Chapter 10

2329 Words

NAPAHAWAK si Yzel sa hamba ng pinto sa may CR ng makaramdam ng matinding pagkahilo. Katatapos lang niyang kumain at pakiramdam niya ay matutumba siya sa pagkahilong nararamdaman. Pangalawang beses na niya iyong naramdaman at binaliwala lang niya iyong una. Isinandig niya ang noo sa pinto at sandaling pumikit. Ikinondisyon niya ang sarili upang hindi tuluyang mabuway sa muling paglalakad mamaya. "Ano ba 'to," anas niya. Nang magmulat siya ng mga mata ay kakaiba pa rin ang nararamdaman niya. Parang anumang sandali ay matutumba na lang siya. "Okay ka lang?" Tanong pa sa kanya ni Shane ng makita siya. "Nahihilo ako, Shane." "Tss. Alam mo, 'Te? Kung may boyfriend ka, iisipin kong buntis ka. Pasalamat ka at mukhang tatanda kang dalaga," anito na inalalayan siyang maupo sa malapit na upuan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD