"I know you still love me, Norain. I can sense it," sarkastikong saad ni Mateo sa kanya. Habang mahigpit itong nakahawak sa kanyang isang braso. Nakakatunaw ang mga titig nitong tila nanunuot sa kanyang kaibuturan. Hiling ni Norain na sanay bigyan ng sapat na lakas ang kanyang dalawang tuhod dahil hindi na siya magkamayaw sa sobrang panginginig nito. Sh-t!
Ngumisi lang ng mapakla si Norain at mabilis na pumiksi mula sa pagkakahawak kay Mateo. "I don't know what your talking about, asshole! Now, let go of me!" mahina lamang ang pagkakasabi niya sa binata, iniiwasan niyang gumawa ng eksesna at baka marinig sila ng mga nagsidatingang magkapareho sa malawak na balcony na iyon.
"No, I won't. Hangga't hindi ko nakukuha ang gusto ko," his deep voice sent shivers down her spine. Damn this man!
Napalunok si Norain. Kilala niya si Mateo. Hinding-hindi ito titigil hangga't hindi nito nakukuha ang gusto nito. Halos magsitayuan ang buhok niya sa batok. Amoy niya ang mabangong hininga ng binata at ang init ng hininga nito'y parang binubuhay ang bawat himaymay ng kanyang kaibuturan. No way! Kailangan niyang labanan kung ano man ang nais nitong mangyari. Hindi pa rin nagbabago si Mateo. He was still the damn playboy Montenegro!
Napakislot siya. He was now teasing her earlobe. Pinipigilan ni Norain na huwag magpadala sa init ng laman. Pinipilit isinisiksik sa kanyang isipan ang lahat ng sakit na iniwan ni Mateo sa kanya. Ang sakit na hinding-hindi niya malilimutan. Sakit na kailanman ay magpahanggang ngayon ay naging anino na hanggang sa panaginip ay sinusundan siya nito.
"You betrayed me, and I hate you!" poot ang naghari ngayon sa puso ng dalaga, hindi ba't nahuli niya itong nakipagtalik sa ibang babae? Pero ang tanong, hindi naman naging sila no'n ni Mateo hindi ba? Pero ganoon pa rin iyon. Niloloko pa rin siya nito at sinaktan. Pinaasa siya nito. Pinaglaruan, then here he is, claiming her in one easy f-cking way? No! She won't allowed this bastard to ruin her life again. Never!
"You hate me because you still like me, and you'd loved me, hindi ba't tama ako?" naramdaman niyang muli ang mahigpit na pagkakahawak ni Mateo sa kanyang isang braso. Nakakatakot ang mga matang iyon. Ang kulay asul nitong mga mata ay may puno ng pagbabanta. Na tila ba may dalang malakas na alon para wasakin ang tahimik niyang buhay.
"Wow, just wow! Dati iyon, Mateo pero damn you ikaw ang unang sumira!" hindi na napigilan ni Norain ang sarili, nadala na naman siya ng kanyang emosyon. Bumabalik ang lahat ng sakit. Ang lahat ng sakit na tanging si Mateo mismo ang dahilan.
Sa inis ni Mateo ay hinila siya nito sa madilim na hardin, wala na siyang magagawa pa dahil mas malakas sa kanya ang binata. Damn, Mateo for hurting her. Hindi ba't tahimik na ang buhay niya? Ba't ba bumalik pa ito sa buhay niya? Akala niya makakatakas na siya sa nakaraan pero hindi pa pala.
Biglang tumunog ang kanyang cellphone. Pero hindi siya pinayagan ng binata na sagutin iyon. Tiyak niyang si Caleb ang tumatawag. She missed him already. May problema kaya ito? Inis na hinablot ni Mateo ang kanyang shoulder bag at itinapon iyon. What the heck! Sa inis niya'y itinulak niya ng marahas si Mateo at kinuha ang kanyang shoulder bag. Nang mapasakamay na niya ang sariling cellphone, nagulat si Norain ng kunin iyon ni Mateo mula sa kanya.
"I need to answer that call, Mateo. Kailangan kong sagutin si..., Caleb. Please..," pakiusap niya kay Mateo.
Nagtagpo agad ang dalawang kilay ni Mateo. Tila ba iniisip nito kung sino si Caleb. Napansin agad ni Norain ang pagtangis ng mga bagang nito nang mapansin nito ang pangalan na nasa incoming call. Inis na in-off iyon ng binata.
"Who's Caleb? Boyfriend?" sarkastikong tanong ni Mateo sa kanya.
Hindi sinagot ni Norain ang tanong na iyon ng binata. Wala na itong karapatang malaman pa kung anong nangyayari sa buhay niya, hindi ba't heto ang dahilan ng pagkawasak ng kanyang puso? Kaya wala itong karapatang malalaman ang ano pa man. Sinayang nito ang pagmamahal na iniukol niya para dito noon. Ipinangako niya sa sarili na hinding-hindi na siya magpapadala sa mga matatamis nitong dila. At paninindigan niya iyon.
"Akin na ang cellphone ko, Mateo!" inis na nilapitan niya ang binata at mula sa kamay nito ay akmang kukunin niya ang muling nag-ring niyang cellphone, nang biglang sadyain ni Mateo na itapon iyon sa may fountain.
Sa inis ni Norain ay tinuhod niya ang binata sa pagitan ng hita nito. Sapul si jr. At mabilis ang kilos na pinuntahan ni Norain ang fountain. Huli na, dahil basang-basa na ang kanyang cellphone. Bigla siyang binundol ng kaba. Sira na ang kanyang cellphone.
F-ck! Inis na napahawak si Mateo sa kanyang alaga. Damn it! Hindi niya akalaing magaling pala sa karate ang babaeng 'to! Napangiwi siya sa sakit. Nang lapitan siya ni Norain ay marahas pa siya nitong itinulak sa may bermuda grass.
"You deserved that you f-cking asshole!" galit na galit na tugon ni Norain at nagmartsa na siya paalis ng party na iyon. Taas noo siyang umalis ni hindi niya nilingon ang binata. Pero deep inside of her, na-guilty siya sa ginawa. Parang sumusobra naman yata siya. Hindi ba? Bahala na si Batman. She needs to see Caleb at baka magtampo ito, matampuhin pa naman iyon.
***
"Oh, ba't ganyan ang hitsura mo? Para kang binagsakan ng langit at lupa?" palatak ni Emily na yaya ng kaniyang anak na si Caleb.
"I'm just so tired and exhausted, Em. By the way, where's Caleb? I'm sure na nagtatampo na naman siya sa akin," malungkot na saad niya.
"Ba't naman kase hindi mo sinagot ang tawag niya, kanina pa siya tumatawag sa iyo, pinatay mo raw ang tawag niya. Iyan tuloy nagtampo agad ang baby boy mo," ani ni Emily sa kanya.
Nagpakawala ng marahas na hininga si Norain. Nang biglang tumunog ang doorbell. Paniguradong si Dylan ang nasa labas. Agad na binuksan ni Emily si Dylan.
"Good evening! Where's my baby boy?" masiglang bungad nito sa kanila. Lumapit ang binata kay Norain at hinagkan siya sa pisngi.
"Nasa kwarto niya sir, nagtatampo sa mommy niya," si Emily ang sumagot sa tanong na iyon ng binata. Sumulyap si Dylan kay Norain. Nangalumbaba lamang ang dalaga.
Nag-iisip si Norain kung paano susuyuin ang anak. Palibhasay may pinagmanahan. Hindi niya akalaing lahat ng features ng ama nito ay makukuha nito. Siguro nga grabe ang dugong-bughaw, ika nga ng mga matatanda.
"What happen, Norain? Ba't nagtatampo si Caleb?" hinarap agad siya ni Dylan. Nagpakawala muna ng malalim na buntong-hininga si Norain saka sinagot ang tanong na iyon ng binata.
"I didn't answered his call. Look, I didn't mean that," problemado niyang sagot sa binata. Ngumisi lang si Dylan at masuyo siya nitong niyakap saka siya hinagkan sa kanyang noo.
"Don't worry I conviced him," saad ni Dylan. Ngumiti siya sa binata at saka niyakap ito ng mahigpit.
"Thank you," sagot niya dito. Pinisil nito ang kanyang ilong. Ngumisi siya at saka niya ito mahinang hinampas sa braso. Agad na nagpaalam si Dylan sa kanila at pumanhik sa kwarto ni Caleb.
"Siguro na miss mo rin si Lance, parang kailan lang no, pero bilib ako sa batang iyon, responsableng bata sa mga kapatid niya," palatak ni Emily.
Ngumiti si Norain. Yes, of course! Her first baby, si Lance. Ngayon ay binatilyo na. Mana sa mga Del Fuego. Ang batang inakala ni Mateo noon na anak nila ni Hercules. Ipinilig ni Norain ang ulo at saka tinawag ang isang kawaksi, inutusan niya itong ihanda ang kanilang hapunan. Agad naman itong tumalima.
Iniisip niya pa rin kung paano lambingin ang anak. Napahilot siya sa sariling sentido. Mahirap pa naman lambingin si Caleb.
Makaraan ang ilang minuto ay nakarinig siya ng mga yabag. Nang mag-angat siya ng tingin kasama na ni Dylan si Caleb. Hindi maipagkakaila na isang,... never mind. Ni hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin.
"Your mom is already home, how about your welcome kiss for her?" ani ni Dylan kay Caleb. Hindi ito sumagot, nanatili pa rin itong nakanguso.
Nang tuluyan nang makapanaog sa hagdanan ang dalawa ay agad na lumapit si Norain sa anak. "I'm sorry honey, my phone got lost, that's why," pagsisinungaling ni Norain sa anak. Kung hindi sana nangulit ang bwisit na Mateo na iyon, hindi sana magkakaganito ang kanyang anak. Damn that jerk!
Nakatitig lang sa kanya ang seryosong mukha ng anak. Naalala niya si Mateo sa paraan ng pagtitig ni Caleb sa kanya. Nagpakawala siya ng marahas na buntong-hininga at niyakap ang anak.
"I'm sorry mom," tanging naisatinig ni Caleb. Tila nabunutan ng tinik si Norain ng naramdaman ang munting braso nito na yumakap sa kanyang likod. It felt so good to feel his tiny hands. Her one and only son who give her strength. Her precious treasure. Hindi niya yata kakayaning malayo sa kanya ang anak.
Kinarga niya ang limang taong gulang na si Caleb sa kanyang bisig at sabay na silang dumulog sa hapag-kainan. Inalalayan siya ni Dylan. Agad na pumulupot ang braso ng binata sa kanyang bewang. Pinaghila pa siya ng binata ng upuan at saka naupo si Norain.
Asikasong-asikaso ang mag-ina ng binata. "How about you, ayaw mo bang kumain?" puna ni Norain sa binata.
"I'm enjoying seeing the both of you happy, Norain," nakatitig lang si Norain sa gwapong si Dylan.
Dylan Sy is a multi-billionaire businessman who owned a lot of company cars. Ang lalaking matagal ng nanliligaw sa kanya. Matagal na niyang tinapat ang binata pero tila para itong bingi at hindi nakikinig sa mga sinasabi niya. Kung pwede lang sanang maturuan ang puso na magmahal.
"Dad, thank you for bringing me some toys, I love it very much," masiglang hirit ni Caleb. Ngumiti si Norain sa tinuran ng anak, sinubuan niya ito habang kumakain sila ng dinner.
"Welcome honey," masiglang sagot ni Dylan kay Caleb.
Nang matapos sila sa dinner. Masayang naglalaro sina Dylan at Caleb sa may balcony habang nasa living room naman si Norain. She was sending Hercules a resignation letter. Kailangan na nilang lumayo ni Caleb. Mabuti na lang at may ipapalit na siya bilang sekretarya ni Hercules. Si Alyana na bestfriend ni Aialyn.
Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Norain ng mai-send niya ang resignation letter through mail. Napasandal siya sa couch at pumikit sandali, trying to relax her stress mind and system. Nagulat siya nang makita sa balintataw niya ang nakakalokong ngisi ni Mateo. Napadilat siya sabay kuyom ng kanyang dalawang kamao. Damn it!
Sumulyap siya kay Dylan. Ngumiti siya dito. He was now carrying her little Caleb who was peacefully sleeping in his bare arms. Sumenyas ang binata na dadalhin na nito si Caleb sa sarili nitong kwarto. Tumango siya kay Dylan.
Makalipas ang ilang minuto ay narinig niya ang papalapit na yabag ng kung sino, hindi na siya nag-aksaya pang lingunin iyon dahil alam naman niyang si Dylan lang naman iyon. Hindi ba't sila lang naman ang tao dito sa maliit niyang apartment?
"So, your here alone?" halos mapatalon sa gulat si Norain ng marinig ang pamilyar na boses na iyon ni Mateo. Mabilis na tumayo siya sa kinauupuan at hinarap ang binata, napansin niya ang isang kawaksi na nakatingin sa kanya ni hindi man lang ito makatingin ng diretso sa kanyang mga mata, ni hindi ito nagsasalita, takot at pangamba ang mababakas sa anyo ng mukha nito.
"Pa-paano mo nalaman ang address ko?" tila nauutal niyang tanong sa binata. Agad na bumangon ang sobrang kaba sa dibdib ni Norain. Napuno iyon ng labis na kaba at tila nahihirapan na nga siyang huminga kasabay ng panginginig ng kanyang tuhod. Sh-t! Ngunit hindi siya sinagot ni Mateo.
"Babe? May bisita ka pala?" pukaw ni Dylan sa nag-uumpisang iringan nilang dalawa ni Mateo. Pero hindi maitatago sa boses nito ang sarkasmo nang makita si Mateo Montenegro. Lihim namang nagpasalamat si Norain sa timing na paglitaw ni Dylan.
Agad na lumapit si Dylan kay Norain at mabilis na pumulupot ang braso ng binata sa maliit na bewang ng dalaga.
"Oh, Mr. Sy. I never thought na magkakilala pala kayo ni Ms. Gacrama?" puno ng sarkasmo ang boses na iyon ni Mateo.
Pansin ni Norain ang kakaibang titig ni Mateo, waring pinag-aaralan ng binata ang bawat kilos at galaw nila ni Dylan. Lihim na napuno ng inis ang puso ni Norain. Poot at galit iyon, pero hindi nawawala ang mabilis na pagkabog ng kanyang dibdib. Natatakot siyang malaman nito ang isang malaking sikreto na bubulabog dito.
"Yes, and I'm his boyfriend Mr. Montenegro, is there any problem?" may panunudyo na sagot ni Dylan kay Mateo.
Pansin ni Norain ang kakaibang titig na binabato ni Mateo sa katabi niyang si Dylan. "Problem? And why was that became a problem?" balik tanong ni Mateo kay Dylan. Hindi nakasagot si Dylan sa sagot na iyon ni Mateo. Kilalang mautak ang mga Montenegro kaya aaminin ni Dylan tagilid talaga siya 'pag kausap ang isa sa mga ito.
Tumikhim si Norain. "Anong kailangan mo, Mateo?" may diing tanong ni Norain sa nakatiim-bagang na binata. Tumatagos hanggang kaluluwa ang tingin na iyon ng binata sa kanya, tila ba nahipnotismo siyang sabihin dito ang totoo. F-ck, no way!
"Claiming you," diretsahang sagot ni Mateo sa kanya. Napalunok si Norain. Naramdaman niya ang mahigpit na paghawak ni Dylan sa kanyang bewang. Damn it! Kailangan niyang kumbinsihin si Dylan na maging kampante, baka magkagulo pa at marinig sila ni Caleb.
"Honey, please.. hayaan mo siya, hindi naman niya magagawa iyon, remember ikakasal na tayo hindi ba?" tumaas ang kilay ni Norain nang sumulyap siya kay Dylan. Tila naman nagulat si Dylan sa kanyang sinabi at agad na na-gets ang nais niyang mangyari. Walang choice si Norain kundi ang magsinungaling.
"Stop fooling me around, Norain. Oras na mapatunayan kong may itinatago ka sa akin na nakapa-importanteng bagay, make it sure na hinding-hindi ko iyon malalaman. And you, Mr. Sy, you know how I play the cards in a one swift to win it," may pagbabantang saad ni Mateo at mabilis itong nawala sa kanilang harapan.
"F-ck!" malutong na mura ni Dylan. Napahilot siya sa sariling sentido. Alam niya kung paano maglaro sa negosyo si Mateo. At iyon ang ikinabahala niya, pwede nitong ibagsak lahat ng meron siya. Ano nang gagawin niya ngayon?
"Hey, come on relax. At ba't ka ba nagpapaapekto sa baliw na iyon? At ba't parang tila takot na takot ka kay Mateo? Ano bang meron ang mga Montenegro at kinatatakutan sila, could you just explain it to me clearly?"
"They are powerful in terms of business, Norain. Mautak sila pagdating sa negosyo, at kaya akong ibagsak ni Mateo sa isang iglap lang. Yes, I have all the connections pero hindi ko alam ang takbo ng utak ng taong iyon, palibahasay mana sa kapatid niyang si Lucas," inis na turan ni Dylan. Damn it! Baka maapektuhan ang negosyo niya.
"Mas mabuti pa Dylan, iwasan muna natin ang isa't isa. Ayokong madamay ka pa sa gulo namin ni Mateo. Kasalanan ko naman ang lahat ng ito. Sana nga lang hindi niya malaman ang pinakatagu-tago kong sikreto," biglang bumalong ang mga luha ni Norain nang muli na naman niyang maalala ang malagim na sinapit. Damn it! Her little angel. Saka siya napahagulgol.
Naramdaman niya ang masuyong pagyakap sa kanya ni Dylan. She could feel his hands caressing her hair gently. Tila ba sinasabi nitong tahan na.
"I'm here, baby. Please don't cry," alo ni Dylan sa kanya at saka nito masuyong hinagkan ang buhok ni Norain.