KUMUNOT ang noo ni Marie nang makita niya ang kanyang kaibigan na si Diablo nakaupo ito sa may kalaparang upuan banda gilid ng daanan ng bahay nila. Ano na naman kaya ang nangyari sa maloko niyang kaibigan bakit para itong naluging insik.
"Oh, nanyare sa iyo?" Kaagarang tanong niya at umupo sa tabi ng lalaki na nakasubsub ang ulo sa mga palad nito. Nang marinig nito ang kanyang boses ay kaagarang napa-angat ng tingin ang lalaki.
"Marie, ikaw pala," bulalas ng lalaki. Tumaas ang kanyang kilay sa naging reaction ng kaibigan.
"Ako nga, sino pa ba. Ano ginagawa mo dito?" tanong niya at nameywang sa harap ng lalaki.
"Dinadalaw ka ano pa ba," sagot nito at umayos ng upo at tumingin sa kanya.
"Aba'y ako nga'y tigilan mo, demonyo-"
"Hep, hep, huwag mo nga akong tawaging ganiyan, para naman akong masamang-masama niyan 'e," nakasimangot na ugot nito.
Ngumisi siya. "Aba'y parehas lang naman ang meaning niyon sa pangalan mo, Diablo-"
"Aba't mas maganda naman pakinggan ang pangalan ko kaysa sa "demonyo" no," giit nito.
"Asus, oo na. Bakit ka ba kasi narito? Iyong totoo, hah?" usisa niya. Kay layo-layo kaya ng manila bakit ito nakarating sa probinsya pabigla-bigla.
"Namiss lang kita-"
"Asus, huwag mo nga ako binobola, Diablo! Kilala na kita oy, huwag mo ako igaya sa mga babaeng nahuhumaling sa matamis mong salita," aniya at pinagkrus ang mga braso sa kanyang dibdib.
Bumuntonghininga ang lalaki. "Totoong namiss nga kita kasi hindi tayo nakapag-usap nitong mga nakaraan-"
"Sino may kasalanan, aber? Hindi ba't abala ka sa mga babae mo, ay, teka, asan pala si Ella? Hindi ba't siya ang latest na pinagkakabalahan mo ngayon?" humahaba ang ngusong giit niya.
Si Ella, ang babaeng kinahuhumalingan ng kanyang kaibigan na nakilala daw nito sa isang online group page. Nakausap niya na din ang babae, maganda ito at mabait. Kadalasan na nagugustuhan ni Diablo, mga maganda at inosenteng babae para mabilis nito mauuto.
Napakamot ng batok ang lalaki at napabuntonghininga. Tumaas ang kanyang kilay at umupo sa tabi nito.
"Sinasabi ko na nga ba, nag-away kayo no? O malala binasted ka?" aniya.
Kilala na niya kasi ang kaibigan ang mga pagkamot nito sa batok at pagbuntonghininga alam na alam na niya kung ano na naman ang problema nito.
"Bigla niya na lang ako hindi kinakausap, ewan ko ba kung bakit, masaya naman kami kahapon 'a," panimula ng lalaki.
Napakamot siya sa kanyang pisngi. Heto na naman sila, lumang tugtugin na mga ganitong eksena, ano ba kasi'y pakiramdam niya kada buwan 'e namomoblema ito sa mga babae. Kung iisipin 'e marami namang babae nagkakaramdapa dito kaso lang iba ata ang trip ng kaibigan niya. Totoo nga ang sinabi ni Taylor Swift sa kanta nito, "Blank space" kung saan may linyang, "Boy's only want love when it's torture."
Bumuntonghininga siya at saka tumayo.
"So pano? Gusto mo bang kausapin ko?" tanong niya. Kahit alam na niya ang sagot, heto naman talaga ang papel niya sa buhay ng lalaking ito. Taga aliw at tagapayo.
"Ayos lang ba sa iyo?" tanong nito balik sa kanya.
Ngumiwi siya. "May choice ba ako? Eh mukhang iyan naman pinunta mo dito 'e." Gusto niyang sabihin pero tinikom niya na lamang ang kanyang bibig, ayaw na niya masaktan pa ito.
Nang araw ding iyon nagawa niyang makausap si Ella kaso nga lang 'e buo na ang desisyon ng dalaga na huwag nang pansinin si Diablo sa kadahilanang pinagbabawalan ito ng mga magulang na makipagrelasyon. Labis-labis naman ang kabiguang dinarama ng kaibigan at tulad ng kinagawian hindi niya ito iniwan. Hindi ba para siyang tanga, pero ganun naman diba ang magkakaibigan ng dadamayan at hindi nag-iiwan.
SUMUNOD na mga araw may bago siya balitang nalaman, mayroon na palang bagong syota ang kanyang kaibigan at pinagseselosan siya nito.
Tinawag pa nga siyang malandi dahil daw nakikipaglapit siya kay Diablo.
"Tahan na, huwag ka nang umiyak, pasensya ka na talaga kay Jen, sadyang overprotected lang iyon sa akin-"
"Obsess kamo siya sa iyo. At pwede ba ikaw na lang kasi mag-adjust huwag mo na kasi ako tawag-tawagan napagselosan tuloy ako-"
"Hayy, alam mo naman hindi ko iyan kayang gawin, Marie. Magkaibigan tayo kaya't simpre gusto ko din malaman ang mga bagay-bagay sa buhay mo-"
"Alam ko pero prioritize mo na iyang syota mo at baka sa susunod 'e bigla na lang iyan susugod at sabunutan ako," aniya at pinahiran ang luha. Oo mababaw na kung mababaw pero iiyak talaga siya kapag sinasabihan siya ng salitang hindi maganda at hindi pa totoo.
Bumuntonghininga ang lalaki at napakamot na lamang sa batok nito.
"Okay susubukan ko," mayamaya ay sabi nito.
Hindi pa din tumitigil sa kakakulit sa kanya si Diablo, araw-araw 'e nag-t-text pa din ito at tumatawag hanggang sa nalaman na naman ng baliw nitong nobya at nag-away ang dalawa.
"Sabi ko na kasi sa iyo 'e," sisi niya sa lalaki. Nag-uusap sila ng mga sandaling iyon sa tawag kasi bumalik na ito sa manila at siya ay naiwan sa probinsya.
"Hayaan mo na. Naubos na din ang pasensya ko sa kanya. Buti nga iyon at hiwalay na kami. Nakakasakal na kasi ang pagiging selosa niya. Lahat na lang pinagseselosan," rason ng lalaki.
Bumuntonghininga siya. "Ikaw naman kasi ang hilig mo pa ding makipaghalo-biro sa babae alam mo naman na selosa syota mo.
"Kasalanan ko ba kung lapit nang lapit sa akin ang mga chix at saka wala namang masama makikipag-usap sa kanila," rason nito.
Nailing na lamang siya. "Ewan ko sa iyo. Pano ka ngayon wala ka nang syota? Hindi ka naman mabubuhay kapag wala."
"Andiyan ka naman 'e-"
"Ano sabi mo?" medyo tumaas ang boses na tanong niya.
"Ang sabi ko, ano naman kung wala akong dyowa andiyan ka naman-"
"Hoy, hoy, demonyo, huwag mo nga akong dinadamay sa mga babaeng niloloko mo-"
"Heto naman, mali naman kasi pagkaintindi mo. I mean, nandito ka naman as my girlbestfriend kaya't mabubuhay naman na ako nun," giit ng lalaki.
"Ayan, linawin mo," aniya.
"Oo na po, highblood agad 'e. Kaya ka siguro hindi nagkakanobyo dahil para kang matandang dalaga kung magalit," natatawang buska ng kaibigan.
"Aba't!" Umuusok ang ilong na binatukan niya ang kaibigan.
Mula nang araw na iyon ay mas naging malapit pa sila ni Diablo na halos higit pa sa magkakaibigan ang turingan nila. Hindi niya namalayang na-attached na siya ng sobra sa lalaki hanggang sa bigla na lamang ito ng laho na parang bula at hindi na nagpaparamdam. Doon niya lang napagtantong in love na siya sa babaero niyang kaibigan. Lumipas ang mga araw at naging buwan, hindi na matiis ni Marie na hindi kontakin si Diablo muli nagbabakasaling makakatanggap siya ng reply mula dito.
"Oy kamusta ka na. Ang tagal mo nang hindi nagpaparamdam 'a, buhay ka pa ba?"
Pigil ang hininga niya nang makitang nag-typing ang lalaki.
Hello, pasensya ka na. Pinagbawalan kasi ako ng bago kong girlfriend makipag-usap sa ibang babae 'e."
Tila tumigil ang pag-inog ng mundo niya. Kung ganun ay mayroon na pala itong bagong girlfriend? Kaya pala kinalimutan na lang siya nito bigla. Kaya pala hindi na siya nito kinulit. Ano daw?? Ibang babae? Kung ganun ay katulad lang din pala siya sa mga ibang babae kinakausap nito dati kasi bakit damay siya? Iyon lang ba talaga tingin ng lalaki sa kanya? Napahawak siya sa kanyang pisngi nang maramdaman niyang bumasa iyon. Umiyak siya? Nasaktan siya malamang. Ayos lang naman huwag na din siya nito magustuhan bilang babae dahil wala naman siyang intensiyon na mapabilang sa listahan ng mga babae nito pero iyong ituring siya nitong parang ibang tao ay hindi niya matatanggap. Huminga siya nang malalim at hindi na siya nag-reply pa imbis ay ni-remove niya na ang ang binata sa may messenger list niya.
NAPABALIK siya sa kanyang katawang lupa nang may tumapik sa balikat niya lumingon siya sa may ari ng kamay.
"Okay ka lang ba? Kanina ka pa kasi tulala at bakit ka umiiyak? May masakit na sa iyo?"
Napatitig siya kay Diablo. May nababasa siyang pag-alaala sa mga mata nito. Kung sila lang dalawa sa loob ng van baka 'e minura na niya ang lalaki pero hindi 'e kaya pinilit niyang pakalmahin ang sarili sa pamamagitan ng paghinga ng malalim. Umiwas din siya ng tingin at tinuon na lamang ang kanyang atensiyon sa labas bago pa man siya sumabog at baka mapagsalitaan niya ng masamang salita ang lalaki at magkagulo sila. Bakit kasi bumalik pa sa alala niya ang nakaraan nila. Niyukom niya ang kanyang mga kamay.
"You are here to enjoy, Marie. Hindi para ma-stress sa demonyong iyan kaya't calm yourself and be cool," pag-aalo niya sa kanyang sarili.
HABANG walang imik na minasdan ni Diablo si Marie na ngayon ay nakatingin na naman ulit sa labas. Napapansin niyang panay bumuntonghininga ng babae at mukhang ilang na ilang ito sa kanya. Hindi niya naman ito masisi, marami kasi siyang nagawang kasalanan dito kaya't malamang sa malamang galit pa din ito sa kanya. Ilang sandali pa ay nakita niya pumikit ang babae at sumandal sa may bintana ang ulo nito, hahayaan niya na lang sana ito makapagpahinga ngunit sa tuwing may nadadaanan silang bato o ano mang bagay na makakapag-alog sa van ay na-aalog din ang ulo ng babae hanggang sa muntik na ito matumba kung hindi niya lang sinalo ang ulo nito at ilagay sa balikat niya. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang mahimbing na mahimbing pa din ang tulog ng dalaga.
"Mabuti naman," aniya at marahang inalis ang ilang hibla ng buhok ng babae sa may mukha nito.
Hindi niya maiwasang pagmasdan ito. Matagal din bago sila nagkita muli, kahit ganun ay walang araw na hindi ito pumapasok sa isipan niya. Ang ganda ng mga mata ng babae, may kahabaan ang pilikmata may balat ito sa gilid ng pisngi. May katangusan ang ilong at makinis ang mukha nito. Niyukom niya ang kanyang kamay para pigilan ang sariling haplusin ang mukha ng dalaga.
"Hoy, Diablo, umamin ka nga! Na love at first sight ka ba sa kaibigan ko 'a? Kanina ka pa kasi tingin ng tingin sa kanya na halos malusaw na," natatawang komento ni Maica.
Napatingin siya sa may harapan at napaiwas ng tingin. Masyado na pala siyang obvious.
"Pero knowing you, halos lahat naman ng babaeng nakikita mo 'e na iinlove kaagad-"
"Oy, ang sama mo naman. Nagbago na ako ano," nakangusong apila niya.
"Talaga ba?" taas kilay na tanong ni Maica.
"Talaga, ilang taon na nga akong bakante 'e," pag-amin niya. Totoo iyon hindi na siya babaero gaya ng kabataan niya na kaliwa't-kanan ang babae niya. Hindi niya mawari kung dahil ba sa huling relasyon niyang nasira o dahil naging abala lang siya sa trabaho niya.
"Edi waley pala s*x life mo kung ganun?" biglang singit ni Malvin.
"Oo nga, Diablo. Pero parang hindi naman kakapaniwala, ikaw pa ba-"
"Actually that's true, l haven't sleep to any woman this past few years," pag-amin niya.
"Luh? Totoo ba?" bulalas ni Maica.
Tumango lang siya. Ewan ba niya parang nawalan talaga siya ng gana. Hindi kaya't dahil masyado siyang maloko noong kabataan niya at nawalan na siya ng gana sa babae? But looking to this woman in his arms, all of his nerves comes to life. He can feel it that his manhood are slowly growing up. Napaungol siya at inabot ang jacket at pasimpleng tinakpan iyon.
"Hoy, Diablo, sumagot ka totoo ba?" pangungulit ni Maica.
"Right," maikling sagot niya.
"Ngeks! Edi marami ka na palang inipon niyan," natatawang sabi ni Malvin.
Ngumiti lang siya. Siguro nga.
"Well, parehas lang pala kayo nitong si Marie 'e. Waley s*x life, sabi ko nga sa kanya 'e maghanap na siya ng lalaking maglalamutak sa perlas niya bago pa mabulok pero matigas ang ulo kaya't ilang taon ding walang dilig iyan," natatawang sabi ni Maica.
Hindi niya alam pero may natuwa siya sa ideyang wala pang nakakagalaw sa babae maliban sa kanya.
"Mukhang akin ka pa din 'a," sa isip-isip niya.
"Oh, bakit nakangiti ka diyan? Huwag mo sabihing may gusto ka sa kaibigan ko? At plano mo sa kanyang ibagsak ang lahat ng inipon mo?"
Napatitig siya kay Maica. "Anong inipon?" patay malisyang tanong niya.
"Alam mo na iyon, umamin ka nga sa akin Diablo, may gusto ka sa kanya no? Plano mo ba ligawan?" usisa ng babae.
Napatitig siya kay Marie. "Palagay ko ay hindi magiging madali para sa aking ligawan siya."
"At bakit naman?" Aba'y baka naman kasi hindi ka marunong manligaw, Diablo," giit ni Malvin.
"Hindi sa ganun," aniya.
"Edi ano nga?"
"Dahil ex ko siya, Maica," pikit matang amin niya.
Nakita niyang bumuka-sara ang mga labi ni Maica at napapreno si Malvin
"A-ANO??!" malakas na bulalas ni Maica.
Napatingin kaagad siya kay Marie dahil gumalaw ito. Parang gusto niya magmura, pano na lang kung magising ang dalaga? Ano gagawin niya at sasabihin. Mukha pa namang wala itong balak ikwento kay Maica ang namagitan sa kanilang dalawa.