"MUKHA ka ng zombie. Ano bang nangyayari sa iyo? Wala ka namang sakit, ah," ani Shane na naupo sa gilid ng kama ni Yzel. Sinulyapan niya ang kapatid na kahit nasa bahay lang ay todo sa ayos. Nitong mga nakaraang araw ay napapansin niya ang pagbabago sa ugali nito. Nagkaroon na ito ng pakialam sa pamilya nila na dati naman ay hindi makikita rito. Sumama rin ito kahapon sa palengke sa kanyang ina para tumulong. "Salamat sa pagsama kay Nanay sa palengke," nasabi na lang niya. Wala siyang sapat na lakas. Pakiramdam niya ay nanghihina rin siya dulot ng palaging pag-iyak kapag solo lang siya sa silid. Kahit ano'ng pigil niya ay panay pa rin ang luha ng kanyang mga mata na tila hindi maampat-ampat. "Maliit na bagay. Lumabas ka muna sa sala at maglilinis lang ako rito sa kuwarto. Sige na," pag