IKA-UNANG KABANATA [1]

1123 Words
Walang bakas ng ngiti ang mukha ni Conrad nang bagtasin niya ang kanyang dinaanan papasok sa loob ng napakalaking mansyon ng mga San Martin. Lahat ng mga mata ay nakapako sa makisig na binata. Karamihan sa mga ito ay mga tauhan ng Hacienda at mga dalagang umaasang lilingunin sila ng magiging tagapagmana ng buong hacienda na ito. Ang prinsipe ng mga San Martin!  Ngunit hindi nag-abala  si Conrad na batiin ng ngiti o kawayan man lang ang mga ito. Especially because he swore that that he won't be nice to anyone in this place. Hindi kahit kanino, dahil hindi niya kakalimutan na itinakwil na siya ng lugar na ito. Nine years ago when everything fell out of their favor. "Now, they'll pay the price." Lihim na bulong niya sa kanyang isipan at unti-unting kumurba ang ngisi sa labi. Saka niya lang napagpasyahang bigyan ng pansin ang mga taong sabik sa kanyangf pagdating. Oh yes! He'll play nice for now. Isang prinsipeng maglilingkod at maasahan ng lahat ng tao dito. Pero sa oras na siya na ang magmana at humawak ng Hacienda na ito, ipapaalala niya sa lahat ang ginawa nila sa kanyang ina. Higit pa roon ang ipaparamdam niya sa mga ito. Napasinghap si Julia nang masilayan sa wakas ang nakangiting mukha ni Conrad, sa kabila ng maraming tao ay pinilit niyang makipag-siksikan matanaw lamang ito. Sa paningin niya'y sa kanya kumakaway at ngumingiti ang kababatang si Conrad. Hibang na nga yata siya! Sa sobrang sabik niya na makita ito'y halos hindi na niya naalala pang huminga, humugot siya ng malalim na paghinga nang mapansin niyang halos hinihingal na siya bunga ng sobrang kasiyahan. Siya pa rin ang lalaki na matagal na niyang hinihintay. Ang tinatangi na nagpakasal at nanumpa sa kanya noong siyam na taon at musmos pa lamang siya. "Conrad, hindi pa ko nakakalimot. Hindi pa." Nangi-ngiting bulong niya at hinagkan ang singsing sa kanyang daliri. Nang kumagat ang dilim ay nagsi-alisan na nag mga trabahador na sumalubong sa bagong dating na si Conrad. Nanatili ang dilag sa kanyang kinatatayuan, umaasang makikita muli ang kababata. "Ate Julia." Mahinang tawag ni Ella sa kapatid at hinawakan ang kamay nito para pigilan ang akma nitong pag-pasok sa mansyon. "Ella. Alam mong kailangan ko itong gawin." Mariing sambit ng dilag at tinabig ang kamay ng dalagitang kapatid.  "Ayoko lang masaktan ka dahil umasa ka sa wala." May himig ng lungkot na  sagot ni Ella at inakap ang nakakatandang-kapatid. "Paano kung hindi ka na niya naaalala?" "Masaktan man ako, ginusto ko iyon." Gumuhit ang ngiti na puno ng sinseridad sa labi ni Julia. "Kung sakaling limot na ko ni Conrad, hindi ko pagsisisihang hinitay ko ang pagbabalik niya. Walang mali sa pagmamahal, Ella." "Miss Julia Maniego?" Isang tinig mula sa likuran ang gumambala sa pag-uusap ng magkapatid kaya kapwa napagitla ang dalawang dilag. Isang makisig na lalaki na nagtra-trabaho sa mansyon pala ito. "B-Bakit ho?" Nauutal na tanong ng dilag at hinagit sa kanyang likuran si Ella.  "Pinapatawag po kayo ni Don Lucio sa opisina niya." Sagot ng lalaki.  Si Don Lucio, ang lolo ni Conrad at ang nagmamay-ari ng malaking hacienda na ito ay pinapatawag siya? At siya lamang ba? Bakit naman ipapatawag ng Don ang isang hamak na anak ng mambubukid sa opisina nito? Kumunot ang kanyang noo sa ideyang iyon. "Bakit daw po niya pinapatawag si Ate?" Matapang na sabad ni Ella. "Some important matters that will only be discussed between Miss Maniego and Don Lucio." Tipid na sagot ng lalaki. Napakamot ng ulo si Ella. Palibhasa'y mangmang na bata at probinsyana, hindi niya ito lubusang naintindihag ang winika nito. "Ano raw sabi niya, Ate?" Lihim na bulong niya sa kanyang Ate Julia. Natatawang binatukan ni Julia ang kapatid at tumango. "Sige, pupunta na lang ako doon mag-isa. Iuuwi ko muna 'tong kapatid ko. Salamat." "What did you just say?" Gulat na gulat na tanong ni Conrad sa matandang Don ng Hacienda at marahas na ihinampas ang mga kamay niya sa ibabaw ng lamesa na nasa harapan ng nito. "Me? Getting Married? That must be a big joke." "Calm down, Conrad." Mahinanong pakiusap ni Don Lucio at dahan-dahan na sinuri ang reaksyon ng apo. "I guess your father didn't tell you bago ka pumunta dito. Maybe he fears na pag nalaman mo ang kundisyon ko ay bigla kang umatras sa pagpunta rito. I have to admit, that's very wise of him." Nanlaki agad ang mga mata ng binata nang mapagtanto ang ibig iparating nito. Kaya pala tipid din ang mga sinabi ng kanyang ama tungkol sa proseso ng kanyang pagmamana.   "You mean, para ako ang magmana ng Hacienda de San Martin. I need to get married?" Tumango si Don Lucio habang pinapanood ang pag-usbong ng ppanibugho sa mukha ng apo. "Yes, Conrad. Not just to be married. You need to marry a certain someone." Nahinto ang pag-uusap ng mag-lolo nang marinig nilang bumukas ang pintuan ng opisina. Kapwa silang lumingon sa direksyong iyon. Nakayukong pumasok ang dalagang si Julia sa opisina ng Don. Mula sa labas kasi'y naririnig na niya ang sigawan ng dalawa, bagama't hindi niya masyadong naintindihan ang pinagtatalunan nila.  "Ah, mawalang galang lang po." "Don't you know how to knock?" Galit na singhal ng binatang si Conrad sa kanya. "S-Sorry po. Pinatawag daw po kasi ako ni Don." Agad ding natigilan sa pagsasalita ang dilag nang i-angat niya ang ulo niya "C-Conrad?" Gumuhit ang pagtataka sa mukha ng binata nang tawagin ni Julia ang pangalan niya. "Yes, I'm Conrad. And you are?" Parang isang balde ng mainit na tubig ang bumuhos sa kamalayan ni Julia nang marinig niya ang maikling tanong na iyon. Tila sumisigaw sa kanyang isipan na tama nga ang mga hinuha ni Ella. Nagpapaka-tanga siya para sa wala, umasa siya ng siyam na taon sa taong hindi na siya naaalala. Limot na siya nito. Ngunit sino nga ba siya para maalala nito?  Kahit pa hindi siya nagpakilala dito, nakikita niya sa mga mata nitong hindi na talaga siya naaalala ng binata. Miski ang singsing na suot niya'y tila hindi nito binigyang pansin. Lumipas na nga ba talaga ang dating Conrad na kilala niya?  Bakit hindi niya maramdaman dito ang kabaitang nagustuhan niya dati dito? Si Conrad nga ba ang kaharap niya ngayon? May kirot man sa dibdib, pinanatili ni Julia ang matigas niyang ekspresyon. Kailangan niyang pigilin ang lahat. Kahit ang damdaming nagtutulak sa kanya na ipagpilitang ipaalala kay Conrad ang nakaraan ay pinipigilan niya rin. Kinagat ng dilag ang kanyang labi upang magtimpi at huminga nang malalim bago magsalitang muli. Lumihis ang tingin niya mula kay Conrad papunta sa naka-upong Don.  She ignored Conrad's question. Nakita niya ang pagkayamot sa mukha ng binata nang mapansin ang paglihis niya ng tingin. "Don Lucio, bakit po ninyo ho ako pinatawag?" Tanong ni Julia sa matanda at tuluyang nilagpasan si Conrad upang lumakad sa harap ng lamesa ni Don Lucio. "Hija. You are just in time." Napangiting bati nito sa kanya at muling tumingin kay Conrad. "Apo. Meet your bride-to-be. Julia Maniego. "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD