IKA-PITONG KABANATA [7]

1339 Words
Conrad stood transfixed, habang nag-matsa naman paalis si Julia mula sa bulwagan ng kasiyahan kasunod ang nang-gagalaiting binata na si Cef. It was too damn late, finally he realized. Masyado na niyang nasaktan ang dating maamong tupang walang ka-amor-amor na tinaboy niya mula sa kanya. It’s like he had fallen for his own damn precious trap. Sa mga mata ni Julia kanina, walang bakas ng dating damdamin nito sa binata ang maaaninag, tanging muhi at galit. Parang pinapatay tuloy ng konsensya ang buong pagka-tao ni Conrad. Have he really been that mean and rough to Julia? Siguro nga ay naging ganid nga siya. Simula naman ng bumalik siya sa San Martin ay iyon ang pinakita niya sa dilag kaya’y hindi na nakapagtatakang siya mismo ang umubos sa siyam na taong pag-mamahal sa kanya ni Julia. ‘Pagmamahal?’ napatanong siya sa kanyang isipan habang pinapanood ang pamatsa palayo ni Julia mula sa kinatatayuan niya. Kung tutuusin, ngayon lang umamin ng direkta sa harapan niya ang dilag ng matagal nitong pag-mamahal sa kanya. Kahit na haltang-halta na ito noon pang pagka-dating niya sa Hacienda, hindi niya inakalang magiging malaking epekto sa kanya ito ngayon. Dahil sa sidhi ng pag-aasam sa paghihiganti, isang inosenteng dalaga na ang tanging ginawa lang ay mag-mahal ang nadamay at nasaktan. “Isa ngang sumpa ang lugar na ito.” ngitngit ng kalooban ng binata. Hindi lang ang buhay ng Mama niya ang nawala dahil sa haciendang ito, pati ang dati niyang pagkatao na binaon niya sa limot dahil sa masasamang alaalang kalakip ng lugar na ito kung saan siya lumaki. Dahil sa haciendang ito, kaya ang isang katulad niya ay gagawin ang lahat para makapag-higanti. Hindi alintana sa kanya ang mga mata ng mga taong naka-pokus pa rin sa kanya dahil sa eksenang naganap sa pagitan nila ni Julia at Cef. Mabilis niyang binagtas ang daan papunta sa loob ng Mansyon para dumiretso sa opisina ng lolo niyang si don Lucio. Alam niyang dito rin ang punta ng dalawa, lalo’t kitang-kita niya sa mga mata ng dilag ang determinasyong pigilan ang kasalang magaganap sa pagitan nilang dalawa. “Don Lucio… Hindi po ako pumapayag sa gusto ninyo.” Mariing sambit ni Julia pagka=pasok na pagka-pasok pa lang nila ni Cef sa opisina ng matanda. Napatayo agad si Don Lucio mula sa payapang pagkaka-upo dahil sa gulat sa dilag. “Julia, Hija?” nagtatakang sambit ng matandang Don at lumapit sa kinatatayuan ni Julia. “Pag-isipan mo muna hija. Hindi ka dapat magpa-dalos dalos sa desisyon mo.” Akma sanang tatapikin ng don ang balikat ng dalaga pero umiwas ito. Nanatili ang matigas na ekspresyon nito na tila walang balak bawiin ang sinabi niya. “Hindi po, don Lucio. Hindi ko po masisikmurang pakasalan ang apo ninyo.” Walang nagawa ang matanda kundi map-iling sa sinabi ni julia at agad siyang napatingin sa pinto nang pumasok ddon si Conrad saka tinuunan ito ng maka-hulugang tingin. “Hija. Calm down. Let’s talk this out.” Mahinahong sagot ni don Lucio. “Let’s all have a sit.” May awtoridad sa tono ng matanda kaya’t lahat ay tumalima. Umupo katabi ni Julia si Cef habang si Conrad nama’y umupo sa hiwalay na upuan. Mahabang katahimikan ang namayani, pinakiramdaman ng don ang atmospera sa pagitan ng dalawang panig at naramdaman niyang tanging ang panig lang ni Julia ang nag-ngingitngit sa galit. Hindi niya alam kung ano nanaman ang ginawa ng apo niyang si Conrad, pero nakaka-sigurado siyang hindi na simpleng biro ang nangyayari ngayon. Tumikhim muna siya bago muling nag-salita para mamagitan sa tahimik na palitan ng tingin nina Conrad at Cef. “Look. Julia hija. Hindi ko naman kayo minamadali. I’m still strong and---“ “Hindi po ang oras ang tinutukoy ko. Ayoko ko po talagang pakasalan ang apo ninyo,” pagdidiin ni Julia at pinukulan ng matalim na tingin ang binatang si Conrad. “Alam kong hindi ikatutuwa ng yumao kong ama kung malalaman niyang mahahati ang pinaghirapan ninyong hacienda dahil saakin. Pero, Alam kong mas malulungkot siya kung sa GANID na tanging hinangad lang ay MANA ako mapapakasal.” Ofcourse, every bit of those words ay tumama ng malalim sa matayog PRIDE ni Conrad, pero he didn’t show it in his face. Pinanatili niya ang matigas niyang ekspresyon na tila isang batong hindi tinamaan ng mga masasakit na salitang ibinato ng dilag sa kanya. “Look, Hija. Don’t be too harsh with your decisions. I really like you to be part of the family. Hindi ko naman kayo minamadali ni Conrad. Go work this out together in the next coming years. I’m sure, Conrad won’t mind at all.” Mabilis na agap ng matanda at tinignan ang apong si Conrad. Tumango si Conrad, giving off the same enthusiastic smile, tulad ng nakasanayan niyang ipakita kay Julia. Nakita niya ang pag-guhit ng sakit sa mga mata ng dilag. That pleases him. Nangangahulugan lang ito na hindi poot ang nararamdaman ng dilag sa kanya, pag-mamahal iyon. Kabiguan sa pagmamahal. “Sure, I don’t mind at all.” Matapos ng mga katagang iyon ng binata ay mabilis na tumayo si Julia. “Tht won’t change my decision. Hindi ako pakakasal Don Lucio. And most importantly, hindi na ko mananatili sa Haciendang ito. Sa susunod na linggo, lilipat na ko sa bayan. Ipagpapatuloy ko na ang pag-aaral ko. Kaya po sana i-respeto ninyo ang desisyon ko.” Nag-martsa paalis ng opisina si Julia. In her tone, in her heart, in her eyes… Lahat ng mga iyon ay napupuno ng sakit na hindi niya maipapaliwanag. Seeing Conrad’s reaction na para bang wala lang dito ang mga sinabi niya ay nakadagdag sa sakit na nararamdaman niya ngayon. Mas nasaktan pa siya sa mga katagang sinabi niya kay Conrad kesa sa katotohanang wala siyang halaga sa binata. Akma nang susunod si Cef sa dilag pero pinigilan siya nga kamay ng matandang Don at sinenyasan ang apong si Conrad na tila ba pinasusunod sa dalaga. “Conrad. Fix this mess.” May babala sa tono ng matanda. “Lolo! How can you do this to Julia! Nakita mo namang ayaw niya na kay Con------“ natigilan sa pagkontra si Cef nang sa kanya pumukol ang makamandag na titig ni Don Lucio, “L-Lolo..” “Go now, Conrad.” Huling sambit ng don na tila ba wala siyang narinig na pagtutol mula kay Cef. Mabilis namang tumalima si Conrad at lumabas ng opisina para sundan si Julia. Hinding-hindi na siya masasaktan pa para sa lalaking iyon. Ito ang panumpa ni julia sa kanyang sarili. Hindi man niya maamin, mahirap na kalimutan ang nararamdaman niya para kay Conrad. Siyam na taon din siyang nagpaka-tanga. Siyam na taon! For goodness sake! Paanong mawawala sa damdamin niya ng ganoon kabilis si Conrad? Walang kung anong mahika ang maaaring magpatigil ng kahibangan niya dito kundi ang sarili niya. Tanging ang sarili niya lang! “Tama na.” umiiyak na saway niya sa sarili habang naglalakad sa hardin ng Mansyon ng mga San Martin. Pilit niyang pinapakalma ang sarili niya, ayaw niyang makita ng kahit sino na ganito ang kalagayan. Miski si cef na lam niyang sumunod sa kanya ay ayaw niyang ipakita ang kalunos-lunos na itsura niya ngayon. “Julia..” narinig niyang may tumawag sa kanya mula sa likuran. Hindi niya ito nilingon. Sigurado naman siyang si Cef iyon. “Julia.” Muling tawag nito. “Cef, Please. Gusto ko munang mapag-isa.” Basag ang tinig niya. Ayaw niyang humarap sa kahit kanino nang ganito ang kalagayan niya. Hindi dapat siya nagkakaganito para sa lalaking wala nang ginawa kundi saktan siya. Just when she thought na mag-isa na siya, saka niya naramdaman ang pag-hila at pag-akap sa kanya ng taong inaakala niya si Cef. But she was wrong, nanlaki agad ang mga mata niya nang mapag-tantong hindi iyon si Cef. She knows that fragrance.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD