HINDI nag-abalang mag-angat ng tingin si Yzel ng may pumasok sa kusina. Abala siya sa paggagayat ng sangkap para sa request ni Sir Dan na Kare-kare. Kung maaari nga lang na umuwi na ay ginawa na niya. Hindi na siya kumportable sa bahay na iyon, lalo na sa kaalamang naroon din si Triv. Naiiyak na naman siya. "Anak mo pala si Arkin," agaw ni Dandrick sa atensiyon niya. Bahagya niya itong sinulyapan. Marahan siyang tumango. "Oho." "Ang cute niyang bata. 'Yung kaibigan kong si Triv, ayon maghapon kahapon na kalaro ang bata. Ngayon lang 'yon nahilig sa bata." Dumulas sa kamay niya ang kutsilyo dahil sa narinig. Imbis na mahiwa ang bawang ay ang hintuturo niya ang nahiwa. Napangiwi siya ng maramdaman ang sakit mula sa may hiwa niyang daliri. Namuti muna ang parteng nahiwa bago lumabas ang d