MR. WALTON 4 NI**LE TAPE

1755 Words
Venus's POV ISANG LINGGO na ang nakalipas pagkatapos mailibing si Mommy. Wala akong tigil sa pag-iyak. Tumitigil lang yata kapag nakakatulog ako. Mugto na mugto na ang mga mata ko at bagsak na rin ang katawan ko. Ako ang may kasalanan kung bakit nangyari iyon kay Mommy. Hanggang ngayon walang kaalam - alam si Kuya Marco kung bakit bigla na lang nagkaganoon si Mommy. Hindi niya pa rin alam hanggang ngayon na dahil sa natuklasan ni Mommy sa akin kaya siya inatake at natuluyan na nga siyang nawala sa amin. Nasa ibaba ang mga kamag-anak namin, mga kapatid ni Mommy. Wala pa akong lakas ng loob na makipag-usap sa kanila. Tuwing kasi nagsasalita ako ay napapaiyak lang ako. Si Kuya Marco ang nag-aasikaso sa kanila. Habang pinagmamasdan ko ang litrato namin dalawa ni Mommy ay mas lalo ko lang ito nami-miss. "Bakit niyo naman po kami iniwan ni Kuya, Mom? Kailangan kita, mom. Miss na miss na kita, mommy." tumulo na naman ang luha ko ng yakapin ko ang picture frame na kaming dalawa lang. Masaya habang nakasandal ako sa kaniya. Ngiting-ngiti ako sa mga oras na iyon. "Ano na mangyayari sa akin ngayon?" yakap-yakap ko pa rin ang frame hanggang sa makatulog ako. Nagising ako sa mahihinang mga katok. Nang sulyapan ko ang wall clock. Alas dos na ng hapon. Ilang oras pala akong tulog? Dalawa? "Venus, hija..." tawag ni Manang Lucy sa labas ng kwarto. Habang patuloy ang pagkatok nito sa pintuan. "Manang Lucy, bakit po?" medyo wala pa akong boses dahil sa kaiiyak ko. Hindi ko alam kung bakit napaos ako. Nakakawala rin pala ng boses ang pag-iiyak? "May bisita po kayo, Ma'am. Kaklase mo si Cheska." Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ang pangalan ng bestfriend ko. "Cheska..." Tila nabuhusan ako ng malamig na tubig. Ngayon ko talaga siya kailangan. Kailangan ko ng makakausap. Dahil mababaliw na yata ako kapag nagpatuloy akong magkulong dito sa kwarto. Baka mapaano pa ang bata sa sinapupunan ko. Kasisibol niya lang pero stress na ang inabot niya sa loob ng tiyan ko. Tinahak ko kaagad ang pintuan at binuksan nang marinig ang pagtawag ni Cheska sa labas ng kwarto ko. Niyakap ko kaagad ito habang patuloy ang pagtulo ng mga luha ko. Niyakap ko siya ng mahigpit. Tinapik-tapik niya ang likuran ko. "Salamat dahil pumunta ka. Hindi ko na kasi alam kung ano ang gagawin ko eh! Wala akong mayakap." "I'm here best. Nag-aalala rin ako sa 'yo ilang araw ka na kasing hindi pumapasok. Naiintindihan ko naman kung bakit hindi ka pumapasok dahil sa nangyari. Hindi madali ang mawalan ng isang ina. Iiyak mo lang 'yan hanggang sa lumuwag-luwag ang pakiramdam mo." payo niya sa akin. Ganun nga ginagawa ko pero mas lalo pa rin bumibigat ang pakiradam ko. Mabuti na lang nabawasan na ngayon ang bigat at sakit na nararamdaman ko. Hindi ko pa rin kasi matanggap na wala na si Mommy. Hindi pa ako handa. Napaupo kami sa kama habang hawak niya ang kamay ko. "Best, sino nga pala yung nakita ko sa labas? Nakakatandang kapatid mo ba 'yon?" "Sino?" naalala kong baka si Kuya ang nakita niya. Tumango-tango na lang ako. "Shocks! Ang gwapo ng kuya mo ah! Bakit ngayon ko lang nakita' yon? Tsaka wala kang kinukwento sa akin." "Huwag ka ng magtaka dahil kahit ako ngayon ko lang din siya nakita." "Gano'n?" "Oo." Hinaplos niya ang aking mukha. "Ang putla mo." puna niya. "Hindi kasi ako nakakatulog. Isa pa, iyak lang din ako ng iyak." Muli niya akong niyakap. Napabitaw siya nang mag-ring ang kaniyang phone. "Ah, si Mommy. Sagutin ko lang tawag ni mom." paalam niya tsaka sinagot ang tawag ng mommy nito. Lumayo-layo siya ng kunti sa akin. Pagbalik niya sa kama ko ay nagmamadali na ito. "Best, kailangan ko ng umuwi. May emergency daw sa bahay. Pasensya ka na uh, hindi kita masasamahan ng matagal." paalam nito tsaka muli akong niyakap. "Ayos lang, naiintindihan ko." "Kapag may problema ka, huwag mo kalilimutan tumawag sa 'kin." pagmamadali nitong sabi sa akin. "Oo, salamat ulit. Sige na umuwi ka na. Mag-ingat ka." bilin ko dito bago tuluyan ito na lumabas. Pagkaalis ni Cheska ay hinanap ko ang pregnancy test ko. Nakalimutan ko na kung saan ko nailagay. Hindi ko yata iyon naitapon. Dapat naitapon ko na 'yon eh. Baka may iba pa na makakita no' n. THIRD PERSON'S POV BINALIKAN ni Marco ang kuha ng CCTV noong araw na kausap ng mommy niya si Venus. Kung kailan nawalan ito ng malay at naging tulala na lang dahilan para tuluyan na mawalang hininga. Mayroong CCTV sa kwarto ni Venus. Ngayon niya lang nalaman na meron palang naka-monitor sa dalaga at mukhang ang mommy niya ang nagpakabit ng CCTV sa kwarto nito. Nakatitig siya sa screen sa mga oras na nakaluhod si Venus sa kaniyang ina. Tila may kung anong pinagbabangayan ang dalawa. Hanggang sa makita niyang niyakap ni Venus ang mommy niya at tumayo ito. Doon niya nakita ang pagyuko ng mommy niya na tila may pinupulot sa sahig. Hindi niya masyadong makita kung ano ang bagay na hawak ng mommy niya. Doon niya napansin na tila nagtatalo na ang dalawa at pagkatapos ng sagutan ng dalawa ay bigla na lang nangisay ang mommy niya at iyon na ang pagtawag ni Venus. Kitang kita niya kung paano mataranta si Venus. Sigurado siyang ang bagay na hawak ng mommy niya ang dahilan kung bakit ito tuluyan nawalan ng buhay. Venus's POV "Ma'am Venus!" mula sa labas ng pintuan ay tawag muli sa akin ni Manang Lucy. Bumaba ako sa kama para pagbuksan ito. Nabungaran ko si Manang. "M-Manang, bakit ho?" "Utos kasi ni Sir Marco na linisin ko raw ang kwarto mo." "Huh?" Nakakapagtaka naman. Hindi naman kailangan linisin ang kwarto ko ngayon dahil naglilinis naman ako. "Manang, simulan mo na." kaagad na bumaling ang aking paningin sa lalaking nagsalita. Si Kuya Marco seryoso ang mukha nito na nabungaran ko sa aking harapan. "K-Kuya Marco..." sambit ko. Naglakad pa itong palapit sa akin. "Are you hiding something from me, Venus?" Napatitig ako sa kaniyang mukha. Anong ibig niyang sabihin? "I reviewed the CCTV here in your room ... and I saw that before Mom lost her life... nagtatalo kayong dalawa. Now, tell me, what is it, huh?" Tila napako ako sa aking kinatatayuan. Napaatras ako ng patuloy itong lumalapit sa akin. Hindi ko puwede sabihin sa kaniya. Nabigla ako ng hawakan niya ang pulsuhan ko at itinaas ito. "K-Kuya... n-nasasaktan ako." mas lumakas at naging mahigpit ang paghawak niya sa kamay ko. "Now tell me, my little sister. Because by the time I find out, this is not just what I will do to you!" banta nito sa akin. Hindi na ako nagtataka pa sa pinapakita niyang galit sa akin dahil noon pa man magmula ng tumuntong siya sa bahay na ito ay alam kong galit na siya sa akin. " W-wala... wala kaming pinagtalunan ni Mommy. " nanginginig ang boses ko. Mas tumalim ang mga tingin niya sa akin. Umigting rin ang kaniyang panga. "Sa oras na malaman kong may kinalaman ka sa pagkamatay ni Mom... ihanda mo sarili mo Venus. Dahil palalayasin kita sa bahay na ito." Lumakas ang t***k ng puso ko at bumilis din ang paghinga ko. Ngayon pa lang ay natatakot na ako. Nagsinungaling ako. Paano ko naman sasabihin sa kaniya na buntis ako at siya ang ama? Hindi niya nga matandaan at hindi niya nga alam na may nangyari sa amin dalawa. Isa pa, baka kapag nalaman nito ay masuka lang ito dahil magkapatid kaming dalawa. Pinakawalan niya ang kamay ko. "Ngayon, ibigay mo sa akin ang bagay na hawak ni Mommy sa araw na iyon!" maawtoridad na utos niya sa akin. Alam kong ang pregnancy test ang tinutukoy niya. Maging ako nga hindi ko alam kung saan ko nailagay. "W-wala... wala sa akin." nanginginig pa rin ang boses ko. "Then, tell me what is it? Hindi naman siguro makakaapekto ang bagay na iyon kay Mommy kung wala lang iyon sa kaniya hindi ba? Sigurado akong malaki ang koneksyon ng bagay na iyon sa inyong dalawa. Tell me what is it, Venus?" Nangangapa ang dila ko at muli akong napaatras. Nanginginig rin ang mga kamay ko. Hinding-hindi ko sasabihin sa kaniya. "A-ano ah— l-lipstick. Lipstick lang ang bagay na 'yon." pinangatawanan ko na ang pagsisinungaling. Tinitigan pa niya ako ng husto. "You lie, I see it in your eyes. Are you going to tell me the truth or — ako mismo ang hahalungkat ng mga gamit mo dito sa kwarto mo?" umigting muli ang kaniyang panga. Hindi kaagad ako nakasagot at dahil doon tuluyan siyang pumasok sa kwarto ko. "Manang, search in all corners. Ibigay mo sa akin ang mga gamit na kahina-hinala sa kwarto na ito." utos nito kay Manang. Para akong criminal na kailangan imbestigahan. Nanlaki ang mga mata ko ng guluhin ni Kuya Marco ang mga gamit ko. Lahat-lahat ay inihahagis sa sahig. Mga pouch ng make up, gamit ko sa school, at maging ang mga gamit ko sa kabinet at kahuli-hulihan ay ang closet ko. Inihagis niya rin ang mga damit ko. Inalis niya lahat ang mga damit ko sa closet. Maging ang mga underwear ko. Mas lalong nanlaki ang mga mata ko ng hawak-hawak niya na rin ngayon ang bra ko. "K-Kuya Marco sumusobra ka na. Mga private things ko pinapakialaman mo na." saway ko dito. "What do you call this thing?" titig na titig sa hawak niyang n****e tape. Sigurado akong ngayon lang siya nakakita no'n. Namula na siguro ang pisngi ko dahil sa sobrang hiya. "A-ano... a—ano ko 'yan..." nakangiwing sabi ko. Hindi ko kasi mabigkas dahil sobrang nakakahiya. Titigan niya ba naman iyon as if na iyon ang dahilan kung bakit namatay si Mommy. "Tell me right now, Venus. What is it?" seryosong-seryoso niya ng tanong sa akin. Hugis flower kasi iyon kaya siguro takang - taka siya kung ano 'yon. Hindi ko talaga masabi. Tinakpan ko na lang ang bibig ko habang nakangiwi. "Eh, sir, yung ano' yan eh! Yung sa dibdib. Yung tinatakip yan sa mga n****e. Oo tama, n****e tape iyan. Alam ko iyan kasi gumagamit ako niyan minsan kapag naiinitan ako." bigla naman nagsalita itong si Manang Lucy. Wala na, tinapos na ni Manang Lucy ang pamumula ng mga pisngi ko. Mas lalong nag-init pa ang pisngi ko dahil sa sinabi ni Manang. Ngayon alam na ni Kuya Marco kung ano 'yon pero mas lalo pa niya iyon tinitigan. Napansin ko ang kaniyang paglunok bago tuluyan na bitawan ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD