Kabanata 26 NAPAKAMOT na lamang sa kanyang batok si Diablo dahil galit na naman si Marie sa kanya bakit kasi kung ano-ano ang lumalabas sa bibig niya. Nakatitig lang kasi siya sa mabilog at malusog na pang-upo nang babae. Ang seksi talaga nito kahit saang angulo. “Hoy! Bakit tulala ka na naman diyan?” Napakurap-kurap siya nang marinig niya ang boses ng babae at pagbigay nito sa kanya ng tray na may laman na dalawang buko juice at salad. Nakuha na pala nito ang order nila. “Ayan hawakan mo at sumunod ka sa akin,” giit ng dalaga at nagpatiuna na itong lumakad. Walang imik naman na sunod siya kailan pa ba siya natutong humindi sa babae. NAWALA ang inis na nadarama ni Marie nang matikman na niya ang buko juice. Ang tamis kasi hindi gaya ng ibang natikman niya walang lasa. “Masarap ano?”