"Hanggang kailan mo sisirain ang buhay nina Norain at Mateo, Ara?" inis na tanong ni Yana sa pinsan. Halos mabaliw siya sa kakaisip sa napaka-risk na ginawa ng bruha niyang pinsan. "Pwede ba Yana itikom mo na lang iyang bibig mo! Buhay ko ito at wala kang pakialam!" asik ni Ara sa kanya. Sa labis na inis ni Yana ay maagap niyang napigilan ang braso ni Ara. "Paalala lang, huwag mong subukan si Mateo, alalahanin mo, Ara, isa pa ring Montenegro ang binabangga mo!" may diing tugon ni Yana sa huling salita. "Pero may alas pa rin ako, Montenegro pa rin si Caleb, at siya ang magiging tulay ko para mahalin ako ni Mateo!" "Huh, huwag kang pasisiguro dahil alam mong hindi bobo ang isang Montenegro, siguraduhin mo lang na mapa-panindigan mo ang pagsisinungaling kay Norain na kunwa'y kapatid ka