Chapter 11
3rd Person's POV
"Kaya mo ba ang responsibilidad na ito prinsipe Ragen?" tanong ni Yulo. Nalaman ng mga ito ang second mark.
"Ang guardian mo—"
"Naiintindihan ko na bata pa ako. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa hinaharap ngunit desidido na ako. Alam ko ang ginagawa ko at tatanggapin ko ang lahat ng consequence," may ngiti na sambit ni Ragen. Pagmamay-ari na siya ni Lazaro.
Kung sakali na infatuation nga lang iyon dahil bata siya— buong puso niya tatanggapin ang kamatayan sa mga kamay mismo ni Lazaro.
Ang una at huling leveling beast na bumaba at sumagot sa tawag ng isang mortal. Nagkaroon din ng second mark— nawala sa sarili ang leveling beast matapos nga nagpakasal ang prinsesa na ngangakong mananatili sa leveling beast.
Nabaliw ang leveling beast at napatay ang prinsesa. Hinawakan ni Ragen ang leeg. Mahaba pa ang lalakbayin nila ni Lazaro.
"Okay na ba kayo ni Cleo? Himala na hindi na umuusok iyang ilong mo kapag nakikita mo magkasama si Cleo at Lazaro," ani ni Leroy na natatawa. Iniba nito ang usapan— napatingin si Ragen sa direksyon ni Lazaro at Cleo.
"May pinag-uusapan sila about sa isang library dito sa kaharian niyo," ani ni Ragen. Sinabi ni Lazaro na iyon ang dahilan kung bakit nalapit si Lazaro kay Cleo. May gusto si Lazaro na mahanap.
Matapos nila kumain nagpaalam na si Ragen. Tutungo ulit siya sa library kung saan siya dinala kanina ni Leroy. Marami siyang gusto malaman tungkol sa mga bansa at kaharian.
"Tulungan na kita Ragen," habol ni Quiran. Maghahanap sila ng mga impormasyon at talaan. Sumunod din si Yulo at Leroy.
Pumasok sila sa pinakamalaking library sa palasyo. Ang daming libro doon.
"Nakakalula. Mas malaki pa ito sa library sa university," ani ni Quira. Sinabi ni Leroy na naka-organize iyon.
"Basta alam niyo ang hahanapin niyo. Madali lang," ani ni Leroy na natatawa. Pinapasok sila ni Leroy sa loob.
"Maraming tao galing sa iba't ibang emperyo at kaharian ang tumutungo dito sa south para kumuha ng impormasyon. Siyempre hindi iyon libre kaya nagbibigay din sila ng impormasyon kapalit ng impormasyon na binibigay namin."
"Ayos lang ba na gamitin namin ito ng libre?" tanong ni Ragen. Lumingon si Leroy at sinabing sino may sabing libre iyon.
"Sobra-sobra pa nga ang nakuha kong impormasyon sa iyo," ani ni Leroy na natatawa.
"Then good for you," sagot ni Ragen at lumapit sa isa sa mga book shelves. Balak ni Leroy itala lahat ng mangyayari sa kasaysayan. Siguradong magiging malaki ang ambag 'non sa mga susunod pang henerasyon.
Tiningnan ni Leroy si Ragen na ngayon ay kausap si Quiran about sa libro na hawak niya. Sigurado si Leroy na mas magiging interesante pa ang mga susunod na mangyayari.
"Kung talaan tungkol sa ethereal nag hanap niyo. Dito kayo," ani ni Leroy. Napalingon sina Ragen at sinundan si Leroy.
—
Umabot ng halos apat na oras sa silid na iyon sina Ragen ngunit wala silang nakikita na magagamit nila sa imperial family. Wala din doon na natatala na may nakaligtas sa kasulatan at sa pinag-uutos ng emperor.
Umiling-iling si Ragen. Hindi siya susuko. Kumuha ulit ng bagong libro si Ragen nang bumukas nag pintuan ng kwarto sa library.
Pumasok si Lazaro na may hawak na lumang libro. Napatingin si Lazaro at binaba ang hawak na libro.
"Kung aasa lang lahat kayo sa libro at hindi kikilos walang mangyayari," ani ni Lazaro. Nagtaka si Ragen at tinanong si Lazaro kung anong ibig sabihin ni Lazaro.
"Lumabas kami ni Cleo kanina sa palasyo. Nag-ikot-ikot kami sa bayan then nakarating kami sa library— naghahanap ako ng impormasyon tungkol sa leveling beast na naunang bumaba sa akin dito sa mundo. Then nakita ko ito," ani ni Lazaro. Binaba ni Lazaro ang libro na binili nila ni Cleo. Kinuha iyon ni Ragen.
"About iyan sa tinatawag na cursed empire. Pinanggalingan namin ni Chloe at malakas ang kutob ko na may ancestors ka na nanggaling sa emperyo na iyan," ani ni Lazaro. Napatigil si Yulo at napatingin.
"Ang dating konsorte? Paano mo nasabi Lazaro? I mean walang nakatala about sa ina ko," ani ni Ragen. Sigurado na wala sa ancestor niya ang nanggaling sa sinumpang emperyo na tinatawag na blacksea empire.
Isa pa anong koneksyon ng pagpili sa kaniya ni Lazaro sa pinanggalingan niya at sa ancestors niya.
"Ang leveling beast na nauna sa akin dito ay nanggaling din sa blacksea empire. Ancestor mo siya," ani Lazaro. Bumuga ng hangin si Yulo.
"Tama ang guardian mo. Ang pang-pitong konsorte ay nanggaling sa blacksea empire. Noong sinakop ng hari ang mga bansang nasa paligid ng blacksea empire— nakuha niya ang ama mo at dinala dito."
"Ang konsorte ay ang huling prinsipe na nakaligtas sa digmaan. Dinala siya ng hari sa kaharian na ito bilang bihag ngunit minahal siya ng hari. Doon sinilang ka," ani ni Yulo. Nagulat si Ragen— hindi niya alam kung saan siya magugulat. Doon sa bihag ang ama niya at minahal ng hari o sinilang siya kahit isang lalaki ang konsorte."
"Espesyal ang kondisyon ng prinsipe. Dinala siya dito dahil doon," ani ni Yulo. Tiningnan ni Yulo si Ragen.
"Kamukhang-kamukha mo siya Ragen kaya ganoon na lang ang pagmamahal sa iyo ng hari. Iyon din ang dahilan kung bakit nilalayo niya ang sarili niya sa iyo at iyon din ang nakikita kong dahilan kung bakit noong mga nakaraang taon nagsimulang manlikom ang hari ng mga sandata. Palawakin ang teritoryo niya at bumili ng mga minahan na naging dahilan para bantayan siya ng imperial family."
"Bumubuo ng hukbo ang hari?" tanong ni Quiran. Sinapo ni Yulo ang ulo.
"Parang ganoon na nga ngunit hindi para atakihin ang imperial family. Nagdududa na din ako 'nong una kasi hindi iyong hari ang tipong pagtutuunan ng pansin ang kapangyarihan at teritoryo. Simula pagkabata kilala ko na ang hari— wala siyang pakialam sa pulitika either sa katiwalian sa imperial family."
"Ngunit ngayon nabanggit ng guardian ang about sa cursed empire, sa iyo at sa past ng hari. Alam ko na kung anong kasunduan ang ginawa ng hari sa mga karatig bansa ng cursed empire."
"Maaring gusto ng hari na ibalik ang blacksea empire para sa prinsipe," ani ni Yulo. Tumingin si Yulo.
"Kailangan natin iyon kumpirmahin," ani ni Yulo. Binaba ni Leroy ang libro.
"Kahit hindi direct attack iyon against pa din ang ginawa ng hari sa imperial family."
"Wala akong pakialam kung traydor ang hari o hindi. Isa lang gusto ko mangyari dito— mailigtas si ama," ani ni Ragen. Napatingin sa kaniya ang lahat.
"Ako din— kahit ano pang dahilan hindi ako papayag na sa ganoon paraan mawala ang hari. Kahit saan tingnan na anggulo walang karapatan ang imperial family na panghimasukan ang teritoryo ng mga percival. Ang mga bansang iyon na sinakop ni ama— pinaglaanan niya ng oras, panahon at buhay ay para sa kaniya. Nasa hari ang desisyon kung magiging parte iyon ng ethereal o hindi," ani ni Quiran. Hinawakan nito ang labi.
"Ngunit hindi natin agad mapapalaya si ama kahit makahanap tayo ng pruweba na hindi nagtangka ang hari na atakihin ang imperial family at mga kaharihan sa ethereal. Hindi kakaladkarin ng imperial family si ama kung walang solid proof."
"Na siguradong ginawa lang din ng imperial family. Paano magkakaroon solid proof kung wala naman ginagawang hakbang ang hari para bumuo ng hukbo against sa imperial family."
"Tanging pinanghahawakan lang nila ay ang idea na pinalalawak ng hari ang nasasakupan niya at lumilikom ng pera," ani ni Yulo. Nakaupo ngayon si Lazaro sa bakanteng upuan sa tabi ni Ragen habang nakahalumbaba.
"Ang tanong dito anong motibo ng imperial family at anong balak nila," ani ni Lazaro at umayos ng upo. Napatingin si Ragen.
"Maari bang dahil sa lumalaki ang teritoryo ng hari? Natatakot ang imperial family?" tanong ni Ragen. Lumingon si Lazaro.
"Kung ganoon nga nagpataw na din sana ng mas mabigat ang imperial family like patayin ang hari kasama kayo," sagot ni Lazaro. Nanlaki ang mata ni Quiran dahil doon.
"Maaring gusto ng imperial family hawakan tayo sa leeg. May mga balita sa university natin na tanging ang hari lang ang hindi nagagawang makontrol ng imperial family in some reason."
"Maraming mga time na napaglaruan ni ama ang imperial law like noong hindi binigay ng hari ang ika-pitong konsorte at inasawa ito," ani ni Quiran. Tiningnan nila si Yulo.
"May hindi yata ako nasabi sa inyo," ani ni Leroy. Napasapo ito sa noo.
"Gusto ng imperial family na makuha si Ragen dahil sa leveling beast ngunit hindi binibigay ng hari si Ragen. Sakim sa kapangyarihan ang emperor kaya talagang hindi na talaga ako nagdududa na gumawa siya ng mga ganitong tricks," ani ni Leroy.
Ragen Percival's POV
Nasa loob ako ng kwarto. Binabasa ko pa din ang talaan tungkol sa blacksea empire. Ang blacksea empire ay may tatlong kaharian at labindalawang bansa.
Watercrystal kingdom, heavenjade kingdom at ang huli ay ang Aquasilence kingdom. Ang watercrystal kingdom ay ang kaharian na pinalilibutan ng tubig. Sa kaharian na ito nagmumula ang iba't ibang klase ng kaalaman sa magic at pakikipaglaban.
Maraming mga tao sa blacksea empire ang tumutungo sa watercrystal kingdom para mga matuto at makakuha ng mga kaalaman. Ang heavenjade kingdom ito naman ang kaharian na pinagmumulan ng mga iba't ibang uri ng sandata. Dito din nanggagaling ang mga mandirigma ng emperyo at nagsasanay.
Ang huli ay ang Aquasilence kingdom. Tahimik, payapa at dito nagmumula ang mga kahoy, bigas at mga pananim na dinadala sa ibang kaharian. Kumpara kasi sa dalawang kaharian sa blacksea mayaman ang lupa ng mga nasa aquasilence isama pa na may mga kakayahan ang mga kasalukuyang pinuno ng mga aquasilence na magpatubo ng mga halaman at bulaklak.
"Sa kaharian ako na ito nanggaling— ang kaharian ni ina," bulong ko habang nakatingin sa libro at kung saan may litrato ng isang lalaking nagpapatubo ng bulaklak.
"Malalim na ang gabi. Wala ka pang balak matulog?"
Napatigil ako at napaangat ng tingin. Nakita ko si Lazaro na lumabas ng bathroom. Half n***d at kasalukuyang pinupunasan ang buhok.
"Naliligo ka din pala," biro ko. Napa-pokerface si Lazaro at lumapit sa kama. Napamura ako ng mapahiga ako at itim na bagay ang nakatali sa kamay ko habang nakataas.
"You idiot, araw-araw ako naliligo at gabi lang," ani ni Lazaro at pumatong sa akin. Ngumisi ito habang nasa ibabaw ko.
"Ikaw! Kapag nag-iwan ka na naman ng maraming marka sa katawan ko katulad kahapon magagalit na ako sa iyo," banta ko. Tumawa si Lazaro at sinabing ang lakas ko mag-feeling.
"Akala mo ba may gagawin ako sa iyo ngayon gabi?" tanong ni Lazaro. Uminit bigla ang pisngi ko doon. Ako lang ba nag-expect.
"Nagbibiro lang ako pero wala talaga akong balak ngayon. Alam kong pagod ka," ani ni Lazaro. Niyakap ni Lazaro ang katawan ko ay humilig sa dibdib ko. Nawala na ang tali.
"Basa buhok mo," saway ko kay Lazaro. Hindi nagsalita si Lazaro kaya sinilip ko ito.
Napa-pokerface ako at nakitang tulog si Lazaro. Ako pa na sinabihan na pagod eh siya itong naunang matulog.
Sabagay hindi ko ito nakita natulog mula umaga tapos sinabi nitong pumunta si Lazaro sa bayan. Nilahad ko ang kamay ko— pinatuyo ko ang itim at mahabang buhok ni Lazaro ng kapangyarihan ko.
Napatigil ako matapos biglang manigas ang buhok no Lazaro at parang nasunog. Nanlaki ang mata ko doon at agad namutla.
Kinabukasan,
Sunod-sunod ang paghingi ko ng tawad kay Lazaro matapos siya magising na ganoon ang buhok niya.
Tawa naman ng tawa si Leroy dahil sa tiyura ngayon ng guardian ko na naka-pokerface habang nakatingin sa akin.
"Dati naman kasi ginagawa ko lang pampatuyo ng buhok at damit ang kapangyarihan ko eh. Hindi ko naman alam na maari na palang makasunog ng buhok ito ngayon," ani ko na parang batang nagmamakaawa na huwag magagalit sa akin.
"What ever— gugupitin ko na lang ito. Huwag ka ng basta gagamit ng kapangyarihan mo lalo na kung hindi mo naman kontralado," ani ni Lazaro. Dinampot nito ang gunting sa table at basta na lang ginupit ang buhok niya.
Pinanood ko lang siya na gupitin ang mahaba niyang buhok. Nagkalat iyon sa sahig. Nakasimangot na lumingon si Lazaro sa akin. Napatitig ako.
"Huwag na huwag mo ng hahawakan ang buhok ko," ani ni Lazaro na may pagbabanta. Inismiran ako nito at binaba ang hawak na gunting.
"Sorry na kasi! Look mas gwapo ka na ngayon. Mukha ka ng tao!" ani ko at napapalakpak. Totoo iyon mas nakikita ko ngayon ang mukha ni Lazaro at mas naging malinis.
"Anong tingin mo sa akin 'nong una mukhang halimaw?" tanong ni Lazaro. Sunod-sunod ako umiling at nag-thumbs up.
"Gwapo ka pa din pero mas ngayon," ani ko with feelings. Hindi ko alam kung imagination ko lang pero nakita ko talagang ngumiti si Lazaro.
"Wait ngumiti ka ba?" tanong ko at lumapit. Hinawakan ang labi niya— tinutulak ako nito at sinasabing layuan ko siya.
"What the heck! May mga tao dito respeto naman. Nandito pa kami oh. Hello."