Mr. Walton 2 F E A R

2664 Words
Venus's POV "Bitawan mo ako!" kahit na umiikot ang paningin ko ay nagawa kong sipain ang maselan na bahagi ni Aljon nang ibaba niya ako. "Aray!" napasigaw ito sa sakit. Mabuti na lang hindi niya pa naisarado ang pintuan. Paliko-liko ang mga lakad ko habang tinitingnan ko sa aking likuran kung sinundan niya ba ako. Hanggang sa mapahinto ako dahil naiinitan ako at biglang nag-iba ang pakiramdam ko. Sobrang init ng pakiramdam ko at parang gusto ko na lang manghila ng lalaki para halikan ko. Nang makita ko ang lalaking naglalakad sa pasilyo. Kalalabas lang nito sa kwarto ay kaagad kong nilapitan at hindi ko na alam kung bakit ko siya hinalikan. Naamoy ko rin ang hininga niyang amoy alak. Pakiramdam ko lasing na lasing din ito dahil namumungay ang mga mata na tila hindi niya maaninag ang aking mukha. Pero binalewala ko iyon dahil sa kakaiba na nararamdaman ko. Mas lalo akong nag-init kaya hinila ko siya kung saan ang kwarto na nilabasan niya. "What the hell! Who the fvck are you?*hik*" tanong niya sa akin. Lasing ito dama ko sa boses niya. Wala akong panahon para magpaliwanag ang gusto ko lang ngayon ay mapawi itong kakaibang nararamdaman ko ngayon. "Kiss me." pinasadahan ng aking daliri ang kaniyang labi. "Inuutusan mo ako?" tanong pa nito. "I want you to kiss me back." I said in a sexy voice. Sa isang iglap lang ay hinalikan ko ito. Sa una ay hindi siya tumugon pero katagalan ay tumugon na rin ito sa mga halik ko. Gumalaw ang mga kamay niya. Kasingbilis ng paghalik ko sa kaniya. Ganun din kabilis ang pagbaba ng kamay niya sa aking pang-upo. Pinisil niya iyon kaya napaigtad ako. "Nice butt." komento niya nang kusa itong bumitaw sa paghalik sa akin. Muli ko na naman hinawakan ang kaniyang panga at muling sinakop ang kaniyang labi. "So wild huh?" Pinangko niya ako at dinala sa kama. Inihagis niya ako doon tsaka agad na kinubabawan. Naghubad ito sa ibabaw ko. Napatulala ako nang makita ang kagandahan ng kaniyang katawan. Napakagat labi rin ako at tila maduduling na yata ako sa lapit ng abs niya sa akin. Kagat labi ko siyang tinitigan habang patuloy na naghuhubad ng sinturon at maging pantalon. "Inday, Venus, kakain na. Lumabas ka na raw diyan!" rinig kong tawag ni Manang Lucy sa labas ng pintuan ng kwarto ko. Nabulabog ang mga nasa alaala ko. Sabado ngayon kaya walang pasok. Hanggang ngayon, hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Mommy ang nangyari. Magbabayad si Aljon sa ginawa niya. Pero paano? Natatakot ako. Natatakot akong mahusgahan. Isa pa sa problema ko. Si Kuya, si Kuya Marco. Nandidiri ako sa sarili ko. Paano ko nagawa 'yon? Naalala ko na ang lahat at hindi ko akalaing ako pa pala ang naunang humalik sa kaniya. Ano na lang ang sasabihin ni Mommy kapag nalaman niyang naibigay ko ang sarili sa sarili kong kuya? Paano si Kuya Marco? Naaalala niya kaya ako? Alam niya kaya ang nangyari kagabi? Alam kong lasing na lasing siya ng gabing iyon. "Ahm! M-Manang, Lucy, n-nandiyan pa po ba si Kuya?" inilapit ko ang aking mukha sa pintuan at pinakiramdaman si Manang. Hinihintay ko ang kaniyanh sagot "Oo naman, nasa ibaba ang Kuya Marco mo. Hinihintay ka na nila sa dining." Napangiwi ako dahil hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. "Ah, sige, Manang. Pakisabi mamaya na lang po ako kakain. Busog pa ho kasi ako. Pakisabi ho 'wag na nila akong hintayin." nakahanap rin ng palusot. "Sigurado ka ba, inday Venus?" "O-opo, Manang Lucy." "Sige!" Naramdaman kong umalis na si Manang Lucy kaya nakahinga ako ng maluwag. Naghanda ako ng damit na maisusuot dahil maliligo na muna ako bago lumabas. Buong maghapon na nga akong nagkulong sa kwarto kahapon. Tapos hindi man lang pala ako nakapagbihis, hindi ko man lang naramdaman ang lagkit sa aking katawan. Iniwan ko sa kama ang maisusuot ko. Tinungo ko ang banyo at nagpakasawa sa tubig. Binalot ko ang aking katawan ng tuwalya bago lumabas. Laking gulat ko ng maisarado ko ang pintuan ng banyo ng masilayan ko si Kuya Marco. Nasa tabi na ng kama ko. Muntikan pa tuloy akong mapasigaw. Hindi ko kasi inaasahang papasok siya dito sa loob ng kwarto ko. Sa totoo lang, ilang na ilang ako sa kaniya. Kahit magkapatid kami, hindi ko alam kung bakit? Dahil ba may nangyari sa amin? O baka dahil ngayon ko lang siya nakita. Hindi ko nga maalala kung nakita ko ba siya noon ng bata pa ako. "Bakit ba gulat na gulat ka?" seryosong tanong niya sa akin. Hindi ko alam kung ilusyon ko lang ba na nakatingin siya sa katawan kong nakabalot lang ng tuwalya o nagkakamali lang itong mga mata ko. "H-hindi ko lang kasi inaasahang papasok ka dito sa kwarto ko, K-kuya Marco." nauutal pa na sagot ko. Inilibot niya ang kaniyang paningin sa kabuuan ng kwarto ko at huminto rin naman sa akin. "Wala ka bang balak na lumabas? O kumain? Pinaghihintay mo ang pagkain sa dining table. Hindi mo ba alam na masama ang pinaghihintay ang pagkain sa mesa?" Natigilan ako sa sinabi niya. "A-ano kasi... n-naligo pa ako. Sinabi ko naman kay Manang Lucy na huwag niyo na akong hintayin." "Pwes, hinihintay ka ni Mom. Ganiyan ka ba palagi kay Mom? Hindi ka lang pasaway pinapainit mo pa ang ulo ko." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Senesermunan niya ba ako? "H-hindi... ngayon ko lang naga—" " Hurry up! Mom is still waiting for you at the dining table. She doesn't eat until you are not with her. I don't even know why, why does she love you so much?" Pinutol niya ang pagpapaliwanag ko. Bakit pakiramdam ko galit siya sa' kin? "P-pasensya na. Magbibihis na ako." naglakad ako palapit sa mga damit kong nasa kama. Dinaanan ko siya. Alam kong nakatingin pa rin siya sa akin. Hanggang sa marinig kong nag-ring ang phone niya. Muli niya akong sinulyapan. "Bilisan mo ng magbihis. Pinakaayaw ko sa lahat pinaghihintay kami sa dining table. Hindi ka gaanong special dito sa bahay para hintayin ka pa namin. Hindi ko nga alam kung bakit napaka-special mo kay Mommy?" Dahil sa sinabi niya. Tila may kung anong kumurot sa dibdib ko. Bakit gano'n niya ako tratuhin? Kapatid niya ako pero parang may kung anong galit akong nararamdaman sa kaniya. Galit ba siya sa 'kin? Kung makapagsalita siya parang hindi niya ako kapatid. Tanaw ko na lang ang likod niya hanggang sa makalabas siya sa pintuan ng kwarto ko. Nagmadali akong magbihis dahil alam kong mas lalong magagalit sa akin si Kuya Marco kapag matagalan pa akong makasunod sa kaniya. Hinihintay pa rin pala nila ako. Namula yata ang mga mata ko dahil sa paghikbi ko kanina. Hindi naman gaanong masakit yung mga sermon niya pero sobrang nasaktan ako. Hindi niya alam na may nangyari sa amin. Mabuti na rin hindi niya alam dahil kung alam niya baka nandiri na siya. Dahil ako, diring - diri na sa sarili. Sarili kong kapatid napagbigyan ko ng p********e ko. Hindi na ako nagtagal pa at bumaba na. Hindi nga ako nagkakamali, hindi pa rin sila nagsisimulang kumain. Hinintay nila ako. "Mabuti naman bumaba ka na." sabi ni Mommy. Tumabi ako sa kaniya. "Sorry, mom. Naligo pa ho kasi ako." nakayukong sagot ko pagkatapos kong umupo sa tabi niya. Nabigla lang ako ng hawakan niya ang chin ko at bigla akong patingalain paharap sa kaniya. "Umiyak ka ba?" tanong kaagad ni Mom. Napansin niya ang mga mata ko. "H-ho? H-hindi mommy. Napuwing lang ako kaya namumula ang mga mata ko." sagot ko tsaka napatingin sa kinaroroonan ni Kuya na ngayon ay nakatingin din sa akin. Kaagad sinamaan ng tingin ni Mommy si Kuya. "Marco, may sinabi ka ba na hindi maganda kay Venus?" galit na tanong ni mommy kay Kuya. "W-wala, mommy. Walang sinabi si Kuya." kaagad na pinagtanggol ko si Kuya Marco. "A-ayos lang ho ako, mom. Huwag kayong mag-alala, hindi ho ako umiyak. Napuwing lang ho ako." nakangiting sabi ko. Medyo nawala ang inis sa mukha ni Mommy. "Kumain na tayo." medyo naging mahinahon na ang boses nito. Nagsimula na rin kaming kumain. Paminsan-minsan ay napapasulyap ako kay Kuya Marco. Tahimik na kasi ito. Pagkatapos namin kumain ay hindi ko na alam kung nasaan si Kuya Marco. Hindi ko na kasi siya nakita pagkatapos kumain. Three days later... Pumapasok ako sa school na tila walang nangyari. Nakikita ko pa rin si Aljon pero alam kong umiiwas na ito sa akin. Natatakot siguro na baka isumbong ko ang ginawa niya. Hindi na ako nag-abala pa na isumbong siya dahil ayaw kong mag-alala si Mom. Ayaw kong malaman ni Mommy ang nangyari. Alam kong mag-aalala ng sobra si Mommy at alalahanin pa niya ako. Ayaw ko ng dumagdag pa sa iisipin niya. Matanda na si mommy at katulad nga ng naalala kong kwento niya sa akin. Palagi niyang iniisip si Kuya Marco. Hindi raw kasi ito sumusunod sa kaniya. Kaya alam kong stress na stress si mommy at ayaw ko ng dagdagan pa iyon. "Beshy!" narinig kong tawag sa akin ni Cheska. Hinintay kong makalapit siya sa akin. "Kamusta? Hinatid ka ba nila Bianca?" Medyo natigilan ako sa tanong nito dahil naalala ko na naman ang nangyari. Hindi nila ako naihatid dahil sa nangyari. Mag-isa akong umuwi at wala na ang iniingatan kong p********e. Sa iaang iglap lang nawala ang iniingat-ingatan ko. " Bakit hindi ka makasagot? Hindi ka ba nila hinatid?" kaagad naman naglandas ang kilay ni Cheska. "Ofcourse hinatid." nagkunwari akong ngumiti. "Hinatid nila ako." pagsisinungaling ko na lang. "Buti naman. Akala ko hindi ka hinatid ng mga bruhang 'yon." Kung alam mo lang Cheska. Iyon na siguro ang gabing pinakaayaw kong maalala. ONE MONTH LATER... BIRTHDAY ni Mommy. Kaya naghanda ako ng surpresa para sa kaniya. Hindi na kami lumabas dahil ayaw ni mommy. Mas gusto niyang dito na lang sa bahay. Tinulungan ko si Manang Lucy maghanda ng pagkain sa table. Nasa kwarto pa yata si mommy kaya dapat pagbaba niya tapos na ang lahat. Wala rin naman kaming bisita. Ayaw kasi nitong mag-invite. May nakahanda na rin akong malaking banner. Pagkababa niya ay ibababa ko iyon para makita niya ang pinagawa kong malaking banner. Kaming dalawa. Bata pa lang ako sa picture na iyon. "Nandiyan na si Madam." kaagad na bulong ni Manang sa akin kaya inihanda ko na ang lahat. Naka-wheel chair siya kaya may daanan siya para makababa. Tulak tulak siya ng kaniyang sariling nurse. Kinuhanan kasi ito ni Kuya Marco. Ngayon lang nagkaroon ng private nurse si Mommy. Pagbungad pa lang niya ay ibinaba ko kaagad ang banner at sabay-sabay kaming kumanta ni Mannag Lucy. Kami - kami lang din ang tao, walang iba. "Happy birthday to you. Happy birthday to you, happy birthday, happy birthday... happy birthday, happy birthday mommy." Ngiting - ngiti na sumalubong sa amin si Mommy. Natigilan lang ito sandali na tila may hinahanap. "Wala ba ang kuya Marco mo?" malungkot na tanong nito sa akin. Napailing ako. Dama ko ang lungkot sa mga mata nito ng sabihin kong wala si Kuya Marco. Hinihintay niya siguro ito or inaasahan niya na pupunta. Nilapitan ko siya tsaka hinaplos ang mga balikat. "I'm sorry mom. Nalulungkot ka ba dahil wala si Kuya Marco? Huwag ho kayo mag-alala mommy. Tatawagan ko ho siya para pumunta na ngayon dito." "Sige, hija. Tawagan mo ang Kuya Marco mo. Baka na-traffic lang." sagot naman nito. Biro ko lang 'yo pero talagang inutusan niya akong tawagan si Kuya. Paano na? Wala akong ibang choice kun' di kunin ang phone ni Mommy na ibinigay niya sa akin para tawagan ko si Kuya. " T-tatawagan ko lang po si Kuya." paalam ko dito. Bahala na nga. Para kay Mommy kaya ko gagawin 'to. Hinanap ko kaagad ang number na naka-save sa phone ni Mommy. Huminga muna akong malalim bago ko pinindot iyon para tawagan. Ilang beses nag-ring pero walang sumasagot. Hanggang sa kahuli-hulihan na tawag ko ay sinagot rin ito. "Yes?" "Ahm! K-kuya Marco..." kinakabahan ako. "Bakit ikaw ang tumawag sa 'kin? Nasaan si Mommy?" napaka-strikto ng boses nito kaya sino ba naman ang hindi kabahan pag siya ang kausap. "Pinapatanong niya kasi kung makakapunta ka ngayon dito?" Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa sinabi ko na kaagad sa kaniya. "Bakit anong meron?" Nag-init yata ang tenga ko dahil sa sagot niya. Birthday ni mommy hindi niya man lang alam. "Hinihintay ka niya dito dahil kaarawan niya. Hindi mo ba alam 'yon?" sa inis ko ay lumakas ang boses ko. "I know. Pakisabi hindi ako makakapunta. I have a lot to do today. I'll be home in next day. " Mas lalong nag-init ang ulo ko sa sagot niya. Anong klaseng kuya at anak ba' to? "Mas importante pa ba 'yan sa taong nagluwal sa' yo?" sa inis ko ay nasumbatan ko siya. Bigla siyang nanahimik sa kabilang linya. Tumikhin siya pagkatapos nagsalita. "And who are you to asking me question like that?" "Kapatid mo 'ko." sagot ko naman. Bigla siyang natawa sa kabilang linya. "Wala ka nga talagang alam." "Anong hindi ko alam?" Hindi siya nakasagot. Narinig ko naman ang pagtawag ni mommy sa akin. "Venus, darating ba ang kuya mo?" Lumapit ito sa akin tulak tulak ang sariling wheel chair. Ako yung naaawa kay Mommy dahil hindi kami buo sa birthday niya. Ngayon na nga lang ang hinihingi ni Mommy hindi niya pa mapagbibigyan. Anong klaseng anak ba ang kuya ko? Kahit noon pa, sa mga lumipas na birthday ni mommy kami lang yung nandito at wala siya. Kaya nga hindi ko siya kilala eh. Dahil palagi siyang wala. Sa inis ko, pinatay ko ang call. "Sorry, mom. Hindi raw makakapunta si kuya." Sumilay naman ang ngiti nito sa labi. "Ano ka ba Ven. Ayos lang hija. Atleast you're always here for me." Napapikit ako kaya pumatak ang luha ko. Alam kong hindi kompleto. Alam kong malungkot si mommy pero pinapakita niya lang na masaya siya pero alam ko sa loob loob nito nalulungkot na. Nag-enjoy na lang kami sa birthday niya. Hindi ko hinayaan na maging malungkot siya. Masaya naman kami. Puno ng tawanan at siyempre hindi nawala ang pagpupunas namin ng cake sa mukha. Natigilan lang ako nang may kung anong kakaiba akong nararamdaman sa sarili ko. Tila humilab ang tiyan ko at tila bumabaliktad ang sikmura ko. Kaagad kong tinahak ang lababo para doon dumuwal. Ilang minuto akong natapos. Pabalik - balik yata ako sa lababo. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang naghilab ang tiyan ko at ang aking sikmura ang sama ng timpla. Habang dumuduwal ako sa lababo ay hindi ko namalayang nakasunod pala sa akin si mommy. "VENUS?" Pinunasan ko ang labi ko bago ko hinarap ito. "Mommy, anong ginagawa niyo po dito? Dapat doon lang po kayo sa —" "Magsabi ka sa akin ng totoo, Venus?" "Po? A-ano po ang sasabihin ko?" "May boyfriend ka na ba?" Natawa ako sa tanong niya. Wala naman akong boyfriend bakit niya naitanong 'yon? Mas lumapit pa siya sa akin. "Yumuko ka." utos niya kaya yumuko ako. Dinama niya ang noo ko. Tsaka ang leeg ko. "Wala ka namang lagnat pero bakit ka nagsusuka?" takang - taka na tanong nito. "S-siguro sa mga nakain ko lang, mommy. Nasobrahan yata ako." sagot ko. "Hindi ka ba buntis?" Halos mabulunan ako ng sarili kong laway dahil sa tinanong ni Mommy sa akin. Buntis? Natigilan ako nang maisip ko iyon. "Bakit hindi ka nakasagot?" tila nagagalit na ang boses ni mommy. Buntis ba kapag nagsusuka? "H-hindi po, mommy." nauutal na sagot ko dahil ngayon bumabagabag na sa isip ko ang sinabi niya. Paano nga kung nagbunga ang isang gabi na may nangyari? Paano ko masasabi kay Mommy na ang ama ng dinadala ko ay sarili kong kapatid? Hindi ko pwedeng sabihin iyon. Baka kapag nasabi ko iyon ipagtatabuyan niya ako dito sa bahay. Baka isusumpa niyang naging anak pa niya ako. Hindi pa naman sigurado. Baka sa nakain ko langbito kaya ako nagduduwal
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD