"ISANG beses ka lang nakipagkita sa pinsan kong si Lovely. Hindi ka ba talaga interesado sa kanya?" Salubong na ang kilay ni Dandrick. "Hindi," matipid na sagot ni Triv na tumanaw sa kalawakan ng siyudad. Nakaupo siya sa kanyang swivel chair na nakaharap sa glass wall ng kanyang opisina. "Wow. Parang hindi na ikaw ang kilala kong Triv. Samantalang noon kapag may pinakilala ako sa iyong babae ay hindi ka tumatanggi. Pero ngayon..." Napailing-iling ito. "Ano bang nangyayari sa iyo?" Matapos niyang makipag-meet sa pinsan ni Dandrick na si Lovely ay iyon na rin ang naging una't huli nilang pagkikita. Maganda ito ngunit katulad ng iba ay pangkaraniwan na lang iyon sa kanya. Hindi rin siya interesado rito. Naalala na naman niya ang maamong mukha ni Khlaryzel. Hindi nakakasawa ang mukha nito