"I said answer me!" Muling narinig ni Julia na utos ng binata sa kanya. Tila nauubos na ang pasensya nito sa paghihintay ng kanyang sagot.
Tumalon ng bahagya ang puso niya nang makita ang panlilisik ng mga mata ni Conrad. Napalunok na lamang siya at mas minabuting sagutin na lang agad ang tanong nito. Wala na rin naman siyang magagawa sapagkat umabot na sila sa puntong ito. Mas mabuti na rin siguro, upang makawala na siya sa alaalang iyon.
Ngunit sa likod ng kanyang isipan ay ang tanong kung bakit nga ba ganito ang kinahantungan ni Conrad. Paano ito naging ganito kalupit? Malayo sa inosente nitong pagkatao noon.
Humugot muna siya ng malalim na hininga bago magsalita muli. Sa pagkakataong ito'y hindi siya umiwas sa galit na titig ni Conrad sa kanya.
"We're married, Conrad San Martin." Taos-pusong sagot niya.
Hindi siya nag-alinlangan sa kanyang sinabi kahit na alam na niya sa kanyang puso ang magiging reaksyon ng binata. What matters is she said what her heart desired. Wala siyang pagsisisihan sa mga bagay na kanyang sinambit.
Nakita niya agad ang pag-guhit ng pagkalito sa mata ni Conrad. Nanunuya ang tingin ng mga mata nito at hindi niya mawari kung pinaniwalaan ba siya nito o hindi. Isang mahabang katahimikan ang namayani. Nanatiling nagtititigan ang dalawa hanggang isang hulagpak na tawa ang namayani sa gitna ng katahimikang iyon.
Nadismaya man ay hindi na nagulat si Julia. Inihanda na lamang niya ang kanyang sarili sa panghahamak na kanyang matatamo mula kay Conrad. She's already broken anyway. Wala naman nang mas mawawasak pa sa kanyang damdamin kung hindi si Conrad lamang.
"I can't believe this," Naiiling na lang na sambit ni Conrad. He knew na may maririnig siyang kakaiba mula sa babaeng ito. He should've known. Dapat hindi na niya sinayang pa ang oras niya para kausapin ito.
"You actually thought I'll believe you? What's that? Ah, kasal tayo." Muli na naman siyang napatawa at mapanuyang sinuri ang seryosong mukha ni Julia. "Sorry to disappoint you, Miss Maniego. Hindi ako uto-uto to play along with your game. I mean, Come on!"
Napa-iling na lang rin ang dilag sa itinuran ni Conrad. Kahit pala ang lugar na ito ay walang epekto para ipaalala dito ang nakaraan. Pero huli na para itigil niya ang kahibangan na ito.
"I'm not toying with you, Conrad." Humugot si Julia ng maraming lakas ng loob bago niya ipagdiinan ang mga salitang isinagot niya sa binata. "And I can prove it to you!"
Nagdilim at sumeryoso ang mukha ng binata sa muling pagbaling niya ng tingin kay Julia. Talagang naiirita na siya sa itinuturan ng babaeng ito. Does she take him for a fool? Sinong pontio-pilato ang maniniwalang nakasal ka sa babaeng hindi mo kilala?
"Then, Prove it!" Panghahamon niya sa dilag at hindi hiniwalay ang makamandag niyang mata sa direksyon nito. Since he's in the situation, he decided to play along for a bit. Gusto niyang tansyahin kung ano nga ba ang intensyon ng dilag.
Nakita ni Conrad ang determinasyon sa mukha ng dalaga. Ni hindi ito nasindak sa kanya. Posible nga kayang mapatunayan nito ang sinasabi niya? It sounds ridiculous no matter how much he thinks of it
Dinukot ni Julia mula sa bulsa niya ang plastik na singsing na tanging ebidensyang pinang-hahawakan niya sa sumpaan nila noon. Halos isubsob niya iti sa harapan ng binatang kaharap.
"Ito, Conrad. Ito ang singsing natin noong humarap tayo sa altar, siyam na taon na ang nakakalipas. Hindi mo na ba naaalala?" May himig ng pagsusumamo ang tono niya at humakbang palapit sa binata. "Dito, sa hardin na ito. Dito tayo kinasal."
Kumunot ang noo ng binata. Sinuri at tumanaw siya sa paligid ng hardin. Kinasal? Kinasal silang dalawa sa hardin? At may altar sa hardin na ito tulad ng sinaad ng dilag. Gusto niyang matawa at kutyain ang ideyang iyon, pero nang tignan niyang muli ang singsing ay parang pamilyar ito sa kanya. Tila ba nakita na niya ang disenyo ng singsing na iyon kung saan man.
Bukod doon ay wala na siyang maalala pa. Miski ang hardin na ito ay hindi niya lubusang matandaan. At base sa mga sinabi ni Julia, siyam na taon na ang nakalipas kaya't hindi niya na ipagtataka kung hindi na niya ito mahinuha sa kanyang isipan.
"Siyam na taon?" Napabulong na turan ni Conrad. Kung siyam na taon na ang nakakalipas mula noong maganap ang kwentong isinasaad ng dilag, siyam na taong gulang pa lamang siya noon!
Pilit na pinigil ng binata ang halakhak na nakaambang llumabas sa kanyang lalamunan. Hindi man niya naaalala'y sa kanyang hinuha'y isang kasalan nga ang tinutukoy ni Julia. Isang kasal-kasalan sa pagitan ng mga siyam na taong gulang na musmos!
"Are you really this petty, Julia Maniego?" Sarkastikong tanong ng binata kay Julia, halos ihalik niya ang mga salitang iyon sa tenga ng dilag bago marahas na itinulak ito palayo.
"I can't remember things but I'm not a fool. Huwag mo kong paglaruan sa mga ilusyon mo." Galit na sigaw niya saka kinuha mula sa kamay ni Julia ang singsing at tinapakan ito upang mabaon sa lupa
"C-Conrad-"
"Stop it already. I'm not buying any of your delusional stories." Nanggagalaiting pagputol niya sa kung ano mang balak i-protesta ni Julia. "Kung may kasalan mang naganap noon, bunga iyon ng mga muwang na isipan. Walang sumpaang naganap, isang malaking kalokohan."
Bawat kataga'y parang patalim na nag-ukit ng malaking sugat sa puso ni Julia. Tulad rin pala ng iba ang lalaking minamahal niya, isang laro lang din ang tingin niya sa sumpaang binitiwan nila noon. Masakit para sa kanya na isiping isang kalokohan lang para sa binata ang lahat ng iyon. Ang sumpaang iyon pa naman ang nagpatatag sa kanya, ang nag-bigay sa kanya ng matinding dahilan para mag-sikap. Alam naman ng isip niya na aabot din sa ganito ang lahat, masakit lang na mismong narinig niya ito mula sa binata.
"Look. I have made myself clear, Julia. Hindi ako magpapakasal sa'yo. And that's it. Regardless sa nangyari dati, I will stand firm to my decision. It's about time to make yours." iyon ang mga huling kataga ni Conrad bago lisanin ang hardin.
Naiwan si Julia roon na tulala at blangkong nakatanaw sa malayo. Lumipas ang ilang sandali'y napaluhod siya sa lupa at tuluyang bumagsak mula sa mga mata niya ang mga luhang agad namuo dito. Pinulot niya ang plastic na singsing na inapakan ni Conrad. Wasak na ito, tulad ng puso niyang nadurog dahil sa matatalas na salita ng binata.
Ang taong akala niya'y tanging makaka-intindi sa kahibangan niya'y kinalimutan na pala siya. Ang taong naging tanging pag-asa niya sa mga nag-daang taon ay isa lamang palang magandang alaala na lumipas na kasabay ng panahon.
For some reason, Conrad felt uneasy. Hindi niya kasi makuhang makatulog nang maaga ngayong gabi, sumasagi pa rin sa isip niya kung bakit ganoon ang turan ni Julia at kung bakit pamilyar sa kanya ang singsing na iyon.
Muli niyang sinubukang alalahanin, at napa-tapik siya ng noo nang maalala kung saan niya huling nakita ang kaparehas ng singsing na iyon.
Tama! Iyon ang nakita niya sa drawer niya bago siya lumawas dito sa Hacienda. Itinabi niya iyon sa pag-aakalang sa kapatid niyang si Wendy ang singsing na iyon.
Kung mayroon nga siyang ganoong singsing, totoo nga ang mga winika ng dilag sa kanya?
Umiling siya sa ideyang iyon. Kahit totoo man ang mga sinabi nito sa kanya, hindi nito mababago ang katotohanang isang pang-musmos na kasal-kasalan lang ang nangyari noon. Malayong-malayo sa ipinipilit ni Julia na ikinasal sila. She was delusional for sure.
Gayunpaman, alam niyang naging magaspang ang pag-uugali niya sa dilag. Kahit ba iritado siya'y dapat pinagpasensyahan niya ito dahil isa itong babae, at nakasalalay sa desisyon nito ang magiging kapalaran niya sa Hacienda de San Martin.
"Hassle." Tanging nasabi niya na lang.
Bukas na bukas din kasi ay umiikot sa isip niya na humingi ng paumanhin sa dalaga. Ang problema nga lang, hindi niya alam kung paano iyon gagawin. Lalo't nakita niyang talagang dinurog niya ang damdamin nito dahil sa mga masasakit na salitang ibinato niya dito.
Kinabukasan, hiniling ni Julia sa kanyang kapatid na si Ella na mapag-isa, hindi siya nag-bantay ng kanilang tindahan ngayon at napagpasyahan niyang ilabas sa kwadra ang isa sa mga kabayo nila para makapag-ikot sa masukal na bahagi ng Hacienda.
Gusto munang ilayo ng dilag ang sarili niya sa hardin o sa mansyon ng mga San Martin. Tuwing makikita niya kasi ang mga lugar na iyon ay sakit lang ang namamayani sa puso niya at ang mga masasakit na salitang ipinagdikdikan ni Conrad sa kanya.
Muli siyang napa-ngiwi nang maalala muli ang kababata. Para itong isang sariwang sugat na pag bumabalik sa kanyang alaala'y hapdi lamang ang naidudulot sa damdamin niya.
Sumakay siya sa kabayo at iwinaglit ang binata sa kanyang isipan.
Ipinikit niya ang mga mata niya habang sinasalubong ang malakas na hagupit ng hangin habang siya ay nangangabayo. Matagal niya na ring hindi nagagawa ang ganito, ang maramdamang malaya at walang alalahanhng iniisip.
Kung meron man siyang maipagmamalaki sa kanyang talento bilang probinsyana, ito ay ang pangangabayo. Simula bata siya'y ito ang hilig niyang gawin. Kahit ang mga kalalakihan sa lugar nila'y natatalo niya sa karera ng kabayo, kaya't di hamak na sikat siya sa mga kalakakihan sa Hacienda De San Martin.
Maya-maya'y naging alisto siya at naramdaman ang mga padyak ng isa pang kabayo mula sa likuran niya. May nakasunod sa kanya?
Lumingon siya para matukoy kung sino iyon.
"Cef!" Gulat na tawag ni Julia dito.
Ngumiti ang binatang lulan ng isa pang kabayo. Si Cef, ang isa pang apo ni Don Lucio. Pinsan ito ni Conrad at isang potensyal na taga-pagmana rin ng Hacienda kung hindi lamang mas matanda si Conrad ng dalawang taon dito.
Isa rin siyang kababata ni Julia. Siya ang gumanap na pari sa kasal-kasalang naganap noon. Kung may mas nakaka-alam ng mga pangyayari na iyon bukod sa kaniya, iyon ay si Ranceff San Martin lamang. Kabaliktaran ni Conrad ngayon, si Cef na yata ang pinaka-mabait na San Martin na nakatira sa mansyon.
"Kanina mo pa ko sinusundan?" Nagatatakang usisa niya.
Nanatili ang ngiti sa labi ni Cef at pinitik ang ilong ni Julia. "Oo. Mukhang malalim nga yang iniisip mo kaya di mo ko napansin." Pilyong sagot nito. At sumabay sa pangangabayo ng dilag.
"Sabi sakin ni Ella, umiiyak ka nanaman daw kagabi."
Napa-buntong hiningang yumuko si Julia. "H-Hindi ah."
"Kahit namamaga na parang zombie yang mata mo? I-dedeny mo pang umiyak ka kagabi?" Muling pinitik ni Cef ang ilong ni Julia. "Si Conrad na naman ba.."
Tumango na lang ang dilag at ngumiti nang mataman. "Cef naman. Wag na nga yan ang pag-usapan natin." Protesta niya.
"Ayoko na munang isipin yan."
"Okay. Hindi ko na babanggitin. 'Lika, libre na lang kita ng meryenda." Yaya nito at hinila ang kamay ni Julia.
"H-Hoy, sandali!' Hindi na natuloy ang protesta niya dahil nadala na sila ng kabayo niya sa lakas ng hila ni Cef sa kanya. Ang kinalabasan tuloy, tila magka-hawak kamay silang nangangabayo papunta sa farm ng coffee beans.
Dito madalas maglagi si Cef dahil sa ina nito ipinamamahala ang factory ng kape ng mga San Martin. Samantala, mula sa malayo, natatanaw ni Conrad ang dalawang magka-hawak ng kamay.
He hissed in annoyance. Sa hindi niya maioaliwanag na dahilan ay nairita siya bigla sa nakita niya. Balak pa naman niyang humingi ng tawad sa dilag pero tila nag-init na naman ang ulo niya dito dahil sa nakita niya. Kahapon lang, sinasabi nitong asawa siya nito, ngayon makikita niya itong ka-hawak kamay ang pinsan niyang si Cef.
"Sabagay, ano nga bang pake ko. Naka-sungkit na siya ng isang San Martin. Yan siguro ang gusto niyang palabasin." Bulong niya sa isip at binato sa lupa ang dala niyang kumpol ng rosas na ibibigay niya sana kay Julia.
Ewan niya ba kung ano ang pumasok sa utak niya at nakonsensya pa siya. Muli niyang ibinalik sa isip ang lahat ng mga plano niya. Hindi na dapat niya iniintindi ang dilag, ang mahalaga ngayo'y magawa niyang impiyerno ang buhay ng mga taga-San Martin.