me to see how I look. I wore a silver necklace with a small pendant in it and matched it with silver earrings. I tied my hair into a messy bun, and applied makeup – not too light, not too dark. Pagtayo ko ay ‘yung buong repleksyon ko naman ang pinagmasdan ko. I smiled when I saw kung gaano ka-perfect ang pagkaka-fit ng dress sa katawan ko. Nang matanggap ko ang message ni Enzo na nasa baba na raw ito at hinihintay ako ay nagmadali na akong lumabas ng unit. Buti na lang at wala gaanong tao sa hallway at dalawang tao lang din ang nakasabay ko sa elevator. Enzo said he’s at the lobby kaya nang bumukas ang elevator ay dumiretso na ako sa lobby. Nang makita ko si Enzo ay lumapit na ako sa kanya. Kinalbit ko pa siya para makuha ang kanyang atensyon. Napaawang ang kanyang bibig nang makita ako. “Ano? Magtitigan na lang ba tayo rito?” “Just like what I’ve said…” Napailing pa siya habang pinagmamasdan ako. “This dress is beautiful, but you wearing it? It makes it look perfect,” puri niya habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa kabuuang itsura ko. “Enzo, umalis na tayo rito at kanina pa tayo pinagtitinginan ng mga tao,” halos pabulong na sabi ko sa kanya na bahagya niyang ikinatawa. He offered me his arm, at doon ko na inangklas ang kamay ko saka kami naglakad palabas ng condo. Kahit nasa byahe kami ay walang-tigil pa rin si Enzo sa pagpuri sa akin. He also compliment how I styled my hair. Bagay raw ito sa suot ko. Masaya rin siya nang malaman niyang suot-suot ko ang regalo niyang heels sa akin. Pagkarating namin sa venue ay bigla akong nakaramdam ng kaba. Halata nga’t engrande ang party na ito dahil puro magagarang kotse ang naka-park sa parking area. Nabanggit naman ni Enzo na maraming bisita ang dadalo sa party na ito, most of them are family-related, at iyong iba naman ay puro business-related. Pagkapasok namin sa loob ng venue ay agad na may sumalubong sa’min. “Enzo, you’re here!” bati ng isang babae na sa tingin ko ay nasa mid-40’s na ang edad. “Yes, Tita. Congratulations at ikakasal na si Maxine – your unica hija.” “Time flies so fast. Tumatanda na kami at kayo naman ang susunod sa mga yapak namin.” “Oh, by the way, Tita.” Nilingon ako ni Enzo. “This is Michaela Isidro. She’s my date for tonight. Model rin ho siya gaya ko. We’re on the same brand.” Nginitian naman ako ng babae. “Hi, dear! I’m Miranda, Maxine’s mother.” Pinagmasdan niya pa ako mula ulo hanggang paa. “You’re so beautiful. You look stunning on your dress!” “Thank you, Ma’am.” I smiled at her. “Hmm, aside from date, are you Enzo’s girlfriend too?” Tila nasamid ako sa mismong lawa ko. “A-Ah, hindi po, Ma’am. I’m his–” Mahinang hinampas ni Tita si Enzo sa braso. “Hijo, she’s not your girlfriend?! Napakaganda niya na at bagay na bagay kayo!” Pinanlakihan ko ng mata si Enzo nang makitang nakangisi ito. “Tita, we’re just friends. Besides, being in a relationship is not my top priority now.” “Opo, Ma’am. Magkaibigan lang po kami ni Enzo tsaka kagaya po niya, wala rin po sa isip ko ang magka-boyfriend,” wika ko. We had a little chat with Maxine’s mom at wala pa rin itong tigil sa pang-aasar sa amin ni Enzo. Hindi ko na lang pinapahalata na naiilang na ako sa pang-aasar niya. “Please enjoy the party, okay? Hahanapin ko lang muna ang asawa ko. If you need anything, nandyan ang mga staff to accommodate you.” Nang makaalis na siya ay saka lamang ako nakahinga nang maluwag. Si Enzo naman ay kanina pa ngisi nang ngisi sa akin. Maliban sa Mom ni Maxine ay may mga lumapit din kay Enzo para makipagkwentuhan. Most of them ay mga family-friend nila. Ilang minuto lang ang lumipas ay nagsimula nang magsalita ang MC, I think the party is about to start na. Habang nagsasalita ang MC ay naghanap na kami ng pwesto ni Enzo. “And to finally start this event, let me call the newly engaged couples!” Nagpalakpakan naman ang lahat. “Please come on stage our soon-to-be bride-and-groom, Ms. Maxine Ricaforte, and Mr. Gael Dela Vega. Let’s give them big warm applause!” I froze when I heard the groom’s name. Tila nag-slow motion ang paligid ko nang makitang paakyat si Maxine kasama si… Gael. Ramdam ko ang malakas na kabog ng dibdib ko at panginginig ng kamay ko. Ikakasal na siya? Pinilit kong tingnan siya kahit na hindi ako handa. And seeing him happy makes me want to leave this place. After seven years, nakita na rin kita ulit. Ang pinagkaiba lang, may iba ng laman ang puso mo, habang ako… ikaw pa rin ang laman nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD