04

2145 Words
Chapter 04 3rd Person's POV "Anong ginagawa ngayon ng walong prinsipe?" tanong ng hari sa kanang kamay na si Yulo. "Kasalukuyang sinasanay ng pitong prinsipe ang kanilang mga guardian," ani ni Yulo matapos yumuko at umayos ng tayo. "Habang ang ikawalong prinsipe naman ay nasa labas ng kaniyang palasyo at nakikipaglaro sa kaniyang guardian," sagot ni Yulo. Hinawakan ng hari ang labi. "Ano sa tingin ni Victor ang dahilan kung bakit wala sa mga nasa loob ng palasyo ang nakakapasok sa mirror palace except sa inyo?" tanong ng hari. Tumungin si Yulo. "Ayon sa butler maaring sinala ng guardian ang mga tao na papasok sa loob at binase iyon sa agenda. Lahat ng mga taong nakapasok sa mirror palace ay kinagigiliwan ang prinsipe at iyon nag napansin ni Victor," ani ni Yulo. Gustong-gusto din ni Yulo ang prinsipe dahil ito ay anak ng ika-pitong konsorte. Hindi iyon ipagkakaila ng kanang kamay ng hari. Sa isip ni Yulo maaring naglagay ng barrier ang guardian para mailayo ang batang prinsipe sa mga taong may masamang intensyon sa prinsipe. — "Lazaro! Tikman mo ang sarap ng soup—" Nabitin sa ere ang sasabihin ni Ragen nang madadapa siya. Bago siya masubsob sa sahig. May kapangyarihan ang bumalot sa bata at tinayo siya ng maayos. Ngunit hindi doon napako ang atensyon ni Ragen kung hindi doon sa soup na natapon sa sahig. "Mahal na prinsipe! Anong—" "I'm sorry! Hindi ko sinasadya! Hindi na mauulit!" Napaupo ang bata sa sahig at tinakpan ang ulo. Napatigil sina Victor at naimulat ni Lazaro ang mga mata. Nakadapa ang pusa ngayon sa kama habang nakatingin kay Ragen na takot na takot. Lalapit si Orgel nang pigilan siya ni Victor at sinabing walang lalapit. Dahan-dahan tumingin si Ragen na puno ng takot ang expression. Nakita niya sina Victor na nakatayo lang at matamang nakatingin sa prinsipe. Ngumiti si Victor. "Hayaan niyong linisin namin iyan mahal na prinsipe," ani ni Victor na nakangiti. Nanginginig na tinanong ni Ragen kung hindi siya nito sasaktan o papatayin si Lazaro. Napaubo si Victor sa tanong ng prinsipe at alanganin na tumawa. May kaba itong sumagot. "Walang mananakit sa iyo dito at walang magtatangkang hawakan ang guardian mo," ani ni Victor ng alanganin. Sinong matinong normal na tao lang ang magagawang pumatay ng guardian. "Ha? Sinong gagawa 'non sa munti namin na prinsipe?" ani Hans. Pumunta sa likod ng prinsipe at itinayo ito. "Nakabasag na naman kasi ako ng plato. Pagmamay-ari ito ng palasyo at—" "Ang palasyo ay pagmamay-ari mo mahal na prinsipe. Wala sa lugar na ito ang hindi sa iyo. Kahit kaming mga tagapaglingkod mo ang buhay namin ay sa iyo," ani ni Kyler. Sinabi ni Kyler na bata lang ang prinsipe. "Kung alam mong mali ibig sabihin natuto ka. Nag-sorry ka at hindi mo na iyon gagawin ulit," ani ni Kyler. Maraming hindi alam ang prinsipe kaya paunti-unti tinuturuan siya ng mga tagapaglingkod. Mga simpleng etiquette at tamang asal. Lagi din nitong pinapaalala sa prinsipe na isa itong prinsipe at dapat nanatili itong taas noo. Hindi yuyuko maliban sa hari. Lumaki ang prinsipe na walang gumagabay at napasakamay ito sa mga taong mapang-abuso kaya naman ginagawa lahat nina Victor para magawa nilang ibangon ang prinsipe. Pasalamat na lang sina Victor dahil ni minsan hindi nangialam ang guardian kapag napapagalitan nila ang prinsipe at napagsasabihan. Sa loob ng dalawang buwan hinayaan nina Victor si Ragen. Gawin ang gusto nito— maglaro, gumala at kumain. Hinahayaan nila si Ragen na mag-adjust hanggang sa naging open din ito sa kanila.. Masyado itong matanong at madaling ma-curious sa mga bagay. Talaga naman nasusubok sina Victor na sagutin lahat ng tanong ng prinsipe. "Lalabas ng palasyo? Hindi ba magagalit si ama kung lalabas ako sa mirror palace?" tanong ni Ragen habang may hawak na tasa. Napangiti sina Kyler dahil nagagawa ng i-apply ng prinsipe ang tinuro nila. Marunong na ito humawak ng tasa. "Bakit magagalit ang hari? Isa ka sa mga anak niya at isa kang prinsipe. Dapat lang na may alam ka sa pasikot-sikot sa labas ng palasyo," ani ni Victor. Uminom si Ragen. Agad nagreklamo ito na mainit. Minulat ni Lazaro ang isang mata. Napasapo sa noo si Hans. Bumuga ng hangin si Lazaro at natulog na lang ulit sa upuan. Walang pag-asa ang alaga niya. Buhat ni Ragen ang guardian na si Lazaro. Lumabas nga sila ng mirror palace kasunod ang mga tagapaglingkod niya. Tiningnan ni Victor si Ragen na nasa unahan. Isa din iyon sa training ni Ragen— kailangan maayos nito ang impression niya sa mga tauhan ng palasyo. Sana nga iyon na ang tamang panahon. Kailan na mag-aral ng prinsipe sa susunod na buwan ayon iyon sa utos ng hari. Sa kamalas-malasan may nasalubong si Ragen na prinsipe na kasunod din ang mga tagapaglingkod. Nagbigay respeto sina Victor ngunit hindi 'man lang gumalaw si Ragen. "Hindi ka yuyuko?" tanong pangalawang prinsipe at ngumisi. "Ako ang ikawalong prinsipe— hindi ba ako nakikilala ng mga tagapaglingkod mo mahal na prinsipe?" Minulat ni Lazaro ang mga mata. Napaluhod lahat ng tagapaglingkod ng prinsipe. Lumabas ang guardian ng ikalawang prinsipe at napalibutan ng water barrier ang ikalawang prinsipe. Naalarma ang guardian. Napatigil si Ragen at nagtaka. Mukhang nahihirapan ang mga tagapaglingkod ng pangalawa na prinsipe. "Ayos lang ba ang mga tagapaglingkod mo?" tanong ni Ragen. Binulyawan siya ng pangalawang prinsipe at sinabing siya may kasalanan 'non. Nanlaki ang mata ni Ragen matapos may napakalaking alon na patungo sa direksyon nila. Nabalutan ng itim na kapangyarihan sina Ragen. Nagliwanag ang pusa at nabitawan ni Ragen. "Gusto mo na mamatay?" "Lazaro! Huwag!" Napaupo ang pangalawang prinsipe matapos may napakalaking bolang itim ang nabuo sa ere— nagbigay iyon ng sobrang impact dahilan para tumalsik ang mga bagay at puno na nasa paligid nila. Nawala ang itim na bola. Agad na niyakap ni Ragen si Lazaro at sinabing huwag ito papatay. Nanginginig si Ragen at umatras. Tumakbo ang batang lalaki palapit kay Victor na halatang nagulat din. May mga dumating na kawal kasama si Yulo. Galit na galit ang prinsipe at sinabing tinangka silang patayin ni Ragen. Napayakap ng mahigpit si Ragen kay Lazaro. — "Akala ko isa din iyon sa training namin ni Victor," sagot ni Ragen. Pagsusulit iyon lalo na ang pagsulpot ng pangalawang prinsipe kaya nagawa niyang sagutin ang pangalawang prinsipe. Sinabi ni Victor na nilabas niya si Ragen para ihanda ito at igala para malaman ang pasikot-sikot sa palasyo ng hari. "Hindi yumuko ang tagapaglingkod ng pangalawang prinsipe," dagdag ni Orgel. Nag-angat ng tingin si Ragen at tinanong kung mapaparusahan ba sila ni Lazaro. "Base iyan sa desisyon ng hari mahal na prinsipe," sagot ni Yulo. Napayuko si Ragen. Biglang natakot si Ragen dahil hindi lang si Lazaro ang masasaktan pati ang mga tagapaglingkod niya. Nang makaalis ang mga kawal at ang kanang kamay ng hari. Humingi ng sorry si Ragen sa mga tagapaglingkod. Nagkatinginan sina Victor at tinanong si Ragen kung para saan ang sorry. "Kasi maari din kayo maparusahan dahil sa akin," bulong ni Ragen. Lumapit si Victor sa kama at lumuhod sa harap ng prinsipe. "Mahal na prinsipe may batas at katarungan pa din sa palasyo. Inosente ka at isa pa iyong nangyari malinaw na pinotrektahan ka lang ng guardian. Ang pangalawang prinsipe ang may mali hindi ikaw," sagot ni Victor. Nag-angat ng tingin si Ragen. Natatakot pa din siya paano kung maparusahan nga sila Sa isip ni Victor wala din alam doon ang prinsipe. Gumamit ng kapangyarihan ang guardian ni Lazaro ng walang iniuutos si Ragen. Hindi nagsasanay si Ragen at 100% sure si Victor na wala pang koneksyon si Ragen at Lazaro para masabing umatake ang Lazaro ayon sa kagustuhan ni Ragen. Sa palasyo, Pinatawag si Victor katulad ng inaasan nh butler. Nandoon din ang butler ng ikalawang prinsipe. Pumasok si Victor sa bulwagan lumapit sa direksyon ng hari at yumuko sa harap nito. "Anong tunay na nangyari Victor?" tanong ng hari na ngayon ay hinihilot ang sentido. Hindi niya akalain na muntikan ng mawasak ang apat na palasyo dahil lang sa dalawang prinsipe. "Mahal na hari sinisigurado ko sa inyo na walang alam ang prinsipe," sagot ni Victor. Tiningnan siya ng butler ng ikalawang prinsipe. "Nakita ko na ang guardian ng prinsipe ang naglabas ng itim na bola na iyon. Paanong walang alam ang prinsipe," pikon na sambit ng butler. Muntikan na silang matunaw sa itim na bola na iyon. Niyukom ng butler ang ikalawang prinsipe. Paanong nakapaglabas ng ganoon kalakas ang kilalang mahina at walang silbing prinsipe. Wala itong kapangyarihan. "Isipin mo nga. Walang kapangyarihan ang ika-walong prinsipe— sa tingin mo paano mo masasabing kontralado mg prinsipe ang guardian niya?" tanong ng butler ni Ragen. "Mas imposible naman na gumawa ng atake ang guardian nang hindi inuutos ng contractor niya," may diin na sambit ng butler. Nagsukatan ng tingin ang dalawa. "May sense ang sinasabi ni Orlando. Paano mo Victor nasabi na walang alam ang prinsipe," tanong ni Yulo. Napatingin si Victor. "Sobra ang lakas ng kapangyarihan na nilabas ng guardian kanina. Triple iyon sa lakas kumpara sa kapangyarihan na nakatago lang sa katawan ng prinsipe. Kung naglabas ng ganoon na kapangyarihan ang guardian maaring mamatay ang prinsipe ngunit nakita mo na ayos lang ang prinsipe kanina," ani ni Victor. Napaisip doon ang hari at si Yulo ganoon din ang butler ng pangalawang prinsipe. "Isa pa sigurado akong walang nangyayari na contract sa pagitan ng prinsipe at ng guardian. Wala pa akong sinasabi sa prinsipe about sa guardian— napapansin ko din na hindi sumusunod ang guardian sa prinsipe. Para itong may sariling desisyon," ani ni Victor. Kapag gusto ng prinsipe makipaglaro at ayaw ng guardian. Hindi ito sumusunod at dinidedma si Ragen. Aalis lang ito sa pwesto kapag aalis ang prinsipe. Kanina sigurado si Victor na kung hindi nakita ng guardian ang takot sa prinsipe hindi titigil ang guardian. Sinabi ni Victor ang nangyari kanina pati na din iyong pag-aakala ni Ragen na training din iyon para sa etiquette practice nila. Sinabi din ni Victor na walang yumuko sa mga tagapaglingkod ng prinsipe except sa butler. Pilit din pinayuyuko ng prinsipe si Ragen. Tiningnan ni Yulo ang butler ng pangalawang prinsipe. Sinabi ni Orlando na totoo iyon. "Nadamay pa nga ako," ani ni Orlando at napakamot sa ulo. Sinabi din ni Orlando na gumamit ng malakas na kapangyarihan ang pangalawang prinsipe at inatake ang pang-walo na prinsipe. "Sinasabi mo ba Orlando na ang pangalawang prinsipe ang may kasalanan?" tanong ng hari. Lumuhod si Orlando at nilagay ang kanang kamay sa dibdib. "Tatanggapin namin ang parusa mahal na hari," ani ni Orlando. Maaring nasa ilalim sila ng pakpak ng mga prinsipe ngunit nanatili ang katapatan nila sa hari. Silang mga butler ay personal na mga pinili ng hari para manatili ang pagkapantay-pantay ng prinsipe matapos ang nangyari sa pang-walo na prinsipe. Pagkatapos kausapin ng hari ang dalawang butler umalis na ang mga ito. Nagsalita si Yulo. "Posible ba talaga na magawang umatake ng devine beast nang walang pahintulot ng prinsipe?" tanong ni Yulo. Humalumbaba ang hari. "Walang sinasabi si Rasin. Teka bumalik na ba si Rasin? Hindi ko siya nakikita," tanong ng hari at umayos ng upo. Sa isang iglap. May itim an ahas ang umakyat sa trono at pumalibot sa braso ng hari. "Pagkabalik na pagkabalik natin sa palasyo. Bigla ka na lang naglaho— saan ka nanggaling?" tanong ng hari. Humuni ang ahas. "Masyado akong natuwa ng muli kong makita ang prinsipe kaya pinagmamasdan ko siya." "Nagpakita ka na sa kaniya?" tanong ng hari. Agad na lumutang ang ahas at nag-anyo na lalaki. "Hindi ko magawang lumapit. Masyadong agresibo ang guardian ng prinsipe," ani ni Rasin na nakasimangot. Lumutang si Rasin. "Kung nakasunod ka alam mo ang nangyari kanina. Umatake ang guardian nang hindi naayon sa kagustuhan ng prinsipe," ani ng hari. Nag-aalala ang hari dahil kung hindi kontralado ng prinsipe ang guardian baka ang guardian pa mismo ang pumatay dito. Pinag-cross ng guardian ang braso at sinabing imposible ang iniisip ng hari. "Kahit saan pa mundo nanggaling ang devine beast na iyon imposible na saktan niya ang prinsipe na tumawag sa kaniya." "Muntikan na mapatay ng guardian na iyon ang isa sa mga prinsipe," sagot ng hari. Umirap ang guardian at lumutang. "Then sabihan mo ang mga anak mo na huwag lalapit kay Ragen," sagot ni Rasin at nag-anyong bolang itim na apoy. Pumasok na lang ito sa katawan ng hari na napasapo na lang sa noo. "Ngayong iisipin natin wala na ang konsorte pero nanatili si Rasin dito. Hindi kaya iisa lang ang pinanggalingan ni Rasin at ng guardian ng prinsipe?" ani ni Yulo at tiningnan ang hari. "Kung ganoon nga mahihirapan tayo na malaman kung anong klaseng nilalang ang devine beast na iyon." Hindi nila matatanong si Rasin dahil tikom ang bibig nito kung ano silang klaseng nilalang. Sekreto daw iyon sa emperyo na pinanggalingan ng namayapa na konsorte.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD