"C-Conrad?" nanlaki ang mga mata ng dilag na si Julia nang makilala niya ang yumakap sa kanya. Kasabay ng bugso ng mga luha niyang nagpapatakan mula sa mga mata niya, nabuhay din ang poot sa dibdib niya. Hindi ito galit sa binatang si Conrad, kundi galit sa sarili niya. Sa sarili niyang hindi niya mapigil sa totoo niyang nararamdaman talaga para sa binata. Mahal niya nga talaga ito, at ni hindi iyon nalamatan ng mga kasamaang ipinakita sa kanya nito. "B-Bitawan mo ko." pagpupumiglas ng dalaga at marahas na pinagpapalo ang matipunong dibdib ni Conrad nang mas higpitan pa nito ang yakap sa kanya at hilahin pa siya nang mas malapit. Pilit na kinakalma ng binata ang nagwawalang dalaga sa kanyang bisig. Ngayon niya lang naramdaman ang intensidad ng mga ginawa niya. Ngayon niya lang naramdaman