Venus's POV
"Kailangan mo mag-pacheck up sa doctor." maawtoridad na utos sa akin ni mommy. Pagkatapos ng simpleng naganap na party.
Biglang umatras ang mga paa ko para sana lapitan si Mommy. Hindi ako nakapagsalita.
"Bukas na bukas kailangan mo pumunta sa hospital anak. Hindi pwedeng ganiyan. Kailangan malaman natin kung anong dahilan ng pagsusuka mo."
Huminga akong malalim bago tuluyan na ihakbang ang mga paa palapit sa kaniya. "Mommy, hindi na po kailangan. Ayos na po ako. Tingnan niyo po wala akong lagnat. Ayos na ayos po ako. I-isa pa, malabo naman po yung sinasabi niyong buntis ako dahil w-wala naman po akong jowa."
Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nakapagsinungaling sa kaniya. Inuusig ako ng konsensya. Hindi ako sanay sa pagsisinungaling. Lahat ng bagay na nangyayari sa akin ay sinasabi ko sa kaniya.
Ngayon lang 'yong pagkakataon na hindi ko masabi sa kaniya dahil hindi ko alam ang magiging bunga kapag sinabi ko sa kaniyang may nangyari sa amin ng Kuya ko.
Parehong anak niya. Baka hindi ako mapapatawad ni Mommy kahit na anong pagmamakaawa at paghingi ko ng sorry sa kaniya kahit lumuhod pa siguro ako ay hindi niya magagawang patawarin.
Ang mahirap pa, baka maging si Kuya ay kamumuhian niya. Sinong matitira sa kaniya? Hindi ko hahayaan na mag-isa si Mommy.
MAG-ISA akong pumunta ng hospital. Hindi ako pumasok kun 'di dumiretso ako ng hospital para malaman ko kung ano ba talaga ang sakit ko?
Ilang araw na kasi akong nagsusuka, ilang araw na rin sumasakit ang ulo ko tuwing umaga.
Hindi ko lang masabi kay Mommy dahil baka pag-isipan niya na naman ito.
"D-Doc, a-ano po ang sakit ko?" tanong ko dito.
"Have you ever tried to use a pregnancy test? According to everything you say, vomiting or dizzy in the morning are the main symptoms of pregnant women."
sagot nito sa akin.
Parang bigla akong nanginig sa aking narinig.
Nang utusan niya akong mag-pregnancy test muna. Umuwi na lang ako at hindi sinunod ang bilin nito na babalik ako pagkatapos kong mag-PT. Umuwi ako at sa bahay ko ginawa ang pregnancy test
Naiiyak ako nang masilayan ko ang dalawang linya. Tinakpan ko ang aking bibig dahil malinaw na sa akin ngayon na buntis nga ako.
Unti-unting bumagsak ang katawan ko sa tiles na sahig. Doon ako umiyak ng umiyak. Humahagulhol ako nang marinig ko ang boses ng Mommy ko.
Nanlaki ang mga mata ko. Kaagad kong pinunasan ang aking mga mata at pisngi. Sinubukan ko rin pigilan ang paghikbi ko kaya nauwi sa pagsinok.
"Venus!"
"Y-yes, mom. Nandito po ako sa banyo." sigaw ko.
"Lumabas ka na diyan. Nandito ang Kuya mo."
Tila nabuhusan ako ng malamig na tubig nang marinig kong nandito si Kuya Marco.
"M-mommy, lalabas na po."
Nagmadali akong lumabas ng banyo. Ayaw kong paghintayin pa ng matagal si Mommy kaya inilagay ko sa bulsa ng suot kong short ang pregnancy test na may dalawang linya.
Paglabas ko ay natigilan si Mommy at tinitigan ako.
"Namumutla ka." mas tinitigan pa niya ako. Napayuko ako ng wala sa oras. "Lumapit ka dito, Venus. Bakit parang umiyak ka? Umiyak ka ba?"
Doon pumatak ng tuluyan ang mga luha ko. Ang hirap lang kasi ng dinadamdam ko. Hindi ko masabi sa kaniya. Kung kaya kong gawing sekreto ang pinagbubuntis ko ay gagawin ko.
"Venus, bakit ka umiiyak?" hinawakan niya ang kamay ko at inilapit ako sa kaniya para mayakap.
"Mommy..." tanging nasambit ko.
Muli niya akong tiningnan. "Sabihin mo sa akin kung bakit ka umiiyak?" malumanay na tanong nito. Hinaplos niya ang aking mukha. Alam kong nag-aalala na ito ng sobra.
"W-wala po, Mommy. Naiyak lang po ako kasi po-" hindi ko naituloy ang sasabihin ng marinig kong may nahulog sa sahig. Sabay kaming napatingin ni Mommy sa sahig.
Ang hindi ko inaasahan ay ang makitang nasa sahig na ang pregnancy test na kanina lang ay inilagay ko sa aking bulsa. Kaagad kong tiningnan ang bulsa ko ngunit may maliit na butas pala kaya nahulog ang PT.
"What is it?"
Nanlaki ang mga mata ko nang biglang yumuko si Mommy para pulutin ito. Sinubukan kong agawin sa kaniya ngunit hindi ko nagawa. Nauna na siyang pumulot nito.
Napayuko ako dahil alam ko na kung ano ang magiging reaksyon nito kapag nakita ang dalawang linya roon.
"Positive?" halos hindi makapaniwala na sambit ni Mommy. Tinakpan ko ang bibig ko.
"Is it -y-yours?" hindi makapaniwala na tanong nito. Habang takip ko ang aking bibig ay napatango na lamang ako.
"M-Mommy, I'm s-sorry..." kaagad ko itong niyakap. Ngunit itinulak niya ako.
"Sino ang ama ng dinadala mo, Venus?"
Napailing ako. Hindi ko sasabihin sa kaniya kung sino ang ama nito.
"H-hindi ko po alam, M-mommy." nagsinungaling ako
"Ano? H-hindi mo alam? Paanong hindi mo alam?" mas lalong lumakas ang boses nito.
"I'm sorry, I'm sorry, mom." Lumuhod ako para humingi ng sorry sa kaniya.
"Sabihin mo sa akin kung sino ang ama ng dinadala mo, Venus!"
Napailing akong muli. "H-hindi ko po alam. S-sorry po." isinubsob ko ang aking mukha sa kaniya dibdib na parang niyayakap. Nasa ganoong posisyon ako nang hindi ko na narinig pa na nagsalita ito.
Napatingala ako at tiningnan ang kaniyang mukha ngunit napanganga ako ng makitang nakatulala na lang si Mommy at hindi na ito nakapagsalita pa na parang naparalisado ang buong katawan.
"M-mommy? Mommy?" kinabahan ako. Inalog-alog ko ang kaniyang balikat. Nanlaki ang mga mata ko dahil tila na-stroke sa kinauupuan ang mommy ko.
"Mommy! Mommy!" napasigaw na ako. "K-Kuya," nauutal na tawag ko. "Kuya Marco!" sigaw ko. Nataranta na ako dahil naging tulala na lang ito at hindi na nakapagsalita. Ang kaba ko ay naghalo-halo na sa bilis ng t***k ng puso ko at tila hindi na rin ako makahinga dahil sa nakikita ko.
Kung may mangyaring masama sa kaniya hindi ko yata mapapatawad ang sarili ko.
"What's going on here?" pumasok si Kuya Marco na puno ng pagtataka. Nang mahagip nito si Mommy ay kaagad na tumakbo palapit dito.
"Fvck! Anong nangyari?" galit na tanong nito sa akin tsaka itinulak ako. Napaupo naman ako sa sahig.
"Mom?" inalog-alog niya rin ang balikat ni Mommy pero hindi na talaga ito nagsalita. Tila natulala na lang at parang hindi na makagalaw ang katawan.
"Fvck!" Kaagad na itinulak ni Kuya Marco ang wheel chair at nagmamadaling inilabas sa kwarto.
Sumunod naman ako sa kaniya. Hindi na tumigil ang luha ko dahil kasalanan ko kung bakit nagkaganoon si Mommy.
Binuhat niya si Mommy palabas habang ako nakasunod naman.
Hindin ko nga alam kung paano namin narating kaagad ang labas ng bahay at ang garahe.
"Open it!" mariin na utos nito sa akin kaya nanginginig ang kamay ko na binuksan ang kotse niya.
"K-kuya Marco, sasama ako."
Hindi ito sumagot. Inayos lang nito si Mommy sa likuran kaya pumasok na rin ako para samahan sa backseat si Mommy.
Habang nagmamaneho si Kuya Marco ay panay naman ang pagdarasal ko at paghalik sa kamay ni Mom.
Hindi na talaga ito rume-response. Nakatulala na lang ito at hindi na gumagalaw.
"Kasalanan ko." pabulong - bulong ko. Nanginginig na rin ang labi ko habang sinasambit iyon.
Nang makarating kami ng hospital ay gano'n na lang ang pagbagsak ng mga balikat at aking panga ng malaman sa doctor ang kalagayan ni Mommy.
Dead on arrival ito.
" H-hindi..." Napaatras ako. Hindi makapaniwala. Buong buhay ko yatang pagsisisihan ito. Kasalanan ko.