TUMINO sa isip niya ang sinabi ni Triv. Katotohanang hindi naman talaga nawala ang alaala nito. Kaya imbis na magpadala sa marubdob nitong paghalik sa kanya ay pinilit niyang makawala rito. Itinulak niya ito. "A-Anong sabi mo? H-Hindi totoo na nagka-amnesia ka?" Hindi makapaniwalang tanong niya rito. Lalapit sana ito sa kanya ng umatras siya. "'W-Wag kang lumapit." Kung ganoon ay naaalala siya nito. Pero bakit nito nagawang magpanggap pati sa kanya? Dama niya ang pananakit ng lalamunan dahil sa pinipigil na emosyon. "Bakit pati sa... sa akin ay nagawa mong magpanggap na hindi mo ako maalala? D-Dahil ba hanggang ngayon iniisip mo pa rin na niloko kita noon?" on that point ay unti-unti ng sumungaw ang mga luha sa kanyang mga mata. "Hindi sa ganoon." May pagsusumamong mababakas sa mukha ni