KAHIT NA may ideya si Khlaryzel kung ano ang susunod na mangyayari ay tila iyon ang unang pagkakataon na gagawin niya iyon kasama ng lalaking itinatanggi ng kanyang puso. Nakaramdam siya ng kakaibang excitement habang akbay-akbay siya nito ng hayunin nila ang tinutukoy niyang kuweba. Nang makapasok sa kaloob-looban niyon ay muli silang nagsalo sa isang mainit na halik. Parang nagkasundo ang mga puso nila sa sandaling iyon. She knew, it wasn't just a lust after all. Sa bawat haplos nito. Sa bawat halik na pinadadampi sa labi niya. Lalo niyong pinupuno ang kung ano mang pananabik sa katawan niya. Bumaba ang labi nito sa leeg niya. Habang ang kamay nitong nakayakap sa kanya ay nag-umpisa ng maglakbay. Shit. Na-miss ko ito, aniya sa isip. Napapikit siya at dinama ang bawat galaw nito. Napapa