Kabanata 7 (SPG)

2266 Words
Kabanata 7 NAGISING si Marie nang may narinig siyang malakas na kidlat kasabay nun ang pagbuhos ng malakas na ulan. Nanlaki ang mga mata niya nang mapansin na nakakayap pa din si Diablo sa kanya habang mahimbing ang tulog nito na para bang bata. “Sana lagi ka na lang tulog para naman para kang anghel,” mahinang aniya bago siya nagdesisyon naaalisin ang braso nito nakayakap sa kanya. Napangiwi siya nang hindi niya maalis ang braso nito dahil kay bigat at mahigpit ang pagkayap sa kanya. Huminga siya ng malalim at sinubukan muling alisin ang braso ng lalaki na parang sawa kung makaligkis sa kanya. Nakapatigil siya nang dahan-dahang minulat ng lalaki ang mga mata nito at mapungay ang mga matang tumingala sa kanya. Pakiramdam niya’y tumigil ang pagtibok ng puso niya nang magtama ang mga mata nila. “Sorry nakatulog pala ako,” basag ng lalaki sa katahimikan at ito ang unang pumutol sa pagtitinginan nila at mabilis itong lumayo mula sa kanya na labis niyang pinagtaka. Tumaas ang kilay niya nang inayos ng lalaki ang pang-ibabang suot nito at hindi na tumingin sa gawi niya imbis sa labas. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya dahil napansin niyang umuumbok ang p*********i nito mula sa pantalon na suot nito. “Uhaw pa din sa kipay ang hotdog ng loko,” bulalas ng utak niya. Umayos na ng upo natigilan siya nang mapansin niyang silang dalawa na lang ang natira sa loob ng van, wala na ang mag-asawa. “Teka, asan na ang mag-asawa?” bulalas niya at binuksan ang binantana pero kaagad niya din sinirado sapagkat ang lakas ng ulan sa labas at hangin, nabasa nga siya. “Heto gamitin mo pangpunas,” giit ng lalaki sabay abot sa kanya ng panyo. Hindi naman niya tinanggap at inabot niya ang kanyang bag at kumuha ng tissue. Wala naman siyang narinig na reklamo mula sa lalaki. Napasulyap siya sa gawi nito nang marinig niyang may kausap ito sa cellphone. “Andun na daw sila sa loob, sumunod na lang tayo,” sabi ng lalaki bigla sa kanya kaya’t napatigil siya sa pagpunas ng kanyang leeg. “Huh? Bakit nandito na ba tayo?” nakakunot noong tanong niya. “Hindi nasa isang malapit na hotel tayo, masama ang panahon at madilim na delikado na bumayahe kung magpapatuloy pa tayo,” paliwanang ni Diablo. Madilim na nga sa loob at mukhang masama ang panahon. Napatingin siya sa lalaki nang may iniabot ito sa kanya. “Suot muna ito para hindi ka mababasa, buti na lamang at may payong pa dito kaso isa na lang natira, mag-share na lang tayo,” giit ng lalaki. “Ikaw na lang magsuot ng hoodie mo, ayos lang ako,” aniya at inilagay na sa kanyng balikat ang kanyang bag. Bumuntonghininga ang lalaki at bigla siya nitong hinapit palapit ang bago pa man siya makapagsalita ay sinuot na nito sa kanya ang hoodie, at dahil malaki ang katawan nito sa kanya at mas mataas ito. Abot hanggang gitnang hita niya ang hoodie at sakop ba sakop nito ang katawan niya. “Huwag ka nang magtangkang magreklamo at huwag aalisin ang hoodie ko kung ayaw mong buhatin kita papasok sa hotel,” banta ng lalaki nang akma siyang aalma. Tikom niya na lamang ang kanyang labi dahil mukhang hindi talaga nagbibiro ang lalaki. Ilang minuto pa ay nasa loob na sila ng hotel, sa may lobby naabutan niya pa sina Maica at Malvin na kinakausap ang receptionist. “Paano ba iyan, dalawang room na lang daw natira,” balita ni Maica sa kanila at tumingin sa kanya. “Fully book daw kasi sila dahil sa lakas ng ulan marami ang na stranded,” dagdag naman ni Malvin. “Isang kama lang daw ba?” mahinang tanong niya. Hindi pwedeng magkasama sila ni Diablo sa iisang kwarto lalo na ang iisang kama pano na lang kung gapaningin siya nito? Takot siyang baka bumigay siya sa lalaki. Kilala niya ang sarili at aminin man niya sa hindi, malakas pa din ang epekto ng lalaki sa sistema niya kaya’t mas mabuti nang nag-iingat. “Oo daw ‘e, heto na lang, tayo magkasama sa kwarto, Marie, at ang dalawang naman ang siyang magkasama sa kabilang kwarto,” sabi ni Maica. Nakita niyang may pagtutol sa mga mata ni Malvin pero hindi na lang ito nagsalita dahil may binulong si Maica dito. “Isang gabi lang naman, love, isa pa, pwede naman kayong pumunta sa kwarto namin since mag-iinuman muna tayo bago matulog kaya’t huwag ka nang malungkot diyan matitikman mo din ang alindog ko,” nakangiting pag-aalo ni Maica sa mister. Nakahinga siya ng maluwag sa narinig, akala talaga niya pasasamahin siya ni Maica kay Diablo. PAKANTA-KANTA pa si Marie sabay kembot-kembot, katatapos niya lang maligo, lumabas kasi si Maica para bumili ng kakainin at iinumin nila mamaya habang siya naman ay nagdesisyon na magpaiwan, sapagkat gusto niya maligo at magpahinga. Nakatagpis lang siya ng tuwalya, hindi na siya nag-abala pa magdala ng mga damit sa loob ng banyo dahil nagmamadali na siya kanina. Hindi alam ng dalaga na habang abala siya sa pagkanta at pagkembot habang kumuha ng masusuot sa maleta nito ay pumasok si Diablo sa may silid at aliw na aliw sa panood sa live performance ng dalaga. Nawala ang ngisi sa mga labi ng binata ng bigla na lamang nahulog ang tuwalya na tagpis ng babae dahil sa paglilikot nito. Walang alinlangang pinulot naman iyon ng dalaga, nakatuwad ito at kitang-kita niya tuloy ang mala rosas na kipay nito. Wala sa sariling binuksan ng lalaki ang hawak na can beer at nilagok iyon sa pag mamadali ay nabilaukan siya. “AY KABAYONG MAHABA ANG t**i! ANO GINAGAWA MO DITO?!” Nanlalaki ang mga matang bulalas ni Marie nang makita niya si Diablo na maluha-luha na nakatyo sa may pintuan banda. “LABAS!!!!” namumulang sigaw ng dalaga bago pa man makapaliwanan ang binata. Mabilis naman lumabas si Diablo napailing-iling na lang at napangiti. Habang naiwan namang parang kamatis na sa pula si Marie sa loob habang yakap-yakap ng isang braso ang dalawang bundok nito at ang isang kamay naman ay nasa may kipay nito. “Bastos! Manyak! Paano pa ako ngayon magpapakita muli sa manyakis na iyon gayong nakita na niya ang aking tinatago–” “Asus feeling birhen, ante? Hindi ba’t warak na iyang kepay mo at ang may gawa ay siyang bumuso sa iyo?” bulong ng utak niya “Noon iyon, iba naman ngayon!” angil niya at nagmamadaling nagbihis at baka bumalik na ang mga kasama. Parang gusto niya na lang magpalamon sa lupa ng mga sandaling iyon. HABANG halos mapunit na ang mga labi ni Diablo sa kakangiti habang nakasandal sa labas ng hotel room kung saan si Marie. “Hoy para kang tanga diyan. Ano nginingiti mo na para bang nanalo ka sa lotto, huh?” Napaayos siya ng tayo ng marinig niya ang pamilyar na boses ni Maica. “Andito na pala kayo,” aniya at kinuha ka Maica ang bitbit nito. “Oo buti na lang may grocery store sa baba at hindi mahaba ang pila, sanga pala bakit ka nandito sa labas? Nag-away na naman ba kayo ni Marie at pinalabas ka?” tanong ni Malvin sa kanya. Napakamot siya sa kanyang batok. “Parang ganun na nga…” Natawa si Malvin. “Naku mukhang walang epek ang alindog mo kay Marie ‘a.” “Ang hina mo kasi dumiskarte, playboy ka talaga noong kabataan mo? Bakit tila hindi ka naman marunong humuli ng kiliti ng babae,” humahaba ang ngusong giit naman ni Maica sa kanya. “Baka nga,” sang-ayon na lamang niya sabay tawa. MAYAMAYA pa nasa iisang mesa na silang apat, samgyupsal ang binili nina Maica at Malvin. Si Marie ang nag-aasikaso sa pagluluto habang si Maica naman ang nag-aayos ng iinumin nila. Hindi maalis ang kanyang mga mata kay Marie naabala ngauon sa pagluluto. “Naku, wala talagang dudang swerte ang magiging mister mo sa iyo, sis, maganda, seksi at magaling pa magluto,” nakangiting puri ni Maica kay Marie nang maluto na ang mga iluluto nitong karne. “Naku naman, sis, prito-prito lang naman ito ‘e, at saka averange lang ako no, hindi ako kasing ganda ng sinasabi mo–” “Tama naman si Maica, swerte sa iyo magiging mister mo,” hindi niya maiwasang sumingit. Napatigil naman si Marie sa pagkukuha ng mga luto na karne at tumingin sa kanya, naiwas siya ng tingin at napakamot sa kanyang batok ng inirapan siya ng babae. “Ishot mo puno mo na lang iyan, pre,” natatawang sabi ni Malvin sa kanya sabay binigyan siya nito ng baso. Tinggap naman niya at tinungga kaagad ang baso. “Ikaw ba Marie ay umiinom din?” tanong ni Malvin bigla kay Marie na ngayon ay nagluluto pa din. “Huwag mo na iyang painumin, pre,” aniya. Alam niya kasing mahirap alagain ang babae kapag nalasing. “Oo naman,” sagot ni Marie at tinggap ang inalok ni Malvin na beer rito. “Isang beer lang sa iyo baka malasing ka—” “Ano ka ba, insan, hayaan mo na lang si Marie umiinom, kapag nalasing siya edi malasing,” singit ni Maica. “Tama, at saka sino ka ba para magdesisyon sa buhay ko?” mataray na giit ng dalaga. Tinikom na lamang niya ang kanyang bibig kasi kilala niya ang babae, hindi ito magpapaawat. Makaraan ang ilang oras ay lasing na silang apat lalo na si Marie na ngayon ay nakangiti habang nakatingin sa may baso nito, akmang uubusin nito ang natira pang beer, kaagad niya iyon inagaw. “Tama na iyan, lasing ka na,” saway niya at nilapitan ang dalaga baka kasi matumba ito. “Ano ba?! Hindi ako lasing,” bulalas nito at pilit na inaagaw sa kanya ang baso kaya nagdesisyon siyang inumin na lang ang natira para wala na itong magawa. “Bakit mo inom ang alak ko, ‘a?” Tumayo pa bigla ang dalaga dahilan para gumiwang ito at muntik na matumba buti na lang nasalo niya ito. “Bitawaran mo ako.” Tinulak siya ng babae na bitiwan niya naman ito. Lumayo ito sa kanya at tinuro-turo siya. “Huwag mo akong hawakan at huwag ka lumapit sa akin,” pahayag nito habang pagewang-gewang. Napailing na lang siya at nilapitan ito. “Sabi nang—” Hindi nito natapos ang iba pang sasabihin nang bigla na lamang ito naduwal. Nanlaki ang mga mata niya at mabilis niyang binuhat ang dalaga patungo sa banyo bago pa ito magkalat sa may maliit na sala ng hotel room. Nagpupumiglas ito. “Ano ba, ibaba mo ako!” “Tumigil ka na at baka malaglag ka,” mahinanong aniya. Isa pa nahihilo na din siya baka matumba sila kung patuloy na gagalaw ang babae. “Demonyo ka!” Napatingin siya sa babae ng tinusok nito ang pisngi niya. “Diablo ang pangalan ko hindi demonyo–” “Demonyo!” humahaba ang ngusong wika ng babae at ngumisi sa kanya. Napailing na lamang siya. “Baba,” parang batang sabi nito nang makarating na sila sa loob ng banyo. Mabilis naman niya itong binaba. “Sabi ko naman kasi sa iyo huwag ka umiinom kasi bawal sa iyo ang alak dahil acidic ka,” sermon niya sa dalaga habang hinahaplos ang likuran nito. Sumusuka ang babae sa may inodoro. “T-Tubig,” maluha-luhang wika nito sa kanya. Mabilis naman niya itong kinuhaan ng tubig, pagkabigay niya nilagok kaagad iyon ng dalaga. Nagulat siya nang pagkatapos nito sumuka ay… “Ang init!” anito at walang pagdadalawang isip na hinubad nito ang suot na dress at tinapon sa may lababo. “Damn woman, you are gonna be the death of me!” Napa-english siya ng mura nang sinunod ng babae alisin ang bra nito. Akmang tatangalin din nito ang panty pero mabilis niya itong pinigilan. “Ano ba, hindi ako makahinga,” reklamo nito nang pigilan niya itong alisin ang pang-ibabang saplot. “Ito na nga sinasabi ko ‘e!” reklamo niya at napasabunot sa kanyang buhok. Kapag kasi nalalasing ang dalaga ng todo ng huhubad ito kaya ayaw niyang maglasing ito pero matigas ang ulo kaya heto siya tuloy ang nahihirapan. “Ibaba mo ako ano ba?!” angil ng babae ng binuhat niya ito at mabilis nakinuha ang dress nito sa may lababo at nang nasa may labas na sila. Napakamot na lamang siya ng kanyang batok nang makitang wala na ang mag-asawa, malamang asa kabilang kwarto na. “Diablo…” Halos mabale ang leeg niya sa bilis ng pagkalingon niya nang marinig niyang sinambit ng babae ang kanyang pangalan sa seksing paraan. “Hubaran mo ako, Diablo,” dagdag pa ng dalaga na ngayon ay nakaluhod sa kama at nakagat labi pa. Napalunok siya ng kanyang laway, hindi siya madasalin pero nang mga sandaling iyon ay parang gusto niyang lumuhod at magdasal. “Oh diyosko, ilayo ninyo po ako sa tukso,” mataimtim na dasal niya sabay pikit. Napamulat siya nang maramdaman niya ang hintuturo ng dalaga sa kanyang ibabang labi. “Diablo…” sambit ng babae sa pangalan niya sabay haplos sa kanyang pisngi pababa sa kanyang leeg at dibdib. Alam ng utak niyang mali ang patulan ang dalaga gayong lasing ito at paniguradong magagalit ito sa kanya ng husto pagkagising bukas pero hindi niya ito magawang maitulak lalo na nang hagkan nito ang kanyang mga labi. “Oh, Marie!” paungol na giit niya bago niya hawakan ang batok ng dalaga para halikan ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD