ANG PANIMULA

1721 Words
Panahon ng tag-sibol, kaya't nagsisipag-mulaklakan ang mga bulaklak sa hardin ng Hacienda de San Martin. Sa gitna ng napakagandang tanawin sa lugar, masisilayan ang dalawang siyam na taong gulang at walang kamuwang-muwang na musmos na sina Julia at Conrad. Magkahawak-kamay silang naglalakad papunta sa tila altar na dinesenyuhan ng bunbon ng iba't ibang klase ng ligaw na halaman. Sa kanilang inosenteng isipan, isa itong tunay at masayang pagiisang-dibdib tulad ng madalas nilang masaksihan dito sa hacienda. "Tenten! Tenen! Tenten! Tenen!" Hinihimig ng mga kalaro nila ang ritmo ng martsa para sa kasal hango sa totoong tugtugin na maririnig sa simbahan. Matapos nito'y tumigil ang dalawang musmos sa harapan ng altar. "Julia, tinatanggap mo ba si Conrad bilang iyong kabiyak?" Anang batang tumatayong pari sa kasal-kasalang iyon. Matamis na ngumiti si Julia at nilingon ang kalarong si Conrad bago sumagot. "Opo, father." "Ikaw Conrad, tinatanggap mo ba si Julia bilang iyong asawa, sa hirap at ginhawa - " Hindi pa natatapos ang tanong ng paring kalaro ay bibo nang sumagot si Conrad. "Opo naman, Father! S'yempre!" Matapos nang tanungang iyon ay nagpalitan sina Julia at Conrad ng singsing. "O, h'yan ah. Simula ngayon, kasal na tayo." Mabilis na ninakawan ni Conrad ng halik sa pisngi ang kalaro at pilyong ngumisi. Agad namang pinamulahan ang batang si Julia, dahil iyon ang kanyang unang halik. "Ibig sabihin ba 'non, mag-asawa na tayo?" "Hoy. Susmeng bata ka, 'kay aga-aga ay! Tulog pa rin ang diwa mo? Buwang ka na Julieta? Ba't ngumi-ngiti ka d'yan mag-isa?" Pambubulabog ng isang matandang babae sa naka-pangalumbabang si Julia na tulalang nagbabantay sa tinadahan at tila di narinig ang sinabi niya. Mabilis namang natauhan si Julia mula sa malalim na pag-iisip. "Ah, Aling Mila! Pasensya na ho. Iyong deliveries ba? Kay Nanay na lang po sa likod bahay." "O siya, sige. Salamat. Uminom ka ng kape, hija. Baka makatulog ka na naman d'yan at wala kang ma-benta." Bilin ng matanda bago tuluyang pumunta sa likod bahay. Napasipat ng noo si Julia at nagbuntong-hininga. Nalunod na naman kasi siya sa nakaraan. Muli na naman siyang nagbabalik-tanaw sa masasayang alaala kasama ang kababatang si Conrad.  Sa totoo lamang, sariwa pa sa alaala niya ang mga pangyayaring iyon. Kahit pa siyam na taon na ang nakakalipas, gusto niyang malaman kung ano na ang lagay ni Conrad ngayon.  Nagbago na kaya ito? O di kaya'y inaalala din kaya siya nito tulad ng pag-alala niya dito? Noong sampung taong gulang kasi sila'y lumuwas na ng Maynila ang pamilya ni Conrad. Biglaan ang naging desisyon ng mga magulang nito kaya't hindi na sila nakapagpaalam sa isa't isa. Ngunit kahit ganoon ay madalas pa rin niyang naiisip ang kababata, maging ang sumpaan nila sa altar na iyon, maraming taon na taon nang nakakalipas. "Hoy, ate." Malakas na sigaw ni Ella sa harap ng kapatid na si Julia. Siya ang nag-iisa at nakababatang kapatid ng dilag. "Bingi ka na ba?" "H-Ha?" Nabigla na turan ni Julia at tila nakalimutan na naman na nagtitinda siya. "Bakit Ella? May bumili ba?" "Ayan ka nanaman Ate, eh. Kaya lagi tayong walang benta." Inis na angil ng dalagita sa kanya. "Ano na naman ba 'yang iniisip mo?" "Wala." Tanggi niya saka lumipat ng tingin sa singsing na nakasuot sa hinliliit na daliri.  Oo, tinatago niya pa rin 'yon. Ang tanging ebidensya ng sumpaan nila. Sinusuot at inaalagaan upang  sakaling magbalik si Conrad ay malaman nitong hindi pa siya nakakalimot.Siya pa rin ang kanyang tinatangi. "Naku, Ate. Parang hindi naman kita kilala. Siguradong 'yang Conrad mo na naman iyang iniisip mo." Bulalas ni Ella saka hinablot ang singsing mula sa daliri ng kapatid. "Akin na nga yan, Ellenita!!" Malakas na bulyaw ni Julia sa kapatid saka akmang aagawin ang singsing mula rito ngunit hamak na mas matangkad si Ella sa kanya. "Ayoko nga, Julietta!' Pang-aasar ni Ella sa kapatid na naka-busangot na ang mukha saka sinuring mabuti ang singsing. "Bakit ba kasi baliw na baliw ka sa Conrad na 'yon? Eh isang hamak na plastik na singsing lang naman ang binigay niya sayo?" Sumimangot lalo ang si Julia at inirapan ang kapatid. Naagaw niya nang tuluyan ang singsing mula rito. Tulad ni Ella, marami na rin ang nagtatanong sa kanya n'on. Kung bakit nananatili siyang baliw na nag-aantay kay Conrad.  Hindi niya rin alam, basta isang parte sa puso niya ang umaasa na babalik ito sa Hacienda de San Martin. Para sa kanya. "Ate, kasal-kasalan lang ang naganap noon. Isang laro. Kalimutan mo na siya. Nalimot na rin naman niya 'yon." Mahinahong suhestiyon nin Ella. Isang malamig na titig lamang ang ibinigay ni Julia sa kapatid kaya't nagpatuloy ito sa pag-sasalita. "Tanggapin mo na lang kaya yung scholarship na alok ni Mayor sa bayan? Two years na lang naman tapos ka na ng kolehiyo." Umiling siya. "Ayoko."  "Bakit? Dahil inaantay mo ang Prince Charming mong hilaw na si Conrad? Ano bang pinang-hahawakan mo para masabi mong babalik pa siya? Piraso ng plastik na pinagpilitang i-korteng singsing? 'Yan ba?" "Ella!" "Ate, ipagsa-sapalaran mo ang kinabukasan natin para lang d'yan sa Conrad na yan? Bumalik man siya, maaalala ka pa kaya niya? Siyam na taon na ang lumipas." Pangangaral ni Ella sa dilag.  "At kung sakaling bumalik nga siya, alalahanin mong apo pa rin siya ng may ari ng Haciendang ito. Anak sa labas man ang tatay niya, nakaka-angat pa rin siya Ate. Iba na ang panahon, hindi lang distansya ang maglalayo sa inyo, pati ang estado ninyo sa buhay. Isa siyang San Matrin." Nayayamot na nagtungo si Conrad sa opisina ng kanyang ama. Nasa kalagitnaan siya ng praktis ng banda niya nang tawagan siya ng sekretarya ng ama niya para makipagkita rito. Padabog na pumasok siya sa opisina at inis na sinarado ang pinto. "What is it now? Babawasan mo na naman ang allowance ko?" Magaspang bulalas niya sa ama. "Not really, Conrad. Sa tingin ko'y mas magagalit ka sa malalaman mo ngayon kapag sinabi ko sayo ang iniuutos ng lolo mo." Sarkastikong sabi ng kanyang ama.  Kumunot agad ang noo ng binata nang marinig na binanggit ng ama ang kanyang lolo. Hindi makakaila ang laki ng galit ng binata sa matandang iyon. Doon man siya lumaki'y hinding-hindi niya makakalimutan ang pagtataboy na ginawa nito nang magpakasal ang kanyang ama sa kanyang ina. At nang mamatay ang kanilang ina, ipinangako niya sa kanyang sarili na  hinding-hindi na siya babalik sa lugar na iyon at kakalimutan na rin niya ang mga tao roon.  "What does he want now?" Iritable na tanong niya. Tumayo mula sa upuan ang ama niya at lumapit sa kanya sabay sinipat ang kanyang balikat. "Ikaw, anak. Ikaw ang taga-pagmana ng hacienda." Parang isang platong nabasag sa tenga ni Conrad ang sinabi ng kanyang ama. Siya? Taga-pag mana? Matapos silang ipatapon at alipustahin ng mga kapatid ng papa niya? Siya pa ang napiling taga-pagmana? "Anong kalokohan ang sinasabi mo?" "Dahil ikaw ang nararapat anak. Ikaw. " Mariing sagot nito sa kanya. "Bukas. Uuwi ka ng Hacienda de San Martin." Nanlaki agad ang mga mata ni Conrad. Inalis niya ang pagkakahawak ng kanyang ama sa balikat niya.  "Ayoko, Dad. Hinding-hindi na ko babalik doon."  "Whether you like it or not, babalik ka ng San Martin. Kukunin mo ang dapat na sa iyo, Conrad." Nang kinagabihan rin ay nag-impake ng gamit si Conrad. Wala na rin siyang nagawa pa kung hindi sundin ang utos ng ama. What can a nineteen year old do? Kung ayaw niyang matigil ang allowance at pagbabanda niya ay hindi niya dapat suwayin ang mga salita nito. 'Tagapag-mana' naririnig niya pa lang iyon sa isipan niya'y naaalibadbaran na siya. Ayaw niyang mamahala ng isang maka-lumang hacienda. Isa pa, puno ng malulungkot na ala-ala ang lugar na iyon. Wala siyang naalala na naging masaya siya sa paninirahan sa Hacienda de San martin. He hates that place. Miski ang mga taong roon na tumakwil sa ama niya. Pero ngayong siya na ang mamamahala doon, he'll make sure of  one thing. He'll make everyone pay. Pagbabayarin niya lahat ng umapi sa kanila doon. Pati ang lolo niya at mga anak nito. With that, an evil smile crept to his lips. "This should be fun" Bulong niya. Maya-maya'y tumunog ang cellphone niya kaya agad niya itong sinagot. "Hello, Babe?" "Babe, Balita ko aalis ka bukas? Bakit hindi mo naman ako sinabihan?" Anang babae sa telepono. "Sorry babe. Emergency lang naman. Babalik ako agad." Paglalambing niya dito.  No. It's not his girlfriend. Just someone excessively clingy after a one-night stand. Hindi pa siya kahit kailan pumasok sa isang seryosong relasyon. Marahil ay hindi pa siya handa sapagkat sa kaloob-looban niya'y may hinahanap siyang hindi niya mapagtanto. Natigilan si Conrad nang makakita ng isang maliit na box sa loob ng drawer sa kanyang kwarto. Binuksan niya iyon at nakita ang kapirasong plastik na singsing. Sandali niyang inalala kung kanya ba 'yon. Pero wala naman siyang naaalala na may ganoon siyang binili o natanggap bilang regalo.  "Baka kay Wendy 'to. Iniwan nanaman sa drawer ko. Sira-ulong bata talaga." Bulaslas niya at binalik sa lalagyan ang singsing. Parang kutsilyong tumarak sa dibdib ni Julia ang mga salita ng Ella. Nang sumunod na araw, matapos niyang magsara ng tindahan ay nagtungo siya sa dulo ng bangin. hindi para magpaka-matay, kundi para linawin ang ilang bagay sa sarili niya. "Matalino ka, Julia. Pero bakit pag dating kay Conrad, tanga ka?" Bulong niya sa sarili. Malamang ay  tama nga ang kapatid. Hindi malayong limot na ni Conrad ang lahat at siya na lamang ang isang hibang na umaasa.  Sa gitna ng pagmumuni-muni ay narinig niya ang sigawan sa mansyon ng mga San Martin. Sa sobrang gulat niya'y nadapuan siya ng pag-aalala. Ano kaya ang nangyayari sa mansyon? Nagmadali siyang nagtungo roon at halos madapa na siya sa pagtakbo. Hindi niya rin alam kung anong sumapi sa kanya at nagmamadali siya. Basta't may kung anong pakiramdam siya na nagpapabilis ng t***k ng kanyang puso. Nakasalubong niya ang kanyang ina, si Ella at Aling Mila sa tapat ng mansyon nanapupuno ng tao. Napansin kaagad niyang may kotseng nakaparada sa labas ng mansyon, isa itong magarang sasakyan. Bihirang makikita sa Hacienda maliban na lamang kung may mga galing Maynila na bisita. Sino kaya ang dumating? "Nako, Julia.Dyusko anak. Nagbalik na ang hinihintay mo." Halos hinihingal na balita ng kanyang ina.. Bumakas ang gulat sa mukha ng dilag. "Nay? Sino?" "Aba'y si Conrad.Sino pa ba ang hinihintay mo? Nagbalik na siya bilang tagapag-mana ng hacienda ayon sa bali-balita." sabad ni Aling Mila sa usapan. Isang maka-hulugang titig ang pinukol ni Ella sa kapatid na Julia. Samantalang parang apoy na nag-alab ang kalooban ng dilag sa mga narinig niya. Muling nabubuhay ang pag-asa, pag-asang maisasakatuparan nila ni Conrad ang sumpaan nila noon. Ang pagasa na nagbalik ito para lamang sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD