03

1153 Words
Chapter 03 3rd Person's POV Kinaumagahan nagising ang prinsipe matapos may taong kumatok sa pintuan at paulit-ulit siyang tinatawag. "Pasok," inaantok na sambit ng prinsipe matapos umupo at kinusot-kusot ang mata. Nanlaki ang mata ng prinsipe matapos pumasok ang maraming tagapaglingkod at kawal ang nagbigay galang. "Kami ang mga bagong tagapaglingkod na inatasan para maglingkod sa inyo mahal na prinsipe at ako si Viola Arkran at ako ang magiging punong mayordoma," ani ng babaeng medyo may mga katandaan na bago yumuko. Sa tayo nito at ekspresyon— halata dito ang pagiging istrikto at may mataas na kutungkulan sa lipunan. "Ako naman ang magiging butler mo simula ngayon, Master Ragen. Ako si Victor Arkran— ina ko ang magiging kasalukuyang mayordoma ng inyong palasyo," may ngiti na sambit ni Victor na sa pagkawari ni Ragen ay nasa 18 years old pa lang. Hindi nagsalita si Ragem ngunit ngumiti ito na kinakinang ng mata ng mga bagong tagapaglingkod. "Welcome sa mirror palace at sana maging kaibigan ko din kayo," ani ni Ragen na kinagulat ng mga tao na nandoon. "Mahal na prinsipe kasi—" Napatigil ang isa sa mga kawal matapos itaas ni Victor ang isang kamay para pigilan sa pagsasalita ang kawal. "Kung iyan ang gusto ng aming munting prinsipe— bakit hindi?" tanong ng Victor. Lumiwanag amg mukha ng prinsipe dahil doon. 'Oh my god, ang cute niya,' 'Shh! Huwag ka maingay,' Pumalakpak ng tatlong beses amg mayordoma at sinabihan na ang mga ito na bumalik na sa kani-kanilang pwesto. Ipaghanda ang prinsipe ng makakain at masusuot. Lumabas ang lahat ng tagapaglingkod — naiwan si Victor at ang tatlong lalaki na magiging tagapaglingkod ng prinsipe. "Ako pala si Orgel, ito si Hans at Kyler— simula ngayon kami na ang mag-aasikaso ng mga susuutin mo at ilang bagay na kailangan niyo mahal na prinsipe," may ngiti na sambit ng lalaking nagngangalan na Orgel. "Ahm, saan tayo pupunta?" tanong ng prinsipe matapos siya alalayan ng isa sa mga lalaking tagapaglingkod. "Kailangan niyo maglinis ng katawan mahal na prinsipe at para makakain na din kayo," sagot ng isa sa mga tagapaglingkod na may pagtatakha. "Paliliguan niyo ako? Meron ba ulit okasyon ngayon?" tanong ng prinsipe. Nagkatingin ang mga tagapaglingkod bago tumingin kay Victor na sandaling napatingin sa pusa. "Mahal na prinsipe isa sa obligasyon namin ang paglingkuran kayo mula sa paglilinis ng katawan, pagbihis sa inyo, paghatid sa hapag kaininan at pagsama sa inyo sa labas," ani ng butler na kinatigil ng prinsipe. "Mahal na prinsipe, hinanda na namin ang pagliliguan niyo may mga dinala din kaming laruan para sa inyo," ani ni Kyler matapos ilabas ang laruan na bibe. Kuminang ang mata ni Ragen matapos makita iyon. Natutuwang kinuha ng prinsipe ang laruan at sumunod sa mga tagapaglingkod. "Anong klase kang nilalang. Hindi ka isang devine beast ngunit nararamdaman ko sa iyo ang presensya ng isang devine beast," ani ng pusa bago nag-anyong tao. Mabilis na yumuko ang nagpakilalang Victor bilang respeto. "Isang mortal ang ina ko at isang devine beast ang ama ko," sagot ng lalaki. "Personal akong inimbita ng hari para bantayan ang prinsipe at sanayin ito," dagdag ng binata. Hindi sumagot ang devine beast at maya-maya nag-anyo muli itong pusa— sumampa sa kama at humiga doon. Hindi alam ni Victor pero sigurado siyang hindi normal na devine beast ang kasalukuyang nasa panganglaga ng prinsipe. Ang kapangyarihan nito ay mas malakas pa sa inaakala niya bilang new born devine beast. Isa pa lang itong bata na nasa edad pito o wali ngunit nagawa na nitong gumamit ng malakas na proteksyon. Kontrolin at piliin kung sino ang maaring pumasok o hindi. Hindi alam ng butler kung anong naging basehan nito sa pagpili ng papasukun sa mirror palace ngunit marami sa mga, tagapaglingkod ang hindi nagawang pumasok doon kaya walang nagawa ang mga ministro kung hindi kumuha ng mga bagong tagapaglingkod na naayon sa utos ng hari. "Mahal na prinsipe— huwag kayong tumakbo," ani ni Orgel matapos mapaliguan ang prinsipe at tumakbo ito palabas. "Lazaro! Tingnan mo! Ang daming toys," natutuwa na sambit ng prinsipe habang may mga dalang toys na galing sa bathroom. Pinakita niya iyon sa pusa ngunit hindi naman nag-react ang devine beast. Kasalukuyang kinakausap ng prinsipe ang devine beast nang lumapit sa butler si Hans. "Hindi ko alam pero may mali sa kilos ng prinsipe," ani ni Hans habang nakatingin sa prinsipe na natutuwa sa laruan na nilagay nila sa bathroom. "Akala ko ba ayaw ng prinsipe ng mga laruan kaya nakatambak ang mga laruan sa toy room." "Halatang hindi din nagagamit ang mga damit na nasa dress room ng prinsipe kahit ang mga alahas at sapatos na niregalo ng hari para sa prinsipe," ani ni Kyler na napasapo sa noo. "Anong ginawa ng mga tagapaglingkod na iyon sa prinsipe para umasal ng ganito ang anak ng hari," may inis na sambit ni Hans. Hindi umimik si Victor. "Sa atin pinagkatiwala ng hari ang prinsipe kung ayaw niyo mangyari din sa inyo ang nangyari sa mga dating tagapaglingkod ng prinsipe. Ayusin niyo ang trabaho niyo," ani ng butler na kinangiwi ng tatlong lalaki. "Mahal na prinsipe, pagkatapos niyo kumain pwede ko kayo dalhin sa kwarto kung nasaan maraming laruan dito sa palasyo," ani ni Orgel na kinatingin ng prinsipe. "Ayos lang ba? Pero sabi ng dating mayordoma hindi ko pwede galawin iyon dahil para iyon sa palasyo at hindi sa akin," ani ni Ragen na kinakunot noo ni Orgel. "Mahal na prinsipe wala sa mga bagay na nandito sa palasyo at sa imperyo na ito ang hindi mo pwede makuha," ani ng butler bago ngumiti. "Kahit ano pwede mong gawin. Maglaro,matuto, kumain at gumala. Isa ka sa walong prinsipe— lakas, sandigan at ipinagmamalaki ng buong palsyo." Hindi nakagalaw si Ragen matapos marinig iyon sa butler. Sumangayon naman agad ang mga tagapaglingkod at ngumiti. "S-Salamat," ani ni Ragen. Agad naman nag-panic ang apat matapos umiyak ni Ragen. Hindi dahil sa malungkot siya kung hindi dahil sa sayang nararamdaman niya. Ang apat na tao sa harap niya ang unang mga taong nagparamdam na isa siyang tunay na prinsipe. Nanatiling nakatingin lang naman ng devine beast na si Lazaro kay Ragen dahil sa biglang pag-iyak nito sa harap ng apat na tagapaglingkod. Matapos umismid ay dumapa na muli ito sa kama at hindi pinansin ang limang mortal na nasa harapan niya. Tumingin sa veranda kung saan nakikita ang maliwanag na kalangitan at malawak na kagubatan. Mula sa kalayuan nakikita niya ang ilan pang palasyo na pagmamay-ari ng mga kapatid ng alagang prinsipe. "Ayoko talaga ng mga bagay na maliliwanag," bulong ng batang lalaki matapos makita ang mga liwanag na nanggagaling sa palasyo tanda na sinusubok na mg mga ito amg holy power ng mga devine beast. Nilingon ni Lazaro muli si Ragen na kasalukuyang pinapatahan ng mga tagapaglingkod. Sa isip ni Lazaro masyadong kakaiba ang alaga niya. Wala itong kahit na anong tinatagong pagtatamasa sa kapangyarihan o tinatagong sakim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD