Prologue

662 Words
"Ngayon ang araw kung saan gaganapin ang pagpili ng nararapat na guardian para sa walong prinsipe," malakas ang boses na anunsyo ng isa sa ministro ng hari. Ito ang araw na kinakatakutan ko dahil ang guardian na tinutukoy nila ay mga Devine beast. Mga nilalang na sinugo ng langit para mag-participate sa gaganaping pagpili ng susunod na hari. Makakapangyarihan na nilalang na siyang pipili sa prinsipe na magiging katuwang nila sa ilang libong taon na pananatili nila sa lupa. Kung sakaling walang devine beast na lumapit sa akin siguradong itatapon ako ng buong imperial family sa labas ng palasyo. Wala akong interes sa trono pero ayoko mawala sa palasyo. Palihim na nagtawanan ang mga kapatid kong prinsipe matapos mapadapo ang tingin sa akin. Lahat ng mga kapatid ko may mga kapangyarihan na naayon sa kalikasan katulad ng hangin, lupa, tubig, kidlat, apoy, at yelo. Kahit walang ang devine beast magagawa nilang manatili sa itaas ngunit ako— bukod sa gawing mainit ang paligid at magpaulan ng mga bulaklak. Hindi ko na alam ang kaya ko pang gawin. Wala akong kapangyarihan ayon sa kumakalat na balita sa palasyo. Hinawakan ko ng mahigpit ang suot kong kasuotan matapos magsimula ang ritwal para tawagin ang mga devine beast. Nauna lumapit ang kaisa-isang anak ng reyna at pinatak ang dugo sa bilog na tinapakan niya an kasalukuyang naglalabas ng puting liwanag. Sa isang iglap naging pula iyon at mula sa langit may bumabang pulang liwanag. Nanlaki ang mata ko matapos makitang isa iyon dragon. Maraming nagsasabi na kapag nagawa mong tawagin ang devine beast at bumaba iyon. Pinili ka nito at panghabang buhay mo na itong makakasama. "Gusto ko ng kaibigan," bulong ko matapos makita iyon. Gusto ko ng kasama kahit ano pa siyang nilalang. Dahil ako ang pinakabata sa walong prinsipe ako ang pinakahuli. Nang marinig ko na ang pangalan ko nagsimula na ang bulungan. Alam ng lahat kung gaano ako kahina kaya alam nilang kahit pagbukas sa langit ay hindi ko magagawa. Ngunit hindi ako pwedeng tumakas dito wala akong pagpipilian. Kinagat ko ang dulo bg daliri ko at agad kinangiwi ko dahil sobrang baba ng tolerance ko sa sakit. Kahit kaya kong magpagaling hindi ko kayang pagalingin ang sarili ko. Kailangan ko iyon tiisin. Pumatak ang dugo ko sa puting liwanag—tumingala ako para palihim na magdasal na sana may bumaba para sa akin. Kahit hindi siya kasing lakas katulad sa ibang prinsipe— kahit hindi siya maganda basta devine beast at maari kong maging kaibigan. Mas lumakas ang bulungan matapos walang lumabas para sa akin. Narinig ko ang tawanan ng mga kapatid kong prinsipe na kinayuko ko. Tiningnan ko ang hari na kasalukuyang pinanonood ako. Wala siyang ekspresyon habang nakatingin sa akin— nakakahiya. Napayuko ako matapos marinig ang boses ng mga ministro at ang pagiging kahihiyan ko sa buong imperyo. Hanggang sa napansin ko na lang na umiiyak na pala ako dahil sa bigat ng nararamdaman ko. Napatigil ako nang biglang magkulay itim ang magic circle o iyong bilog na ginawa ng mga maestro at biglang nag-c***k iyon. Napaupo ako matapos lumabas ang itim na liwanag at galing iyon sa ilalim ng lupa. Napanganga ako matapos maglaho iyon at isang itim na pusa ang kasalukuyang nakatayo sa gitna ng magic circle. May pula itong mga mata at may maliit na hugis diamond ang nakatatak sa noo nito. Lumiwanag ang mukha ko matapos makita ang bagay na iyon kaya mabilis akong lumapit at dinampot ang maliit na pusa. "Sumagot ka sa tawag ko ibig sabihin gusto mo ako maging kaibigan?" maliwanag ang mukha na sambit ko. Napatingin ako sa direksyon ng hari at bahagya akong nagtaka matapos makita amg gulat sa ekspresyon nito. Tiningnan ko ulit ang pusa na hawak ko na ngayon ay makatitig sa mata ko. "Anong klase kang nilalang?" "Nevermind, kahit ano ka pa basta magkaibigan na tayo," ani ko bago bahagyang nilapit ang noo ko sa noo ng pusa bilang pagbati sa bago at una kong kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD