Chapter 01
3rd Person's POV
"Nagsilang ng isang prinsipe ang ika-walong konsorte ng hari," anunsyo ng isa sa labing apat na manggagamot na nasa silid. Nanatiling nakalukod ang mga tagapanglingkod ng konsorte sa gilid ng kama at nakayuko.
"Binabati namin kayo— ika-walong konsorte, " sabay-sabay na sambit ng mga tagapaglingkod sa loob ng silid.
"Ang anak ko," bulong ng binata na nakahiga sa malaking kama at nanghihinang hinawakan ang pisngi ng anak na lalaki.
"Mahal na hari! Maghulusdili kayo!" sigaw ng isa sa mga taong naglilingkod sa hari habang hinahabol ang lalaking patungo sa isang silid.
Maliwanag ang mukha nitong pumasok kasunod ang ilan pang kawal.
"Regan!" ani ng hari na dali-daling lumapit sa kama.
"Mahal kong hari," nanghihina na sambit ng binata matapos haplusin ng hari ang pisngi niya.
"Ito na ba ang ika-walong prinsipe?" natutuwa na sambit ng hari habang nakatingin sa sanggol na kasalukuyang tinataas ang kamay na parang may mga nilalaro.
"N-Nakakapanghinayang dahil hindi niya nakuha ang magaganda mong mata mahal kong hari," ani ng binata na namumungay ang mga mata. Binuhat ng hari ang sanggol habang nakaupo sa gilid ng kama.
"Nakuha niya naman ang mga mata at ngiti mo. Sapat na iyon sa akin, mahal ko," puno ng galak ma sambit ng hari bago tiningnan ang binata.
Napatigil ito matapos makitang namumutla ito habang nakatingin sa kanilang dalawa.
"Anong nangyayari? Bakit namumutla si Regan?" tanong ng hari. Agad nilapitan ng manggagamot ang binata na kasalukuyang hinahabol na ang hininga.
"Rasin! Anong nangyayari!" bulyaw ng hari sa guardian na nakatayo sa gilid ng kama habang nakayuko.
"Espesyal ang kondisyon ng constructor ko ngunit wala pang nalilikhang paraan sa panggagamot para magawang maka-survive ng master ko sa pagsilang ng isang sanggol," paliwanag ng babaeng may mahabang itim na buhok
Parang pinagbagsakan ng langit at lupa ang hari matapos sabihin iyon.
"Ipatawag ang mga holy priest! Kailangan ko sila sa palasyo ngayon din!" sigaw ng hari. Dali-daling sumunod ang mga kawal. Nag-aalalang lumapit ang hari sa kama at hinawakan ang kamay ng binata na kasalukuyang nahihirapan ng huminga.
"Regan, lumaban ka. Kailangan mong makaligtas. Kailangan ka ni Ragen— kailangan kita," bulong ng hari habang hawak ang kamay ng konsorte. Nagsimula ng umiyak ang sanggol kaya binaba ng hari ang munting prinsipe sa tabi ng konsorte.
"K-Kung hindi ko matupad ang pinangako ko. Hindi ka naman magagalit sa akin diba? Mapapatawad m-mo pa din ako," nahihirapan na sambit ng binata na kinatigil ng hari.
"Hindi! Huwag kang magsalita ng ganiyan! Gagaling ka Regan!"
Dumating mga tinatawag na holy priest at sinimulan gumawa ng ritwal para sa, pagpapagaling ngunit wala sa mga ito ang gumana. Sa hindi alam na dahilan ng mga holy priest hindi gumagana dito ang kapangyarihan nila.
"Anong ginagawa niyo! Bakit hindi niyo pagalingin si Regan!"
"M-Mahal na hari— hindi gumagana sa kaniya ang—"
"Arghh! Mga walang kwenta!"
Nawasak ang buong palasyo at tumalsik papunta kung saan ang mga taong nasa loob ng palasyo maliban sa tatlong tao na nasa gitna.
"M-Mahal kong hari," nahihirapan na sambit ng binata. Tumulo ang luha ng hari matapos siya ngitian ng binata.
Tiningnan ng binata ang langit bago tiningnan ang anak na kasalukuyang nakahiga sa mga bisig niya.
"M-Mag iiwan ako ng regalo para s-sa inyong d-dalawa kaya kahit wala na ako. Mararamdaman niyo pa din n-nasa tabi niyo ako," ani ng binata. Lumuhod ang hari sa ibaba ng kama na kinatigalgal ng mga kawal sa paligid.
Hinawakan ng hari ang kamay ng lalaki habang paulit-ulit nagmamakaawa na huwag siya iwan. Sa lahat ng naging asawa ng hari ang ika-walong konsorte ang sinasabing minahal ng hari.
Maraming kumalat na balita na tinangka daw iwan ng hari ang trono para sa konsorte na ito matapos hindi pumayag ng imperial family na gawin itong isa sa mga konsorte ng hari.
Pagkatapos ipanganak ang ika-walong prinsipe— namatay nga ang ika-walong konsorte at pagkatapos 'non hindi muling nag-asawa ang hari.
Hindi na din ito muling ngumiti— mas naging walang puso pa ito at mas naging sakim ito sa kapangyarihan.
Bukod doon ay mas pinili nitong manatili sa battle field at mang-angkin ng maraming teritoryo na minsan naging dahilan para pagdudahan ng emperador ang katapatan ng hari sa buong imperyo.
Lumipas ang maraming taon dumating na sa tamang edad ang walong prinsipe at 15 years mula sa panahon na iyon kailangan ng pumili ng karapat-dapat na hari sa hilagang bahagi ng kontinente.
Hari na uupo sa trono at papalit sa pwesto ng kasalukuyang haring Percival.
Gaganapin ang pagpili sa ika-labing pito na kaarawan ng unang prinsipe. Iyon ang araw kung saan gaganapin ang ritwal para tumawag ng guardian na gagabay sa mga prinsipe sa mga susunod na panahon.
Tanging ang mga royal blood family lang ang magagawang tumawag ng guardian o ang mga taong nanalaytay sa dugo ang pagiging devine vessels.
Isa na dito ang batang prinsipe na si Ragen ang ika-walong prinsipe na nakatira sa mirror palace. Kumpara sa palasyo ng anim niya na kapatid— konti lang ang kawal at mga tagapaglingkod na nandon.
May iba pang tagapaglingkod na hindi ginagawa ang kaniyang tungkulin at hinahayaan siyang hindi kumain. Hindi maganda ang posisyon niya sa palasyo ngunit kahit kailan hindi ito nagreklamo kahit pa isang beses lang siya pinapakain ng mga tagapaglingkod doon at wala na siyang gaanong nasusuot na damit.
Madalas din siyang minamaltrato ng mga tagapaglingkod ngunit lahat iyon tinitiis niya dahil wala siyang pagpipilian niya at iyon ang kaisa-isang lugar na tahanan niya.
"Umayos ka ng tayo!" bulyaw ng tagapaglingkod matapos hablutin ang braso ng prinsipe na kinangiwi ng batang lalaki na nasa pitong taon na taong gulang. Bumaon kasi ang kuko ng tagapaglingkod sa balikat niya habang binibihisan siya nito ng magarang kasuotan na hindi niya alam kung saan nanggaling.
Bigla din siyang dinala ng mga tagapaglingkod sa malinis at malaking kwarto. Napakaganda at nakakamangha iyon sa mga mata ng batang lalaki.
"Umayos ka! Dumating na ang hari para sa ritwal. Kapag walang pumili sa iyo na devine beast— katapusan mo na hindi ko na din kailangan manatili sa palasyong ito kasama ng basurang katuad mo," ani ng tagapaglingkod. Hindi nagsalita ang batang si Ragen dahil sanay na siya sa trato ng mga ito sa kaniya.
Ragen Percival's POV
Sa unang pagkaktaon naramdaman ko na prinsipe ako ng palasyo na ito. Nakalabas ako sa palasyo at lahat ng tagapaglingkod ko nakasunod sa akin.
Hindi ko maiwasan makaramdam ng kakaibang tuwa dahil naranasan kong makapunta sa labas ng palasyo ngunit agad din iyon napalitan ng kaba matapos makakita ng maraming tao.
Sa unang pagkakataon nakita ko ang mga kapatid ko na halos lahat sila malaki ang pagkakahawig sa ama kong hari. Dahan-dahan ako lumapit sa kanila at humanay.
Napayuko ako matapos makita ang mapanghusgang mga mata nila na nakapako sa direksyon ko.
"Hindi na ako nagtataka kung bakit kinagigiliwan ng hari ang ika-walong prinsipe. Kamukhang-kamukha niya ang ika-walong konsorte."
Nawala lang ang pansin ko sa mga taong nasa paligid ko matapos biglang lumuhod ang lahat ng maraming kawal ang dumating. Bahagya ako natulala matapos ko makita ang hari na sa portrait ko lang tanging nakikita.
"Pagbati sa pinuno ng papalubog na buwan."
Nilagay ko ang kaliwang kamay ko sa dibdib at yumuko. Maya-maya nakarinig ako ng ingay.
"Walang respeto."
"Isa ba talaga iyan sa mga prinsipe."
Napalingon ako at doon nakita ko na ang kanang kamay ng mga prinsipe ang nasa dibdib at hindi kaliwa.
Nahihiyang pinalitan ko iyon at palihim na sinulyapan ang hari. Nagtama ang mata namin kaya agad ako muling yumuko.
Nakakahiya bakit sa ama ko pang hari. Maya-maya napataas muli ako ng tingin ng magsalita na ang ministro.
"Ngayon ang araw kung saan gaganapin ang pagpili ng nararapat na guardian para sa walong prinsipe," malakas ang boses na anunsyo ng isa sa ministro ng hari.
Ito ang araw na kinakatakutan ko dahil ang guardian na tinutukoy nila ay mga Devine beast. Mga nilalang na sinugo ng langit para mag-participate sa gaganaping pagpili ng susunod na hari.
Makakapangyarihan na nilalang na siyang pipili sa prinsipe na magiging katuwang nila sa ilang libong taon na pananatili nila sa lupa.
Kung sakaling walang devine beast na lumapit sa akin siguradong itatapon ako ng buong imperial family sa labas ng palasyo. Wala akong interes sa trono pero ayoko mawala sa palasyo.
Palihim na nagtawanan ang mga kapatid kong prinsipe matapos mapadapo ang tingin sa akin.
Lahat ng mga kapatid ko may mga kapangyarihan na naayon sa kalikasan katulad ng hangin, lupa, tubig, kidlat, apoy, liwanag at yelo. Kahit walang ang devine beast magagawa nilang manatili sa itaas ngunit ako— bukod sa gawing mainit ang paligid at magpaulan ng mga bulaklak. Hindi ko na alam ang kaya ko pang gawin.
Wala akong kapangyarihan ayon sa kumakalat na balita sa palasyo. Hinawakan ko ng mahigpit ang suot kong kasuotan matapos magsimula ang ritwal para tawagin ang mga devine beast.
Nauna lumapit ang kaisa-isang anak ng reyna at pinatak ang dugo sa bilog na tinapakan niya an kasalukuyang naglalabas ng puting liwanag.
Sa isang iglap naging pula iyon at mula sa langit may bumabang pulang liwanag. Nanlaki ang mata ko matapos makitang isa iyon dragon.
Maraming nagsasabi na kapag nagawa mong tawagin ang devine beast at bumaba iyon. Pinili ka nito at panghabang buhay mo na itong makakasama.
"Gusto ko ng kaibigan," bulong ko matapos makita iyon. Gusto ko ng kasama kahit ano pa siyang nilalang.
Dahil ako ang pinakabata sa walong prinsipe ako ang pinakahuli. Nang marinig ko na ang pangalan ko nagsimula na ang bulungan.
Alam ng lahat kung gaano ako kahina kaya alam nilang kahit pagbukas sa langit ay hindi ko magagawa.
Ngunit hindi ako pwedeng tumakas dito wala akong pagpipilian. Kinagat ko ang dulo bg daliri ko at agad kinangiwi ko dahil sobrang baba ng tolerance ko sa sakit.
Kahit kaya kong magpagaling hindi ko kayang pagalingin ang sarili ko. Kailangan ko iyon tiisin.
Pumatak ang dugo ko sa puting liwanag—tumingala ako para palihim na magdasal na sana may bumaba para sa akin. Kahit hindi siya kasing lakas katulad sa ibang prinsipe— kahit hindi siya maganda basta devine beast at maari kong maging kaibigan.
Mas lumakas ang bulungan matapos walang lumabas para sa akin. Narinig ko ang tawanan ng mga kapatid kong prinsipe na kinayuko ko.
Tiningnan ko ang hari na kasalukuyang pinanonood ako. Wala siyang ekspresyon habang nakatingin sa akin— nakakahiya.
Napayuko ako matapos marinig ang boses ng mga ministro at ang pagiging kahihiyan ko sa buong imperyo. Hanggang sa napansin ko na lang na umiiyak na pala ako dahil sa bigat ng nararamdaman ko.
Napatigil ako nang biglang magkulay itim ang magic circle o iyong bilog na ginawa ng mga ministro at biglang nag-c***k iyon.
Napaupo ako sa lupa matapos lumabas ang itim na liwanag at galing iyon sa ilalim ng lupa. Napanganga ako matapos maglaho iyon at isang itim na pusa ang kasalukuyang nakatayo sa gitna ng magic circle. May pula itong mga mata at may maliit na hugis diamond ang nakatatak sa noo nito.
Lumiwanag ang mukha ko matapos makita ang bagay na iyon kaya mabilis akong lumapit at dinampot ang maliit na pusa.
"Sumagot ka sa tawag ko ibig sabihin gusto mo ako maging kaibigan?" maliwanag ang mukha na sambit ko.
Napatingin ako sa direksyon ng hari at bahagya akong nagtaka matapos makita amg gulat sa ekspresyon nito. Tiningnan ko ulit ang pusa na hawak ko na ngayon ay makatitig sa mata ko.
"Anong klase kang nilalang?"
"Nevermind, kahit ano ka pa basta magkaibigan na tayo," ani ko bago bahagyang nilapit ang noo ko sa noo ng pusa bilang pagbati sa bago at una kong kaibigan.
Maari ko itong ituring na unang regalo ng mahal kong amang hari sa aming mga prinsipe.