Kabanata 2

2457 Words
N C Flowers, ang pangalan ng flowershop na itinayo ni Norain. Hindi naman siya nahirapan sa pagpapatakbo niyon lalo na't may mga contact na siya na mga kliyente na gustong magpadeliver sa kanya. Alam niyang napaka-risk at napaka-challenges na magtayo ng ganitong negosyo, wala namang problema dahil may passion siya sa mga floral arrangements and design, for her, opening a flower shop may sound like the ideal business venture. "Bhe, saan ko ba ito ilalagay?" tanong ni Jahmal, isa itong muslim na naging kaibigan ni Norain. Ngumiti siya sa kaibigan. "Diyan nalang sa may mga rack shelf at bamboo rack, bhe," sagot niya sa kaibigan. Pagkatapos niyang maisaayos ang mga bulaklak ay tinungo ni Norain ang farm kung saan nandoon ang iba't ibang klaseng bulaklak na siya niyang binebenta. Nagpasalamat siya sa Dios dahil maganda ang naging takbo ng kanyang flowershop. May maliit na nipa-hut doon kung saan pwede siyang magpahinga at sumilong. Nililipad ng sariwang hangin ang kanyang maikling buhok, pumikit si Norain at dinama ang sariwang hangin na tumatama sa kanyang balat. May mga puno ng talisay at may isang duyan din. Maramig mga bulaklak ang paligid ng maliit na nipa-hut. Kasama niya doon ang aso niyang si White. Isang Belgian Malinosis dog na bigay sa kanya ni Dylan. Tumahol si White nang makita siya at hinaplos ang ulo nito. Pumasok siya sa loob ng nipa-hut at kumuha ng dog food para pakainin si White. Pansin niyang nagugutom na ito. Nilagyan niya ng tubig ang lagayan ng tubig ni White. Pagkatapos ay kinuha niya ang kanyang cellphone. Na-miss niyang magbasa ng mga stories sa Dreame at Yugto. Naupo siya sa may couch at saka nag-umpisang magbasa ng isang Rom-com story. Napaiyak, tumatawa, at minsa ay naiinis siya habang nagbabasa. Nang biglang marinig niya ang tinig na iyon ni Jahmal. "Bhe, may naghahanap sa iyo, jusko bhe ang gwapo. Kliyente raw natin siya? I'd try to check the book list pero wala naman akong makitang Mateo Montenegro. Laglag panga ko bhe, sobrang hot! Jusmiyo!" kinikilig na turan ni Jahmal sa kanya halos mabitawan niya ang cellphone na hawak ng marinig ang pangalan ng binata. Damn. At anong ginagawa ng hudyong ito dito sa flowershop niya? Wala siyang choice kundi harapin ang binata. Nagpakawala muna siya ng marahas na hininga bago tumayo mula sa kinauupuan. "Where is he now?" seryosong tanong niya kay Jahmal. "Nasa salas bhe, hindi ba't anak siya ni fafa Mike Montenegro?" Naiiling na lamang siya sa inakto ng kaibigan. "Yes bhe, and I hate that bastard!" asik na sabi niya sa kaibigan. Biglang tumahimik si Jahmal. Parang may war siyang naaamoy na mangyayari. Sumulyap siya sa kasama nilang staff na si Hector na isang bakla. "Hoy bruha! Puno na oh," tawag pansin niya sa bading na kasamahan nila na tila nag-daydreaming ang gaga sa hot na si Mateo. Hindi kase nito napansin ang basong puno na ng juice at sige pa rin ito sa pagbuhos sa hawak nitong pitsel. "Ay, jusko kaloka!" hiyaw ng bobitang bakla. Nagkatawanan sila. Saka sila nagpatuloy sa ginagawa. May past ba sina Mateo at Norain? Napaisip si Jahmal. Pagdakay parang baliw na ngumisi. Gustuhin man niyang makiusyuso kaya lang pinigilan niya ang sarili. Tinungo na lamang niya ang mga bulaklak na nakalagay sa basket for delivery. Halos magwala ang puso ni Norain nang makita ang swabeng porma ni Mateo. Makalaglag panty lang ang hudyo! Damn it! She hold her breath in a minute. Damn, he was so f-cking hot in his skyblue polo. May bitbit pa itong pumpon na mga rosas. Para sa kanya ba iyon? Come on, Norain. Alalahanin mo, sinaktan ka niya ng todo hindi ka pa rin ba nadadala? Huwag boba! Ani ng kanyang isipan. Sh-t! Kailangan niyang may mahawakan for support dahil baka matumba siya sa sobrang kaba. Her knees are trembling. F-ck! Taas-noo niyang hinarap ang gwapong binata. Halos malusaw siya sa paraan ng pagtitig nito sa kanya. Gusto niyang kunin ang mala-asul nitong mga mata at itapon sa labas ng flowershop niya. "And what brought you here, asshole!" inis na bungad niya sa binata. "Courting you," halos himatayin si Norain sa pagka-prangka ng hudas na nasa harapan niya ngayon. Damn it! Kung sabunutan kaya niya ang walangyang lalaking 'to? "What?! Are you sick?" inis na sagot niya sa binata. "Then touch me," napalunok si Norain sa paraan ng pagkakasabi ni Mateo sa salitang iyon. She was imagining the first night that they've made love. What the! Norain, remember the past. Muli'y paalala niya sa sarili. Umirap siya sa binata at inis na hinila ito palabas ng kanyang flowershop. "Could you please get out of here?! Your ruining my business!" salubong ang kilay ni Norain ng sabihin iyon kay Mateo. "Is that how you handle your customer? What if kung ipasara ko itong flowershop mo, sa tingin mo posibleng gawin ko iyon?" banta ni Mateo sa dalaga. Sa inis ni Norain ay marahas niyang kinuha ang isang pumpon na bulaklak mula kay Mateo at hinampas niya iyon sa binata sa sobrang inis. Napuno na siya sa bwisit na lalaking 'to. "Ang kapal ng mukha mong hayop ka! Layas!" sigaw ni Norain. At muli'y akmang tutuhurin niya ang hita ng binata nang biglang magsalita si Mateo. "Try to kick my balls again and I'm sure that I'm gonna give you a damn worst punishment!" may awtoridad na banta ni Mateo sa dalaga. "I don't care either, asshole!" saad ni Norain at walang-gatol na tinuhod ang pagitan ng hita ng binata. Mabuti nalang at maagap si Mateo. Sa inis niya'y mabilis ang kilos na binuhat niya ang dalaga na parang isang sako lang ng bigas. Nagpapadyak si Norain at sinusuntok nito ang likod ng binata. "Put me down, Mateo! Damn you! At saan mo ako dadalhing bwiset ka!" nanggigil sa inis si Norain. "To punish you, my lady," pilyong sagot ni Mateo at pagdakay pinisil ang maumbok na pwet ni Norain. Nanlaki ang mata ng dalaga ng maramdaman ang pagpisil ng binata sa kanyang pwet. "F-ck you!" malutong na mura ni Norain. At saka siya nagmalikot sabay padyak at suntok sa matigas na likod ng binata. Naiwang nakatulala ang mga staff ni Norain sa flowershop, pati si Jahmal ay nagulat din sa nangyari. Is that for real? Mateo Montenegro kidnapped her boss. Oh no! Magtatawag na ba sila ng police? Pero ang tanong, paniniwalaan ba sila ng police. Ka-chicka lang niya ang isang kasamahan kanina na may past nga talaga ang dalawa. So, it was confirm! Ang swerte ng kaibigan niya hindi ba? "Hi Jahmal, order ako ng isang pumpon na bulaklak, para sa iyo," biglang ngumuso si Jahmal. Narito na naman ang asungot niyang manliligaw. "Mukha mo!" asik niya at mabilis na umalis sa harapan nito. "Hoy bruha! Ba't mo ba pinagsusungitan si fafa Radji? Ang hot kaya niya, at alam mo bang mayaman 'yan lukaret ka!" palatak ni Hector at nagpa-cute sa gwapong si Radji. Umirap lang si Jahmal at ipinagpatuloy ang ginagawa kanina. Inayos niya ang mga bulaklak sa rack. Ni hindi niya tinapunan ng tingin si Radji na ngayo'y kasalukuyang kausap ni Hector. *** "Aw! Damn you!" inis na napahiyaw si Norain nang mauntog ang ulo niya sa kotse ni Mateo. "That's not my fault, kung hindi ka sana nagmalikot hindi ka mauuntog, I just want to court you, ikaw lang naman itong o.a kung makapag-react," balewalang tugon ni Mateo sa dalaga. Napaka-langya talaga ng lalaking 'to. Hinarap