Chapter 10
3rd Person's POV
Parehong napatigil si Quiran at Ragen nang pumunta sila sa palasyo ay dalhin sila ni Leroy sa himlayan ng hari at reyna.
"Namatay si ama at ina 'nong 8 years old pa lang ako. Ako na ang naging hari pagkatapos ng aksidente," ani ni Leroy. Walang nakapagsalita si Ragen.
Tumikhim si Ragen at nagbigay respeto. Ganoon din ang ginawa ni Quiran bago mga maglagay ng bulaklak.
"Humihingi kami ng permiso na sandaling manatili dito. Pasensya na sa aming paggambala," ani ni Ragen. Natawa lang si Leroy dahil doon.
Hindi alam ni Ragen na wala ng pamilya si Leroy. Wala din itong kapatid— agad na humingi ng tawad si Ragen.
Sinabi ni Leroy na ayos lang iyon at hindi niya din naman sinabi. Iniutos ni Leroy sa mga tagapaglingkod na dalhin ang mga bisita sa kani-kanilang silid.
"Lazaro," tawag ni Ragen. Napa-pokerface si Ragen matapos makita si Lazaro na pinalilibutan ng mga leopard.
"Mga chix mo iyan Lazaro?" natatawang sambit ni Leroy. Pagkatapos kasi nila lumabas sa himlayan ng hari at reyna— nakita nila si Lazaro na napapalibutan na ng mga leopard.
Lumapit si Ragen at sinabing sumunod na sa kanila si Lazaro. Tinatamad na tumayo si Lazaro at lumapit kay Ragen. Tinataboy ni Ragen ang mga leopard kaya natatawa sina Victor.
"Akala ko ba hahanapan mo ng mate si Lazaro? Ayan ang dami," ani ni Leroy. Sinabi ni Ragen na siya ang pipili.
"Iyong maganda at may lahi. Sophisticated," sagot ni Ragen.
"Dapat ba marunong humawak ng tasa at mag-cat walk?" biro ni Leroy at agad na sumagot ng oo si Ragen.
"Ano meron ka 'non sa palasyo niyo?" tanong ni Ragen. Napalingon si Ragen matapos may maramdaman na sumusunod sa kanila. Nakita niya iyong limang leopard.
"Ano ba kayo? Shoo! Hindi pa mating season niyo diba? Ang haharot niyo," ani ni Ragen. Pinigilan nina Victor na matawa dahil sa ginagawang pantataboy ni Ragen sa mga leopard na nasa loob ng palasyo.
—
"Huwag kang lalabas ng kwarto ng hindi ko sinasabi! Ayoko maging godfather ng maaga," umuusok ang ilong na sambit ni Ragen kay Lazaro.
Napatigil si Ragen matapos mag-anyo muling tao si Lazaro at tinawanan siya habang nakaupo sa kama. Lumapit si Ragen sa lalaki— pinisil ang dalawang pisngi ni Lazaro matapos isampa ang tuhod sa gilid ng kama.
"Anong nakakatawa! Kararating pa lang natin nakikipagharutan ka na!" nanggigil na sambit ni Ragen. Napatigil si Ragen matapos hawakan ni Lazaro ang kamay niya at tinanong kung nagseselos siya.
"Are you an idiot? Bakit ako magseselos?"
Binawi ni Ragen ang kamay at lumayo. Inirapan si Lazaro at nag-cross arm. Sinabing hinding-hindi siya magseselos.
Sa dinner,
Inimbitahan ni Leroy sina Quiran at Ragen sa hapagkainan. Maraming hinanda si Leroy para lang sa kanilang tatlo. Umupo na sina Ragen na agad nagpasalamat kay Leroy.
Nagsimula na silang kumain. Nanatili lang naman nakadapa si Lazaro sa ibaba ng upuan ni Ragen.
"Cleo nandiyan ka na pala," ani ni Leroy. Naimulat ni Lazaro ang mata at napatingin sa puting leopard na papasok sa dining hall. Napatingin ang leopard kay Lazaro.
"Cleo, ayan si Lazaro. Iyan iyong sinasabi ko sa iyong leveling beast," ani ni Leroy. Lumapit iyong leopard at parang inaamoy si Lazaro.
"Sa iyo pala nanggagaling iyong kapangyarihan na naramdaman ko kanina."
Medyo nagulat si Ragen matapos magsalita iyong puting leopard. Nilapit 'nong puting leopard ang mukha kay Lazaro.
"Hey! Bakit may kailangan may paglapit?"
Hinarang ni Ragen ang palad niya at inilayo ang mukha ni Lazaro. Tumawa si Quiran.
"Guardian siya galing sa ibang kaharian. Bisita din siya dito," ani ni Leroy na natatawa. Sumama mukha ni Ragen at nakipagsukatan ng tingin sa leopard.
"Kumain ka na nga lang Ragen. Akala ko ba hindi ka nagseselos?" tanong ni Lazaro at tumayo. Nilingon ang prinsipe.
"Diba sabi ko sa iyo ako hahanap ng mate mo?" singhal ni Ragen. Hindi alam ni Ragen kung imagination niya kang pero feeling niya ngumisi si Lazaro. Hinilig ni Lazaro ang ulo sa mga hita ni Ragen. Napatikhim si Ragen at inirapan si Lazaro.
"Nagugutom ka ba?"
"How is he?" tanong ni Leroy at tiningnan ang puting leopard. Tinaas ng leopard ang tingin. Sinabing mas interesado siya sa human form ng leopard.
"Mas type ko pa din iyong may mga gwapong mukha," ani ni Cleo. Tumawa si Leroy at sinabing kahit may gwapong mukha si Lazaro imposible ito makuha ni Cleo.
Halata naman kasi na labas sa ilong ang sinasabi ni Ragen na hindi ito nagseselos at hahanapan ng mate si Lazaro.
Napatigil si Ragen sa pakikipagkulitan kay Leroy nang mawala si Lazaro. Lumabas sila ng dining area— may nakita si Ragen na napakagandang babae na ngayon ay kaharap ni Lazaro.
Kahit si Ragen ay natulala matapos makita ang napakagandang babae. Tumatawa ito kausap si Lazaro habang nakaupo sa hagdan.
"Loko ka— huwag mo sasabihin iyon sa—"
Napatigil ang babae at lumingon. Base sa kulay ng mata ng babae alam ni Ragen na ito ang puting leopard. Ngumiti ang babae at tumayo.
"Anong nangyari? Nag-shift ka na naman sa human form?" tanong ni Leroy. Hindi stable ang pagshi-shift ng babae— nandoon ang guardian para humanap ng impormasyon sa bagay o taong maaring magpa-stable ng human at guardian form niya.
"Oo eh muntikan na ako mahulog kanina sa hagdan buti na lang nandito itong si Lazaro," ani ni Cleo at tiningnan si Lazaro na nakadapa ngayon.
Maganda iyong babae at mukhang mabait din. Parehong leopard at shifter si Lazaro at Cleo. Hindi nag-react si Ragen habang nakatingin sa dalawa.
Huminga ng malalim ang lalaki. Ngumiti ito at sinabing pagkatapos doon ni Lazaro pumunta na siya sa room nila.
"Mauuna na ako sa room ko medyo napagod ako sa biyahe," ani ni Ragen at tumalikod. Sinundan siya ng tingin ni Lazaro.
Pagkapasok ni Ragen sa sariling kwarto. Binagsak nito ang katawan sa kama— nakadapa na tiningnan niya ang pinto. Lumipas ang halos 5 minutes walang Lazaro na pumasok.
Naiinis na kinuha ni Ragen ang unan at sinubsob doon ang mukha. Naiinis siya— inuna pa ng leopard ang kalandian nito kaysa sa kaniya.
"Guardian ko siya bwisit," iritable na sambit ni Ragen. Napabalikwas si Ragen at napatingin sa pinto matapos bumakas iyon.
"Kita ko sa mukha mo na dissapointed ka. Hinihintay mo guardian mo?" nakangisi na sambit ni Quiran. Nag-cross arm ang prinsipe at labas sa ilong na sinabi na kahit huwag na siya bumalik.
Sinara ni Quiran ang pinto at naglakad palapit sa binata. Nagtanong si Ragen kung anong ginagawa doon ng lalaki.
"Magtatago lang ba tayo dito?" tanong ni Quiran. Pinaupo siya ni Ragen.
"Hindi— hindi tayo magtatago lang dito Quiran. Hindi ko pa alam kung saan tayo magsisimula ngunit hahanap ako ng ebidensya na magpapatunay na inosente ang hari," ani ni Ragen. Tumingin si Ragen kay Quiran.
"Mapapalaya natin si ama," ani ni Ragen. Tumango si Quiran at nangako na gagawin niya lahat para makatulong.
"Makakabalik tayo sa palasyo at kaharian natin."
Nag-usap muna si Ragen ng halos mag-iisang oras bago napagpasyahan ni Quiran na bumalik na sa room niya para magpahinga. Pagkasara ng pinto ni Quiran. Naibaba ni Ragen ang tingin.
"Kahit na anong mangyari kailangan ko mailigtas si ama. Lumaki na akong wala ang aking ina— ayoko pa mawalan ng ama," bulong ni Ragen hanggang sa pumasok sa isip niya ang hari.
Maya-maya pumasok si Lazaro. Napaangat ng tingin si Ragen— agad na humiga si Ragen at tumalikod sa direksyon ni Lazaro.
Nag-anyong tao si Lazaro— humakbang palapit sa kama. Sumampa si Lazaro sa kama at sinilip si Ragen. Tumawa ito at sinabi kung nagseselos ito.
"Will you shut up! Hindi ako magseselos!" bulyaw ni Ragen at humarap. Napatigil si Ragen matapos makita ang posisyon nilang dalawa. Nasa itaas niya si Lazaro.
"Bakit ako magseselos? Lalaki ako— lalaki ka din, leopard ka at tao ako. Guardian ka— contractor mo lang ako," ani ni Ragen. Ngumisi si Lazaro at tinanong kung ano naman.
"Anong ano naman! You idiot! Alam mo bang—"
Hindi naituloy ni Ragen ang sasabihin matapos siya siilin ng halik ni Lazaro. Inangat ni Ragen ang kamay at nilagay sa dibdib ni Lazaro para itulak ito ngunit hindi niya magawa. Wala siyang lakas.
Hindi dapat iyon ang ginagawa nilang dalawa— wala siyang lakas itulak ang lalaki. Imbis itulak binuka ni Ragen ang mga labi— sinagot ang halik ni Lazaro.
Ragen Percival's POV
Nababaliw na ako— iyon ang paulit-ulit na pumasok sa isip ko matapos ko sagutin ang halik ni Lazaro. Hindi naman sa hindi ko alam ang ginagawa ko. Napag-aaralan din namin ito sa university ngunit posible ba iyon sa guardian at sa contractor?
Mas pinalalim ni Lazaro ang halik niya sa akin at wala akong nagawa kung hindi sagutin ang halik niya. Tiningnan ko ang expression ngayon ni Lazaro habang nakapikit at hawak ang pisngi ko.
He like it— pagmulat niya ng mata. Nagtama ang mata namin na dalawa. Mas lumiwanag ang pulang mga mata ni Lazaro at ang ganda 'non.
Nang bumaba ang halik niya sa leeg ko kusang gumalaw ang katawan ko para ihilig ang leeg ko. Ramdam na ramdam ko ang hininga ni Lazaro sa leeg ko.
3rd Person's POV
"Binibiro lang kita about sa mate. Imposible ako makahanap ng mate sa lifetime na ito dahil sa iyo na ako pagbaba ko pa lang sa mundong ito," ani ni Lazaro. Napatigil si Ragen at napatingin kay Lazaro na nasa ibabaw niya pa din.
"Then anong gusto mong gawin ko para mag-stay ka?" tanong ni Ragen. Nilapit ni Lazaro ang mukha sa leeg ni Ragen at bumulong.
"Maging akin ka Ragen."
Binigyan ni Lazaro ng mumunting halik si Ragen sa leeg na kinapula ng todo ni Ragen. Sinabing guardian siya.
Tiningnan siya ni Lazaro. Tinakpan ni Ragen ang bibig gamit ang likod ng palad. Namumula ang mukha ni Ragen at rinig na rinig ni Lazaro ang lakas ng t***k ng puso ng binata.
Binaba ni Ragen ang kamay at umiwas ng tingin. Sinabi ni Ragen na wala naman siyang pakialam.
"Wala din naman akong balak mag-asawa. Hindi na masamang ma-stuck ako sa iyo habang buhay," ani ni Ragen na halatang nagpe-pretend na masama pa ang loob.
"Wow ha! Parang ikaw pa ang dehado? Alam mo ba kung gaano kahirap magkaroon ng katahimikan sa tabi mo?" panunumbat ni Lazaro habang nakangisi. Nanlaki ang mata ni Ragen at tiningnan si Lazaro.
"Ikaw! Sa susunod huwag ka ng tatabi sa akin! Alis binabawi ko na sinab—"
Hindi na naituloy ni Ragen ang sasabihin at pagtulak niya kay Lazaro ng muli ay hinalikan siya nito at hinawakan ang wrist niya.
Agad na sinagot ni Ragen ang halik ni Lazaro at naramdaman niya na lang na tinatanggal ni Lazaro ang pang-itaas niya.
Bumaba ang halik ni Lazaro sa leeg ni Ragen na napaingit na lang matapos kagatin ni Lazaro ang balikat niya.
"Wala ng bawian Ragen," ani ni Lazaro. Minura siya ni Ragen habang hinahabol ang hininga at napapaigtad sa paghalik ni Lazaro pababa, sa dibdib niya.
"You idiot— i-isa akong prinsipe. Hindi ako pwedeng basta tumalikod sa sinabi ko," ani ni Ragen habang nakapatong ang isang braso sa noo niya at tinitingnan si Lazaro na hinahalikan ang bawat parte ng dibdib niya habang nakatingin sa kaniya.
Kinabukasan,
Gusto na ni Ragen ilublob ang buong katawan niya sa bathtub. Hiyang-hiya siya dahil sa mga marka na iniwan ni Lazaro sa katawan niya isama pa na hindi siya makatayo ng maayos nang walang alalay.
"Ayos lang iyan mahal na prinsipe. Binata ka na," natatawa na sagot ni Kyler. Sinaway ito ni Victor.
"Kyler! Huwag ka na nga mang-asar," nahihiya na sambit ni Ragen at mas tinago pa ang sarili sa tubig.
"Kailangan mo ba ng ointment mahal na prinsipe?" tanong ni Victor. Umiling-iling si Ragen.
"Gagaling din ito agad at isa pa hindi na ganoon kasakit ang katawan ko," ani ni Ragen. Kusang gumagaling na ang mga sugat niya. Napatigil si Ragen at napatingin sa reflection ng tubig. Napako ang tingin niya sa marka na nasa leeg niya.
"Pakiramdam ko nagbago iyong tiyura ng marka ko," ani ni Ragen. Tiningnan iyon ni Victor.
"Oo nga then mas naging visible siya," komento ni Victor.
Pagkatapos ni Ragen maglinis ng katawan at magsuot ng damit. Lumabas na si Ragen sa kaniyang silid kasunod si Victor.
Wala si Lazaro paglabas niya ng bathroom at naiirita siya doon. Hinanap ni Ragen si Lazaro.
Nakita niya nga ang binata na nasa hallway. Nasa human form na ito at agaw pansin ito sa mga tagapaglingkod.
Kausap nito si Cleo. Sumama ang expression ng mukha ni Ragen matapos makita ang dalawa. Tatalikod ito nang marinig niya ang boses ni Lazaro na tinatawag siya.
"Hoy Ragen— anong drama iyan? Balak mo ako iwasan matapos mo makuha ang—"
Hindi alam ni Ragen kung paano siya nakarating sa harap ni Lazaro at tinatakpan na ang bibig nito.
Ilang metro ang layo niya dito kanina.
Napaatras si Ragen at lumingon. Nakita niya sina Victor sa malayo at bakas din sa mukha nito ang gulat.
Hindi niya alam kung paano siya nakarating doon. Tumawa si Cleo at sinabing I see.
"Binigay mo na second mark mo sa guardian mo," natatawa na sambit ni Cleo. Inalis ni Lazaro ang kamay ni Ragen sa bibig niya.
"He's pretty right?" tanong ni Lazaro matapos lingunin si Cleo. Ngumisi si Cleo ngunit sumang-ayon ito.