NAPATIGIL sa pag-uusap si Chloe at Faith nang bumukas ang pinto ng mansyon nila Faith at may dalawang lalaki ang pumasok. Halatang lasing ang mga ito pero mas lasing ang isa dahil kailangan pa itong alalayan ng kasama nito.
"Kuya," sabi ni Faith, "anong nangyari?" Tanong niya at tumingin kay Chloe. "Chloe, pasensiya ka na."
Chloe smiled and nod her head. "It's okay."
"Kuya, lasing ka?"
"Mas lasing si Lawrence." Sabi ni Shawn habang inaalalayan si Lawrence na lasing na lasing.
"Bakit ba kasi kayo naglasing?" Tanong ni Faith. "Kuya," she vomit, "alam mo naman na ayaw na ayaw ko ang nakakalanghap ng lasing," she vomit again.
Nag-alala naman si Chloe sa kaibigan. "Ako na ang bahala sa kanila, Faith. You can distance yourself."
"Thank you, Chloe. Pasensiya ka na talaga."
"Nah. It's okay." Sabi ni Chloe at lumapit kay Shawn at Lawrence habang lumayo naman si Faith. Hindi siya buntis. Talagang nasusuka lang siya kapag nakakamoy ng lasing.
"Sino ka?" Tanong ni Shawn kay Chloe.
"I'm Chloe. Kaibigan ako ni Faith."
"Oh. I'm Shawn and this is Lawrence, kaibigan ko," sabay sulyap sa inaalalayan nitong lalaki. "Sorry about this. Hindi ko alam na nandito ka." Shawn apologized.
"It's okay." Sabi ni Chloe. "Tulungan na kita diyan sa kasama mo."
"Huwag na. Kaya ko na." Pigil ni Shawn.
"Sigurado ka? Tulungan na kita. Mukhang nahihirapan ka na." Sabi ni Chloe.
"Thanks."
Kinuha ni Chloe ang isang braso ni Lawrence at inilagay sa kaniyang balikat.
Ipinasok nila ito sa isang guest room.
"Thank you for helping." Ani Shawn ng maihiga nila si Lawrence sa kama.
Tumango si Chloe. "Kanéna próvlima." She smiled.
"Ha?" Nagtaka si Shawn.
"Oh. I mean no problem." Kaagad na sabi ni Chloe.
"Are you—"
"I'm a greek." Chloe said.
"Oh. That's great. But—s**t!" Mabilis na lumabas ng guest room si Shawn.
"Anong nangyari do'n?" Nagtatakang tanong ni Chloe.
Napailing siya at napatingin kay Lawrence. Gwapo ito—
"Chloe."
Sumilip si Faith sa may pintuan.
"Hmm?"
"Pasensiya na hindi ako makakapasok para asikasuhin si Kuya Lawrence. Alam mo naman na nagsusuka ako kapag nakakaamoy ako ng amoy alak. Pwede bang ikaw na lang? Lubusin mo na." Sabi ni Faith.
"Sige. Hindi pa naman ako inaantok."
Ngumiti si Faith. "Thanks, Chloe. Here."
Inabot ni Faith ang isang palangganita at may bimpo.
Kumunot ang nuo ni Chloe. "Para saan 'yan?"
Inginuso ni Faith si Lawrence na lasing. "Pakipunasan na lang siya."
Chloe tsked. "Kinuha niya ang hawak ni Faith na maliit na palanggana. "Sige na. Ako na ang bahala rito."
"Thank you, Chloe. Ang bait mo talaga. Promise. Tutulungan kitang maghanap ng matutuluyan bukas."
"Entáxie." Okay.
Ngumiti si Faith at umalis na.
Napabuga naman si Chloe. Inilapag niya ang hawak na maliit na palanggana sa nightstand. Inilubog niya ang daliri sa tubig na nasa palanggana. Katamtaman lang ang init nito. Binasa niya ang bimpo at piniga.
Tumingin siya kay Lawrence. This is her first time na hahawak ng isang lalaki at hindi pa niya kilala. Huminga siya ng malalim at nagsimula ng punasan ang mukha ng lalaki. Mula sa mukha pababa sa leeg nito. Isinunod niya ang braso nito.
Hindi na pinunasan ni Chloe ang katawan ng lalaki. Mukha, leeg at braso lang nito ang pinunasan niya. Gusto pa niyang manatiling inosente ang mata niya.
Kinuha niya ang kumot at ikinumot niya kay Lawrence.
Hindi niya lang maintindihan sa mga lalaki. Bakit ang mga ito naglalasing?
Para makalimutan ang problema?
For fun?
Chloe shooked her head. Lumabas na siya ng guest room at isinara ito. Umakyat siya sa ikalawang palapag at pumasok sa kwarto ni Faith.
Nadatnan niyang nakahiga na sa kama ang kaibigan.
"Kumusta si Kuya Lawrence?" Tanong nito.
Chloe shrugged. "Sleeping beauty."
Natawa si Faith at napailing. "May problema lang si Kuya Lawrence kaya 'yan naglasing."
"Ti?" What?
"His bride runaway." Naipailing si Faith. "Their wedding is next next day."
"Ang sakit naman."
"Yeah." Napatango si Faith.
Humiga si Chloe sa kama at tumitig sa kisame. "Parang ako lang. Umalis sa amin kasi ayaw kong magpakasal."
Natawa si Faith. "Matulog na nga lang tayo."
"Buenas noches." Goodnight. Chloe closed her eyes.
"Goodnight. Magpasalamat ka at medyo may alam na ako sa spanish at greek."
Ngumiti lang si Chloe.
NAGISING si Lawrence dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha niya at lumulusot ito sa bintana ng kinaroroonan niyang kwarto. Hindi niya alam kung nasaan siya. Must be one of his friends place.
Bumangon siya pero kaagad niyang nasapo ang ulo dahil bigla itong sumakit na parang binibiyak sa sakit.
"Damn! Naparami ako ng inom kahapon."
Napatingin siya sa nighstand. May isang baso doon ng tubig at gamot. May nakadikit pang sticky note.
'For your headache.'
Nagtaka si Lawrence kung sino ang nag-iwan dito sa kwarto pero kaysa naman magtanong siya, kinuha na lang niya ang gamot at ininom ito.
May nakapatong rin sa paanan ng kama na damit.
Bumaba si Lawrence sa kama. Kinuha niya ang damit at pumasok sa banyo at naligo. Kahit papaanp ay gumaan ang pakiramdam niya. Pagkatapos niyang naligo, nagbihis siya at lumabas ng kwarto. Doon lang niya nakita na nasa bahay siya nila Shawn.
Pumasok siya sa kusina at nadatnan niya doon si Shawn na nagkakape.
"Yow." Bati ni Shawn sa kaniya.
Tinanguan niya lang ang kaibigan at nagtimpla ng kape.
"Ininom mo ba ang gamot na binigay ni Chloe?" Tanong ni Shawn.
Kumunot ang nuo ni Lawrence. "Chloe? Sinong Chloe?"
"Kaibigan ni Faith. Damn. Nakakahiya kagabi." Sabi ni Shawn.
"Bakit?" Tanong ni Lawrence at humigop ng kape.
"Hindi ka man lang ba nagkamalay kagabi?"
Umiling si Lawrence. "Wala akong maalala."
Napailing si Shawn. "Si Chloe ang tumulong na umalalay sa akin sa'yo kagabi. Siya rin ang umasikaso sa'yo. Siya ang nagdala ng gamot mo para sa sakit ng ulo at damit na pinagpalitan mo."
Natigilan si Lawrence. "Bakit niya ginawa 'yon?"
"My sister said it's her nature. Pero ang ganda niya. Mas maganda pa kay Eliza baka pwedeng siya na lang ang ipalit mo kay Eliza."
