Kabanata 6

2144 Words
Kabanata 6 PARANG gusto niyang isabuy sa mukha ng lalaki ang tubig nasa gilid niya. How dare him? Ang kapal ng mukha nitong magtanong sa kanya na para bang humihingi lang ito ng candy. Alam niyang may iba pang meaning ang sinasabi nitong babalikan. “Edi bumalik ka, wala namang pumipigil sa iyo, ngunit tandaan mong hindi lahat ng iniiwan ay pwede mong balikan,” mamaya ay mariing niyang sabi nang hindi umaalis ang tingin ng lalaki sa kanya na tila ba hinihintay talaga nito ang magiging sagot niya. “Well, hindi din naman sa lahat ng bagay ma-apply iyan, lalo na kung ang gusto mong balikan ay tao. Lumilipas ang araw, at bawat oras ay pwedeng magbago ang takbo ng utak at damdamin ng tao kaya’t hindi mo masisiguradong hindi na magbabago pa ang pasya—” “Shut up!” medyo mataas ang boses na saway niya sa lalaki dahil baka hindi niya mapigilan ang sarili at sabuhayan ito ng tubig dahil sa kalokohan nitong sinasabi. Akmang magsasalita pa sana ang lalaki pero dumating na ang mag-asawa na bitbit na ang ini-order nila, kaagad naman niyang inayos ang sarili at uminom siya ng tubig para makalmahin ang kanyang kalamnan. “Bakit pawis na pawis ka?” Napatingala siya kay Maica na ngayon ay inalalagay na sa kanilang mesa ang mga pagkain, bago niya pa ito sagutin ay nagdesisyon siyang tumayo para tulungan ito, medyo marami-rami din ang ini-order ng mag-asawa gayong apat lang naman sila. “Kay dami naman nitong ini-order ninyo,” natatawang aniya para ibahin ang usapan. “Naku, ito kasing mister ko gusto daw niya matikman ko iyong mga pagkain dito dahil masasarap daw at puro pa daw ito paborito ko,” nakangiting sabi ni Maica. Hindi niya maiwasang mainggit sa kaibigan dahil may lalaking nagmamahal ng tapat dito hindi gaya niya na minsan nga lang magmahal ginago pa. Kailan niya din kaya mararanasan ang mahalin ng tapat at totoo. “Baka kapag puti na ang uwak,” mahinang aniya na lamang sabay upo. Nagulat pa siya ng umupo si Maica sa tabi ng mister nito at kaagad namang sibuan ng lalaki ang asawa ng pizza. “Try mo ito, love,” sabi ni Malvin bago sinubo kay Maica ang pizza. Naiwas na lamang siya ng tingin sa dalawa. Nang umupo si Diablo sa tabi niya ay bahagya niyang inilayo sa lalaki ang upuan niya para hindi sila magkadikit. Wala naman siyang narinig na reklamo sa lalaki. “Kain ka na.” Napalingon siya naman siya sa katabi sa sinabi nito. Hindi pa nga siya nakakapagsalita nang bigla niya na lang nakita na nilalagyan na ng lalaki ng kainin at piniritong bangus at talong ang kanyang pinggan. “Ano ginagawa mo?” magkasalubong ang kilay na tanong niya. Imbis na sagutin siya ay binuksan pa ng lalaki ang 1.5 na coke nila at nilagyan ang baso niya na may ice na, malamang ito din ng lagay. Napapikit siya ng mariin parang gusto niyang murahin ito sa ginawa pero ayaw niya namang mapahiya sila dahil marami pa namang tao sa loob ng resto. “Sige na kumain kana, oh gusto mo ba ng sinigang? Kukuha ba kita ng sabaw?” Masamang tingin ang pinukol niya sa lalaki. “Ano sa tingin mo ginagawa mo? May kamay ako, oh.” “Ah, ayaw mo nang sabaw, sige,” iyon lang ang sinabi nito sabay subo ng kanin at ngumuya na para bang wala itong kasalanang ginawa. Huminga siya ng malalim at kumain na din kasi tumunog na ang kanyang sikmura. “Grabe ang sarap nga ng mga pagkain nila dito,” malapad ang ngiting sabi ni Maica pagkatapos nitong kumain. Nagsusubuan pa ang dalawa na animo’y bagong kasal. “Sinabi mo pa, mukhang masisira ang diet ko,” natatawang aniya naman. Paano ba kasi nakailang rice din siya. Namiss niya ng sobra kumain ng piniritong bangus at talong. Ang unique pa ng pagkaluto ng mga ito sa talong, kaya’t sarap na sarap siya. “Asus, kahit hindi ka na mag-diet ang seksi mo na ‘e,” ani ni Maica. Mabilis kasi ang motabolism niya kaya walang duda talaga na hindi siya tumataba kahit ano mangkain niya. “Sabagay, hingi ako nitong pizza ‘a,” nakangiting aniya at akmang aabutin ang pizza pero medyo malayo kaya nahirapan siya. Tatayo na sana siya para maabot niya ito pero may naunang kumuha kaya’t napalingon siya sa kanyang katabi na ngayon ay inilalagay na sa pinggan niya ang isang slice ng pizza. “Gusto mo din ba ng mac and cheese? Masarap luto nila dito may kasama pang fried chicken,” giit ng lalaki nang tumingin ito sa kanya. “Alam kong gentleman ka pero hindi mo kailangan i-apply iyon sa akin kasi kaya ko naman sarili ko,” bigla niyang naisabi. Naiinis kasi siya dahil baka hindi na naman niya malayan masasanay na naman siya sa pag-aalaga nito at bigla-bigla na naman ito mawawala at iiyak na naman niya. She hates it. “Kuhanan kita, teka lang,” sagot lang nito sabay tayo. Ang sinasabi nitong kukunin ay ang mac and cheese na ini-order nila na hindi pa sini-serve. “Marie, naman masyado ka namang masungit. Hayaan mo na si insan,” giit ni Maica sa kanya. Mukha napansin ng babae na panay saway niya sa lalaki kasi panay alok nito sa kanya ng pagkain. “Ayaw mo bang inalagaan ka?” tanong ni Maica ng hindi siya umiimik. “Kung siya lang din naman mag-aalaga sa akin, huwag na lang,” walang kurap-kurap na sagot niya. Kahit alam niyang baka magtaka si Maica sa inaasta niya. Pagbalik ng lalaki ay may nakasunod dito na waiter may bitbit na halo-halo. Hindi maalis ang kanyang mga mata sa halo-halo, namiss niya ito ng sobra. “Heto na ang mac and cheese, hindi ba’t paborito mo ito?” Narinig niyang sabi ni Diablo pero hindi niya ito pinansin nakatutok lang ang mga mata niya sa halo-halo. Napalunok siya ng kanyang laway nan tumigil na ang waiter sa table nila. “Hindi kami ng order ng halo-halo,” biglang sabi ni Maica. Hindi niya maiwasang malabi, akala niya para sa kanila iyon pala baka nagkamali lang ang waiter. Laglag ang balikat na napaupo siya sa kanyang upuan. “Libre po ito, ma’am. Freebies po ito kapag double date po kayong kumain dito sa resto, hindi po ba’t magkasintahan kayong apat?” “G-Ganun nga!” mabilis na bulalas niya. At mabiis na kinuha sa may waiter ang tray na hawak nito. Takam na takam na siya, ngumiti naman ang waiter. “Emjoy po,” giit nito at iniwan na sila. Mabilis na inilagay niya ang apat na baso na may lamang halo-halo. May ube ice cream ito at leche plan na siyang nagpapatakam sa kanya. Hindi niya maiwasan mapakagat sa kanyang ibabang labi. “Para ka namang naglilihi kung maka-react ka diyan, Marie,” natatawang sabi ni Maica. Natigilan siya, at napatulala. Napayukom siya ng kanyang mga kamay at pumikit ng mariin. Ayaw niyang maalala ang masamang aalala, baka umiyak lang siya. Minsan na din kasi siyang naglihi dahil na buntis siya ngunit namatay ang walang muwang na sanggol. KAHIT pa magmukha siyang tanga nilunok ni Marie ang kanyang pride at bumayahe siya pa manila upang ipagtapat kay Diablo ang kanyang nalaman. Matapos ang isang buwan na break up nila, nalaman niyang buntis siya kaya’t ayaw man niya sana abalahin pa ang lalaki pero kailangan dahil ayaw niyang mapahiya sa tao at sa mga magulang na nabuntis siya na walang ama. Handa na siyang patawarin ito, handa na siyang kalimutan ang panloloko nito sa kanya alang-alang sa magiging anak nila. Ngunit sinong mag-aakalang pagkarating niya sa apartment ng lalaki ay masasaksihan niyang nakikipagsiping ito sa babaeng dahilan kung bakit sila naghiwalay. “Kaya naman pala hindi ka na nag-abala pang suyuin ako kasi masaya ka na sa kandungan niya,” umiiyak na giit niya. Nanginginig ang mga tuhod niya sa galit at pagkamunghi sa lalaki. Kahit ganun ay pinilit niya pa din ang sariling makaalis sa lugar na iyon dahil kahit pa sa labas siya ay dinig na dinig niya ang ang ungol ng dalawa. Para siyang baliw na lumalakad sa gilid ng kalsada habang tumutulo ang kanyang luha. Napabalik lang siya sa kanyang katinuan nang may sinag ng ilaw na tumama sa kanyang mukha bago pa man niya malaman kung ano iyon ay nasa eri na ang kanyang katawan. Sinagasaan siya ng montero na kotse, hindi niya iyon napansin nang tumawid siya. Akala niya’y mamatay na siya ngunit nagising pa din siya. “I’m so sorry, Ms. hindi na namin kayang sagipin ang sanggol sa sinapupunan niya,” narinig niyang sabi ng doctor kay Rebecca. Tumulo ang luha niya, kasalan niya kung bakit nawala ang inosenteng sanggol, kung bakit kasi pinuntahan pa niya ang walang hiyang ama nito. Kung natili na lamang siya sa probinsya buhay pa sana ang anak niya. “Tahan na, baka hindi pa talaga siya para sa iyo,” pag-aalo sa kanya ni Rebecca. Iyak lang siya ng iyak. Simula sa araw na iyon, nagdesisyon siyang huwag muna umuwi sa kanila at maghanap na lamang ng trabaho, total naman ay granduate na siya. NAPAKURAP-KURAP si Marie nang may tumapik sa may balikat niya, napa-angat siya ng tingin, bumulaga sa kanya ang mukha ni Maica. “Kanina ka pa tulala diyan, tunaw na ang halo-halo mo ‘o,” nakangiwing sabi ni Maica. Napatingin naman siya sa kanyang halo-halo, tunaw na nga iyon. Buti na lamang ‘e na kalahati na niya iyon. Bakit kaya lagi na lang bumabalik ang alaala niya? Pilit na niya iyon binabaon sa limot dahil kapag pinansin niya baka ma-depress na naman siya. “Aalis na ba tayo?” mahinang tanong niya nang mag-umpisa nang magligpit ang mag-asawa. “Oo ‘e, mahaba-haba pa bayahe natin baka abutin tayo ng gabi kapag tumagal pa tayo dito,” sagot ni Maica. Tumango-tango siya at umayos na din. Ilang sandali pa ay nauna na sila ni Diablo sa labas dahil may aasikasuhin pa daw ang mag-asawa sa loob. Naninigarilyo ang lalaki sa gilid ng van habang siya ay pabalik-balik ng lakad sa harap nito. Hindi niya alam pero hindi siya mapakali na sila lang dalawa magkasama sa iisang lugar. “Hindi ka ba na hihilo sa pabalik-balik mo ng lakad?” Napatigil siya napatingin sa lalakim ubos na ang sigarilyo nito. Dati hindi niya ito nakikitang ninigarilyo pero ngayon mukhang marami nang nagbago sa lalaki. “Huwag mo naman akong titigan ng ganiyan at baka makalimutan kong galit ka sa akin at mahalikan kita bigla.” Mabilis na nag-iwas siya ng tingin at sinamaan ng tingin ang hudyo na ngayon ay nakamamulsa at nakangisi sa kanya. “Subukan mo lang dahil kita mo itong kamao ko? Ito ang mahahalikan mo pagkatapos,” seryosong aniya at lumayo mula dito. Ilang sandali pa ay nasa loob na sila ng van, magkatabi pa din silang dalawa sa likuran ng van. Wala silang imik na dalawa habang panay naman harutan ng mag-asawa sa harap. Naaliw tuloy siyang panoorin ang mga ito, mayamaya pa ay nanlaki ang mga mata niya nang maramdaman niyang may mabigat at matigas na bagay ang lumapat sa balikat niya. “Anong–” Hindi na tuloy ang iba pa niyang sasabihin nang makita niyang tulog na tulog na ang lalaki at nakatanday sa kanya. “Ay naku, mukhang pagod na pagod si insan ‘a. Hayaan mo na lang muna siyang makapagpahinga, alam mo may jetlag din iyan kasi kahapon lang din ang dating niyan. Ito kasi si mama pinilit pasamahin si Diablo kawawa tuloy,” biglang sabi ni Malvin. Nang akmang aalisin niya ang ulo ng lalaki sa kanyang balikat. Napatigil naman siya at biglang na konsenya. Naalala niya din na kanina noong mahimbing ang tulog niya ‘e hinayaan lang siya ng lalaki na tumanday dito kaya’t sa pagkakataong ito, siya naman siguro magtiis para makapagpahinga din ito. “Aba’t abusado ka ‘a,” asik niya nang yumakap sa may bewang niya ang braso ng lalaki. Ginawa siya nitong unan, kinuha niya ang braso nito pero mabigat kaya’t hindi niya tuluyang maalis. Huminga siya ng malalim at pumikit ng mariin. Ano po ba magagawa niya kundi hayaan na lamang ang lalak, nahiya naman siyang itulak ito gayong nakatingin sa kanila ang mag-asawa. Pinsan pa din ito ni Maica at inaanak ng nanay nito. “For the sake of Maica, I will endure this,” sabi na lamang niya sa sarili. Binaling niya ang atensiyon sa labas, hindi niya maiwasang magamba sa kung ano pa ang masusunod na mangyayari sa pagitan nila ng lalaki, kung sana lang ay matapos niya ang bakasyon niyang hindi siya mabibihag sa demonyong lalaking ito. Huminga siya ng malalim at ilang minuto pa ay nakatulog din siya ng hindi niya namamalayan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD