Hindi maipinta ang mukha ni Conrad bunga ng kanyang narinig mula kay Don Lucio. Ibinaling niya ang tingin sa babaeng tinawag ng matanda. Walang anumang espesyal sa babaeng iyon, sinuri niya itong mabuti mula ulo hanggang paa.
He was sure of it. Isa lang itong regular na probinsiyanang dilag at naninirahan sa Hacienda. Bakit naman siya ipagkakasundo ng lolo niya sa isang hamak na babaeng bukid lamang? Pinaglalaruan ba siya nito?
"You're kidding." Sarkastikong saad niya at muling kinilatis mula ulo hanggang paa ang dilag. "From the looks of her. She's just a mere farmer's daughter. " May himig ng gimbal ang tono ng binata.
Napapikit ang dilag, hindi dahil nagulat siya sa rebelasyon ni Don Lucio, kung hindi sa mga salitang sinabi ni Conrad. Sa tono at pananalita nito ay mas lalo niyang nakumbinsi ang sarili na nakalimutan na siya ng kababata.
"Do I look like I'm joking, hijo?" Sagot din ng matandang Don at tinaasan ng kilay ang apo. Lumakad siya papunta sa likuran ni Julia at tinapik ang balikat nito. Tila lihim na pinapanatag ang loob niya nang mapansin ang pag-guhit ng sakit sa kanyang maamong mukha. "Don't you remember her?"
Muling kumunot ang noo ni Conrad. "I know her?"
Julia remained silent. Consumed by the pain she's currently feeling.Hindi na yata niya kakayanin pang itago ang nararamdaman kung siya'y magsasalita pa.
"Yes, hijo. Hindi mo ba naaalalang ipinagkasundo kayo ni Julia when you two are just 9?" Matamang paliwanag ni Don Lucio. Miski si Julia ay napa-angat sa gulat nang marinig iyon.
That's a new narrative for Julia. Anong pinagkasundo? Ang alam niya'y nagsumpaan lamang sila sa isang altar noon. Siyam na taon nang nakalilipas, humarap sila sa altar. Kaya't para sa kanya'y, sa mata ng diyos, iisa lamang sila. Pero ano ang isinasalaysay ng Don? Isang bagong tugtuging hindi niya naaalala.
"Ang pumanaw na ama ni Julia ang nagmamay-ari ng kalhati ng hacienda. Kaya't para ipamana ko sayo ang Hacienda, kailangan kayong makasal. Kung hindi, mahahati ang Hacienda."
Nanlaki lalo ang mga mata ng dilag. At tuluyang nilingon si Don Lucio na nasa likod niya. "S-Si Tatay?"
Tumango ang matanda at ngumiti sa dalaga. "Oo, Juli. Nasa pangalan ng namatay mong ama ang kalhati ng lupa ng Hacienda de San Martin. Mas pinili niya lang ilihim ito sa inyong mag-iina niya dahil gusto niyang normal ang maging buhay ninyo." Malumanay na sagot ni Don Lucio.
"Kaya't napagkasunduan namin na sa tamang panahon, ikakasal kayong dalawa para mapag-isa ang buong Hacienda de San Martin."
Isang malakas na halakhak ang narinig mula sa direksyon ni Conrad. A sarcastic and condescending laugh. "Then, what's the problem? Let her take the half. Karapatan naman niya 'yon, di ba?" Suhestiyon niya at tinapunan ng matalim na tingin si Julia.
"Basta't kahit ano pang gawin ninyo, hinding-hindi ako papakasal sa babaeng ito."
Kasabay ng pagdagundong ng mga salitang iyon ang hindi inaasahan ni Julia na pagpatak ng mga luhang kanina niya pa pinipigilan. Pinunasan niya agad ang mga iyon ngunit napansin ito agad ing matandang Don at ng binata.
Dahil dito'y tila nawalan ng pasensya si Don Lucio at kumunot ng noo sa sinaad ng apo. "Let me remind you this, Conrad. Wala ka pang karapatan sa Haciendang ito. Kung may mag-dedesisyon dito, si Julia 'yon. Bilang panganay ng mga Maniego, mas may karapatan siya kaysa sayo." Mariing paalala ng matanda.
Gumuhit ang inis sa mukha ng binata at muling ibinaling ang masamang tingin kay Julia. Nakayuko pa rin ito, tila walang balak na masindak o gantihan man lang ang pailalim na titig niya dito.
"Then, let's hear her decision. Dahil paninindigan ko ang sinabi kong hindi ko siya papakasalan."
Nadurog na tila pulbos ang damdamin ng dalagang si Julia. Sa mga mararahas at nakakapang-insultong salita ng binata, halos wala nang bakas ito ng dating malambing at pilyo niyang kababata noon. Humugot ng malalim na hininga ang dilag at hinarap ang Don imbes na si Conrad. Ayaw niyang tignan man lang ito, dahil alam niyang galit lang ang makikita niya sa mukha nito.
"Don Lucio, pag-iisipan ko muna ho." Tanging nasabi niya at saka mabilis na tinalikuran ang dalawa papuntang pintuan. "Mauna na muna po ako."
"Hey." Nais pa sanang pigilan ni Conrad ang pag-alis ng dilag sapagkat ayaw na siyang sayangin pa ang oras niya sa lugar na ito. Kung hindi papayag ang dilag na iyon na hatiin na lang ang lupa, mas gugustuhin niyang isuko na lang ang mamanahin kaysa magpakasal sa babaeng estranghero at sundin ang utos ni Don Lucio.
"Hayaan muna natin siya." Malumanay na pigil ng lolo niya sa kanya. Tumigil naman ang binata at pinanood na lamang ang paglakad nito palayo.
"Hindi lahat makukuha mo sa dahas. Marami ka pang dapat matutuhan." Huling salita sa kanya ng matanda bago ito humakbang papuntang pintuan at iniwan siyang nagiisa sa loob ng opisinang iyon.
He got annoyed. Hindi niya kinakailangan ng kahit anong pangaral mula sa matandang ito, lalo't sagad sa buto ang pagkamuhi niya rito. Ngunit dahil tila naging kumplikado ang sitwasyon ay kailangan niya magbago ng plano. Hinding-hindi siya makakapayag na mamanipula ni Don Lucio upang pakasalan ang babaeng iyon at matali sa Haciendang ito. He had better plans for this revenge.
Naging malungkot para kay Julia ang mga nagdaan na mga araw. Pinili niyang ilihim ang mga nangyari mula sa kapatid niyang si Ella at kanilang ina. Ipapaalam niya ito sa oras na nakapag-desisyon na siya tungkol sa sinabi ni Don Lucio at maging buo na ang kanyang kalooban.
Ano nga ba ang dapat niyang gawin? Papayag ba siyang ipagpilitan ang kasal nila ni Conrad gayong nakikita naman niyang ayaw sa kanya nito o sasang-ayon siyang pag-hatian na lang nila ang Hacienda?
Hindi na yata siya makapag-isip ng tama. Una, dahil sa mas nais ng puso niyang ipagpilitan ang lahat kay Conrad. Pangalawa'y idinidikdik na ng utak niya ang katotohanang limot na siya nito at hindi na tama ang labis na pagtapak nito sa pagkatao niya.
Wala sa isip na tumulo na naman ang mga luha ng dilag. Napakababa ng tingin ni Conrad sa mga katulad niya. Hindi man niya aminin ay hindi nabawasan ng masasakit nitong salita ang pagmamahal niya sa binata. Alam niyang pagpapaka-martir iyon pero ito ang sinisigaw ng kanyang puso.
"O, Julia. Bakit ka umiiyak dyan? Hindi ba bumalik na yung sinasabi mong asawa mo?" Pambubuyo ni Becca. Isa ito sa mga grupo ng mga dilag at binata sa lugar nila na mahilig mang-api sa kanya mula pa noong bata sila. Madalas siyang pag-initan ng grupo nito at maging ang kapatid niyang si Ella ay nagagawa nitong buyuhin.
"Baka naman ayaw na sa kanya ng asawa niya." Dagdag ng isa sa mga kasama nito.
"Masyado kasing ambisyosa. Bakit ka naman pala papakasalan non? Sa yaman niyang yon, hindi siya magsasayang ng oras sayp, no?" Panunuya ulit ni Becca na nagpakunot ng noo ng dilag.
"Kawawa ka naman no? Hindi maka-get over sa kasal-kasalan. Palibhasa, malakas mangarap!"
Pinili niyang huwag nang patulan ang mga ito. May katotohanan naman kasi ang mga sinabi ng mga ito. Masyado siyang umasa sa sumpaang naganap noong mga bata pa lamang sila. Wala na rin siyang lakas na ipagtatanggol ang sarili sapagkat lugmok na lugmok ang kanyang puso ngayon bunga ng mga nangyari.
"May paparating na kotse, Becca! Tara na, baka galing sa mansyon yan at madamay pa tayo." Sigaw ng isa nilang kaibigan na papalapit. Mabilis na nagtakbuhan ang lahat, pati na rin si Becca at iniwang tumatangis ang dilag.
Nagising ang diwa ni Julia mula sa pag-iyak nang maaninag niya ang paparating na sasakyan. Huminto ito sa mismong harap ng bahay nila kung nasan siya payapang nakaupo. Napasinghap siya agad nang makitang bumaba mula sa sasakyang iyon si Conrad. Napaka-simple ng pananamit nito ngunit nagniningning ito sa kanyang paningin.
Hindi nahiwalay ang tingin niya rito hanggang sa paglakad nito sa harapan niya. Nang tumigil ito malapit sa kanaya'y wala sa isip na napahugot siya ng malalim na paghinga.
"Bakit ka nandito?" Tanong ng dilag at tumayo mula sa kinau-upuang silya.
"We need to talk." Malamig na sagot ni Conrad. "I don't want to waste my time, So listen carefully."
May himig ng inis sa boses ng binata. Akala niya siguro'y hindi nakakaintindi ng ingles ang dalaga. "Kung hindi mo ko - "
"I understand you clearly, Mr. San Martin. But let's not talk here." Pambabara niya kay Conrad at lumakad palabas ng bahay. "This way please."
Tahimik na tinahak ng dalawa ang daan papuntang hardin. Tila napahiya si Conrad dahil sa pag-aakala niyang hindi siya maiintindihan ng probinsiyanang dilag. Akala niya'y inutil din ito tulad ng ibang naninirahan sa hacienda.
Siguro'y ito ang sinasabi ng kanyang Lolo na marami pa siyang dapat matutuhan.
Sure. But this doesn't prove anything to him. Inutil man o hindi si Julia, isa siya sa mga tao sa Haciendang kinamumuhian niya.She's not an exception and she definitely can't hinder her plans.
"What do you want to discuss, Mr. Conrad Sy San Martin?" Pormal na tanong ni Julia nang marating na nila ang hardin. Ito ang eksaktong hardin kung saan sila kinasal ni Conrad noon.
Hindi niya maitatanggi na dito niya dinala ang binata sa pag-asang may maaalala pa ito. She's that stupid.
"Wag kang pumayag sa kasal, Ms. Maniego." Prangka at walang paliguy-ligoy na panimula ng binata. Bakas ang labis na desperasyon sa mukha nito.
"Look. Hindi natin kilala ang isa't isa, its not fair kung magpapakasal tayo. Its unreasonable. So, take the half of this s**t of a place at kukunin ko ang kalhati. That way we're even."
Hindi natin kilala ang isa't isa. Muling sumugat ang mga salitang iyon kay Julia. Sa pagkakataong ito, tila sumabog na ang pagnanais niyang ipaalala sa kababata niya ang lahat. Nawala na lahat ng pagpipigil niya sa sarili o ang kanyang rasyonal na pagiisip.
"Conrad. Hindi mo na ba talaga ako naaalala?"
Sa huling pagkakataon, sinubukan ni Conrad na intindihin ang ibig ipahiwatig ni Julia. Bakit pati ang lolo niya ay pinipilit na kilala niya ang babaeng ito? Kilala niya nga ba ito?
Kung kilala niya nga ito noon - why does it matter? Bakit sa tuwing tinititigan siya ni Julia ay nababasa niya sa mga mata nito ang pananabik? Wala siyang maalalang isang 'Julia' na nakilala niya sa haciendang ito. Ngunit kung meron ma'y malamang ay nilimot niya na ito kasama ng poot niya sa buong Hacienda de San Martin.
"Sino ka ba talaga?" Ito ang tanong niya naghatid ng mas matinding kirot sa dibdib ng dilag.
Puminta agad ang pagkadismaya sa mukha ni Julia, bagay na hindi maintindihan ng binata. "Answer me." Yamot na utos niya na tila naiinip na sa isasagot ng kausap.