09

2149 Words
Chapter 09 3rd Person's POV "Ama!" Napatigil ang hari matapos makita si Ragen. Sa lahat ng anak niya si Ragen ang pumunta sa bulwagan sa kabila ng sinabi ng hari na umalis na ang mga ito. "Ama!" sigaw ni Ragen. May mga kawal na humarang. Nanginginig na tiningnan ni Ragen ang ama. Naihagis ni Ragen ang mga kawal na pumipigil sa kaniya. Tumakbo ito palapit sa ama. "Ama! Itatakas kita ama! Aalis tayo!" sigaw ni Ragen. Hinihila niya ang ama ngunit hindi ito nagpatinag. Napatigil si Ragen matapos makita ang kakaibang uri ng kadena. Hinila iyon ni Ragen at sumigaw na pakawalan ang hari. "Ragen," ani ng hari. Napatigil si Ragen at lumingon— ngumiti sa kaniya ang hari at sinabing wala siyang kasalanan. Hindi 'man laging nakakausap ni Ragen ang hari. Iyon ang unang pagkakataon na nahawakan niya ito— sa puso niya may napakalaking parte ito. Binigyan siya ng tahanan nito at mga regalo. Binigyan siya nito ng buhay. Naiiyak na sinambit ni Ragen na tatakas sila. Sinabi nito na sumama ang hari sa kaniya. "Yulo— ilayo mo ang prinsipe dito," ani ng hari. Agad na sumulpot si Yulo sa likod ni Ragen— malakas na hinampas sa likod dahilan para magdilim ang paningin ni Ragen atagad na mawalan ng malay. Tinikom ng hari ang bibig matapos makita ang tumutulong luha ni Ragen. Kitang-kita niya dito ang katauhan ng namayapa niyang asawa. "Ingatan mo siya Yulo," bulong ng hari. Buhat ni Yulo ang prinsipe habang nakatingin sa hari na sumusunod sa mga kawal paalis ng bulwagan. "Mahal-mahal na hari," bulong ni Yulo. Naiyukom ni Yulo ang kamao. Tiningnan ni Yulo si Ragen na kasalukuyang mahimbing ang tulog. "Sa huli naganap na naman ang mga sinabi mo," bulong ni Yulo na puno ng pait ang expression. Agad na lumapit sina Victor na puno ng pag-aalala. Napatigil si Victor matapos makita ngang dala ng mga kawal ang hari. Tiningnan ni Victor si Ragen na namumula ang ilong— halatang umiyak ito. — Pagkagising ni Ragen. Nagpumilit ito na pumunta sa imperial palace. Kailangan niya mailigtas ang ama niya. "Anong gagawin mo Ragen? Sa tingin mo ba basta na lang nila patatakasin ang hari? Kung totoong frame up lang ang lahat— sa tingin mo sapat ng magmakaawa ka sa imperial family?" ani ni Lazaro. Napatigil si Ragen. "Siguradong kung sesentensyahan ang hari siguradong after 4 years pa. Kung gusto mo mapakawalan ang hari kailangan mo maging hari at gumawa ka ng sarili mong hakbang para linisin ang pangalan ng hari. Hanapin ang ebidensya," ani ni Leroy at naka-cross arm. Agad na pumunta doon si Leroy matapos nga malaman ang ginawang pagsugod doon ng mga kawal para hulihin ang hari. Sinasabing gumagawa ng sariling hukbo ang hari para pabagsakin ang imperial family. Iyon ang dahilan kung bakit ito mas pinalawak teritoryo at nanakop. Ayon sa report sa emperor marami sa mga bansang nasakop ng hari ang ayaw pumirma sa kasunduan bilang parte ng ethereal. Ang dahilan ay walang nakakaalam ngunit malinaw na ang ginawang pakikidigma ng hari sa mga katabing emperyo ay hindi para sa ethereal. "Pansamantala dadalhin ko kayo sa kaharian ko," ani ni Leroy. Hindi umimik si Ragen kaya si Yulo ang nagpasalamat para sa kabutihan ng hari. Sinabing magpahinga na ang lahat. Naiwan si Ragen sa kwarto at si Lazaro. Hindi alam ni Ragen kung anong mararamdaman niya sa mga oras na iyon. Ang kaharian nila at ang ama. Ano ng mangyayari sa kanila. Sa paningin ni Lazaro bata pa din si Ragen, walang kamuang-muang at mahina— nag-anyong tao si Lazaro. Napatingin si Ragen. "Hindi lahat ng deserve ang second chance at kabaitan mo Ragen. Dapat alam mo din kung paano magiging malakas at hindi magpadala sa emosyon mo." "Kung kanina naitakas mo ang hari alam ko ang mangyayari? Pupugutan tayo ng ulo ng imperial family and worst mas mapapatunayang traydor ang ama mo Ragen," ani ni Lazaro na kinatigil ni Ragen at naiyukom ang kamao. "Kung gusto mo mailigtas ang lahat lalo na ang hari— isa lang ang paraan. Maging hari ka, Ragen," ani ni Lazaro. Gagawin ni Lazaro si Ragen na hari. Tumayo si Ragen at lumapit kay Lazaro. Napatigil si Lazaro matapos siya tingalain ni Ragen. "Mangako ka Lazaro," ani ni Ragen. Tiningnan siya ni Lazaro. "Hindi ka aalis sa tabi ko." Ngumisi si Lazaro at hinapit ang bewang ni Ragen na kinatigil ng prinsipe. Nilapit ni Lazaro ang mukha sa prinsipe. "Marriage proposal ba iyan?" tanong ni Lazaro. Namula ng todo si Ragen at tinulak ng mahina si Lazaro. "Ikaw! Dadaanin mo na lang ba sa biro lahat?" pikon na sambit ni Ragen. Ngumisi si Lazaro at sinabing wala siyang mapapala kung mananatili siya sa tabi ni Ragen. "Hindi ako katulad ng ibang devine beast. Kaya kong mabuhay ng wala ka," ani ni Lazaro. Humakbang si Lazaro at nilapit ang mukha kay Ragen. "Anong maio-offer ko sa akin para manatili ako sa tabi mo?" ani ni Lazaro. Nagkatitigan sila ni Ragen. "Ano bang gusto mo? Ginto, kapangyarihan, teritoryo? Anong gusto mo?" tanong ni Ragen. Seryoso siyang tiningnan ni Lazaro kalaunan ngumiti. "Mate— gusto ko ng mate at mga anak," sagot ni Lazaro na nakangisi. Napatigil si Ragen matapos marinig iyon. Kinabukasan "Anong nangyari sa prinsipe? Malungkot pa din ba siya dahil sa nangyari sa hari?" tanong ni Orgel. Kitang-kita nila na parang wala sa sarili si Ragen malayo naman iyon sa mood ng leopard. "Grr! Lumayo ka nga sa akin! Huwag mo ako buntutan! Maghanap ka ng sarili mong mate!" Napatingin si Leroy na kausap ngayon ang isa sa mga kawal niya. Mabibigat ang paa na lumapit si Ragen kay Leroy. Nagpaalam na ang kawal. "Ang aga-aga ang init ng ulo mo. Pinagtripan ka na naman ba ni Lazaro?" tanong ni Leroy. Mas sumama ang mukha ni Ragen matapos marinig ang pangalan ng guardian. Hindi na ulit nagtanong si Leroy halata naman kasi na si Lazaro na naman nag dahilan bakit napipikon ang kaibigan. Maya-maya lang sumakay na sila sa karwahe. Magkaharap si Leroy at si Ragen. Katabi ni Leroy si Yulo at habang si Lazaro naman ay nakadapa sa tabihan ni Ragen na hindi 'man lang tinatapunan ng tingin ang guardian. "Mawalang galang na prinsipe ngunit ayos lang ba kayo?" tanong ni Yulo Erato. Buong biyahe kasi nakabusangot ang prinsipe. "Huwag mo na pansinin iyan Sir Erato. Ganiyan ang prinsipe kapag napipikon ni Lazaro. Wala ng bago," ani ni Leroy na natatawa. "Walang makakatawa Leroy okay?" pikon na sambit ni Ragen. Nagtaas ng kamay si Leroy at sinabi ngang walang nakakatawa. "Leroy may kwadra din ba kayo ng mga leopard sa kaharian niyo?" tanong ni Ragen at nilingon si Leroy na biglang nagtaka. "Kwadra? Bakit?" tanong ni Leroy. Sinabi ni Ragen na binata na si Lazaro kailangan n daw ng mate ng guardian at maraming anak. Napaubo si Leroy. Napatigil si Yulo at tiningnan ang prinsipe na may hindi makapaniwalang expression. "Then hahanapan mo siya ng ka-mate sa kaharian ko?" tanong ni Leroy. Tumango si Ragen. Bibili siya ng iba't ibang klase ng leopard para sa guardian niya. "Wait sigurado ka?" tanong ni Leroy. Kumunot-noo ni Ragen at sinabing bakit hindi. Tiningnan ni Leroy si Lazaro na natutulog. Mukhang wala itong pakialam. Maya-maya biglang tumigil ang karwahe. Napamura si Ragen matapos makita ang sarili niyang hahampas sa kabilang bahagi ng karawahe ngunit bago mangyari iyon. Hinarang ni Lazaro ang katawan niya kaya nasubsob si Ragen sa katawan ni Lazaro imbis sa upuan. "Anong nangyari?" tanong ni Leroy na ngayon ay pino-protektahan ng guardian nito. May lumapit na kawal at sinabing may tao na humarang sa karwahe. Bumaba sina Leroy— inismiran ni Ragen si Lazaro at bumaba na din. Sumunod si Lazaro "Wa-wait— ako ang pang-pito sa mga prinsipe," ani ng lalaki at binaba ang hood. Napatigil si Ragen matapos makita ang pamilyar na mukha. Hawak nito ang isang braso at puno ng sugat. "Anong nangyari sa iyo?" tanong ni Ragen at lumapit sa prinsipe. Napaluhod ito— agad siya nilapitan nina Yulo. "Traydor ang anim na prinsipe. Napakasama nila," ani ni ng pang-pito na prinsipe. Si Quiran Percival— kuryente ang kapangyarihan nito. Kayang kontrolin ang kulog at kidlat. "Gagamutin kit—" "Teka lang Ragen— hindi ka pwedeng basta magtiwala. Isa siya sa mga prinsipe. Paano kung trap ito?" ani ni Leroy. Binulyawan siya ni Quiran at sinabing di huwag sila magtiwala. Pilit na tumayo si Quiran ngunit muling napaluhod ito. Wala na siyang lakas. Hinawakan ni Leroy ang balikat ni Quiran. Lumabas ang munting guardian ni Quiran. Nag-anyong salamin ang fairy at sa reflection 'non nakita nina Leroy ang tunay na nangyari kay Quiran. Binalak ng mga prinsipe iligtas ang hari ngunit tinaraydor siya ng mga prinsipe. Nagmakaawa pala si Quiran na iligtas ang hari. "Pinatay nila si ina at ang mga tagapaglingkod ko," bulong ni Quiran. Nakita nila doon at narinig kung sinabi ng unang prinsipe kay Quiran. Napatigil si Quiran matapos magliwanag ang katawan niya. Sinisimulan na siyang gamutin ni Ragen. As in nagulat siya na may ganoon na kakayahan si Ragen. "Gusto mo ba sumama sa amin?" tanong ni Ragen. Tiningnan siya ni Quiran na may hindi makapaniwalang expression. Pinagkatiwalaan siya nito kaagad. "Wa-wala na akong ibang mapupuntahan," ani ni Quiran. Ngumiti si Ragen at hinila patayo si Quiran. "Ikaw— binabalaan na kita. Kahit isa ka sa mga prinsipe ako misno puputol sa ulo mo kapag may hindi ka ginawang maganda sa loob ng kaharian ng greenfield," ani ni Leroy. Inirapan siya ni Quiran at hinawakan ang kamay ni Ragen. Sinabing salamat. "May nakikita ka ba?" tanong ni Victor kay Lazaro na tinitingnan ang bata din na si Quiran. Walang nakikita si Lazaro na masamang intensyon kay Ragen. Hindi gumagalaw si Lazaro habang kausap ni Ragen ang kapatid nito. Sa tingin ni Victor ay safe si Ragen dito. Sa ugali ni Lazaro alam ni Victor na hindi makakaisang hakbang ang mga taong may masamang intensyon kay Ragen. Sumakay na muli sila sa karwahe. Nanuyo ang lalamunan ni Quiran matapos maramdaman ang tingin sa kaniya ng leopard. Tiningnan ni Quiran si Ragen na ngayon ay nakatingin sa labas ng bintana ng karwahe. Ni sa panaginip hindi akalain ni Quiran na si Ragen ang unang tao na tutulong sa kaniya after ng mga nangyari. Hindi ito nagdalawang isip at pinagaling pa siya nito. "Ikaw huwag mong iisipin na malayang kang makakagalaw sa palasyo ko. Babantayan kita naiintindihan mo ba?" Bumulong si Leroy at nilapit ang bibig sa tenga ni Quiran. Sinabing babantayan siya nito at hindi aalisin ang mata sa kaniya. Sumama ang mukha ni Quiran at lumingon. Napatigil ang dalawa matapos magkalapit ang mukha nila. Nagkatama ang tungki ng ilong nila at pareho silang natulala sa isa't isa. "Ilayo mo nga iyang mukha mo sa akin ang pangit mo!" Nagulat si Leroy doon at tinulak ni Quiran ang mukha ng hari. Napatingin si Yulo matapos makitang nagtatalo si Quiran at Leroy. Tumawa si Ragen at sinabing mabuti naman at nagkakasunod na ang dalawa. Sininghalan siya ni Quiran at Leroy. Masyadong naging malayo ang ginawang paglalakbay nina Ragen. Kailangan nila huminto sa walong bayan at maglakbay ng walong araw para makarating sa kaharian. Kailangan din ni Lazaro na mag-anyong tao para makapasok sa available na inn. Sobrang pahirapan pa dahil hindi makatagal si Lazaro na may pang-itaas. Nang tuluyan na silang makarating sa kaharian ni Leroy namangha si Ragen dahil sa linis ng lugar at halatang tahimik ang kaharian na iyon. Napatigil si Ragen matapos makakita ng ilang leopard, warewolf at leon sa lugar. As in nagulat siya. "Natural ba sa mga tao sa kaharian niyo na mag-alaga nga mga ganiyang nilalang? I mean may leon," ani ni Ragen. Biglang tumawa si Leroy at sinabing makalikasan ang mga tao sa kaharian niya. Ang mga hayop doon ay nagsisilbing mga kaibigan at kaagapay ng mga tao doon sa araw-araw. "Malayang nagsasama ang mga hayop, halimaw at tao dito," ani ni Leroy. Namangha din si Quiran dahil doon. "Matanong ko Leroy— prinsipe ka ba? May guardian ka," ani ni Ragen. Napatigil sina Yulo at si Quiran. "Alam ba ng hari na dadalhin mo kami sa palasyo? Hindi ba siya magagalit?" tanong ni Ragen. Napatanga si Quiran— hindi alam ni Ragen na hari si Leroy sa ilang taon na pagkakaibigan ng dalawa? "Siguradong alam 'non at hindi iyon magagalit," ani ni Leroy na tumatawa. Pinaningkitan siya ng mata ni Ragen at sinabing paano mangyayari iyon kung hindi nababanggit ni Leroy ang about sa pamilya nito. "Hindi mo kailangan mag-alala Ragen. Kaibigan kita at welcome ka sa kaharian ko," may ngiti na sambit ni Leroy. Sinabi ni Ragen sana nagdala siya ng kahit anong pwedeng mairegalo sa hari at reyna. "Bili tayo ng bulaklak at ilang alahas?" suhestyon ni Quiran. Agad na pumayag si Ragen. Maghahanap sila ng shop doon para makabili ng bulaklak at mga alahas na magugustuhan ng reyna ng Greenefield.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD