Chapter 06
3rd Person's POV
Kagat ni Orgel ang mga daliri habang nakatingin ngayon sa prinsipe na nakikipaglaro sa pinakilala nitong bagong kaibigan.
"Una iyong wierd na devine beast ngayon ang hari ng isa sa limang kaharian sa south. Nagkataon lang ba lahat ng ito. Bakit lapitin ang prinsipe ng mga delikadong tao," ani ni Orgel. Ang kasama ng prinsipe ngayon ay ang isa sa limang hari sa south."
Nandoon ang batang hari bilang parusa at sa isang mission. Gusto makipag-ugnayan ng Greenfield kingdom sa lionhart kingdom ngunit masyadong matigas ang ulo ng hari ni ayaw nito kausapin ang hari ng lionhart kingdom which is ang ama ni Ragen.
"Waah! Lazaro! Huwag mo siya kagatin!"
Kinagat ni Lazaro ang daliri ng hari at nagtatalon ito habang nakagat pa din si Lazaro sa daliri ng hari. Nataranta sina Victor ngunit hindi nila magawang lumapit sa tatlo. Hinila ni Ragen si Lazaro. Natumba si Ragen sa carpet at napahiga.
Tinalunan siya sa mukha ni Lazaro at sumama sa pinakataas ng closet. Biglang tumawa ang hari matapos bulyawan ni Ragen si Lazaro na umismid lang.
"Kakaiba ang guardian mo," ani ni Leroy. Tumayo si Ragen na sapo ang mukha.
"Kaibigan ko siya," ani ni Ragen. Hinimas-himas ang mukha niya. Napatigil si Ragen matapos makitang dumudugo ang daliri ni Leroy.
"Hala may dugo!"
Lumapit si Ragen at hinawakan ang kamay ng batang lalaki. Tumawa si Leroy at sinabing hindi naman iyon masakit.
"Dumudugo nga tapos hindi masakit. Lumingon-lingon siya— wala ang mga tagapaglingkod niya mukhang lumabas ang mga ito."
"Secret lang natim ito ah," ani ni Ragen. Nagtaka si Leroy. Napatigil si Leroy matapos ilahad ni Ragen ang palad. Biglang nagwarm ang paligid— then naramdaman niya ang init na iyon sa mga kamay niya.
Biglang nawala ang sugat ni Leroy na kinamangha ng batang lalaki.
"Wait may kapangyarihan ka gumamot?" tanong ni Leroy na may hindi makapaniwalang expression. Ngayon lang siya naka-encounter ng ganoon na kapangyarihan— sigurado din siyang walang holy power ang prinsipe.
"Yeah pero mahina lang— hindi ganoon kalakas," sagot ni Ragen at umupo sa gilid ng kama.
"Kakaiba nawala nga sugat ko— wait bakit ka malungkot?" tanong ni Leroy. Yumuko ang bata.
"Hindi ko kasi maiwasan ikumpara ang sarili ko sa mga kapatid ko. Bukod kasi sa pagpapagaling, pagpapaulan ng mga bulaklak at pagbuhay ng mga halaman wala na akong ibang kayang gawin," ani ni Ragen. Kahit sarili niya hindi niya mapoprotektahan gamit iyon.
"Bakit ka naiinggit sa kanila? Dahil hindi mo kayang pumatay ng tao gamit iyan o makasira?" tanong ni Leroy. Medyo na-dissapointed siya doon.
"Gusto ko ng kapangyarihan na mapo-protektahan ang mahahalaga sa akin. Sinabi ni Victor na maraming bad guy sa kaharian at gusto lang ako saktan. Kung hindi ko mapo-protektahan ang sarili ko ang parusa ay mapupunta kina Victor— paano kapag namatay ako. Papatayin din sila ng hari," ani ni Ragen. Kahit sinong makakarinig 'non unang sasabihin ng mga ito sasabihing walang silbi o utak ang prinsipe.
Iniisip nito ang ibang tao kaysa sa sarili niya. Ngunit ang mindset na ito ni Ragen ang nagpapatunay na magiging mabuting hari ito sa hinaharap— ngunit sa ganitong side din ni Ragen ang nakikitang dahilan ni Leroy sa maaga nitong pagkamatay.
Madali itong magtiwala. Madali itong mapapaikot— nagkibit balikat ang batang lalaki. Sino ba siya para mag-judge at isa pa imposibleng may nga tao din na magtangkang gamitin ang prinsipe.
Bahagyang nilingon ni Leroy ang black leopard sa taas ng closet ng prinsipe. Hindi sa paligid at sa harap ng black leopard.
—
"Galit na galit ngayon ang reyna at nga konsorte. Sinabing umaatake daw ng pailalim ang prinsipe," ani ni Yulo. Napa-pokerface ang hari.
"Paano magagawa iyon ng isang batang halata naman walang kamuwang-muwang sa mundo," ani ng hari. Tumawa si Yulo.
Nakumpirma nila kay Victor na wala silang sinasabi sa prinsipe tungkol sa pulitika at sa school. Pumapasok ang mga prinsipe sa school hindi lang para matuto— andoon din sila para paliwagin ang kapangyarihan at ang makakalap ng mga taong susuporta sa kanila sa hinaharap.
Ang pagdating ng hari ng isa sa limang kaharian sa south ay nagpayanig sa pitong prinsipe. Nalaman ng hari na sinusubukan ng mga ito agawain ng atensyon ng batang hari ngunit halatang hindi ito interesado sa mga prinsipe.
Wala itong interes sa nangyayaring pagpili ng susunod na hari o kahit magbigay ng suporta.
Medyo nagulat lang ang hari matapos nga lapitan ng hari si Ragen. Ngumisi ang hari sa idea na ang presensya lang ng hari ng limang kaharian ay tama na para mabalanse ang posisyon ni Ragen sa palasyo.
Ragen Percival's POV
Lumipas ang walong taon
Nakaupo ako ngayon sa lilim ng puno habang binabasa ang libro tungkol sa batas at kasaysayan ng ethereal.
Sa hilig kong magbasa halos lahat na yata mg libro sa library sa university napag-aralan ko na. Hinilot ko ang batok ko— ngunit pakiramdam ko hindi pa din sapat ang kaalaman ko para magawa kong maka-survive sa palasyo.
Malapit ng magtapos ang panunungkulan ng hari sa palasyo. Habang papalapit iyon hindi ko maiwasan matakot at mag-alala. Hindi ko alam kung anong klaseng paghahanda ang gagawin ko dahil pakiramdam ko lahat ng kapatid ko may galit sa akin.
Kaaway ang tingin nila sa isa't isa at hindi ako excempted doon kahit pa sinabi ko ng hindi ako interesado sa trono.
"Umalis na lang kayo ako sa palasyo," bulong ko. Napatigil ako matapos may marinig akong kaluskos.
"Oy bakit ka aalis? Saan ka pupunta?"
Biglang lumabas si Leroy sa likod ng puno na kinasasandalan ko. Nagulat ako.
"Kanina ka pa diyan? Anong ginagawa mo diyan?" tanong ko. Tumawa si Leroy at sinabing kanina pa.
"Hindi mo lang ako napansin kasi masyado kang focus sa binabasa mo," sagot ni Leroy. Umikot siya at umupo sa harap ko.
"So? Anong takas? Suko ka na?" tanong ni Leroy. Alam ni Leroy na naghahanap ako ng way para maalis ako sa mangyayaring pagpili sa magiging hari at makaalis sa magulong sitwasyon na iyon.
Ngunit katulad ng sinabi ni Leroy, imposible. Wala pang naitatala sa kasaysayan na maaring maalis ang titulo ng prinsipe o makaligtas sa magaganap na pagpili.
"Gusto mong iligtas ang sarili mo? Paano sina Victor— alam mo ba ang mangyayari sa kanila at pamilya nila kapag tumakas ka?" ani ni Leroy. Naitikom ko ang bibig ko.
"Kung hindi ako magiging prinsipe— mapapatay din ako ng mga kapatid ko at kasama na doon sina Victor," sagot ko. Naguguluhan na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko— pinuno ko ang ilang taon ko sa university sa pamamagitan ng pagbabasa ng kasaysayan at tungkol sa mga hari noong nakaraan na henerasyon.
Isa lang ang masasabi ko. Walang era 'non na nagkaroon ng kapayapaan sa pagpili— nagpapatayan lahat ng magkakapatid para maging hari kasi lahat sila gusto maging hari.
"Pero kung ikaw ang magiging hari at mangingibabaw sa labanan— maari mong mabago ang hinaharap. Gusto mo manatili sa palasyo diba? Kasama sina Victor at ang hari— kung isa sa mga kapatid mo ang mananalo sabihin natin na makahanap ka ng paraan sa tingin mo Ragen posibleng magkaroon ng katahimikan ang palasyo?"
"Ilang taon pa bago matapos ang pamumuno ng hari ngunit nagpapatayan na ang mga kapatid mo. Sa tingin mo talaga palalagpasin ka ng mga kapatid mo?" ani ni Leroy. Naitikom ko ang bibig ko.
Isa lang ang maaring maging hari— isa lang sa kanila magkakapatid ang maaring mabuhay. Naisubsob ko ang sarili ko sa mga tuhod ko.
"Anong gagawin ko Leroy? Ni mag-angat mg espada hindi ko kaya. Magaling lang ako sa academic bukod doon wala na. Wala akong palag sa mga kapatid ko kapag inatake na nila ako."
"Alangan naman basahan ko sila rules and regulation sa loob ng university diba?" banat ko at tiningnan si Leroy na biglang humagalpak ng tawa na para bang biro lang iyon.
"Then gawin mo iyon baka tamaan ng konsensya ang mga kapatid mo. Kung meron nga."
"Kung wala makikita mo na lang ang sarili mong binabalot sa puting tela at dinadala palabas ng university," biro ni Leroy. Sinamaan ko siya ng tingin at sinabing hindi biro iyon.
"Wait— may tanong ako, Ragen," ani ni Leroy. Tiningnan ko siya.
"Si Lazaro— nagkita na ba kayo pagkatapos mo umalis ng palasyo?" tanong ni Leroy. Sumandal muli ako sa puno at umiling.
"Pinagbawalan ko siya pumunta ng university diba? Nagulat na nga lang ako kasi sumusunod siya."
Last 7 years ini-enroll ako dito Royal's university. Dito ako nanatili ng ilang taon at hindi bumabalik sa palasyo kahit bakasyon dahil masyado akong focus sa pag-aaral.
Sa ilang taon na din iyon hindi ko din nakita si Lazaro na binilinan ko na huwag susunod sa akin sa university. Actually namimis ko siya kaso wala akong choice. Takaw sa g**o si Lazaro.
Sumusulat naman ako kay Victor walang palya para kamustahin si Lazaro ngunit pare-pareho lang sinasabi ni Victor.
Kumakain, natutulog at hindi ito umaalis ng mirror palace. Wala naman pagbabago kay Lazaro sabi ni Victor maliban na lang sa mas lumaki daw si Lazaro na hindi ko maintindihan. Normal naman ang laki ni Lazaro para sa isang pusa 'nong nakuha niya ito.
"Ito na ang last week natin sa university. May balak ka na siguro na bumalik sa palasyo."
Worried pa din ako. Nagsalita ulit si Leroy then nabanggit niya ulit si Lazaro.
"Guardian mo si Lazaro diba? May contract na ba kayong dalawa?" tanong ni Lazaro. Napatigil ako at napatingin kay Leroy.
"Anong contract?" tanong ko. Literal na napatanga si Lazaro.
"What the heck! Wala kayong contract ni Lazaro!" bulyaw ni Leroy at hinawakan ako sa balikat.
"Hindi mo ba tinanong si Lazaro about sa contract niyong dalawa?" tanong ni Leroy. Agad ako umiling. Hindi palasalita si Lazaro at wala din itong sinasabi about sa contract.
"For god's sake. Anong balak mo sa buhay mo Ragen? Naghahanap ka ng magandang way para maka-survive nandiyan si Lazaro!" sigaw ni Leroy sa akin. Tinabig ko ang kamay ni Leroy at sinamaan siya ng tingin.
"Hindi sandata si Lazaro. Kaibigan ko siya."
Sa sumunod na linggo. Naka-graduate nga ako sa university. Sobrang dami ng nakuha kong award pero siyempre dahil doon nag-iinit na naman ang mata ng mga kapatid ko sa akin.
Paglabas ko ng gate ng university. Lumiwanag ang mukha ko matapos makita sina Victor at ang mayordoma. May dala silang bulaklak.
Tumakbo ako at agad sila sinalubong ng yakap. Natatawang yumakap din sa akin sina Victor at sinabing sobrang laki ko na. Tumangkad nga ako siyempre 15 years old na ako.
Kinuha ko ang bulaklak at nagpasalamat. Tuwang-tuwa na pinakita ni Orgel ang mga bitbit niyang award ko. Mangiyak-ngiyak ang mayordoma matapos makita iyon.
"My god! Award lahat ito ng prinsipe?" hindi makapaniwala na sambit ng mayordoma. Agad na tumango ako.
"Kayo ang mga naging unang teacher ko. Kaya ginawa ko talaga ang best ko sa university. Ayokong mabigo kayo at masayang lahat ng effort niyo para turuan ako," may ngiti na sambit ko.
Sila ang nagturo sa akin magsulat, magbasa at ng mga simple etiquette. Naiiyak na niyakap ako ng mayordoma.
"Ang bilis mong lumaki kamahalan."
Natawa si Victor at sinabing masyadong madrama ang ina niya. Nang humiwalay ako sa mayordoma tinanong ko siya kung kasama nila si Lazaro.
"Pasensya na mahal na prinsipe ngunit ayaw ni Lazaro na sumama," ani ni Kyler. Bigla akong nalungkot doon. Siya pa naman ang unang gusto ko makita.
Galit ba siya sa akin? Hindi ko maiwasan mapatanong kung galit ba siya sa akin. Pinasakay na ako nina Victor sa karwahe at makabalik na sa palasyo.
Ilang araw lang naman ang biyahe mula sa university hanggang sa palasyo. Pagbaba ko ng karwahe— excited akong tumungo sa mirror palace.
Binilinan ako ni Victor na huwag tumakbo ngunit masyado akong nasasabik makita si Lazaro. Hindi ko alam na ganoon ang mararamdaman ko after ko makatapak sa palasyo.
Pagbukas ko ng room ko. Napatigil ako matapos may malaking pusa ako nakita na nakadapa sa kama. Mali hindi ito pusa— isa iyong itim na leopard.
"Lazaro?" tawag ko. Minulat nito ang mga mata. Si Lazaro lang naman ang alam kong uri ng pusa na may pulang mata at may hugis diamond sa noo.
Nag-angat ito ng ulo. Agad ako tumakbo at tumatawang niyakap siya sa leeg at sinabing bumalik na ako. Sobrang laki ni Lazaro as in sakop niya ang buong kama dahil sa laki pero I don't mind basta ito pa din si Lazaro ang unang kaibigan ko.
"Natiis mo talagang hindi pumunta sa dorm ko at magpakita sa akin?" tanong ko at tiningnan si Lazaro na hindi 'man lang nag-react.
Dumapa ulit si Lazaro sa kama at inismiran ako.
"Hindi ako nagpakita pero hindi ibig sabihin 'non hindi ako pumupunta," malamig na sambit ni Lazaro. Napatigil ako sa boses ni Lazaro. Buong buo din kasi iyon. Posible kaya na nagde-develop din ang boses ng mga guardian. May real form din sila.
"Lazaro iyan ba real form mo?" tanong ko. Napamulat ng mata si Lazaro.