Kabanata 2

2503 Words
PAGKABABA nila sa eroplano ay kaagad na sumalubong kay Maria ang simoy ng hangin ng NAIA airport Terminal 1. "Ah, sa pilipinas na nga ako," nakangiting aniya at napapikit. "Can't wait to smell the fresh air from the province," dagdag niya. Napaka-polluted na kasi ng hangin sa manila kaya't parang hindi siya makahinga ng maayos. Unang dating nga niya dito noong paaalis pa lang siya papuntang dubai 'e, parang gusto niya umuwi sa probinsya. Siguro dahil hindi lang siya sanay, hindi naman kasi siya city girl, probinsyana siya. "Pero pumatol ka naman sa taga manila," bulong ng utak niya. "HEH! Tumahimik ka nga! Dati pa iyon-" "Pero dama mo pa din naman ngayon ang ginawa niya sa iyo," giit ng utak niyang masyadong bida-bida. Bumuntonghininga siya at napatingala sa kalangitan. It's been three years since she left but it feels like just yesterday. "Marie, dito tayo, saan ka pupunta?" Napakurap-kurap siya at napatingin sa kanyang kaibigan na medyo malayo na sa kanyang kinatatayuan. "Ah, oo, pasensya na," natawa na ding aniya at dali-daling sumunod kay Maica. ILANG sandali pa ay tahimik nang nakaupo sa may waiting area ng NAIA airport si Marie. Hinihintay niya kasi ang kanyang kaibigan na nagpaalam may pupuntahan raw. Kinuha niya ang cellphone sa loob ng kanyang bulsa, naisipan niya kasi tawagan muli ang kanyang ina para magpaalam. Ilang ring lang 'e sinagot na siya ng kanyang ina. "Nay, nandito na po ako," masayang balita niya. "Anak, mabuti naman at nakarating ka nang ligtas, o kailan ka uuwi dito sa atin? Kailan flight mo? Miss na miss ka namin," natutuwang sabi naman ng kanyang ina. Napatingala siya. "Ahmm..nay, about diyan 'e, may plano sana akong sumama muna kay Maica, iyong kaibigan ko na kasamahan ko din sa trabaho. Uuwi siya sa kanila sa may pangasinan at inalok ako na ipasyal niya ako roon. Ayos lang ba?" Natahimik ang kabilang linya. Mukhang hindi inaasahan ng kanyang ina na may iba siyang plano. Sabagay, lagi naman kasi siyang dumidirekta uwi 'e. "Nay? Ayos lang ba? Huwag po kayo mag-aalala mabait po si Maica, hindi po ba't araw-araw ninyo din siya nakikitang kasama at kausap mo. Kilala ko na din po pamilya niya at hindi po ako aalis sa dati niya at lalayo," aniya. Alam niya kasing nagdadalawang isip na mga magulang niya kasi nga, nag-iisa siyang babae. "Ganun ba, anak? Eh kailan ka naman uuwi dito? Excited na kami makita ka ulit," giit nang nanay niya na may himig ng lungkot. "After two weeks siguro, nay." "Sige ikaw bahala, basta ba't mag-iingat ka ha," giit ng kanyang nanay. Napangiti siya. "Oo naman, nay, tatawag ako palagi." "Sige, anak." Binaba na niya ang tawag. Tapos napabuntonghininga siya at napatingala. Sana lang 'e tama ang kanyang desisyon na sumama kay Maica. "MARIE!" Napa-angat siya ng tingin nang marinig niyang may tumatawag sa kanya sa may kanyang gilid. Napatayo siya nang makita niyang si Maica iyon "Oh, Maica, ikaw pala. May problema ba?" aniya napansin niya kasing parang nagmamadali ang kaibigan. Hinampas siya ng mahina ng kaibigan sa kanyang braso. "Wala naman halika ka na nandoon na sundo natin, pumayag ba sila nanay mo?" "Ganun ba. Ah, oo, pumayag siya basta ba daw mag-iingat ako," sagot niya. "Mabuti," sagot ni Maica. "Kung maaari din daw 'e maghanap na daw ako ng lalaki para daw may maiwan akong anak bago bumalik sa ibang bansa," natatawang biro niya. Natawa din si Maica. "Aba'y huwag kamo siya mag-alala at totohanin natin iyan, lalo pa ngayong dumating galing abroad ang inaanak ni mama. Engineer at, guess what? Wala pang sabit, single na single and ready to mingle." Napataas ang gilid ng labi niya at napatitig sa kaibigan. "Talaga ba? Pero baka naman hindi siya naghahanap," aniya at tumawa. "Hindi pero malay natin..... Oh ito na pala sila eh" biglang anunsyo nito. "Hmmm, hindi natin malalaman kung hindi natin susubukan. Tayming isinama siya ng asawa ko sa pagsunod sa atin kaya makilala mo siya mamaya," nakangiting sabi ni Maica. Hindi niya alam pero parang lumundag din ang kanyang puso sa excitement. Malay niya diba, baka naman ito na magiging icing sa cupcake niya-teka parang ang sagwa naman baka pwede naman, bandage na lang sa sugatan niyang puso. Napailing na lang siya sa kabaliwan na pumapasok sa kanyang utak. "Marie, halika ka na, mamaya ka na mag-daydreaming," sabi ni Maica at marahan siyang hinila. Buti na lang at isang maleta lang dala kaya hindi siya na hirapan. NAPAKAMOT sa kanyang batok si Diablo. Naiinip na kasi siya, nakaupo siya ngayon sa may front seat. Heto kasing ninang niya, pinilit siyang sumama sa asawa ng anak nito para sunduin sa airport. "Ilang taon ka nga uli, Diablo?" Napatingin siya sa mister ng anak ng kanyang ninang. "Treinta na ako," sagot niya at napaayos ng upo. "At wala ka pang asawa?" Taas ang kilay na tanong ng lalaki. Kumunot ang noo niya. "Oo, bakit?" Natawa ang lalaki katabi kaya't mas lalo siyang naguluhan at bahagyang nainis. "Kaya pala..." napatango-tango pang sabi ng lalaki. "Kaya pala ano, Malvin?" taas kilay na tanong niya. "Well, kasama kasi ni Maica ang kaibigan niyang babae. Magbabakasyon siya sa atin," panimula ng lalaki. "O ngayon?" tanong niya at inayos ang kanyang suot. "Alam mo na, baka gusto ka nila ireto ganun," sagot ng lalaki. "Maganda ba?" tanong niya. "Aba'y oo, nakikita ko din siya dahil palagi silang magkasama ni Maica." "Hmmm, seksi?" "Naman," mabilis na sagot ni Malvin. "Mas maganda kay ate Maica?" "Simpre mas maganda asawa ko," sagot ni Malvin nakitawa niya. "Pero seryoso, bakit hindi mo pagbigyan ang gusto ng matanda? Malay mo swak kayo ni Marie," nakangiting sabi ng lalaki. "A-Ano pangalan niya kamo?" Parang bigla siyang nabingi. That name. He has been dreaming of saying that name again. "Ang sabi ko-" Nabitin sa eri ang sasabihin ni Malvin nang bigla na lamang ito bumaba sa van. "Teka, lang nandito na ata sila," sabi nito sa kanya. Napaayos naman siya ng upo at huminga ng malalim. "Ano ka ba, Diablo! Dapat kalimutan mo na siya, hayaan mo na siyang makalaya mula sa kamay mo," bulong niya at binungo-bungo at ulo sa may sandalan ng upuan. Napatingin naman siya sa white na van na tumigil sa harap nila. Lumabas sa driver seat and kotse ang asawa ni Maica na sinalubong ng yakap at halik ang babae napaiwas siya ng tingin. Biglang bumukas any backseat at lumabas ang isang taong 'di niya inaasahang makita. NAPATITIG si Marie sa may van kung saan bumaba si Malvin, ang asawa ng kaibigan niyang si Maica. Hindi na siya nagulat nang bigla na lamang binitiwan ni Maica ang bitbit at tinakbo ang pagitan nila ng mister na mabilis na niyakap ang babae at mariing hinalikan sa mga labi. Napaiwas na lamang siya ng tingin. Hindi niya maiwasang mapaisip kung kailan kaya siya magkakaroon ng ganiyang tagpo. Kailan kaya niya muli mararamdaman ang init ng pagmamahal sa lalaki. "Huwag ka nang umasa, hindi porke mabait at maayos na lalaki ang mister ni Maica, 'e mabait na din ang kalahi niya. Ang totoo niyan 'e kabaliktaran sapagkat, kadalasan ka nila 'e demonyo gaya na lang ng ex-" Hindi na tapos ng kanyang utak na pagsabihan siya nang bigla na lamang bumukas ang front seat ng van ang tumambad sa kanyang mga mata ang lalaking, pinakainiiwasan niyang makita. Nabitiwan niya ang kanyang maleta na natumba. "M-Maha-I mean, Marie?!" Nanlalaki ang mga matang bulalas nito. Nabungo pa ang ulo ng lalaki sa may van dahil hindi pa ito tuluyan nakababa at pabigla-bigla itong napatayo ng makita siya. Hindi niya alam nung matatawa ba siya o maiinis. This is so sudden, she never expected this. Pinaglalaruan ba siya ng tadhana? Pwes hindi siya natutuwa. "Marie, i-ikaw ba talaga iyan?" giit ng lalaki matapos itong tumayo ng maayos. Imbis na sagutin ay hindi niya ito pinansin ng kunware siyang 'di niya ito nakita at narinig binaling niya ang kanyang atensyon sa mag-asawa. Hindi niya makaya makita at marinig ang boses nito. Seeing him again brings back memories of their past. "f**k s**t! Akala ko ba naka-move on na ako? Bakit parang mayroon pa din?!" naiinis na bulong niya sa sarili at pumikit ng mariin. "Ayy teka, sandali"-sabay kalas ni Maica sa asawa at pumagitna sa kanila. "Ay, teka sandali lang, love," biglang sabi ni Maica at mabilis na kumalas sa may mister at tumingin sa gaw niya at lumakad patungo sa pagitan nila ni Diablo nasa likuran niya. Umayos naman siya ng tayo at tumikhim namg hawakan ni Maica ang kanyang siko at pinaharap kay Diablo na tumingin sa kanya. Umiwas siya ng tingin. Ayaw niya makipagtitingan sa mga mata nitong mapang-akit at sa ngiti nitong nagpabaliw sa kanya. "Couz, buti naman at sumama ka, heto nga pala ang bestfriend ko si Marie, single pa at ready to mingle," nakangising sabi ni Maica. Siniko niya ang babae. "Hindi mo naman na kailangan palandakan na single ako," bulong niya sa kaibigan. "Lalo pa sa harap ng demonyong ito," gusto niyang idagdag. Baka kasi isipin ng lalaki hindi niya pa ito nakakalimutan at napalitan, which is, totoo naman. Baliw kasi itong puso niya. Narinig niyang tumikhim si Diablo at umayos ng tayo sabay lahad ng kamay nito sa kanya kaya't napatingala siya sa may lalaki. Nang makita niya ang mukha nito ay parang tila gusto lumabas ng puso niya sa sobrang lakas ng t***k niyon. Umiwas kaagad siya ng tingin sabay masahe sa dibdib niya. "I am Diablo at your service, Mah-Marie." Pekeng ngiti lang sinukli niya sa lalaki at akmang tatalikod na pero hinawakan siya sa siko ni Maica. "Hindi mo man lang ba tatanggapin ang pakikipagkamay niya at ipakilala ang sarili mo?" taas kilay na bulong ng kaibigan. Bumuntonghininga siya at tinanggap ang kamay ng lalaki na mukhang walamg balak na ibaba hangga't hindi niya tinatanggap ang kamay nito. "Nice to finally meet you, Marie," nakangiting sabi nito at pinisil ang kamay niya. "Me too," aniya na lang at binawi ang kamay at lumayo dito. "Good, ngayong magkakilala na kayo pwede na tayo umalis at para hindi tayo gabihin sa daan ano," singit ni Maica. "Mabuti pa nga," aniya naman. "Couz, pasuyo naman, pakilagay sa may likuran ang mga maleta ni Marie, thank you," pakiusap ni Maica. "Wait, no!" biglang na ibulalas niya kaya lahat ay napatingin sa kanya. "Bakit?" kunot-noong tanong ni Maica sa kanya. "A-Ako na ang magbubuhat, magaan lang naman-" "No, let me do it for you, Marie," singit ni Diablo at kinuha ang malate niya na hawak-hawak ng isa niyang kamay. "No, thank you. I can manage," pagmamatigas niya at hindi binitiwan ang hawakan. "Come on, let me do it for you, Marie-" "Stop calling me by my name!" namumulang giit niya. Ewan ba niya para kasing may kakaibang epekto sa sistema niya kapag tinatawag siya ng lalaki sa pangalan niya. "Oh? What do you want me to call you then? Honey? Love, baby?" nakangising tanong ng lalaki. Nanlalaki ang mga mata niya at nabitiwan niya ang hawakan ng maleta. "W-What?" "You're cute, Marie," nakangiting sabi ng demonyo at isang iglap lang 'e bitbit na nito maleta niya at mabilis na pinasok sa likuran ng van na iwan siyang nakatulala dito. Gustuhin man niyang umangal ay hindi na niya ginawa nahihiya na siya kay Maica at Malvin. Kaya't labag man sa loob niya 'e hinayaan niya na lamang ang lalaki na hakutin ang mga dala niya at ilagay sa may likuran ng van. "Sa front seat ako, Marie 'a. Tatabihan ko muna si Malvin, na miss ko siya 'e, ayos lang bang sa likod ka tabi kayo ni Diablo?" biglang sabi ni Maica dahilan para lingunin niya ito. Sa bilis ng pagkalingon niya pakiramdam niya 'e parang may naputol na ugat sa leeg niya. "Huh? Pero-" "Huwag ka mag-alala, mabait iyang couz ko, kaya't safe ka sa kanya," giit ng babae at pumasok na sa may front seat habang siya 'e nakatunganga lang. "Safe my ass!" mahinang sabi niya at napakamot sa kanyang pisngi. "Pasok ka na, Marie-" "I told you, don't call me by my name-" "Alright, l won't call you by your name if that's what you want," pagsuko ng lalaki sabay taas ng kamay nito. "Good," aniya at pumasok na. "You're welcome, love," tugon ng lalaki. Nanlaki mga mata niya at tumingin dito. "What did you call me?" hindi makapaniwalang bulalas niya. "Love, mahal, palangga," inisa-isa pa ng lalaki. "Arghh!! Huwag mo ko tawaging love, kasi hindi mo ako mahal-" "Mahal kita-" "W-What? Are you insane?!" napipikon nang buwelta niya. Alam niya kasing iniinis lang siya ng lalaki halata naman kasi sa mukha nito at sa mga mata nito. "Alright, l'll stop. Ikaw kasi ayaw mo ako payangan tawagin ka sa pangalan mo-" "You can call me, Ms. Mr!" "Ang labo mo naman, masyado namang pormal iyon-" "Kaysa naman tawagin mo akong love, magdyowa ba tayo?" taas kilay na tanong niya. "We used to be, did we?" Natameme siya sinabi ng lalaki. They did. And she doesn't want to remember it ever again but every time she looks at him, she can't help it. Tumingin siya sa labas ng bintana ng van, at siniksik niya ang sarili sa sulok ng van para hindi siya magkadikit ng lalaki na ngayon ay nakaupo na din. Wala na silang imikan na pinagsalamat niya. After they broke up, this was the first time they met again. Tadhana nga naman, na bored na naman sa buhay at siya napagtripan. Diablo is her boybestfriend. Yes, hindi niya lang ito basta ex, kundi boybestfriend niya din kaya mas masakit ang break up nila. Why? Because she not only lost her boyfriend but also her best friend. Nagsisi nga siya pinatulan niya ito gayong alam naman niyang babaero ang binata. Siya pa nga dati ang tulay nito sa mga babaeng na titipuhan, kapag na basted naman ito 'e siya naman tanga, ginagawang clown ang sarili para lang mapasaya ang lalaki. Araw-araw sila nag-uusap sa text at tawag dati, kahit magkaibihan pa lamang sila, mas updated pa nga siya sa pinagkakagawa ng lalaki sa buhay kaysa sa mga babae nito at magulang. Ganun sila ka close. Sakit nga isiping, akala niya hindi siya nito lolokuhin at sasaktan, since kaibigan siya nito, may gap siya sa mga dati nitong babae pero, mukhang tama ang kasabihang, "Once a cheater always a cheater." Huminga siya ng malalim at pumikit ng mariin para kasing nagbabadya na naman ang kanyang luha. Parang gusto niyang magmura pero pinigilan niya lang ang sarili baka kasi magtanong ang mga kasama nila. "You should not waste your tears on someone like him," giit niya sa sarili. "At huwag mo ding hayaang sirain niya ang bakasyon mo. Nandito ka para mag-enjoy, hindi para ma-stress. Kung iisipin siya dapat mahiya sa iyo hindi ikaw," dagdag pa niya. Kinuha niya ang sun glasses at sinuot iyon at maging hoodie ay sinuot niya din sabay lagay ng sumbrero nito sa ulo niya para matakpan. "Much better," mahinang aniya at bahagyang humiga. She needs rest, so, she will have energy for later.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD