"Mom, where are we going?" hinarap ni Norain ang anak, hinagkan ito sa pisngi at pinisil ang ilong. "Our new home," sagot ni Norain sa anak. Nanlaki ang mga mata ni Caleb. Hindi ito makapaniwala sa sinasabi ng ina. Niyakap ni Norain ang makulit na si Caleb at kinarga sa kanyang bisig. Tahimik lang si Emily na nakikinig sa mag-ina. Ready na ang lahat ng kanilang gamit. Sinigurado niyang kumpleto na ang lahat. Sumenyas si Norain sa tatlong lalaking nakasuot ng itim na suit. Agad na kinuha ng mga ito ang kanilang mga gamit at inilagay sa likod ng kotse. Sila ang mga lalaking inutusan ni Mateo. Nasa importanteng business trip ngayon ang binata. Pagdakay sumakay na rin sina Norain, Caleb, Emily at Aling Trining na siyang kawaksi ni Norain. Ayaw niyang bitawan si Aling Trining lalo na't