Isang malaking handaan ang napabalita na magaganap sa mansyon ng mga San Martin. Nagpakalat na rin ng maraming imbitasyon si Don Lucio sa mga karatig bayan ng Hacienda. Usap-usqaqpan na ng mga trabahador ang pagpapakilala ni Don Lucio kay Conrad bilang tagapagmana ng Hacienda de San Martin.
Sa kabila ng pananabik ng mga tao sa magarbong kaganapan sa kanilang lugarin, nagsimulang mangamba ang dalagang si Julia. Alam niyang sa oras na ihayag ng Don ang mamanahin ni Conrad ay may posibilidad na ibulgar din nito ang katotohanang siya ang magmamana ng kalahati ng Hacienda. At sa oras na hindi sila mgkasundo sa isang kasal ay mahahati ang Hacienda. Alam niyang kung nabubuhay lang ang ama niya ngayon, malulungkot ito sa oras na mangyari ito. Bata pa lamang sila ay itinatak na ng kanilang ama sa musmos nilang isipan na mahalin nang lubusan ang lugar na ito.
Mula sa dulo ng isang bangin ay tinanaw niya ang bughaw na langit. Dito siya madalas magpunta sa tuwing nakakaramdam ng matinding kalungkutan. Ibinalling niya ang tingin sa singsing na kanyang hawak. Gumuhit ang dismaya sa maamong mukha ng dilag. Sa hinaba-haba ng panahon, ngayon niya lang bibitawan ang kahibangang pinaniwalaan at naging sandigan niya. Ang pangarap na siya lang pala mag-isa ang gumawa.
"Dito na nagtatapos ang lahat, Conrad. Mula dito'y hinding-hindi na ko muling iibig pa sa'yo." Malakas na sigaw ni Julia mula sa dulo ng bangin at tinapon sa hangin ang singsing na hawak.
Matapos nito'y napa-upo siya, parang may kung anong pakiramdam ang nagpahina sa tuhod niya. Pilit niyang nilalabanan ang mga luhang malapit nang kumawala sa mga talukap ng kanyang mga mata. Ipinapangako niyang hindi na siya muling iiyak pa para sa binata. Not anymore starting today. Tila ba unti-unting nagiging isang tipak ng yelo ang puso niya nang pira-pirasuhin ito ni Conrad. Ngayon, wala na itong mararamdaman.
Napagpasyahan ni Conrad na magikot-ikot sa Hacienda ngayong araw. Masyado na kasi siyang nakukulong sa mansyon at hindi niya rin gusto ang mga nakikita niya doon. He felt suffocated by the atmosphere.
Naroon ang mga matapobre niyang tiyahin at tiyuhin na anak ni Don Lucio. Lahat ng mga tao roon ay tutol sa pagma-mana niya ng Hacienda de San Martin kaya't hindi na siya nagtaka sa hindi magandang pagtanggap ng mga ito sa kanya.
'Kung alam lang nila.' Mahina at biglaang napabulaslas siya.
Alam niyang hindi alam ng mga ito na ang kalahati ng Hacienda ay hindi sa kanya mapupunta. Kapag nalaman nilang sa isang hamak na babaeng bukid lang mapupunta ito, natitiyak niya na magkakagulo ang lahat. Considering the greed between those siblings. Sigurado siyang gugulo rin ang buhay ng muwang na dilag na si Julia at ng pamilya nito.
Napa-iling siya nang maalala niya ang dalaga. Bumalik sa kanyang isipan ang sakit na nakita niya sa mga mata nito nang ipagpilitan niyang isang kasal-kasalan lang ang lahat. Alam niyang dinurog niya ang damdamin nito at napakarami niyang nasabi na hindi naman niya dapat pang sinabi.
But he is only telling the truth. Totoong desperada ang nagiging labas ni Julia sa ipinag-pipilitan niyang kasal nila noon na hindi naman totoo. He hates to see women being desperate. Sa pananaw niya kasi, hindi ito tama. Dapat lalaki ang humahabol sa babae, hindi ang babae ang humahabol sa lalaki. It seems improper for a lady.
Napa-gitla si Conrad nang maramdaman niyang may kung anong bagay na tumama sa ulo niya. Napatigin siya sa lupa para tignan kung ano ang tumalsik na iyon.
"Masakit ah." Reklamo niya at pinulot ang bagay na tumama sa ulo niya.
Nanlaki ang mga mata niya nang makilala niya ang bagay na iyon. "Teka. Di ba ito yung - "
Iyon ang singsing ni Julia. Ang katibayang ipinipilit nito sa kanya. Gumuhit sa mukha niya ang pagtataka. Bakit kaya napadpad ang singsing dito? Nawala kaya ito ng dilag? O di kaya'y tinapon na nga ba niya?
Nanatiling pala-isipan kay Conrad ang singsing kaya napag-desisyunan niyang ibalik na lang ito sa dalaga tutal ay pag mamay-ari naman ni Julia 'yon. Tinahak niya ang daan papunta sa maliit na kubo na tahanan ng mga Maniego, pero nasa kalagitnaan pa lang siya ng paglalakad ay natanaw niya na si Cef. Kasama nito si Julia at masayang nagku-kwentuhan ang dalawa, hindi na rin bakas sa mga mata ng dalaga ang lungkot na kanyang idinulot noong nagdaang araw.
Hahakbang pa sana siya papalapit sa kubo ngunit may isang kakatwang ideya na naman na pumasok sa utak niya. Paano nga ba kung may kakaibang motibo si Cef?
Tama, batid niyang alam ni Cef na si Julia ang magma-mana ng kalhati ng Hacienda. Nasabi ito minsan sa kanya ni Don Lucio na tanging ang pinsan niya lamang bukod sa kanya ang nakaka-alam sa pagkatao ng mga Maniego. Ginawa ito ng matandang Don para pakiusapan si Cef na bantayan nang mabuti ang pamilya, lalo na si Julia.
Paano nga kaya kung may ibang motibo ito? By simply knowing that Julia has no chance on him, that makes Cef as a possible replacement of him as that woman's groom. And if that happens! Hindi pala si Julia ang magiging kahati niya sa Hacienda, kundi si Cef?
Ironic. But he can't let that happen. Hindi magiging maganda para sa kanyang plano na maging magkapantay sila ni Cef ng kapangyarihan sa Hacienda. At isa pa, siguradong hindi niya mapaghihigantihan ang mga tiyahin niya oras na magkaroon ng karapatan ang anak nito sa Hacienda.
"You can't fool me, Cef." Bulong niya at lumihis ng direksyon mula sa kubo.
Kaagad na nagtungo si Conrad sa mansyon. Napag-pasyahan niya munang itago ang singsing ni Julia habang umiisip pa siya ng plano para kontrahin ang naka-ambang balakid sa kanya. And that was Cef
Sa darating na salo-salo, balak niyang gawin ang una niyang hakbang, kaylangan niyang amuhin muli si Julia. Kung tutuusin, madali lang iyon para sa isang makisig at matipunong lalaking galing Maynila na katulad niya. But he had to admit, she's different. May pagka-mangmang man ay nababasa niya na mataas ang respeto nito sa sarili. Hindi niya alam kung bibigay pa ito muli sa kanya matapos ang lahat ng masasakit na salita na kanyang sinabi.
Nagtungo ang binata sa opisina ni Don Lucio, gusto niyang ipahayag ang kagustuhan niyang ipagpiban ang darating na kasiyahan. Ngunit sa kanyang pagpasok sa opisina'y hindi si Don Lucio ang nakita niya. Isang babae, nakita na niya ito noong pinuntahan niya si Julia. Natanaw niya itong linagkakatuwaan ang dalaga kaya't mabilis na kumot ang kanyang noo.
"Who are you? Anong ginagawa mo sa opisina ni Lolo?" Yamot na tanong niya dito.
Unti-unting humakbang palapit si Becca sa binata. At nang makarating sa kanyang harapa'y pumulupot ang kamay nito sa leeg niya at ngumisi.
"Hey, lover boy. Mukhang bored ka ah? Nagsasawa ka na kay Julia noh?"
Nagdilim ang mukha ni Conrad sa itinuran nito. Hindi lamang dahil naaalibadbaran siya sa babaeng ito, ngunit dahil narinig niya muli ang ngalan ni Julia. At ngayong medyo hindi maganda ang timpla niya, wala siyang balak sakyan ang trip ng probinsyanang hilaw na ito. Itutulak na niya sana ito palayo nang biglang bumukas ang pinto.
Kaagad na napatakip ng bibig si Julia sa nakita niya. Balak niya sanang kausapin si Don Lucio tungkol sa mana kaya't nagpasama siya kay Cef sa opisina nito.Hindi niya inaasahan na ito ang bubungad sa kanya. Kapwa nakatingin sa kanyang direksyon ang dalawa at magkalingkis sa isa't isa. Maging si Cef ay hindi mawari sa gagawin sa pagkabigla.
"Kuya Conrad. Bakit dito pa sa office ni Lolo?" Bulaslas ni Cef saka bumaling kay Julia na napayuko bunga ng nasaksihan.
"Julia." Bago pa makapagsalita ito ay agad nang tumalikod ang dalaga.
"Halika na, Cef. Wala yata dito si Don Lucio. Mamaya na lang." Tanging sambit nito saka tuluyang umalis ng opisina kasunod ng humahabol na si Cef. Halata sa tono nito ang panginginig.
"O? Akala ko ba hindi ka na iiyak? Bakit sumisinghot-singhot ka d'yan?" Pang-aasar ni Cef nang makabalik sila sa tapat ng bahay ng dilag.
Malakas na pinalo ni Julia ang braso ng kaibigan. "Wag ka na nga mangasar d'yan!" Singhal niya habang sumisinghot at humihikbi. "Nakakainis talaga yang pinsan mo, kahit kailan."
"Julia, am naman natin na galing Maynila si Conrad. I think it's natural for him to be like that. At isa pa - "
"Na hindi naman niya ako naaalala." Pagtutuloy ng dilag sa dapat na sasabihin ni Cef. "Alam ko naman 'yon eh. Pero wala eh, masakit pa rin." Mapa-bugtong hininga siya at umupo sa isang silya.
"Kahit pinagdikdikan niya na sa harap ko na ayaw niya sa'kin at hinding-hindi papakasalan, siya pa rin lagi ang laman ng isip ko."
"May tawag d'yan, eh Wait." Akmang mag-iisip si Cef at ngumisi sa kaibigang dilag.
"Ang tawag d'yan, katangahan." Prangkang sabi ni Cef kaya't napalingon at sumama ang tingin ni Julia sa kanya.
"O! Chill. Pero totoo, aminin mo." Pigil ni Cef sa kamay ng dilag na akmang hahampas sana sa kanya.
"Alam mo Julia, Marami ka pang dapat gawin. Bakit hindi mo na lang ipagpatuloy iyang pagaaral mo?"
Lumambot ang ekspresyon ni Julia at tumango. "Gusto ko sana, kaso natatakot ako. Natatakot akong mag-isa sa bayan."
"Problema ba 'yon? Eh di sasamahan kita!"
Sumilay ang liwanag at ngiti sa mukha ng dalaga at pinisil ang pisngi ng kaibigang si Cef. "Hindi nga? Hindi ka nagbibiro?"
Tumawa namang pinitik ni Cef ang ilong niya bilang ganti sa pagpisil ng kanyang pisngi. "Oo. Sasamahan kita doon. Promise."
Isang yakap ang biglaang iginawad ni Julia sa kaibigan, nagulat man si Cef ay napangiti na lamang ito.
"Thank you, Cef. Buti na lang andyan ka."