02

1147 Words
Chapter 02 3rd Person's POV Dahil sa pagdating ng hari— kaarawan ng prinsipe at pagbaba ng mga devine beast. Nagkaroon ng malaking kasiyahan sa palasyo. Lahat ay nagdiwang at marami sa mg bisita ang kinuha ang pagkakataon na iyon para mapalapit sa mga prinsipe. Ngunit sa pagdiriwanv na iyon katulad ng inaasahan ng batang si Ragen wala sa kaniyang lumapit para batiin. Marami sa mga ito ay nilalayuan siya ngunit hindi na iyon pinansin pa ng batang lalaki. Nanatili itong nakatayo sa pinakasulok at yakap ang pusa na naging devine beast niya. Sa itaas na bahagi ng platform. Nanatiling nakaupo ang hari sa trono— katabi ang reyna at ang anim nitong konsorte. Wala itong emosyon habang nakatingin sa mga nagsasawayawan na mga tao sa loob ng palasyo hanggang sa mapako ang tingin niya sa batang si Ragen na tila namamangha sa mga nakikita. Wala itong kasunod na mga tagapaglingkod at mga kawal na kina-walang ekspresyon ng hari. Nakita niya kasi ang mga tagapaglingkod nito na kasalukuyang nakikisama sa mga tagapaglingkod ng isa sa anim na prinsipe. Tumayo ang hari na kinatingin ng reyna at anim na konsorte. Yumuko ang kanang kamay ng hari na si Yulo Erato at sinundan ang hari kung saan ito patungo. Napatigil ang mga bisita at kusang yumuko matapos dumaan ang hari. Sinundan nila ang hari hanggang sa makarating ito sa direksyon ni Ragen na sandaling napatigil at napayuko. Lumuhod ito bilang respeto ngunit halatang ginaya lang nito ang mga kapatid na nakaluhod hindi kalayuan sa direksyon niya. Huminto ang hari sa harapan niya. Hindi siya makaangat ng tingin dahil sa sobrang bigat ng presensyang dala ng ama niya. "Tumayo ka," ani ng hari na agad sinunod ng prinsipe. Halos mawalan ng kulay ang mukha ng mga tagapaglingkod ng bunsong prinsipe matapos bahagya silang titigan ng kanang kamay ng hari. "Hindi ka ba tinuruan ng tamang etiquette?" malamig na tanong ng hari. Ibubuka ni Ragen ang bibig ng isara niya ulit iyon. Lumuhod muli ito at nanginginig na humingi ng tawad. "Patawarin mo ako amang hari." Lumakas ang hangin at kasunod 'non ang pagtaas bahagya ng kasuotan ng prinsipe. Parang natuklaw ng ahas ang mga tagapaglingkod matapos magdilim ang mukha ng hari nang makita ang ilang pasa sa katawan ng prinsipe. Hinablot ng hari ang prinsipe patayo at doon nakita niya ang marami pang pasa ng prinsipe. "Ilang taon na ang prinsipe?" malamig na tanong ng hari. "Pitong taon na ngayon mahal na hari," sagot ng kanang kamay nito na si Yulo. Mabilis na lumuhod ang mga tagapaglingkod. Humingi ng tawad ang mga ito at nagpaliwanag. Paraan daw iyon ng pagdidisiplina nila sa prinsipe. "A-Amang hari," ani ng prinsipe. Binitawan ng hari ang prinsipe. Kasabay ng pandidilim ng anyo nito ang paglabas ng asul na k kapangyarihan. "Nagawa niyong saktan ang isa sa prinsipe kahit alam niyo na ang nanalaytay sa katawan ng bawat isa sa kanila ay galing sa dugo ko at laman?" malamig na sambit ng hari. Napatayo ang reyna matapos lumakas ang hangin. Naging sunod-sunod ang iyak ng mga tagapaglingkod at paghingi ng mga ito ng tawad sa hari habang nakaluhod. Tila napako sa kinatatayuan si Ragen ng nahati sa dalawa ang mga tagapaglingkod at biglang sumabog— nagkalat ang dugo ng mga ito sa paligid at wala sa mga bisita ang nakagalaw. Lumuhod lahat ng mga tagapaglingkod at nanginginig na yumuko. "Tumawag kayo ngayon ng mga manggagamot at ipadala iyon ngayon sa palasyo ng ika-walong prinsipe," malamig na sambit ng hari. Tiningnan ng hari ang prinsipe na ngayon ay biglang yumuko matapos maramdaman ang titig ng hari. Halos maggitgit naman ang anim na prinsipe na nandoon matapos makita ng ginawa ng hari para sa bunsong prinsipe. Malinaw na iba ang pakikitungo ng hari sa pinakabatang prinsipe. Ragen Percival's POV "Nakita ko ang amang hari. Hanggang ngayon hindi ako makapaniwalang pinagtanggol niya ako," natutuwa na sambit ko sa pusa na hawak ko. Niyakap ko ito habang nakaupo sa ibabaw ng kama. Maaga natapos ang pagdirawang dahil sa biglang pagpapakita ng hindi magandang ekspresyon ng hari. Tiningnan ko ang itim na pusa ng bigla itong bumaba— natawa ako matapos humiga ito sa kama at inismiran ako. "Ano kang klaseng nilalang? Isa ka lang talagang pusa? Hindi ka ba nakakapagsalita?" tanong ko bago dumapa sa kama at dinutdot-dutdot ang pisngi ng pusa. "Hala! Nagbibiro lang ako!" medyo nag-panic na sambit ko matapos ako nito tangkain kalmutin. "Huwag kang magalit sa akin. Sorry kung kinukulit kita— ngayon lang kasi ako nagkaroon ng kausap," bulong ko matapos makita na parang naiinis ang devine beast. "Bakit hindi mo na lang ako bigyan ng pangalan imbis dumaldal ka diyan ng dumaldal." Literal na nanlaki ang mata ko matapos marinig na nagsalita iyong pusa. "Nagsalita ka? Hindi nga!" natutuwa na sambit ko. Sinamaan niya ako ng tingin kaya napasimangot ako. "Sige na nga. Ahm, how about mingming?" tanong ko. Sumama ang mukha ng pusa na kinakamot ko sa ulo. "Dahil devine beast ka how about, Lazaro na lang? Mas cool pakinggan diba?" Natutuwa na tanong ko. Hindi naman siya umapila kaya sa tingin ko ayos na iyon sa kaniya since ayaw niya ng mingming. Hindi ko alam pero nakaramdam ako bigla ng antok. Hinilig ko ang ulo ko sa kama at unti-unting pinikit ang mga talukap. Bakit bigla yata akong inantok. 3rd Person's POV Saktong pagpikit ng mata ni Ragen ang pag-aanyong batang lalaki ng pusa. "Masyadong malakas para sa kaniya ang kapangyarihan ko," bulong ng batang lalaki na halos kaedaran lang ni Ragen. Tumayo ang batang lalaki at bahagyang pinalutang ang sarili paangat sa kama. Inayos niya ng higa ang magsisilbi niyang master at nilagyan ito ng kumot. Nilagyan niya din ng proteksyon ang buong palasyo na naging dahilan para may itim na liwanag ang bumalot sa buong palasyo. Nagsiliparan ang mga ibon sa kagubatan matapos maramdaman ang bahagyang pagyanig ng lupa. Agad na bumalik sa anyong pusa ang devine beast matapos may marinig na mga yabag ng mga kawal galing sa labas ng palasyo. Patungo iyon sa direksyon nila at sa pagkawari ng devine beast ay galing iyon sa palasyo ng hari. May kumatok sa malaking pintuan ng palasyo at ng walang sumagot. Bumukas iyon at doon nakita ng devine beast ang kanang kamay ng hari na si Yulo Erato. May lumapit na kawal kay Yulo Erato at yumuko. Sinabing may itim na kapangyarihan ang bumabalot sa mirror palace at wala sa isa sa mga kawal ang pinapasok. Dahil nakapasok ang kanang kamay ng hari at ang isa nitong kawal. Hindi alam ng devine beast kung anong klase itong mga nilalang. Lumuhod si Yulo at ang kawal bilang respeto sa devine beast at humingi ng paumanhin sa paggambala nito. Sinara muli ng Yulo ang pinto at nilinisan ang silid ng prinsipe. "Sir Erato," ani ng kawal na kasama. "Alam ko at tama ang hinala ng hari," malamig na sambit ng lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD