CHAPTER 1
KUNG ILANG beses ng napabuntong-hinga si Lawrence ay hindi na niya mabilang pa. He's pacing back and forth, habang umiinom siya ng alak. Problemado siya ngayon. Kung bakit pa naman kasi lumabas ang last will ng Lolo niya.
"Kumusta, Lawrence?" Nakangising tanong sa kaniya ng pinsan.
"Anong kailangan mo?" Walang emosyon niyang tanong.
"Binibisita lang kita, Lawrence. At tinitignan ko ang mansyon na malapit ng mapasaakin at malapit ka na ring lumayas dito." Nakangising sabi ni Lander.
Lawrence smirked. "Hindi ka nakakasiguro. Huwag kang magsalita ng patapos. Nakakarinding pakinggan." Aniya.
"Hindi pa ba ako makakasiguro? Nawawala ang fiancée mo, Lawrence. At walang nakakaalam kung nasaan siya."
Lawrence just tsked. Umalis siya sa living room at nagtungo sa pribado niyang opisina. Nahampas ni Lawrence ang mesa.
"Damn it!"
Napatingin siya sa kaniyang cellphone ng tumunog ito. Lawrence sighed when he saw his secretary calling.
"Leo."
"Boss, hindi talaga namin mahanapan si Miss Eliza." Imporma ng sekretaryo.
"Damn!"
"Boss."
Sa susunod na araw na ang kasal niya at ngayon nawawala ang bride. Lawrence shooked his head. Hindi pwedeng mawala sa kaniya ang kumpanya na pinaghirapan ng kaniyang lolo at ng kaniyang magulang na ipatayo.
Hindi niya hahayaan na mapunta ito sa kamay ng sakim niyang pinsan. He won't let it happen. Alam niyang kapag hawak na ng pinsan niya ang Royal Real Estate Company at ng iba pang branch nito. Siguradong mawawala ang lahat sa kaniya at hindi niya hahayaan na mangyari 'yon. Hindi maaari.
"Continue searching, Leo. Baka sakaling mahanap niyo si Eliza."
"Yes, Boss." Sagot ni Leo.
Lawrence ended the call and he deeply sighed.
He doesn't want ELiza. Hindi niya ito mahal pero ito ng gusto ng ama niya na pakasalan niya ang babae bago ang mga ito namatay dahil sa plane crush. May last will ang lolo niya na kailangan niyang magpakasal at magkaroon ng tagapagmana para manatili siyang Presidente ng kumpanya ng pamilya nila. At kapag hindi siya nagpakasal, mapupunta ang kumpanya kay Lander. Kapatid niya ito sa father side and they don't really like each other.
Napatingin siya sa cellphone niya nang tumunog ulit ito. And this time ang isa niyang kaibigan ang tumatawag.
"What?" Bungad niya.
"Wow. Gandang bungad, ah. Baka pwedeng 'hello' muna." Sabi ni Shawn.
Lawrence sighed. "I'm not in the mood, Shawn.'
"I know," sabi ni Shawn, "kaya pumunta ka dito sa paborito nating bar. Nandito ang iba nating kaibigan."
Napabuga ng hangin si Lawrence.
"Okay."
Pinatay niya ang tawag. Lumabas siya ng pribadong opisina. Kinuha niya ang susi ng kotse.
"Sir, umalis na po ang kapatid niyo." Sabi sa kaniya ng mayordoma nang makasalubong niya ito sa first living room.
"Mabuti." Sabi ni Lawence at lumabas ng mansyon.
Sumakay siya sa kotse at lumabas ng compound. Pagkalabas niya ng compound, kaagad niya itong pinaharurot patungo sa bar na pinupuntahan nilang magkakaibigan.
Nang makarating siya doon. Bumaba siya ng kotse at pumasok sa loob ng bar. He went immediately in the VIP room.
Naabutan niyang nag-iinuman ang mga kaibigan. Binati naman siya ng mga kaibigan.
Pabagsak siyang naupo sa sofa at kumuha kaagad ng isang bote ng alak. Ininom niya ito mula sa bote at hindi na niya inilagay sa baso.
Nagkatinginan naman ang mga kaibigan ni Lawrence nang makita ang ginawa nito.
"Lawence, you okay, bud?" Tanong ni Theo.
Umiling si Lawrence. "No."
"Bakit? May nangyari ba? Malapit na ang kasal mo." Sabi ni Hendrix, ang abogado sa kanilang magkakaibigan.
"My bride runaway."
"What?" Reaksiyon ng mga kaibigan niya.
"Sa susunod na araw na ang kasal ko at hindi pa siya nahahanap."
Nagkatinginan ang mga kaibigan. "Uh-oh..."
"Then what's your plan?" Tanong ni Shawn.
Lawrence shrugged. "I don't know."
"Baka naman kasi ayaw talaga ni Eliza ang magpakasal sa 'yo kaya siya umalis. At hindi mo pa mahanapan." Sabi ni Ezequiel habang umiinom ng alak.
Napabuga ng hangin si Lawrence. "Hindi ko alam."
Napailing ang mga kaibigan.
"If it's money, we can help you. But it's your grandpa's last will. We can't do anything. So kailangan mong sumunod." Sabi ni Harrisson.
"Nagsalita ang kuripot." Wayne snorted.
"I'm just saying. Kaya ko namang kalimutan ang pagiging kuripot ko basta ang kaibigan ang nangangailangan ng tulong." Depensa ni Harrisson sa sarili. "Kung makapagsalita ka naman diyan, Wayne, parang hindi ka kuripot."
Wayne just smirked.
"Pero may tanong ako, Lawrence," nagseryoso ang mukha ni Hendrix, "nakalagay ba sa last will ng lolo mo na si Eliza lang ang pwede mong pakasalan?"
Umiling si Lawrence. "Hindi naman. I can marry the woman I want. Basta magpakasal ako 'yon ang mahalaga."
"Then replace her," Hendrix suggested.
Napaayos ng upo si Lawrence sa sinabi ng kaibigan. "That's a good idea pero saan naman ako makakahanap ng ipapalit ko sa kaniya."
Napangisi ang mga kaibigan.
"Lawrence, you're rich, handsome—I mean we all are, you're famous, hinahabol ka ng mga babae—tayo palang lahat. E di pumili ka na lang sa mga babaeng naghahabol sa 'yo." Wika ni Reese.
Pekeng tumawa si Lawrence. "Sana nga ganun kadali 'yon. E pera lang naman ang hinahabol sa atin ng mga babae." Napailing siya.
"Kung ayaw mo naman, anong gagawin mo?" Tanong ni Jeremy. He's a doctor.
Lawrence just drink his wine. "Maglalasing muna ako. Bukas ko na 'yan iisipin."
Nagkatinginan ang mga kaibigan ni Lawrence.
"Mag-inuman na lang tayo." Sabi ni Jeremiah, kapatid ito ni Jeremy, but he's not a doctor like his brother, he's the CEO of their company.
"Yeah, let's just get drunk."
They all cheers.
NAKAHINGA ng maluwang si Chloe ng makalapag ng eroplanong sinakyan niya sa airport ng Pilipinas. Dito niya napiling pumunta para makalayo sa mga magulang niya.
Her parents are going to have divorce. Hindi niya gustong maghiwalay ang mga ito kaya siya umalis at nagtungo rito sa Pilipinas.
At may isa pang dahilan kung bakit siya umalis sa kanila. Gusto siyang ipakasal ng daddy niya sa lalaking napili nito para sa kaniya. Kaya iyon ang isa pang rason kung bakit siya umalis. Ayaw niyang magpakasal sa taong hindi niya mahal.
Hindi naman siya nag-aalala na maliligaw siya. She's been here many times already. Marunong rin siyang magsalita ng lengguwahe ng mga Pilipino.
Her father is half-spanish and half-filipino. Ito ang nagturo sa kaniya kung paano magsalita ng tagalog. Walang nakakaalam na nagtungo siya dito sa Pilipinas dahil tumakas siya.
She looked at her phone when she felt that it vibrated. Chloe declined the call whe she saw it's her father. Ayaw niya munang makausap ang mga ito.
Pagkalabas niya ng airport. Pumara siya ng taxi at nagpahatid sa bahay ng kaibigan niya na nakatira sa isang village.
Nang makarating sila sa village. Dumaan muna siya sa isang security check bago sila pinapasok ng guard.
Pagdating niya sa bahay ng kaibigan. Kaagad siyang nagbayad at bumaba ng taxi.
She rang the doorbell. Maya-maya ay may nagbukas. Nanlaki naman ang mata ng kaibigan ng makita siya.
"Chloe?!"
"Hi, Faith. Long time no see."
Tumitiling niyakap siya ng kaibigan. "Oh my god! Oh my god! Bakit hindi mo sinabi na darating ka?"
Ngumiti si Chloe. "Surprise!"
Nagyakapan silang dalawa.
"Mabuti at bumisita. Come inside." Aya ni Faith kay Chloe.
"Biglaan e." Sabi ni Chloe at napabuntong-hininga. "Kumusta ka na?" Tanong niya sa kaibigan.
"Heto magandan pa din." Sagot ni Faith.
Nagtawanan silang dalawa.
Kinuha ni Faith ang bag na hawak ni Chloe. "Alam ko na ang dahilan kung bakit nandito ka. Ang mga magulang mo na naman 'no." Aniya.
Tumango si Chloe. "Tama ka. Ang galing mong nanghula, ah."
Faith rolled her eyes. "Kilala na kita 'no."
Umupo sila sa sofa.
"They wanted to have divorce and my dad wants me to get married. Faith, ayaw kong magpakasal." Sumandal si Chloe sa sofa na kinauupuan.
Napabuga ng hangin si Faith. "Alam mo magpahinga ka muna dahil sigurado ako na pagod a sa biyahe."
"Salamat. Pasensiya na, Faith, pero baka dito muna ako ng ilang araw. Pagtiyagaan mo muna ako habang hindi pa ako nakakahanap ng trabaho at matitirhan."
"Okay lang. Ano ka ba? Maganda nga 'yon e para naman may kasama ako sa mansyon na 'to. Palaging wala ang parents ko pati rin si Kuya. Kaya ako lang ang tao dito kasama ng mga katulong." Sabi ni Faith.
Kumunot ang nuo ni Chloe. "May Kuya ka?"
"Oo, si Kuya Shawn. Hindi mo siya nakilala noon dahil nasa ibang bansa siya para sa iba niyang negosyo. Pero wala siya ulit ngayon dahil kasama niya ang mga kaibigan niya." Sabi ni Faith. "Doon ka na lang sa kwarto ko magpahinga. Ipapalinis ko pa kasi 'yong guest room." Tumawa si Faith. "Hindi ka naman kasi nagsabi na darating ka."
Chloe shrugged. "Biglaan nga e. Basta na lang kasi ako umalis doon at nagtungo dito sa Pilipinas."
"So, hindi nila alam na nandito ka?"
Umiling si Chloe habang paakyat sila ng hagdan. "Hindi. Wala akong pinagsabihan na dito ako sa Pilipinas pupunta. Dahil kapag nalaman nila malamang kanina pa nandito ang mga bodyguard ni Daddy at hinila na ako para umuwi sa Greece."
Napailing si Faith. "Sa totoo lang ang gulo ng buhay mo, Chloe."
"Kaya nga. kaya naiingit ako sa 'yo."
Ngumiti si Faith. "Magpahinga ka na muna." Sabi niya at binuksan ang pinto ng kwarto.
"Thanks."
"Saka na lang tayo magkwentuhan kapag nakapagpahinga ka na."
Tumango si Chloe at pumasok sa loob ng kwarto ni Faith.
Huminga siya ng malalim. Sana hindi siya masundan ng mga magulang. Ayaw niya munang bumalik sa Greece.
She need to take a break.