Dumating na ang gabi na pinakahihintay ng lahat. The night is young and the party's just about to get started. Ang mga magagarang sasakyan na minsan lang makikita sa Hacienda ay nagsimula nang magdatingan. Kapansin-pansin din ang magarbo at tila pinaghandaang bihis ng mga panauhin.
Sa gitna ng hindi mahulugang-karayom na pagtitipon, palinga-linga na naglalakad si Cef. Malikot ang mga mata nito at tila may hinahanap. Maingat siyang umalis sa pinagdadausan ng kasiyahan at lumabas ng balkonahe ng mansyon. Kaagad naman itong napansin ng binatang si Conrad kaya't sinundan niya ito ng tingin. Ilang araw na rin ang lumipas mula noong napagpasyahan niyang manmanan ang kilos ng pinsan. Hindi pa rin kasi siya nakakasigurado sa intensyon nito Isa lamang ang nakakasigurado siya - they dislike each other. He can feel his silent torment through his sharp gazes everytime he'll pass by his direction.
Mabilis din naman niyang naiwaglit sa isipan ang ideyang iyon. Mayroong mas mahalagang isyu na dapat niyang bigyang pansin. It was Julia. Kinakailangan niyang suyuin muli ang wasak na tiwala at puso ng dilag para sa kanya. Hindi iyon magiging madali, lalo't alam niyang sasanggain ni Cef ang lahat ng pagtatangkang gagawin niya. He needs to devise a better plan. Hindi sapat na panghawakan niya lamang ang nararamdaman ng dalaga para sa kanya.
Sa gitna ng malalim na pagiisip, napukol ang kanyang atensyon sa entrada ng balkonahe kung saan nakatingin ang lahat. Kumunot ang kanyang noo sapagkat sa pagkakaalam niya'y sa loob ng mansyon manggagaling si Don Lucio aat hindi sa labas. Kung ganoon ay sino ang inaabangan ng mga ito?
“Wow” Manghang saad ng isang panauhin sa kasiyahan na malapit sa kinatatayuan ni Conrad.
“Now, that’s one lovely scenery right there. See why I brought you here, anak?” Malakas na bulalas ng isang lalaki sabay akbay sa anak na katabi.
It was Julia.
That's right. Ang probinsyanang panganay ng mga Maniego na hibang na hibang kay Conrad. Tila nagbago ang ihip ng hangin sa paningin ni Conrad. Kung dati'y naaalibadbaran siya sa presensya ng dilag, ngayo'y hindi niya mawalay ang paningin dito.
Nagbigay daan ang lahat sa napakagandang dilag. Nakahawak siya sa braso ni Cef at tila nahihiya pang ngitian ang mga taong binabati at pinupuri ang kanyang itsura ngayong gabi. She was dressed in a velvet silk cocktail dress. Simple lang ang design noon kung tutuusin ngunit lumutang dito ang tinatago niyang ganda.
Nakalugay din ang buhok niya ngayon, 'di tulad sa madalas niyang naka-pusod na buhok. Every inch of her was lovely. No trace of the tears that Conrad caused these past few days.
“Smile, Julie. This is your night. Your night to prove Conrad wrong about what he thinks about you.” Bulong ni Cef sa tenga ni Julia nang mapansin ang kanyang panginging habang nakasukbit ang kamay sa braso ng kaibigan. “Everything will be fine.”
Tumango ang dilag at humugot nang malalim na hininga. Pinilit niyang ngumiti kay Cef ngunit hindi ito nagpatigil sa mabilis na t***k ng kanyang puso. Kinakabahan pa rin siya, lahat kasi ng mata'y tila napako sa kanya kaya't hindi siya mapalagay. This kind of attention was weird and new for her.
Nag-simula ang sayawan sa bulwagan ng napakalaking mansyon. Lahat ng magsisin-irog na dumalo ng kasiyahan ay nagpunta sa gitna at sumayaw sa saliw ng tugtugin. Sa isang gilid, naka-upo ang kabadong dilag na si Julia. Mabilis niyang napansin na may ilang mga binatang papunta sa direksyon kung saan siya naroroon. Nakadama siya ng matinding hiya at pangamba dahil dito. Hindi kasi siya marunong makipag-sayaw.
"Shall we dance?" Maagap na paanyaya ni Cef at kumindat. Tila nagpapahiwatig na sasagipin siya sa paparating na sakuna.
"Ah. Cef. Kasi, ano. Hindi ako marunong sumayaw." Nahihiyang bulong ng dilag at umiling.
Isang matunog na halakhak naman ang sagot ng binata at hinila muli ang kamay niya para pilitin ang dilag na tumayo. "Akong bahala. Tuturuan kita." Malambing na prisinta niya kasabay ng isang napakatamis na ngiti.
Hindi man buo ang loob ni Julia para magsayaw ay napapayag naman siya ng kaibigang si Cef. Nahihiya kasi siyang tanggihan ang binata dahil sa dami na ng naitulong nito sa kanya. Isa pa, malaki ang tiwala niyang hindi siya nito pababayaan.
Isang malambing na tugtugin ang nagsimula nang dalhin ni Cef si Julia sa gitna ng balkonahe. Inalalayan siya nito nang mabuti simula pa lamang ng kanilang pagsasayaw.
"Okay. First, wrap your arms up to my neck." Saad ni Cef na agad naman niyang tinalima.
Bahagyang napagitla si Julia nang pumulupot ang kamay ni Cef sa beywang niya. That makes their bodies closer to one another. Sa hindi malamang kadahilanan ay iba ang pakiramdam ni Julia dito.
Mula sa malayo'y tila nagaapoy ang mga mata ni Conrad. He rejected all the dances that the girls willingly offered him. Tanging pokus lamang ng kanyang paningin ay ang dalagang si Julia. The farmer girl who told him that they're married is now being smitten by his cousin. Parang isang kawali na umuusok sa galit ang kanyang isipan ngayon.
Kung nakakamatay ang tingin, malamang kanina pa patay si Cef sa sobrang talim ng titg niya dito. The only thing that pleases him right now is that discomfort was apparent in Julia's face. Nababasa niya sa mukha ng dilag ang sobrang pagkailang nito sa pagkakalapit ng katawan nila ni Cef.
'That's a good sign' Nakangiting bulong niya sa isip.
At bukod dito'y napapansin niya ang palihim na pagtingin sa kanyang direksyon ng dilag. Sa tuwing nagtatama ang kanilang mga mata'y mabilis itong iiwas ng tingin at magkukunwari na hindi siya nakikita. At least by that he could easily tell that she's still affected by his presence. He could still use that affection, that connection.
Maya-maya'y nagyaya na umupo si Julia nang makadama ng matinding pagod. Mabilis namang nawala ang ilang niya kanina kay Cef, marahil ay dahil na rin sa pagiging masayahin at madaldal nito.
"Grabe. Namaga paa ko sa kaka-apak mo kanina." Pang-aasar ng binata sa kanya habang papunta sila sa upuan.
Isang masamang tingin ang ipinukol ni Julia sa pambubuyo ng kaibigan. "Sinabihan naman kita na 'di ako marunong sumayaw, 'di ba?" mMataray na sagot niya at agad na umupo nang marating nila ang pwesto nila kanina.
"O, Chill ka lang. Nagbibiro lang ako." Nakangising agap ni Cef. "Kukuha lang ako ng inumin. Dito ka lang muna. Okay?"
Tumango lang ang dilag at pinanood ang pag-alis ni Cef sa kanyang paningin. Before she knew it, the eyes of the men around her started to shift to her direction once again. Napabuntong-hininga siya at mabilis na tumayo mula sa kinauupuan. Naglakad-lakad siya upang hindi malapitan ng mga ito. Nagkunwaring nagmamadali kahit sa totoo'y wala naman siyang kakilala dito kung hindi si Cef lamang at ang mga San Martin.
Napatigil lang siya sa paglalakad ng mabilis nang maramdaman niyang nabunggo siya sa isang matipunong katawan. Nakayuko siya kaya't kinailangan niya munang umangat ng tingin para humingi ng paumanhin sa nabunggo niya. Ngunit bago mamutawi sa kanyang bibig ang salitang dapat niyang sabihin ay nanatiling naka-awang ang kanyang bibig.
"Mukhang nag-mamadali ka, Julia Maniego?"
It was Conrad! For heaven's sake! Naramdaman ni Julia ang pagtalon ng kanyang puso. Presensya pa lamang nito'y nakakaramdam na siya ng matinding kaba.
"Wait," Mahigpit na hinawakan ni Conrad ang braso ni Julia nang akma itong aalis sa kanyang harapan. "Since I think I know why you're rushing. Why don't you dance with me as an escape plan?"
Magproprotesta sana si Julia ngunit mabilis siyang nahila ni Conrad palapit. Causing her to crash to his manly chest. He rested his cheeks next to hers. Damang-dama niya ang paghinga nito sa kanyang tenga. Tickling every senses she had. "And, I won't take no as an answer."
Helpless. Ito ang kalagayan ng dalaga ngayon. Aalang nagawa si Julia kung hindi pumayag sa gusto ni Conrad. He was too domineering and strong for her to resist. Kung sisigaw naman siya'y magkaka-eskandalo at pupukol sa kanila ang atensyon.
'Prove him wrong, Julia.' bumulong sa utak niya ang pahayag na iyon ni Cef sa kanya kanina.
Tama. This is her perfect chance to do that. Bakit kailangan niyang matakot na harapin si Conrad?
Mula sa gilid ng kanyang mga mata'y nakita niya si Cef. He has his thumbs up, approving her action. Tila ba lihim na sinusuportahan siya at sinasabing kaya niya ang sitwasyong ito.
She can't help but smile. Because of Cef making funny faces for her, she was able to keep her cool. Kung hindi siguro ginawa iyon ng kaibigan ay namumula na siya na parang kamatis sa harapan ni Conrad.
But still, she was too aware,and too conscious. Hindi naman nakakapagtaka ito sapagkat matagal niya rin na tinangi si Conrad.
Lalo siyang naka-dama nang kaba nang madama niyang mas humigpit ang hapit ni Conrad sa beywang niya. Hindi man niya nais ay nakasubsob siya sa dibdib nito. Leaving her no other choice but to meet his gaze.
"Mukha ngang nagiging close na kayo ni Cef.." Sarkastikong sambit ni Conrad kasabay ng isang matalas n tingin sa walang kalaban-laban na si Julia.
"Keep your eyes on me." He whispered to her ear, as seductively as possible.
"Get off me." Mariin na utos ng dilag. She doesn't like kung saan papatungo ang engkwentro niyang ito kay Conrad. At isa pa, hindi niya dapat hayaang muling mapalapit muli ang damdamin niya dito.
Maninindigan siya sa pangako niya. Tama na ang siyam na taon na nagpaka-hibang siya dahil sa binata. "I said, bitawan mo ko!" Mas naging marahas na ang tono niya.
But the man just held her tighter. Dahan-dahan na gumuhit ang panunuya sa makisig na mukha nito habang nakatitig sa kanya. "Is that how you should treat me? Ganyan mo ba dapat pagsalitaan ang lalaking pinagpipilitan mo bilang asawa mo?"
Bitterness was written all-over Julia's face. Pinipilit niyang ilayo ang sarili sa binata kahit na alam niyang wala siyang laban sa lakas nito. "Wala na akong paki. Isa pa, wala naman na sakin ang - "
Natigilan si Julia nang may itinaas si Conrad sa kanyang harapan. The ring flashed against the light of her eyes. Ang singsing na itinapon niya! "Paano mo - "
"I also don't know.. But whatever reason there maybe, I'm sure of one thing, Julia."
Julia didnt flinch or blink. Napako ang mga mata niya sa mga mata ni Conrad na nanatiling nakatitig sa kanya. Now that she'd notice it, he was sparkling himself. Simple man ang ayos nito sa itim na gayak ay ang matipunong katawan at maamong mukha naman nito ang nadala ng lahat. Hindi na siya nagtataka kung bakit maraming mga mata ang nakapako sa binata.
"One thing?"
"Do you want to know?" May paghahamon na saad ni Conrad sa dilag. "Close your eyes."
"Close my eyes? Bakit naman kita susundin - "
Wala nang sumunod pang salita na lumabas sa bibig ni Julia. Mabilis na nasakop ng binatang si Conrad ang labi niya. Nanlaban siya ngunit ang makapangyarihang kamay ng binata ang nagkukulong sa kanya sa yakap nito. Unti-unti siyang nanghina. Her knees trembled and her mind spelled danger as she's about to lose all the determination she had because of this.