Helpless, ganito mailalarawan ang sitwasyon ni Julia habang walang palag na nakakulong sa bisig ni Conrad na inaangkin ang labi niya. Tila ba umikot ang mundo niya nang magdikit ang mga labi nila.
It was new to her, pakiramdam niya’y tanging ang mga bisig lang ng binata ang pumipigil sa kanya na lumutang and reach for the stars. Ngunit sa gitna ng napaka-gandang panaginip na ito na matagal niya nang inasam, isang bangungot ng katotohanan ang sumampal sa kaniya sa sandaling pagka-limot.
Marahas na tinulak niya si Conrad palayo, finally turning back to her senses. Kung maaari niya lang murahin at pagalitan ang sarili niya dahil sa ginawa niyang pag-bigay sa binata ng pagkakataong ito ay gagawin niya pero hindi, hindi dapat siya mag-mukhang tanga sa harap ng lalaking ito. Alam niyang napaka-baba ng tingin sa kanya nito at hindi niya hahayaang mas bumaba pa lalo ang tingin nito sa kanya.
Tulad nga ng sinabi ni Cef, nandito siya para patunayan ang pagkatao niya kay Conrad. Para ipa-alam sa kanya na hindi lang isang hamak na anak ng magsasaka si Julia Maniego, siya ang tagapag-mana ng kalhati ng Haciendang ito at magkakamatayan muna sila bago nito maagaw ang karapatang matagal nang itinago sa kanya.Isang matunog na sampal ang dumampi sa pisngi ni Conrad. Dumb-founded and shaken because of the kiss, hindi rin inaasahan ng binata nagagawin iyon ng dilag.
At mas lalong hindi niya inaasahang madadala siya sa pag-halik kay Julia. Balak niya lang nakawan ito ng halik para maakit ito pero it turns out that….siya ang nawala sa control. Hinawakan niya ang pisnging sinampal ng dalaga at umangat ng tingin dito. He could clearly see that she is more shaken that him, at sumisilip na ang mga luhang pinipigilan nito sa pag-tulo.“Don’t you dare do that again Mr. San Martin kundi mag-asawang sampal na ang mapapala ng pisngi mo!” nang-gagalaiting sambit ni Julia, forcing herself not to shout para hindi maka-agaw pansin sa mga taong nakamasid sa kanila. “Ito na ang huli Conrad, ito na ang huling pagkakataon na hahayaan kitang kutyain ang pagka-tao ko!”Lalakad na sana palayo si Julia ngunit hinablot muli ng binata ang braso niya.
Sa pagkakataong ito, hindi lang simpleng hawak sa braso ang ginawa ni Conrad. He was hurting her, mahigpit niyang hinawakan ang braso nito at sa bawat pagpupumiglas nito ay lalo pa niya itong hinihigpitan. “Get off me! Bitawan mo ko!” mariing utos ng dilag pero hindi niya ito pinansin, nagpatuloy siyang pukulan ito ng matalim na tingin. “N-Nasasaktan ako! Ano ba----“Napa-pikit na lang si Julia nang hilahin siya muli palapit ng binata.
Whipering softly to her ears. “Ano bang akala mo Julia? I did that on purpose?” malumanay na tumawa ito. “You are mistaken, dear. I simply did that para tikman ang labi ng babaeng papakasalan ko. And whether you like it or not, I’ll make sure na makakasal tayo.. Got that?
Hindi ang katulad mo lang ang sisira sa inaasam kong Hacienda, Julia Maniego.”Nag-dilim ang ekspresyon ng dalaga, ang mga luhang kanina niya pa pinipigil ay nagsi-hulugan na. tama, ito na nga. Ito na ang ang Conrad na nagkukubli sa imahe ng kababatang minahal niya noon. Isang sakim, sakim sa mamanahin kayamanan.
Isang malaking pagkakamali na umasa pa siyang bumalik ito dahil sa kanya sapagkat ang pagbabalik nito ay para sa Hacienda at wala nang iba pa.
Isa nga siyang hibang! TANGA! “B-Bitawan mo ko! Bitaw! Ngayon na!” pinagpapalo niya ang matipunong dibdib nito kung saan naka-dausdos ang mukha niya.Watching from a distance, hindi na nagustuhan ni Cef ang nakikita niya.
Tila iba na kasi ang ginagawa ni conrad kay Julia, kahit pa umaaktong nakikipagsayaw ito sa dilag, iba nababasa niya sa mga mata nito. May pinag-uusapan ang dalawa at nakakasigurado siyang may hindi tamang nangyayari.
Ngunit bago siya makahakbang papalapit sa kumpol ng sayawan ay may ingay na namayani mula sa stage.“Mic test, mic test.. Everyone, may I get your attention please.” Boses iyon ng matandang Don na si Lucio kaya’t lahat ng mga bisita ay napatingin sa malaking entablado, even Conrad and Julia’s conversation was cutted dahil sa Don.
“Just watch and learn, Julia. Malalaman mo kung bakit hindi ka na makakatangging pakasalan ako.” Kinilabutan ang buong pagkatao ni Julia sa bulong na iyon ni Conrad.
Hindi niya maipaliwanag ang kabang nararamdaman niya. Posible nga kayang mawawalan siya ng choice kundi magpa-apak ng pride at pakasalan ang may-sa-demonyo niyang kababata? Just the thought of it scares her.
Kaya’t tumahimik siya, hindi na siya nanlaban at hinintay na mag-salita ang don na nasa entablado. Muttering an oath sa utak niya kung sakaling may hindi siya inaasahang sabihin ng matanda sa buong San Martin.
“Good evening everyone, bago ninyo ipagpatuloy ang kasiyahang nasimulan natin ngayong gabi. I would like to thank all of the guest who had spared time para maka-punta sa salo-salong ito.” Panimula ng Don. “As we all know, every occasion has their very own reasons. At kaya ko inimbitahan ang lahat dahil may mahalaga akong ihahayag sa buong San Martin.”
A smile curved sa labi ni Conrad nang balingan sila ng tingin ng matandang Don mula sa entablado. “Smile, Little Juliet. After this night, titingalain ka na ng mga taga-San Martin.” Muling bulong niya sa tenga ni Julia na pigil ang pag-hinga dahil sa tensyong nadarama. “You won’t be a mere farmer’s daughter anymore… You’ll be like Cinderella with her missing glass shoes.”
“Alam nating lumilipas ang panahon, humihina na rin ako at sa mga susunod na panahon, hindi ko na makakayang pamahalaan ang Hacienda mag-isa. Kaya gusto kong malaman ninyong lahat….. Kung sino ang MGA tagapag-mana ng Hacienda de San Martin!”
Lahat ay nagulat sa inihayag ng Don. Hindi dahil sa ipamamana na niya ang Hacienda kundi sa sinabi ni Don Lucio na hindi lang isa ang mag-mamana ng lupain. Iba sa inaasahan nilang ‘NAG-IISANG TAGAPAG-MANA’ na si Conrad. Umingay ang paligid at napuno ng bulung-bulungan, pala-isipan kung sino pa ang isang tagapag-mana. Napakapit nang mahigpit si Julia sa braso ni Conrad, kaya’t nangiti muli ang binata. His plan is going so damn well. Samakatuwid, siya ang nag-suggest kay Don Lucio ng kasiyahang ito at pina-alam niya rin sa Don ang pagsang-ayon niya sa kasalang nais nitong maganap. At ngayon, sa pagkagat ng matanda sa kanyang patibong, nakaka-sigurado siyang sa kanya ang tagumpay.
“Ipinapakilala ko, ang dalawang tagapag-mana ng Haciendang ito!”
Isang nakapang-bubulag na liwanag ang suminag sa direksyon nina Julia at Conrad. Halos hindi mamulat ng dilag ang mga mata niya. Ito na nga, ito na ang pagkakataong kinatatakutan niya. Ang pag-hahayag ng tunay niyang pagka-tao. Ang pag-gulo sa matiwasay nilang buhay ng kanyang ina at kapatid. Ito na ang gabi ng pagtatapos ng lahat ng iyon, lahat ng payak na pamumuhay nila ay magsisimula nang mag-bago. “Ang aking apo, Si Conrad Sy San Martin….. at ang Panganay na Maniego, si Julia!”
Sabay ng malakas na hiyawan atv pagka-gulat, isang tinig ang nangibabaw, “Ngunit, Papa!’ tinig iyon ni Donya Cerefina, ang ina ni Cef na anak ni Don Lucio. “Bakit isang hamak na Maniego lang ang-----“
“Hindi siya isang hamak na Maniego lang, Cerefina, anak. Siya ang nagmamay-ari ng kalhati ng Haciendang kinatatayuan mo ngayon. Ang kanyang amang si Eleonor ang kasama kong bumuo ng Haciendang ito kaya’t karapatan ng batang iyan na angkinin ang dapat ay sa kanya!” mariing katwiran ni Don Lucio at muling hinarap ang nagulat na mga panauhin.“At sa mga susunod na taon, nais kong sila’y kapit-bisig na patakbuhin ang Hacienda kaya’t kung mamarapatin nila’y tulad ng napag-kasunduan siyam na taon nang nakakaraan, nais ko silang mapag-isang dibdib sa oras na ako’y mahina na at wala nang kakayahan na pamahalaan ang Hacienda. Aking hinihiling na sana’y respetuhin ninyo sila tulad ng pag-respeto ninyo sa akin sa mga nag-daang taon ng pamamahala ko rito. Maraming salamat sa inyong lahat! At Mabuhay ang HACIENDA DE SAN MARTIN!”
Isang masigabong palakpakan ang maririnig matapos ang speech ni Don Lucio. Lahat ng mga mata’y nasa dalawang tagapag-mana ng Hacienda, kina Julia at Conrad. Nanghina ang buong katawan ni Julia at halos matumba na mula sa pagkakatyo, kundi nga lang umalalay ang binatang kasayaw ay malamang ay napadaus-dos na siya sa sahig. Mabilis na dinala ni conrad si Julia sa isang upuan. Kitang-kita niya ang pamumutla ng labi nito at ang paghabol nito sa hininga. “Didn’t I told you already? You’ll have no choice.” Mapanuyang sambit niya.
Tinignan ng dilag nang masama ang binata at saka mabilis na tumayo. “Planado mo ang lahat? Plinano mo na ang lahat para mawalan ako ng pagkakataong tumanggi sa inaalok mo? Walang-hiya ka!”
Bago pa dumampi muli ang mga kamay niya sa pisngi ni Conrad ay nasalag na ito ng binata, akma sanang hihilahin si Julia upang muling tuyain ngunit isang kamao ang bumagsak sa mukha niya kaya’t lumagapak siya sa sahig. Sa pag-angat niya ng ulo ay nakita niyang akap ni Cef ang kawawang dilag at masama ang tingin sa kanya. “Tigilan mo na, Conrad. Wala kang karapatan na harasin ng ganito si Julia.”
Dahan-dahang tumayo si Conrad mula sa pagkakabagsak at hinarap ng may nakakalokong ngiti si Cef. ‘may lahi ka ring pakielamero no? Cef? Why don’t you give me and my future bride a private time, hindi yang nakikisawsaw ka sa usapang hindi ka naman kasali?”
Aambahan pa sana ni cef ng isa pang suntok ang mahanging pinsan pero pinigil ni Julia ang kamao niya. “Sandali lang Julia, kahit isa lang, para magtanda ‘tong pinsan kong sira-ulo at malaman niya kung pano rumespeto ng babae!’
“Tama na, cef! Tama na!” pagsusumamo ni Julia, ramdam niya na gumagawa na sila ng eksena sa kasiyahan dahil lahat ng atensyon ay nasa kanila na. Muli siyang tumingin kay conrad at nagbigay ng matalas na titig. “Remember this, Conrad Sy San Martin.. Gagawin ko ang lahat wag lang akong makasal sayo.. At sisiguraduhin kong hindi mo makukuha ang inaasam mong buong Hacienda. Tandaan mo ang araw na ‘to.. Ang araw na kinamuhian ka ng isang Julia maniego na minahal ka ng siyam na taon!”