TAHIMIK lang na pinagmamasdan ni Yzel si Triv habang nilalagyan ng band aid ang kanyang daliri na may sugat. Hindi niya mapigilan na hindi ito pagmasdan. Animo isa itong aparisyon. Na kapag kumurap siya ay maglalaho na lang bigla. "Done," nang mag-angat ng tingin sa kanya si Triv ay gumuhit na naman ang ngiti nito sa labi. "Kung Ice cream lang ako ay siguradong kanina pa ako natunaw." Tumikhim siya at kunway sinuri ang kamay. "S-Salamat sa pag-gamot sa sugat ko." Binawi na niya ang kamay mula rito at tumayo. Lumapit siya sa glass wall at tinanaw ang puro ilaw na siyudad. Sa pangalawang pagkakataon ay naroon siyang muli sa lugar ni Triv. Ginamot pa nito ang kamay niya. Napangiti siya dahil sa ipinapakita nitong pag-aalala sa kanya. Nabura lang iyon ng maramdaman ang pagpulupot ng mga kam