NAPAKURAP-KURAP si Diablo nang may tumama na matigas na bagay sa kanyang noo, napatingin siya sa harapan. Magkasalubong ang mga kilay ni Maica ang sumalubong sa kanya.
"Namamaos na ako dito sa kakatawag sa pangalan mo pero hindi ka naman bumabalik sa katinuan mo, tulala ka lang!" inis na giit ni Maica.
Hindi niya talaga narinig ang boses nito, napahawak siya sa kanyang ulo dahil medyo sumakit iyon.
"Naku, Diablo, pasensya ka na dito sa pinsan mo, reyna kasi ito ng mga chismosa kaya nagiging bayolente kapag nabibitin sa impormasyon," singit ni Malvin.
Napabuntonghininga na lamang siya. Dahil bumalik na ang aalala ng nakaraan, hindi niya sukat akalain na ganun pala siya kasama dati kay Marie.
“Kaya ganun na lamang ang galit niya magkita kami muli, malamang hanggang ngayon ay hindi pa din humuhupa ang galit niya sa akin,” Sa isip-isip niya at bahagyang sinilip ang dalaga na ngayon ay mahimbing pa din ang tulog na hindi man lang naabala sa lakas ng bunganga ni Maica. Mukhang pagod na pagod ito.
“Oy tama na kakatitig at baka matunaw iyan, ituloy mo na lang kasi iyong kwento ng pag-ibig ninyo at kanina pa ako nabibitin dito,” hirit ni Maica.
“Hanggang dun na lang muna, masakit ba lalamunan ko ‘e," aniya para patahimikin na ang babae.
Humaba ang nguso ni Maica.
“Ano ba naman iyan, kahit sa part na lang na ng break kayo, ano nangyari? Sige na."
“Mas maganda siguro kung si Marie na lamang tanungin mo," giit niya. Ayaw na niya maalala pa muli ang pagkakamali niya kaya’t mas mabuti pang ang dalaga na lamang ang magkwekwento kay Maica.
“Isa pa mukhang ayaw ni Marie na pinag-uusapan ang nakaraan namin kaya nga hindi niya naikwento sa iyo," dagdag pa niya.
Nakibit balikat na lamang si Maica.
“Baka nga, hayyy ang dami ninyo pa lang pinagdaanan na dalawa. Hmmm…pero hindi pa naman huli ang lahat, single ka at single din siya may chance pa kayo,” nakangising giit ni Maica.
“Bahala na, ayaw ko munang problemahin ang mga bagay na hindi pa naman nangyayari," aniya na lang.
“Ewan ko na lang sa iyo kung papakawalan mo pa muli itong kaibigan ko, swerte kaya ng magiging husband nito," humahaba ang ngusong hirit ni Maica.
“Walang duda iyan," pagsang-ayon niya.
“Loko, alam mo naman pala ‘e, kung mahal mo pa, subukan mong suyuin," hirit ni Maica.
Hindi talaga natutuyo ang bibig ng pinsan niya. Panay labi daldal, ewan ba niya kung paano ito natatagalan ng Malvin.
“Hay naku, love, hayaan mo na si Diablo ang dumiskarte, mabuti pa ay maghanap ka na lang diyan sa google kung saan tayo pwede tumigil para kumain dahil nagugutom na ako,” singit ni Malvin na pinagsalamat niya.
"Sige na nga! Basta Diablo, ‘a. Kapag ililigawan mo si Marie, suppport kita basta ba’t huwag lolokohin dahil kapag sasaktan mo kaibigan ko, kakalimutan kong pinsan kita,” seryosong sabi ni Maica.
Sumaludo lang siya sa babae. Napagod na ang kanyang bibig kaya’t pinili niyang huwag na magsalita. Sinulyapan niya muli ang dalagang nakasandal sa kanya, tulog pa din ito. Bilib na bilib na talaga siya sa babae. Hindi nito pinapansin ang lakas ng boses ni Maica. Napaiwas siya ng tingin nang bumaba sa dibdib nito ang kanyang mga mata at napansin niyang lumuwa bahagya ang cleavage ng babae. Wala sa oras napalunok siya. Pakiramdam niya’y umiinit ang loob ng sasakyan.
“Huwag ngayon please," pakiusap niya sa kanyang sundalo na ngayon ay dahan-dahan ng sumasaludo.
Sa tagal niyang na bakante ngayon lang muli siya nakadama ng ganito klase pananabik na ma-angkin ang isang babae. Akala niya’y matagal na nawala ang kagustuhan niya makipagsiping sa mga babae. Ngunit mukhang mali ang akala niya dahil buhay na buhay ang kanyang manoy.
Mukhang si Marie lang pala ang magbabalik sa kanyang gana sa pakikipagsiping. Huminga siya ng malalim at inabot ang kanyang extra na hoodie upang gawing kumot para sa babae. Baka kasi kung hindi niya tatakpan ang pagkasilip ng malulusog nitong bundok ay baka hindi niya mapigilan ang sariling titigan iyon at kapag nangyari iyon, paniguradong titigasan talaga siya ng matindi.
Inakbayan niya ang babae para huwag ito maalog dahil medyo maalog na bahagi na ang dinadaanan nila.
“Ay bongga, daing ninyo pa magkasintahan sa posisyon ninyo ‘a. At pinsan, mahal mo pa no? Alagang-alaga mo ‘e," nakangiting sabi ni Maica nakinagulat niya.
“Ano ka ba, love. Hayaan mo na silang dalawa diyan. Nakakita ka na ba ng malapit na kainan?" singit ni Malvin.
Bumaling naman si Maica sa mister nito at tumingin sa may cellphone nito dahilan para makahinga siya ng maluwag dahil na wala na ang atensiyon ng babae sa kanya.
HABANG nagising si Marie nang may masilaw na bagay ang tumama sa kanyang mukha, hula niya’y flash ng camera iyon. Napakurap-kurap siya at mabilis na bumangon mula sa pagkakahiga sa may balikat ng lalaking kinamumuhian niya.
“Bakit ako nakatanday sa balikat niya?” bulalas ng utak niya at saka tumingala kay Diablo.
Nanlaki ang kanyang mga mata dahil muntik nang tumama ang labi niya sa labi ng lalaki dahil nakaharap din pala ito sa kaya. Parehas silang natigilan na dalawa, pakiramdam niya’y gusto nang lumuwa ng puso niya mula sa kanyang dibdib sa bilis ng kabog niyon. Mabilis silang dalawa umayos ng upo nang tumikhin si Maica.
“Baka gusto ninyo muna bumaba at para makakain muna tayo, mamaya na kayo mag-moment, kung ayos lang,” malapad ang ngiting giit ni Maica.
Namula naman siya. Hiyang-hiya siya sa sarili at sa kaibigan. Bwisit kasi itong si Diablo bakit pa ba kasi ito nagpakita pa sa kanya.
“Asus, ayaw mo lang aminin sa sarili mo na namiss mo siya–”
“Shut up!” medyo mataas ang boses na saway niya sa sarili. Napatigil lang siya nang marinig niyang tumikhim muli si Maica.
“Gutom lang iyan sis, kaya mo kinakausap sarili mo dahil gutom ka na, tamang-tama nandito na tayo sa resto kung saan masarap ang mga pagkain nila at magandang view din ang matatanaw mo habang kumakain,” pahayag ni Maica.
Binuksan tuloy niya ang bintana ng kotse at na mangha siya sa nakita. Simple man ang desenyo ng resto pero maganda at malinis naman tignan, plus point pa dahil sa gilid iyon ng dagat.
“Masarap nga kumain kapag ganitong view ang makikita mo,” nakangiting aniya.
“Tama kay ganda nga ng view.” Napalingon siya sa gawi ni Daiablo nang marinig niya itong nagsalita. Tumaas ang kilay niya dahil sa kanya nakatingin ang lalaki at hindi sa labas.
“Hindi ka nakakatuwa, tabi nga,” inis na aniya at tinulak ito. Dahil kukunin niya ang bag niyang nasa likod, natigilan siya nang mapansin niyang may hoodie pa lang nakalagay sa hita niya. Inamoy niya iyon, mabango pero hindi sa kanya ang amoy kundi panlalaki. Mabilis na hinagis niya iyon sa lalaking nakatingin sa kanya habang nakangiti.
“Oh, hoodie mo at huwag kang ngumiti dahil kinakalibutan ako sa iyo,” masungit na giit niya at mabilis na kinuha ang bag at walang paalam ba iniwan ang lalaki sa loob ng sasakyan.
“Agoy! Bawi na lang next life, pre,” natatawang buska ni Malvin na narinig niya.
Si Maica naman ay kaagad na kumapit sa may braso niya. Bumaling naman siya kaagad sa kaibigan.
“Ayaw mo ba talaga sa pinsan ko, sis?”
Napatitig siya sa kaibigan. “Ewan ko ba, ang init ng dugo ko sa kanya, pansenya ka na kung hindi ko siya kayang pakisamahan ng maayos, ha.”
Hinawakan ni Maica ang kanyang kamay. “Ano ka ba, wala iyon pero alam mo bang may kasabihan na, the more you hate, the more you love. Kaya’t mag-iingat ka baka magising ka na lang isang araw mahal mo na pala siya.” Tumawa pa ang babae habang siya ay umirap na lamang sa hangin.
Asa pa ang demonyong iyon. Hinding-hindi na siya magpapa-akit sa alagad ni Lucifer. Hinding-hindi na siya muli magpapakatanga dahil lang sa lalaki. Dahil minsan na siyang nawasak ng todo at muntik na masira ang buhay niya dahil lang dito. Pumikit siya ng mariin ng bumalik sa alala niya ang nakaraan.
WALANG tigil ang kanyang pag-iyak matapos niya masaksihan ang panloloko sa kanya ni Diablo, hindi niya akalaing gaya ng ibang babaeng dumaan sa buhay nito ay lolokuhin din siya ng kaibigan.
“GAGO SIYA! WALA SIYANG PUSO!!!” malakas na sigaw niya. Nasa gilid siya ng manila bay ng mga sandaling iyon, hindi siya dumirekta sa may tutuluyan niya. Naninikip ang dibdib niya at para iyong sasabog kaya’t minabuti niyang dito muna sa labas mamalagi.
“Friend, tama na iyan,” saway sa kanya ni Rebecca. Ang matalik niyang kaibigan na nagtratrabaho na sa manila. Ito ang naisipan niyang tawagan dahil baka kung ano ang gawin niya kung siya lang mag-isa. Pakiramdam niya kasi parang walang silbi na ang buhay niya. Para siyang basura na tinapon lang matapos pakinabangan.
“Sabi ko naman kasi sa iyo, huwag mo masyadong mahalin iyong hudyong ex mo ‘e, once a playboy, alway be a playboy,” mamaya ay giit ni Rebecca.
Suminghot siya. “Nangako kasi siya sa akin na hindi niya ako lolokohin–”
“Gaga! Naniwala ka naman, lalaki iyon simpre iyan talaga sasabihin para lang mapaniwala ka,” hirit ni Rebecca.
Napasabunot siya sa kanyang buhok. “Tama ka, gaga nga ako dahil naniwala ako sa kanya.” Umiyak siya mas malakas pa kaysa sa kanina. Niyakap naman siya ni Rebecca.
“Winasak niya puso at kipay ko, wala na natira sa akin ngayon, ano gagawin ko? Ano gagawin ko ngayon, Rebecca? Parang hindi ko kayang mabuhay nawala siya–”
“Gaga! Hindi pa matatapos ang mundo kaya’t umayos ka nga diyan. Makakamove-on ka din at hayaan mo na iyang kipay mo, babalik din iyan sa dati hindi nga lang kasing sikip ng dati pero at least babalik diba. Kaya’t huwag mawalan ng pag-asa may afam pa.”
Hindi niya alam kung matatawa siya o ano sa sinabi ng kaibigan.
“Baliw!” aniya at tumawa.
“Ikaw ang baliw, umiiyak ka habang tumatawa, pa mental na kita, day,” natatawang sabi ni Rebecca.
“Wahh, Rebecca!” Iyak naman niya. Hindi niya talaga matanggap na niloko siya ng lalaki at sa ex pa nito.
NAPABALIK siya sa katawang lupa niya nang may tumapik sa balikat niya.
“Hey, are you okay?”
Napatitig siya sa may ari ng kamay na tumapik sa balikat niya, si Diablo iyon, mabilis na tinapik-tapik niya ang kanyang balikat na para bang inaalisan niya iyon ng dumi.
“Madumi naman talaga ang kamay ng demonyong iyan, maging ang pagkatao nito ang ganun din.”
“Friend para kang timang diyan, kanina ‘e tulala ka ngayon naman ‘e parang gusto mong saksakin si insan ng hawak mo na tinidor ganun ba ka tindi ang galit mo sa kanya?”
Nabitiwan niya ang tinidor na hindi niya napansin na hawak-hawak pala niya,
“Kung pwede ko lang siyang saksakin ginawa ko na,” mahinang aniya. Kumunot ang noo ni Maica habang napaiwas naman ng tingin si Diablo.
“Ano, sis?”
Ngumiti siya at umiling-iling. “Wala, naka-order na ba kayo?” pag-iiba niya ng usapan.
“Ay,oo, si mister na lang ang inutusan ko, mas marami siyang alam tungkol sa kung ano ang magandang kainin dito, I hope you don’t mind,” nakangiting sagot ni Maica.
Ngumiti naman siya. “Ay naku ayos lang…” Tapos tumahimik na siya at tumingin sa may tanawin sa labas. Unti-unti nang lumulubog ang araw kaya’t kay ganda pagmasdan ang reflection nito at payapa na din ang karagatan. Pumikit siya at sininghot ang sariwang hangin.
“Ah, how i miss this,” mahinang aniya habang nakapikit.
“Iba talaga ang hangin at buhay sa probinsya ano? Kaya’t hindi nakakasawang manirahan at kahit pa lumayo ka man babalik at babalik ka pa din.”
Minulat niya ang mga mata nang marinig niya ang boses ng lalaki, minasdan niya ito habang nakatingin sa may labas. Mas lalo itong guwapo, naging makisig din ang katawan nito. Bahagya ding humaba ang buhok nito na ngayon ay nakapusod, bumagay naman dito ang hair style nito. Hindi niya masisi ang mga babae kung mababaliw man sa alindog ng hudyong ito kasi maging siya’y hindi din nakaligtas.
“Pero alam mo mas gusto ko pa din ang probinsya ng iloilo, tagal na din na hindi na ako nakakauwi dun…”
Hindi siya umiimik sa sinabi ng lalaki. Hindi nga it bumalik pa sa iloilo matapos nilang maghiwalay. Naging abala na kasi ito sa bago nitong babae, ang pinalit nito sa kanya.
“Kung babalik kaya ako, may babalikan pa kaya ako?” bigla nitong tanong.