Sinamaan ni Lawrence ng tingin ang kaibigan. "Gago ka ba? Kaibigan siya ng kapatid mo. Siguradong papatayin ako ng kapatid mo kung sakali."
Shawn shrugged. "Sinasabi ko lang naman."
Napailing si Lawrence. Tinapos niya ang kape. "Kailangan ko ng umalis. Kailangan ko pang asikasuhin ang tungkol sa kasal."
"Pero hindi pa nahahanap si Eliza."
"Bahala na diyan." Sabi ni Lawrence. "Bahala na kung ano ang mangyari. Basta matutuloy ang kasal. Hindi ako papayag na mapupunta kay Lander ang mga ari-arian ng kumpanya namin."
"Don't worry. Gumalaw na rin ang iba nating kaibigan para hanapin ang bride mo. Pero kung hindi siya talaga mahanapan, it's better if you take our advice. Replace Eliza."
Tumango si Lawrence. "I need to go."
Shawn just waved his hand.
Mabilis na lumabas ng mansyon ni Shawn si Lawrence.
"Damn!"
Bukas na ang kasal. Tinignan niya ang cellphone. Wala pang tawag si Leo sa kaniya. Mukhang hindi pa nito nahahanap si Eliza.
"SO kailangan mo munang magpakasal bago mo makuha ang mana mo sa Daddy mo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Faith kay Chloe habang naghahanap sila ng apartment na pwedeng pansamantalang tutuluyan ng kaibigan.
Pwede naman ito sa mansyon nila pero si Chloe naman ang may ayaw. Nakakahiya daw.
"Sí." Sagot ni Chloe.
"And your mom?"
"Wala. She said that she wanted me to find the right man for me. Hindi niya ako oobligahin sa mga responsibilidad ko. Kung saan daw ako masaya doon ako."
"Your Dad and your Mom have different opinions."
Chloe shrugged. "That's why they wanted to have divorce which I don't like. Ngayon," umiling siya, "hindi ko alam kung ano ang nangyayari na sa kanila."
Faith sighed. "Mas mabuti nga na dito ka muna."
"And find a job." Chloe said and smiled innocently.
Faith snorted. "Parang wala ka namang pera. Kahit naman hindi ka magtrabaho, may pera ka namang gagastusin."
Natawa si Chloe. "Faith, wala ako sa amin."
"Kahit na."
Napailing na lang si Chloe.
"Anyway bukas pala, hindi kita masasamahan na maghanap."
"Okay lang."
"Kailangan kong samahan si Kuya Shawn sa kasal ni Kuya Lawrence."
"Hindi ba tumakas ang bride?"
Faith shrugged. "Ewan ko sa mga 'yon. Buhay naman nila kaya bahala sila."
Natawa si Chloe. Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang sa makarating sila sa isang apartment.
Ipinakita naman sa kanila ng landlady ang mga bakanteng kwarto pero nang makalabas sila ng apartment. Biglang hinila ni Faith si Chloe palayo.
"¿Por qué?" Why? Nagtatakang tanong ni Chloe.
"Ang pangit. Walang maayos na ventilation. Makakahinga ka ba diyan ng maayos? Maghanap tayo sa iba. Ayaw mo naman kasi ng condo e." Sabi ni Faith.
Natawa si Chloe at napailing. "Ang arte mo talaga."
"I admit it. Halika na. Maghanap tayo ng iba."
Napabuntong-hininga si Chloe. "Bueno. Let's go." Okay.
Maghapon silang naghanap ng pwedeng matutuluyan ni Chloe pero wala silang nahanap dahil si Faith ang may ayaw. Kesyo wala daw maayos na tubig, walang maayos na ventilation, marumi, maraming tao.
Napapailing na lang si Chloe. Ang arte talaga ng kaibigan niya kahit kailan. Hinayaan na lang niya ito. Kaya ngayon heto pauwi na sila.
Pero hindi na bale. Baka bukas meron na.