Kabanata 25 NAPAILING at napabuntonghininga na lamang si Marie, heto na naman siya inaalala ang nakaraan na kakasabi niyang lang nakakalimutan na muna niya. “Hay, hopeless case na talaga ako,” bulalas ng utak niya at tumingala sa kalangitan. Unti-unti nang lumulubog ang araw sa palagay niya’y alas tres na ng hapon ng mga sandaling iyon. “Ang bilis lang ng oras,” mahinang bulalas niya. “Marie! Marie, andito na tayo,” giit ng boses na pamilyar sa kanya. Napakurap-kurap siya at napaayos ng upo, tumigil na nga ang dyip. Tumingin siya kay Diablo nakatitig pala sa kanya. “Halika ka na, andito na tayo,” saad ng lalaki at dahan-dahan nang tumayo kasama niya. Hawak nito ang kamay niya habang nasa likuran siya nito nakasunod. “Salamat naman at nakababa na tayo, ang init at siksikan sa dyip