Kasalukuyang nakatunghay si Mateo sa puntod ng kanyang anak. Tahimik lamang si Norain. Nakita ni Norain kung paano naghirap ang kalooban ng binata. Halos yakapin ni Mateo ang libingan ng kanilang munting anghel. Mabilis na pinunasan ni Norain ang mga luha na nag-uunahan sa pagtulo mula sa kanyang mga mata. Masakit. Hanggang ngayon ramdam niya ang kirot ng pagkawala ng kanyang anak.
Napaatras si Norain nang harapin siyang muli ni Mateo. Natatakot siya sa mabagsik nitong anyo. Napalunok siya. Pero kailangan niyang harapin kung ano man ang nais nitong ibato sa kanya. His eyes were bloodshot.
"This is the last time that I will ask you, Norain. Is there another lies that you didn't tell me," nagsitayuan ang mga balahibo ni Norain sa kanyang batok at braso sa tono ng boses na iyon ni Mateo. Matagal na niyang kilala ang binata pero heto ang unang pagkakataon na tila hindi niya ito nakikilala. Ibang-iba ang awrang ipinapakita nito. Heto ba ang naririnig nilang masamang magalit ang mga Montenegro? Jusko! Gusto niya tuloy tumakbo at huwag na muling mag-pakita pa dito.
"Answer my damn question, bullsh-t!" napaigtad si Norain ng tumaas ang boses na iyon ni Mateo. Nanginginig ang kanyang mga tuhod sa sobrang takot. Napayuko siya at hindi makatingin ng diretso sa binata. Ni walang salitang lumabas sa kanyang bibig. Ngunit mas nagulat siya nang hatakin siya ng binata at marahas na itinulak sa puntod na iyon ng kanilang anak.
"Look what you've done! You never trusted me, Norain. Kung may tiwala ka sana sa akin noon hindi mangyayari na mamatay ang isang anghel na siyang ipinagkaloob sa atin ng Dios. I give you everything, I treat you as my queen but look what you've done?" nanghihinayang saad ni Mateo sa dalaga.
Totoong minahal niya si Norain. Ang tanging babaeng pinag-alayan niya ng buong atensyon, oras, at halos buong buhay niya ay umiikot sa dalaga. Kung alam lang nito kung gaano niya ito na-miss ngunit bigla nalang itong naglaho na parang bula.
Napaluha na lamang si Norain. Aaminin niyang selosa siya at minsan nga wala na siya sa lugar kung magselos. Pero kasalanan bang magselos? Hindi niya iyon maiwasan dahil likas na selosa siya, lalo na't habulin ng mga babae noon si Mateo. Saksi siya kung paano pa-simpleng iniiwasan ni Mateo ang mga babaeng iyon sa tuwing magkasama sila ni Mateo at halos pa nga hindi na maipinta ang mukha ng mga babae sa tuwing nakikita siya ng mga ito. Pero ni minsan hindi siya dumating sa punto na mag-eskandalo dahil na rin sa respetadong tao si Mateo.
Bumuhos ang malakas na ulan. Kasabay niyo'n ay ang malakas na ugong ng sasakyan ni Mateo. Naiwang humagulgol si Norain. Ngayon lang niya na-realize na nasa kanya pala ang problema. Hindi niya masisisi si Mateo. Nang dahil sa kanya namatay ang kanyang anak, kung hindi lang sana siya nagpadala sa emosyon hindi sana siya nag-suffer nang labis na depression noon na naging dahilan sa kanyang miscarriage. Kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan at ang pagtulo ng mga luha sa kanyang mga mata. Hanggang sa nakatulog siya sa labis na pagtangis.
Muling iniliko ni Mateo ang sariling kotse. Damn! He can't leave her alone. Halos paliparin niya ang sariling kotse. Mabuti na lang at tumila na ang ulan.
Mabilis ang kanyang kilos at nilapitan ang basang-basang dalaga. She was peacefully lying in the grave of their own son. Agad na hinubad ni Mateo ang suot na polo at binalot sa basang-basang dalaga. Napamura pa siya nang mapansing inaapoy ito ng lagnat. F-ck! Agad niyang binuhat ang naturang dalaga at mabilis na isinakay sa kotse papuntang ospital.
Makaraan ng ilang oras ay nagising si Norain. Dahan-dahang nagmulat ng mga mata. Nagulat siya, nasaan ba siya naroroon? Inilibot niya ang tingin sa kanyang paligid, halos puti ang nakita niya sa buong paligid. Mapakla siyang napangiti. Nasa langit na ba siya?
"Nasa earth ka pa," pukaw sa kanya ni Emily.
Gulat na sumulyap siya kay Emily. "I-ikaw ba ang nagdala sa akin dito?" takang tanong niya sa kaibigan.
"Wow naman, sa tingin mo ba kakayanin kong buhatin ka ng mag-isa, Nor, naman. Alam mo, tinawagan ako ni Mateo. Jusko, Nor. Ang gwapo ni fafa Mat," nagniningning ang mga mata ng bruhang si Emily.
Pero agad din na naalala ni Norain ang nangyari kanina. Binalikan ba siya ni Mateo? Lihim siyang ngumiti. Ngunit bigla siyang nataranta nang maalala si Caleb. Paano kung dinala ni Emily si Caleb sa ospital at nagkita ang dalawa? No! Hindi pwede!
"Where's Caleb?" maagap niyang tanong kay Emily na kasalukuyang naglalagay ng sandwich spread sa slice bread, dahil sa gulat ay nabitawan nito iyon.
"Nor, naman e, ba't ka ba nanggugulat nahulog tuloy," reklamo ni Emily at akmang kukunin nito ang nahulog na slice bread nang pigilan siya ni Norain.
"Damn it! Si Caleb, nasaan Emily Cerna!" halos mapatalon sa gulat si Emily nang mapansin ang seryosong anyo ng kaibigan.
"Kasama si sir, Mateo. Alangan namang iwan ko iyong bata sa bahay, e, na-ospital ka nga?" sagot nito sa kanya. Bakas sa anyo ni Emily ang labis na pagtataka.
"No! Damn it!" mabilis pa sa hangin na tinanggal ni Norain ang dextrose sa kanyang kaliwang kamay at dali-daling nilisan ang kwartong inukopa. Naiwang napatigagal si Emily. She left puzzled.
Maraming nakatingin na mga staff, doktor, at nurses ang nakamasid kay Norain. May lumapit pa nga sa kanyang isang nurse pero tinarayan niya lang ito. Damn! Huli na ba siya? Halos mabiak ang ulo niya sa kakaisip kung anong dapat niyang gawin. F-ck!
Halos mabaliw siya sa paghahanap kung nasaan ang dalawa pero hindi niya makita. Hanggang sa tila biglang umikot ang kanyang paningin at hinila siya ng dilim.
Nagmamadaling dinalang muli ang hinimatay na dalaga ng mga nurses at doktor sa kwartong inukopa nito. Hindi naman magkamayaw si Emily nang makita ang hinimatay na kaibigan. Ano ba talaga ang problema? Palibhasa'y ang daming lihim ng kaibigan niyang ito. Duda nga niya mag-ama sina Mateo at Caleb. Magkamukhang-magkamukha ang dalawa. Napalunok si Emily. Patay siya kay Norain. Pero hindi naman nito sinabi agad sa kanya. Napakamot siya sa kanyang buhok na tila akala mo may kuto. Wala sa sariling kumuha ng isang grapes si Emily at kinain iyon. Lagot na!
***
"Another lies, Norain?! Damn it!" halos dumagundong ang boses na iyon ni Mateo sa looban ng kwartong inukopa ni Norain.
Napatakip si Norain sa dalawa niyang tenga. Naguguluhan na rin siya. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag sa binata kung ayaw naman siya nitong paniwalaan.
Sinuntok ni Mateo ng malakas ang isang glass table. Isang suntok lang ay nabasag agad nito iyon, napatalon sa gulat si Norain. Galit na galit ang anyo ng binata. Hindi niya alam kung paano ito pakalmahin. Damn that Montenegro temper! Kinakabahan siya. Pansin niya ang duguang kamao nito. Ramdam niya ang paghihirap sa kalooban na iyon ni Mateo.
Hindi niya alam kung saan siya mag-uumpisa. Pero paano niya maipapaliwanag sa binata kung ayaw naman siya nitong pakinggan pa? Kasalanan rin naman niya ang lahat. Napaluha na lamang si Norain. Narinig niya ang malakas na pagbalibag ng pintuan ng kanyang silid.
Makaraan ang ilang minuto ay pumasok ang isang taga-linis ng kwarto. Tahimik lang itong naglilinis sa mga basag na bubog. Pagkatapos maglinis ng taga-linis ay saka naman pumasok sina Emily at ang masiglang si Caleb.
"Mommy, look what I've got, tito Mateo brought me this expensive toys!" halata sa anyo ng bata ang labis na galak, ngunit ang galak na iyon ay napalitan ng pagtataka, mabilis na lumapit sa kanya si Caleb at niyakap siya ng buong higpit.
"Mom, why are you crying? Please mommy you can tell me, I don't wanna see you crying, Is there's something wrong, mom?" ngumiti si Norain sa anak at ginulo ang buhok nito saka ito niyakap at hinagkan sa noo.
"No, honey. Just don't mind this tears of mine, I'm fine promise," sagot ni Norain sa anak. She showed her right palm to Caleb, for him to believe. Mabuti na lang at nakumbinsi niya ito, pero batid niyang nagdadalawang-isip pa rin ang anak. Tila ba pinag-aralan ang kanyang kinikilos. He really looks like his father. Ang kilos, galaw, and specially those lips when it twitched sensually.
Hindi naman nagtagal sina Norain sa ospital. Nang akmang babayaran na niya ang kanyang bill nang biglang sabihin ng nurse na bayad na ang lahat. Naalala na naman niya si Mateo. Natatakot siya sa muli nilang pagkikita, ano kayang hakbang ang gagawin nito kung sakali?
Sumakay sila ng taxi patungo sa kanyang apartment. Nang makarating na sila, napansin ni Norain ang kotse ni Dylan, umibis agad ito mula sa sariling kotse. Seryoso ang anyo nito. Unang umibis sina Caleb at Emily, palibhasa'y excited si Caleb na makitang muli at makasama ang daddy Dylan nito.
"Daddy!" bulalas ni Caleb at nakangiting kinarga agad ito ni Dylan sa kanyang bisig. Hinagkan siya ni Caleb sa pisngi. At saka nito ibinida ang laruang binili ni Mateo dito.
Sumulyap si Dylan kay Norain. Tila nagtatanong ang mga mata nito. Nagkibit-balikat lang ang dalaga. Wala siya sa mood na pag-usapan pa iyon. She was so exhausted. Gusto na niyang magpahinga sa totoo lang. She needs to relax her mind para harapin ang panibagong banta ni Mateo. Paniguradong may gagawing hakbang ang binata. Paano kung kunin ni Mateo si Caleb sa kanya?
"Please, Dylan," pagod na daing ni Norain sa binata.
Lumapit si Emily kay Dylan para kunin si Caleb dito. Agad namang tumalima si Caleb. Naiwan sina Norain at Dylan. Maagap na hinapit ni Dylan si Norain sa maliit nitong bewang palapit sa kanyang katawan.
"Let go of me, Dylan. Please...," pakiusap ni Norain.
"Get off your hands on her!" halos mayanig si Dylan sa baritonong tinig na iyon ni Mateo.
Napalingon si Norain kay Mateo. Halos nag-aapoy sa galit ang mala-asul nitong mga mata. Mabilis ang kilos na naghiwalay sila ni Dylan. Kumuyom ang mga kamao ni Dylan. Habang nagtangis naman ang mga bagang ni Mateo.
"Dylan, please. Umalis ka na," mahinang tugon ni Norain sa binata. Walang nagawa si Dylan kundi ang umalis. F-ck! Pinaharurot agad nito ng takbo ang sariling kotse.
Nagpakawala ng marahas na hininga si Norain. Damn! Naiilang siya sa mga titig na pinukol sa kanya ng binata. Tila ba tumatagos iyon sa kanyang kaibuturan.
"I'm tired Mateo, kung aawayin mo lang ako, please bukas na lang," muli'y pakiusap ni Norain.
Hindi siya sinagot ng binata. Tinalikuran siya nito at tinungo ang looban ng kanyang apartment. Nagulat si Norain. At anong plano ng lalaking 'to? Damn! Sumunod siya dito.
"Hey, kid!" tawag ni Mateo kay Caleb. Nanlaki ang mga mata ni Caleb at nagmamadaling lumapit kay Mateo.
"Tito! You surprise me!" bulalas ni Caleb sa binata. Walang mapagsidlan ang tuwa ni Mateo nang maramdaman niya ang munting kamay ni Caleb na nakahawak sa kanya. Hinila siya ng bata at ipinakilala sa ina nito. Kunway ngumiti siya kay Norain at ganon din ang dalaga. Best actress and actor tuloy sila sa harapan ng walang kamuwang-muwang na bata.
Kailangan nilang maging okay sa harapan ni Caleb. Walang choice sina Mateo at Norain kundi ang makipag plastikan sa isa't isa.
Samantalang nagulat si Emily nang makitang muli ang binata. Ang biglaang pagsulpot nito sa kanilang apartment. Kasalukuyan siyang naghahanda sa paliligo ni Caleb.
"Caleb, halika na. It's time for you to take your bath," malumanay na tawag ni Emily sa alaga. Agad namang nagpaalam saglit si Caleb sa binata.
Naiwan sina Mateo at Norain sa may maliit na salas. Binalot sila ng nakakabinging katahimikan. Ngunit si Mateo ang bumasag sa katahimikan na iyon.
"By tomorrow aalis kayo dito, ililipat ko kayo sa mansion kung saan nababagay ang anak ko," pinal na sabi ni Mateo kay Norain na labis na ikinagulat ng dalaga.
At least kasama siya. Akala niya tuluyan na siyang ilayo ni Mateo kay Caleb. Pero kung gagawin naman ni Mateo na ilalayo siya kay Caleb paniguradong magtataka ang bata.
"Ikaw ang bahala, salamat," tanging naisagot ni Norain kay Mateo.
"But there's one condition," pigil hininga si Norain sa kondisyon na sinasabi ng binata.
"Papayag ako basta para sa ikabubuti ni Caleb," matapang niyang sinalubong ang naninimbang na mga mata ni Mateo.
"How many more lies, Norain?" sarkastikong wika ni Mateo at naupo ito sa may couch at naka de kwatro.
Hindi siya makasagot sa sinabing iyon ni Mateo. Ramdam niyang hindi na siya paniniwalaan pa ng binata. Ilang kasinungalingan pa ba ang itinatago niya sa binata? Kung alam lang nito kung gaano kasakit sa parte niya ang magparaya. Mahal na mahal niya si Mateo pero mas mahal niya ang kanyang, never mind.
"Oh really? Well, I want you to marry me! Gusto kong bigyan ng kompletong pamilya ang anak ko, hindi ko na kailangan pang itanong sa iyo ang katotohanan, dahil hindi naman maipagkakaila na anak ko si Mateo. At isa pa, I don't believe you anymore, your such an ultimate lier," batid niya ang panunudyo sa boses ng binata.
Nagulat siya nang inilapag ni Mateo sa may mesa ang isang maliit na envelope. Nagtataka si Norain at nakatitig sa mala-asul na mga mata na iyon ng binata. Nagtatanong ang mga mata ni Norain. Pinukol lang siya ng tila nakakalokong tingin ni Mateo.
"Why don't you try to open that
f-cking envelope!" bakas sa boses ni Mateo ang pinipigilang inis.
Agad naman iyong pinulot ni Norain at nagulat siya ng makita ang DNA test result ni Mateo at ni Caleb. 100% positive. Ngunit agad rin siyang nakabawi. Gustuhin man niyang sabihin kay Mateo ang totoo pero malabong mangyari iyon. Wala nang tiwala sa kanya si Mateo.
"Ma'am handa na po ang hapunan," agaw pansin ng isang katulong ni Norain. Inaya niya ang binata sa hapunan. Pinaunlakan naman iyon ni Mateo. Batid ni Norain ang malamig na pakikitungo sa kanya ng binata. Ibang Mateo ang kasama niya ngayon. Tila may munting kirot sa kanyang puso.
Kung alam lamang nito ang lahat ng mga pagpaparaya niya. Ang tanong, kamumuhian siya ng binata. Baka mapatay pa siya ni Mateo. Kahit sino'y magagalit sa napakagaga niyang desisyon. Pero kung talagang mahal siya ni Mateo makikilala siya nito. Pero tama bang linlangin niya at pagsinungalingan ang binata?
Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Norain. Patawarin sana siya ng binata sa lahat. Kinakabahan siya kung sakaling matutuloy ang kasalan na sinasabi nito. Paano niya pakikiharapan si Mateo kung ibang Mateo ang nakikita niya ngayon? Feeling niya napakalayo nito sa Mateo na kilala niya.
"Mommy! Tito!" bulalas ni Caleb. Ngumiti si Norain nang makita ang excited na anyo ni Caleb at mabilis naupo si Caleb sa upuan na malapit kay Mateo, naglambing ito kay Mateo. Damn! Naramdaman ni Norain ang guilt sa kanyang kalooban.
Nakita niya kung gaano nakagaanan ng loob ni Caleb ang sarili nitong ama. Pinipigilan niyang mapaluha. Siguro sa tamang panahon. Pero hanggang kailan niya maitatago ang sikretong pinakatagu-tago niya? Hindi ba't walang sikretong hindi nabubunyag? Ipagpasa-Dios na lamang niya siguro ang lahat. Total, matagal na niyang inihanda ang sarili.