"DARN IT!" Ibinato ni Lawrence ang hawak na cellphone. Tumama ito sa dingding at nabasag.
"Boss, hinanap na namin si Miss Eliza sa lahat ng sulok ng Pilipinas, sa mga lugar na lagi niyang pinupuntahan pero wala talaga. We could not find her." Sabi ni Leo.
"Dammit! Ayaw naman pala niyang magpakasal sa akin. Bakit pa siya pumayag kung ganun?!" Galit na sabi ni Lawrence ang padabog na umupo sa swivel chair.
"Boss, palitan niyo na lang po si Miss Eliza. Wala na po kayong pamimilian, bukas na po ang kasal niyo." Sabi ni Leo.
Huminga ng malalim si Lawrence. He was about to say something but the door opened and his half-brother, Lander, stepped in.
"What do you need?!" Tanong ni Lawrence.
"Just checking you. Baka kasi bigla kang magpakamatay dahil hindi matutuloy ang kasal mo bukas." Nakangising sabi ni Lander.
Naningkit ang mata ni Lawrence. "May kinalaman ka ba dito?"
"Oopps! Bawal magbintang, Lawrence." Nakagising sabi ni Lander.
Itinuro ni Lawrence ang pinto. "Get out."
"Okay. Okay. Huwag kang magpapakamatay, Kapatid." Parang nang-aasar pa na sabi Lander.
Napabuga ng hangin si Lawrence at tumingin kay Leo. "Sino ang ipapalit ko kay Eliza? Wala naman akong kilalang babae na pwedeng ipalit sa kaniya."
Umiling si Leo. "Wala akong ideya, Boss, pero gagawa ako ng paraan para matuloy ang kasal niyo bukas."
"Siguraduhin mo lang, Leo, dahil kapag hindi natuloy ang kasal ko. Baka mapatay kita." Banta ni Lawrence.
Napalunok si Leo. "Yes, Boss."
"Good. Now, leave me alone."
Bahagyang yumuko si Leo bago lumabas ng opisina niya.
Napabuga ng hangin si Lawrence. Kailangang matuloy ang kasal niya bukas. Hindi siya papayag na mapunta kay Lander ang ari-arian ng pamilya nila. Alam niya kung gaano kasakim ang kapatid niyang 'yon sa yaman at pera. Nagmana lang ito sa ina nito.
He won't let his family down. Ito ang kabilin-bilinan ng magulang niya. Alagaan niya ang kumpanya na ipinatayo ng mga ito at 'yon ang gagawin niya.
Lawrence looked outside the glass wall. Papadilim na ang paligid. Nabuga siya ng hangin at tumayo. Buong maghapon siyang nag-problema dahil sa kasal niya bukas.
Hapon bukas ang kasal niya. Makakagawa pa ng paraan si Leo at kailangan niya ring mag-isip. Alam niyang may kinalaman si Lander kung bakit bigla na lang umalis si Eliza. Hindi na siya magtataka kung sakali nga na tama ang iniisip niya.
Tumayo si Lawrence at lumabas ng opisina niya.
Wala na si Leo sa mesa nito. Naglakad siya patungo sa elevator at pinindot ang ground floor. Nang makarating siya sa ground floor kaagad siyang lumabas ng building at nagtungo sa parking lot.
Pumasok siya sa kotse at nagtungo sa isang supermarket para bumili ng beer. Kailangan niyang uminom baka sakaling makapag-isip siya ng solusyon sa problema niya.
He parked his car on the space infront of the supermarket. Bumaba siya ng kotse at pumasok sa loob. Habang naglalakad siya patungo sa mga istante ng mga can in beers. May nakabangga siyang babae.
"s**t! Tumingin ka naman sa dinadaanan mo, Miss." Inis niyang sabi.
Tumingin sa kaniya ang babae. Kumunot ang nuo ng babae. "Sorry. Hindi ko sinasadya."
Lawrence tsked. "Nagpapansin ka ba?"
"Ano?"
"Ang sabi ko nagpapapansin ka ba sa akin? Dream on. Hindi kita papansinin."
Natigilan si Chloe. Bahagya siyang nainis dahil sa sinabi nito. "Ang sungit mo pala." Aniya at tinalikuran niya si Lawrence. Akala pa naman niya mabait ito pero ang sungit naman pala.
Napailing si Chloe. Nagtungo siya dito sa supermarket dahil may kailangan siyang bilhin.
Natigilan naman si Lawrence at tinignan ang babaeng nakabangga niya. Pasimple niyang pinagmasdan ang kabuuan nito.
Matangkad ang babae. Maganda at maputi. Halatang may lahi itong espanyol dahil sa ganda nito at sa kulay ng buhok. Kulay kayumanggi ang buhok nito na hanggang beywang.
Kumunot ang nuo ni Lawrence. Sinundan niya ang babae. Patungo na ito sa cashier para bayaran ang binili nito. He get his phone from his pocket and took a picture of that woman. He send it to Leo with a caption 'find her.'
Nagtungo na siya sa istante ng mga can in beers at kumuha ng sampu.
NAIILING na sumakay ng kotse ni Faith si Chloe. Hindi niya akalain na sa likod ng pagiging gwapo ni Lawrence, ang sungit pala. Wala naman siyang ginawa dito kanina. Nabangga niya lang naman ito pero sinabi na nitong nagpapansin siya. Napabuga siya ng hangin at umalis na sa harapan ng supermarket. Pinaharurot niya ang kotse pauwi. Pagdating niya sa mansyon nila Faith. Kaagad siyang umakyat sa kwarto ni Faith.
"Oh, anong nangyari sa'yo at nakabusangot ang mukha mo?" Nagtatakang ni Faith sa kaibigan.
"Nakita ko si Lawrence. Nagkabanggaan kami pero sinungitan niya ako at sinabi pa niyang nagpapapansin ako." Inis na sabi ni Chloe
Natawa si Faith. "Masanay ka na. Ganun talaga ang kaibigan ni Kuya. Masungit 'yon pero mabait naman kapag nakilala mo talaga ng lubusan."
Umiling si Chloe. "Hindi ko alam."
Faith chuckled.
Inilapag ni Chloe ang hawak na pinamili sa kama. "Paano ako lang mag-isa bukas?"
Faith sighed. "Sorry, Chloe, pero kailangan kasi na nandoon ako sa kasal ni Kuya Lawrence e. Alam mo na partner ni Kuya."
Chloe shrugged. "It's okay. Siguro makakahanap naman ako bukas ng pwede kong matuluyan. Hindi ako pwedeng manatili dito. Kilala ka ni Daddy baka mamaya nandiyan na 'yong mga tauhan niya para kunin ako."
Napabuntong-hininga si Faith. "Ang gulo ng buhay mo."
Natawa si Chloe. "Hindi ko naman ginusto e. Pero wala akong magagawa. Ito ang buhay na binigay sa akin."
Wala na talaga siyang magagawa.
KINABUKASAN. Umalis ang magkapatid at siya lang naiwan sa mansyon nila Faith kasama ang mga kasambahay.
Lumabas rin siya kaagad para maghanap ng simpleng tutuluyan niya pansamantala. Ayaw niya munang umuwi sa Greece. Ayaw niyang magpakasal sa gusto ng Daddy niya na pakasalan niya.
Napatingin siya sa cellphone niya ng bigla itong tumunog.
Nanlaki ang mata ni Chloe nang makitang ang ina ang tumatawag.
"Mamá." Pagsagot niya sa tawag nito.
"Chloe, I kóri mou, Pós eísai?" Chloe, my daughter, how are you?
Napangiti si Chloe. "Eímai kalá, Mamá. Don't worry about me." I'm good, Mama.
"That's good, Chloe." Bumuntong-hininga ang kaniyang ina. "Stay where you are and don't tell me. Your father sent his men to find you."
"Efcharistó, Mamá." Thank you, Mama.
"Parakaló, Chloe. Take care, my daughter." Welcome. "Se agapó." I love you.
"Ki ego se agapo, Mamá. Antío." I love you too, Mama. Bye.
Chloe waited for her mother to end the call. She sighed afterwards. Hindi na niya inungkat ang tungkol sa divorce ng kaniyang mga magulang. Ayaw na niyang malaman kung ano ang gusto ng mga ito at ayaw na din niyang pakialam ang desisyon ng mga ito. If they wanted to divorce then that's fine.
Her mother is a sweet woman. While her father is a strict person. Though her mother have a high position while her father is just a businessman. Her mother is always submissive. But last night, she realized something, kaya hindi na niya papakialaman ang tungkol sa divorce na gusto ng mga magulang niya.
Lumabas ng mansyon si Chloe at lumabas ng gate.
Kailangan niyang maghanap ng pwedeng matuluyan bago pa man malaman ng ama na nandito siya sa Pilipinas at siguradong sa mansyon nila Faith dederetso ang mga tauhan nito.
Napabuga ng hangin si Chloe at naglakad-lakad.
Ayaw niyang tumira sa condo. Siguradong mahahanapan siya ng ama. Kailangan sa lugar na hindi nito inaasahan dapat siya tumira.
Pinara ni Chloe ang paparating na taxi at nagpahatid sa centro ng syudad.
Nag makarating siya doon at habang naglalakad. Naramdaman niyang may sumusunod sa kaniya. Pasimpleng lumingon si Chloe bago siya nagpatuloy sa paglalakad.
Kapagkuwan bigla siyang tumakbo. Kaagad na may mga lalaking sumunod sa kaniya. Hindi niya nakita na ito ang mga sumusunod sa kaniya. Mas lalong binilisan ni Chloe ang pagtakbo. Hindi niya alam ang pasikot-sikot sa lugar na kinaroroonan niya.
Alam niyang hindi ito ang mga tauhan ng kaniyang ama. Kilala niya ang tauhan ng kaniyang ama pero sino naman kaya ang mga kumag na sumusunod sa kaniya.
"Damn..." Mahinang mura ni Chloe ng makitang dead end na ang kinaroroonan niya.
Hinarap niya ang mga lalaking sumunod sa kaniya. Sa totoo lang hindi siya kinakabahan sa mga ito. She knows how to defend herself. She was taught by her butler and thanks of that because she can use it by now.
"Miss, please sumama ka sa amin. Hindi ka namin sasaktan." Pakiusap sa kaniya ng isang lalaki. Mukha naman itong mabait.
But look can be deceiving.
"Paano naman ako makakasiguro na hindi niyo ako sasaktan?"
"Maniwala ka sa amin. Sumama ka lang. Kailangan lang namin ng tulong mo."
Tumaas ang kilay ni Chloe.
Sabi ni Faith, huwag siyang basta-basta magtitiwala dahil marami na ang manloloko ngayon.
"Paano kung ayaw kong sumama sa inyo?"
"Mapipilitan kami na kunin ka ng pwersahan." Sabi ng lalaki.
Chloe tsked. "Ayaw kong sumama sa inyo. Hindi ko kaya kilala."
Nagkatinginan ang mga ito.
"Get her!"
Mabilis na umiwas si Chloe sa mga ito pero hindi niya inaasahan na marami pala ang mga ito at nagtago lang.
"Damn!"
Nahawakan siya ng dalawang lalaki. Sinipa niya ang mga ito at kaagad naman siyang nakawala pero nahuli na naman siya ng dalawa sa mga ito. Bigla na lang may nagtakip ng panyo sa ilong niya at nakaramdam siya ng hilo. At nagdilim na ang paningin niya.