niya ito at pinanlilisikan ng mga mata. Punong-puno na siya sa kagaguhan ng lalaking nasa harapan niya ngayon. "May pa-pa-punishment ka pang nalalaman hudyo ka, at ano na namang kagaguhan ito, Mateo?!" inis na sita ni Norains sa binata. "What are you talking about? Could you just shut up, I've told you already, I just want to court you," pinipigilan ni Norain ang sarili na huwag hampasin ng bag ang binata, kanina pa siya nanggigigil sa galit dito. Ang kapal talaga ng mukha ng hudyong ito, hindi ba nito naaalala ang lahat ng pasakit na ibinigay nito sa kanya noon? What the heck! "Stop the car!" sigaw niya sa binata. At sa inis ni Mateo ay mas lalo pang binilisan ng binata ang pagpapatakbo ng sariling kotse. Tila parang sumakay si Norain sa isang roller coaster. Damn it! Aatakehin yata siya sa puso sa sobrang bilis na pagpapatakbo ng binata. Natigil siya sa pagtalak at kumapit ng mahigpit sa kanyang seatbelt. Sumulyap si Norain sa rearview mirror, nakita niya kung paano tumaas ang sulok ng labi ng binata. F-ck, Mateo for being such an asshole. Nagulat si Norain nang ihinto ni Mateo ang kotse nito sa isang restaurant na pagmamay-ari ng mga Montenegro. Inis na tinanggal niya ang seatbelt at pinukol ng matalim na tingin si Mateo na ngayo'y feeling gentleman. Mabilis na umibis si Norain sa kotse ng binata nang hindi sinasadyang matapilok siya, mabuti na lang at maagap si Mateo. "Too excited do you?" nakangising turan ng binata sa kanya. Pero pucha! Ilang libong kuryente rin ang nanalaytay sa kaibuturan ni Norain ng maramdaman ang pagdaiti ng kanilang katawan. The feeling is familiar, ngunit kailangang labanan iyon ni Norain. "Neknek mo!" mahina lang na pagkakasabi niya sa binata. "Behave, Norain. This is our date, just enjoy the ambiance of this romantic place. Come on, sa rooftop tayo," bulong ni Mateo sa kanyang punong-tenga. Halos mapaigtad siya sa mainit na hininga ng binata. Sh-t! Ayaw rin naman niyang gumawa pa ng eksena. Nakakahiya rin iyon, lalo na't ang CEO pa ang kasama niya. Ayaw rin naman niyang maging unprofessional dito lalo na't nasa public place sila. Hindi mapigilan ni Norain na mapairap sa tuwing may babaing lumalapit kay Mateo para makipag-usap dito, tingin naman ni Norain halos lahat ng mga babaeng lumalapit dito ay naikama na ng pervert na lalaking 'to. Ngunit nang nasa rooftop na sila biglang naglaho ang inis ni Norain. Ang ganda ng lugar. It was so perfectly romantic. Kita ang mga city lights. May napansin siyang mesa na halatang pinaghandaan ni Mateo. "Let's start our dinner date," hinila agad siya ng binata at tinungo ang isang mesa na may scented candle sa gitna. At may mga bulaklak pa, with red carpet pa. Ipinaghila agad siya ni Mateo nang upuan. Asikasong-asikaso siya ng binata. Pero hindi pa rin nito mababago ang galit niya. He hate him so much. Sa tuwing naaalala niya ang nangyari noon. Pinipigilan ni Norain ang huwag mapaluha. "Ano ba talagang gusto mo, Mateo?" seryosong tanong niya sa binata. "To win your heart again," simpleng sagot ni Mateo. "What? At sa tingin mo papayag ako? Matapos mo akong saktan noon, sa tingin mo ba gano'n nalang iyon kadaling kalimutan? Naririnig mo ba ang sarili mo, Mateo?" sa inis ni Norain ay marahas siyang napatayo sa kinauupuan. "I know, but past is past, Norain. Could you please stop talking about that f-cking past!" inis na ring tugon ni Mateo. "Wow! F-cking past? Bakit, Mateo. May alam ka ba kung anong nangyari noon? Alam mo ba kung paano ako naghirap?" hindi na napigilan ni Norain ang sarili at tuluyan na siyang napaluha. "How will I know, for pete's sake, Norain. Puno ka ng sikreto, puno ka ng kasinungalingan. Damn. Kung hindi ko pa pinagbantaan ang Sy na iyon malamang hindi ko siya mapaamin sa totoong status ninyong dalawa!" nanggalaiti na rin si Mateo sa galit. Hindi makapagsalita si Norain. Kaya pala confident ang ugok na ito na dalhin siya dito at i-treat ng date. Damn. Hindi niya masisisi si Dylan. Lalo na't marami ang maaapektuhan kung sakaling bumagsak ang negosyo nito. Maraming mawawalan ng trabaho kung sakali. Kawawa naman ang mga employees nito. "Ganyan ba talaga kayong mga Montenegro, mga walang-puso? Ni hindi man lang ninyo iniisip ang mga taong mawawalan ng trabaho? Ha?!" marahas na nilapitan ni Norain si Mateo at sinuntok ang matigas dibdib ng binata. "Don't you dare judge the Montenegro's, aaminin kong tuso kami, pero hindi kami ganon kasama gaya ng inaakala mo! Pumapanig kami sa katwiran. At sa tingin mo ba hahayaan naming mawalan ng trabaho ang mga taong nagtatrabaho sa mga kompanyang kinamkam namin. Of course not! We have our own process how to handle employees!" may awtoridad na pahayag ni Mateo kay Norain. Napansin ni Norain kung paano nito ipinaglaban ang apelyidong Montenegro. Hindi siya nakasagot doon. Biglang kinabahan si Norain sa awra na iyon ni Mateo. The powerful beast are so pissed off. Damn it! Napalunok siya. "And about the past that your talking about, alam mong babaero ako hindi ba? At alam mong babae ang unang lumalapit sa akin, at sa tingin mo ba may nangyari talaga sa amin? Hindi ba't naghesterikal ka kaagad. Ni hindi mo ako binigyan ng pagkakataong magpaliwanag, tapos sisisihin mo sa akin ang lahat?" "Oo, dahil sa iyo nakunan ako, Mateo! Dahil sa pesteng pangyayaring iyon namatay ang anak na ipinagbubuntis ko. Ano, masaya ka na?! Kaya mahirap sa akin na tanggapin ka ulit! Ang kapal ng mukha mong magpakita sa akin na tila walang nangyari?!" panay ang pag-agos ang mga luha ni Norain. Tulala ang binata. Damn it! Hindi niya alam. Tila nanlulumong napaupo si Mateo. Bigla siyang nawalan ng lakas. Saka bumalik ang lahat ng mga alaala, ang mga pangyayaring nahuli siya ni Norain na may kahalikang babae sa mismong condo unit niya. Pagkatapos no'n bigla na lang nawala si Norain na tila parang bulang naglaho. Pinahanap niya ito sa kung saan pero hindi ito matagpuan ng kanyang mga tauhan. O sadyang magaling lang talagang magtago ang babaeng ito? "Why, Norain. Bakit hindi mo sinabi sa akin agad na buntis ka pala nang araw na iyon?" mababakas sa mukha ng binata ang labis na sakit at pagdurusa. Pinoproseso pa ng utak niya ang sakit at pangungulila sa anak. "Paano ko sasabihin sa iyo, Mateo. Hindi ba't nahuli nga kitang may katalik na ibang babae? At sa tingin mong gago ka masasabi ko pa iyon sa iyo kung puno ng galit at pagkamuhi ang puso ko! Hetong lintik na pusong ito na nagkamaling ibigin ang isang walang kwentang lalaking kagaya mo!" "You shut up! May kasalanan ka rin dahil nagpadala ka sa emosyon mo? Ba't hindi ka pumasok noon sa kwarto para man lamang alamin ang tunay na pangyayari? Kung talaga bang may kababalaghan akong ginagawa! Lintik na emosyon na iyan. Alam kong kilala mo si Ara pero gaga ka kung maniniwala ka sa kanya!" sigaw ni Mateo. Isa si Ara sa mga flavor of the month noon ni Mateo na super obsessed sa binata. Hindi lingid iyon kay Norain dahil lahat ay sinasabi ni Mateo sa kanya. Hindi man naging official ang kanilang relasyon ni Mateo noon pero hindi siya manhid para hindi maramdaman ang pagmamahal na iniukol ni Mateo sa kanya noon. Regarding Ara, alam niyang hindi mapagkakatiwalaan ang babaeng iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD