05

2195 Words
Chapter 05 3rd Person's POV Sa kalaliman ng gabi— nagising si Lazaro. Nag-unat si Lazaro bago tumayo mula sa pagkakadapa sa kama. Nilingon niya si Ragen na mahimbing pa din ang tulog. Tumalon ang leopard pababa at nag-anyong batang lalaki. Hanggang sa mga oras na iyon hindi alam ni Lazaro kung paano siya napunta sa lugar na iyon. Paano siya nagising kung nasentesyahan siya ng nakakataas ng habang buhay na pagkakatulog. Hinawakan ng batang lalaki ang baba at tiningnan ahg mga kamay. Bumalik din siya sa pagiging bata. Tiningnan niya si Ragen— naglakad ang batang lalaki sa side ni Ragen. Sinilip ito habang natutulog. "Napakahina mong nilalang. Paano mo nagawang gisingin ang leveling beast na katulad ko," bulong ni Lazaro. Malinaw sa kaniyang tingin ang kapangyarihan na nasa katawan ng batang lalaki. Hindi iyon ang level ng kapangyarihan na magagawang tawagin ang katulad niya. Nawala lang ang tingin ng batang si Lazaro kay Ragen matapos may maramdamang nagpupumilit pumasok sa barrier. Agad na naglaho si Lazaro. Naglakad ang batang lalaki palapit sa barrier. May nakita siyang tatlong matanda na mukhang mga magician. Hindi ng mga ito nakikita si Lazaro. May sinusubukan ang mga itong ritwal para mawala ang barrier. Napangisi si Lazaro at nag-anyong leopard. Napatigil ang tatlong magician at inatake sila ni Lazaro. Kinagat ng leopard sa leeg ang magician at tinunaw ang buong katawan hg dalawang taong nagawang tumakbo. Iniwan ni Lazaro ang ulo ng mga ito na agad mga gumulong sa sahig. Mula sa malayong bahagi ng mirror palace nakaupo ang isa pang lalaki. Hindi maganda ang expression nito habang nakatingin sa leopard at kung paano nito tinapakan ang ulo ng tatlong magician na sumusubok pumasok sa mirror palace. Kinabukasan, Nagtitili ang mga tagapaglingkod na napadaan sa 3rd gate matapos makita ang tatlong magician na nanggaling sa tower. Nakasabit ang mga ulo nito doon. Agad na tumalima ang mga knight ng palasyo. Naglikha iyon ng malaking kaguluhan dahilan para ipatawag ang mga prinsipe sa bulwagan kasama doon si Ragen na hindi magawang makatingin sa hari. Nagbigay galang ang mga prinsipe. Hindi kasama ni Ragen ang guardian kaya napatingin sa kaniya ang mga prinsipe. Sinabing iniwan ng guardian ni Ragen si Ragen. Hindi alam ng mga ito na pinagbawalan ni Ragen ang guardian na lumabas ito ng kwarto at nagkaroon ng away. "Walang nakuhang ebidensya na galing sa labas ang umatake sa mga magician kaya gusto ko malaman kung sino sa inyo ang may gawa," tanong ng hari. Nagdududa ang hari sa tatlong magician galing sa tower ngunit pumunta ang mga ito doon bilang bisita. Ayaw na ng hari ng mas malaking kaguluhan kaya mas magandang maging malinaw iyon sa lahat. Humakbang palapit si Ragen. Nagkaingay ang mga maharlikang nasa bulwagan din ng araw na iyon. "Prinsipe Ragen?" ani ng hari. Lumuhod si Ragen at yumuko. "Kahit anong kaparusahan mahal na hari ay tatanggapin ko," ani ni Ragen na nakayukom ang kamao. Tumingin ang Ragen. "Walang alam dito ang aking mga tagapaglingkod at si Lazaro. Nagmamakaawa ako mahal na hari hayaan niyong akuin ko ang kasalanan," ani ng prinsipe. Tumawa ang mga kapatid na prinsipe ni Ragen. Sinabihan itong mahina at mababang uring nilalang. "Gusto kong linawin mo ngayon din kung paano mo naging kasalanan ang lahat," tanong ng hari na may kalmadong boses. Tumayo si Ragen at sinalubong ng tingin ang hari. "Hindi ko nagagawang kontrolin ang guardian ko na si Lazaro. Nabigo akong kontrolin siya kaya agad niyang inatake ang tatlong tao na nagpupumilit pumasok sa mirror palace. Hindi siya napansin nina Victor na lumabas at hindi ako naimporma agad," ani ng prinsipe. Tinungkod ng hari ang siko sa arm rest ng trono at humalumbaba. "Then paano mo naging kasalanan kung malinaw na dahil iyon sa kapabayaan ng mga tagapaglingkod mo at pagiging bayolente ng guardian mo iyon," ani ng hari. Nagbulungan ang mga maharlika matapos iyon. "Nasa palasyo ko sila mahal na hari. Naging pabaya ako bilang prinsipe— responsibilidad ko ang aking mga tagapaglingkod at ang aking guradian. Bilang prinsipe nabigo akong disiplinahin sila," ani ng prinsipe. Napangisi ang hari doon. "Latiguhin ng sampung beses ang prinsipe ngayon din," ani ng hari. Lumuhod si Ragen at inisa-isang tinanggal ang butones ng kaniyang kasuotan. May mga dumating na kawal ngunit nagpresinta si Yulo na siya na ang gagawa. Bumaba si Yulo at kinuha ang latigo. Sa isang iglap lumuhod ang mga tagapaglingkod ng prinsipe at sina Victor. Paulit-ulit ang mga ito na nagmakaawa na huwag saktan ang prinsipe. "Mahal ma hari! Kahit ilang daan beses pa hayaan niyong tanggapin namin ang parusa!" Kahit ang mayordoma ay nagmakaawa. Sinabing kapabayaan nila iyon at bata pa ang munting prinsipe. Nawala ang tuwa sa mga mukha ng prinsipe matapos makita iyon. Nanlaki ang mata ni Ragen dahil doon. Sumubsob sina Victor bilang pagpapakumbaba at pagmamakaawa. May mga ministro na sumabat na din at sinabing hindi dapat ang isang prinsipe. Hayaan ang mga tagapaglingkod na tanggapin ang parusa. Sinabi ng hari na luluhod ang mga tagapaglingkod ni Ragen sa 3rd gate ng dalawang oras. Umapila si Ragen ngunit hindi umimik ang hari. "Kung ganoon ay sasama ako kina Victor." Yumuko ang prinsipe bilang respeto at tumakbo patungo sa mga tagapaglingkod. Sinabing sasama siya. Nakapako ang tingin ng hari kay Ragen na nakahawak sa kamay ni Victor na palabas ng bulawagan matapos magbigay ng respeto. — Lahat ng tagapaglingkod ay halu-halo ang reaksyon matapos makita ang pang-walo na prinsipe na nakaluhod kasama ang mga tagapaglingkod niya. May iba na natatawa may iba naman na naawa sa prinsipe. Sinabi nina Victor na bumalik na ito sa palasyo ngunit hindi ito gumalaw. Maya-maya nakita nila si Lazaro. Dumapa ito tabi ng prinsipe na nasa gitna din ng initan. "Lazaro! Sinabi ko ng huwag kang aalis sa palasyo. Hindi ka ba talaga marunong sumunod sa akin." Hindi siya pinansin ng pusa at inismiran lang siya. Naiinis si Ragen kaya dinampot niya si Lazaro at binuhat. Kinalog-kalog ito at sinabi na matutong sumunod si Lazaro. "Kapag hindi ka sumunod ipapatay tayong lahat ng hari! Bakit ba ayaw mo sa akin makinig Lazaro!" sigaw ni Ragen. Tumulo ang luha ni Ragen habang hawak si Lazaro at nakaluhod. "Wala akong ibang gusto kung hindi manatili s palasyo kasama kayo. Iyon lang Lazaro— hindi mo ba magawang pigilan ang kagustuhan mong pumatay ng tao. Putulan mo sila ng paa o kamay wala akong pakialam pero please huwag kang papatay ng tao." "Naiintindihan ko na malakas ka pero sana maintindihan mo na kapag pinagpatuloy mo ito ako, ikaw at ang mga tagapaglingkod ang mapaparusahan," ani ni Ragen. Nakatingin lang sa kaniya si Lazaro— niyakap siya ni Ragen at sinabing sorry. Hindi umalis doon si Lazaro at ginawa din ang parusa. Nang matapos ang oras— hindi na nagawa ni Ragen na tumayo kaya agad siya binuhat ni Victor. "Hayaan mong dalhin kita sa palasyo mahal na na prinsipe." Tumingin si Lazaro kay Victor. Nagtaraasan ang balahibo ni Victor at hindi nag-abalang nagbaba ng tingin. Ramdam niya ang tingin ni Lazaro at masamang pangitain iyon. Pumasok sila sa mirror palace. Binaba ni Victor si Ragen sa gilid ng kama na buhat si Lazaro. Nagpaalan si Victor na kukuha ng ointment— namumula ang tuhod ni Ragen. Nagtaka si Ragen kasi nakikita niyang namumutla si Victor. Biglang na-guilty si Ragen sa idea na naparusahan sina Victor dahil sa kapabayaan niya. — Nang makalabas sina Ragen para gawin ang parusa biglang nagbago ang atmosphere. "Ngayon prinsipe Sargen. Sa paano mong paraan tatanggapin ang parusa mo ngayon?" tanong ng hari. Napatigil ang lahat matapos marinig iyon sa hari. "Mahal na har—" "Wala akong hindi alam sa loob at labas ng palasyo Sargen. Alam kong ikaw at ang unang konsorte ang nasa likod ng pagtangka ng mga magician sa mirror palace. Maaring walang nangyari sa prinsipe ngunit kayo ang puno't dulo nito. Inatake ng guardian ang mga magician dahil nagtangka ang mga itong wasakin ang barrier na nilagay ng guardian," ani ng hari. Nakagat ng batang lalaki ang labi. "Ngunit mahal na hari napatay ng guardian ang mga magician at ligtas ang prinsipe," apila ng unang konsorte. Sumang-ayon din ang iba pang konsorte. Doon pa lang alam na ng hari na gusto ng mga konsorte na mawalan ng lugar ang pang-walo na prinsipe sa palasyo. Hindi iyon hahayaan ng hari— hangga't siya ang hari mananatili ang prinsipe sa palasyo na iyon at magtatamasa ng katahimikan. "Alam niyo bang pwede ko kayo sentensyahan ng kamatayan— hindi ko maaring senstesyahan ang prinsipe ngunit ikaw unang konsorte ay maari," ani ng hari at tiningnan ang unang konsorte. Nagtaasan ang balahibo ng konsorte matapos makita ang kakaibang tingin sa kaniya ng hari. "Ang pagtangka sa buhay ng isa mga prinsipe ay nasa ilalim ng parusang kamatayan. Kung hindi napatay ng guardian ang mga magician at tinuro kayo— sa tingin mo mahal na konsorte magdadalawang isip ako na ipaputol ang ulo mo?" tanong ng hari. Namutla ng todo ang pangalawang prinsipe dahil doon. "Itatak niyo ito sa isip niyo. Anak ko ang ikawalong prinsipe— nanalaytay sa katawan niya ang dugo ko. Isa siya sa mga tagapagmana. Tandaan niyo iyan," malamig at may diin na sambit ng hari. Napayuko ang unang prinsipe habang tinatago ang sobrang panggigitgit. Pagkatapos ng nangyaring iyon. Nanahimik ang mga prinsipe at konsorte. Nagsimula na din si Ragen mag-aral kasama ang mga prinsipe at ilan pang anak ng mga maharlika na nasa itaas na posisyon. Malungkot ang prinsipe dahil walang nais makipagkaibigan sa kaniya. Sinubukan niya makipag-usap katulad ng sinabi ni Victor ngunit halatang umiiwas ang mga ito sa kaniya. Nanatiling nakatingin si Ragen sa mga kapatid na napapalibutan ng mga kaklase niya. Pinakikita ang mga guardian nila. "Hey." Napatigil si Ragen at napalingon. May nakita siyang bata na kaedaran lang din niya. Kinukulbit siya nito— ito iyong palaging tulog sa klase at nasa likuran niya. "May pagkain ka ba na dala. Pahingi ako. Nagugutom na ako," ani ng batang lalaki. Lumiwanag ang mukha ni Ragen dahil may kumausap na din sa kaniya. "Meron akong baon. Teka," ani ni Ragen. Kinuha niya ang isang lalagyan sa ilalim ng table niya. May mga cookies iyon na laman at binigay sa kaniya ng mayordoma. "Ito sa iyo na lang," ani ni Ragen na may ngiti sa labi. Kinuha iyon ng lalaki at sinampa ang dalawang paa sa lamesa. "Salamat dito," ani ng lalaki at ngumisi. Ngumiti si Ragen at sinabing welcome. Natutuwang umayos ng upo si Ragen. May kumausap sa kaniya at natutuwa siya doon. Napatigil si Ragen matapos maramdaman ang tingin sa kaniya ng lahat. Nakatingin din sa kaniya ang unang prinsipe. Biglang nalungkot si Ragen. Tinanong sa sarili kung may nagawa na naman ba siya. "Pang-ilan ka sa mga prinsipe?" tanong ng lalaki. Lumingon si Ragen. "Pang-walo ako," sagot ni Ragen. Napatigil ang batang lalaki sa pagsubo at tiningnan si Ragen. "Ow— wala ka talagang nakuha sa appearance ng hari. Tama ang kumakalat na balita," ani ng lalaki at ngumuya. Hindi umimik si Ragen. "Kamukha ko daw ang ina ko," bulong ni Ragen. Kumuha ulit ng cookies ang lalaki at kumain. "Then she's pretty. Kung buhay ina mo siguradong siya ang pinakamagandang babae sa buong kaharian," ani ng batang lalaki. Napatigil si Ragen at lumingon. "Paano mo nasabi?" tanong ni Ragen. Tinaasan siya ng kilay ng batang lalaki. "Hindi ka ba tumitingin sa salamin? Sinabi mo din kamukha mo ang ika-pitong konsorte kaya nasabi kong maganda siya." Natawa si Ragen at nagpasalamat. Tinitigan lang siya ng batang lalaki. Humaba ang usapan nina Ragen— lumipat pa ang lalaki sa tabi niya at nagkwento tungkol sa mga alaga niya na hayop sa kaharian nila. Sobrang na-curious naman doon si Ragen dahil kahit kabayo ay hindi pa siya nakakakita. Talagang focus ito sa pagkukwento ng batang lalaki at hindi napansin ang masamang tingin na pinupukol sa kaniya ng mga prinsipe. Walang kaalam-alam ang prinsipe sa tunay na katauhan nang batang lalaki na kausap at katawanan niya ng mga oras na iyon. Matapos ang klase sinabayan siya ng batang lalaki palabas ng study room. Lumapit ang mga tagapaglingkod ng prinsipe na sina Victor. "Victor! Look nagkaroon ako ng bagong friend!" excited na sambit ni Ragen. Tinuro niya ang batang lalaki. Nanlaki ang mata nina Victor. Agad ang mga ito lumuhod. Nagtaka si Ragen. Nilingon niya ang batang lalaki na inosente siyang tinitigan. "Leroy? Anong title mo bakit nakaluhod sina Victor?" tanong ni Ragen. Pangalan lang kasi sinabi nito. "Hindi mo alam kung ano at sino ako?" tanong ng batang lalaki. Inosente siyang tiningnan ni Ragen at sinabing siya si Leroy. Tumawa ang batang lalaki at sinabing siya nga si Leroy. "Teka sabi mo sabay tayong gagawa ng assignment. Iimbitahan mo ako sa palasyo mo," ani ng batang lalaki. Halatang iniba ang usapan. Tumayo sina Victor na may hindi makapaniwalang expression. "Ay oo nga! Tapos papakilala ko sa iyo si Lazaro. Iyong kaibigan ko na pusa," ani ni Ragen. Sinabi ni Ragen na guardian niya si Lorenzo at mabait. "Nagsasalita din siya kaso masyadong tamad. Wala siyang ginawa kung hindi matulog at kumain. Ayaw niya din makipaglaro sa akin." "Minsan sinabihan ako 'non ng get lost. Niyaya ko lang naman siya maglaro."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD