Chapter 07
3rd Person's POV
Noong nagpakitaan minsan ng talent sa university at paraan ng pakikipaglaban. Nakita ni Ragen na may mga human form din ang mga guardian ng kapatid.
"No," sagot ni Lazaro. Lumiwanag ang mukha ni Ragen at kinulit ito. Gusto ni Ragen makita ang human form ni Lazaro.
"No," sagot ni Lazaro. Hindi tinigilan ni Ragen si Lazaro ngunit nagpanggap lang si Lazaro na walang naririnig.
Napasimangot si Ragen at humilig sa katawan ng leopard. Sinabi ni Ragen ang pinag-usapan nila ni Leroy at ang plano nga niya na umalis ng palasyo.
"Bakit hindi mo gamitin ang kapangyarihan ko," ani ni Lazaro. Gising pala si Lazaro— sinabi ni Ragen na kaibigan niya si Lazaro.
"Hindi kita sandata," ani ni Ragen. Napa-pokerface si Lazaro at tumayo. Napahiga si Ragen sa kama at napatingin kay Lazaro
"Hindi ako nandito para maging kaibigan mo lang. May responsibilidad tayo sa isa't isa na kailangan natin gampanan sa ayaw natin at gusto."
Matagal bago sumagot si Ragen. Sinalubong ni Ragen ang pulang mga mata ni Lazaro na ngayon ay nakababa ang tingin sa kaniya.
Bumangon si Ragen at napahawak sa batok. Sinabing ano bang gagawin para makabuo ng sa contract.
Napahiga si Ragen matapos siya patungan ng leopard. Nagulat si Ragen matapos balutan ng itim na kapangyarihan ang leopard na nakapatong ngayon sa kaniya.
"Sa pamamagitan nito."
Natulala si Ragen nang bago pa luminaw ang paningin niya sa bulto ng isang lalaking ngayon nasa ibabaw niya ay magkadikit na ang labi nila.
Gulat na gulat si Ragen. Hindi nito nagawang kumurap o gumalaw. Unti-unti ng luminaw sa paningin niya ang mukha ng guardian.
Isa itong napakagwapong binata na may pulang mga mata at marka sa noo. Nang maghiwalay ang labi nila— ngumisi si Lazaro.
"I-Ikaw— niloloko mo ba ako Lazaro!"
Naitulak ni Ragen ang lalaki mula sa ibabaw niya. Biglang tumawa si Lazaro— pulang-pula si Ragen habang nakatakip ang labi.
Muli natulala na naman si Ragen sa perfect features ng leopard. As in wala siyang mailalait sa tiyura nito at body build.
"I-Ikaw— wala kang ginawa kung hindi bwisitin ako," ani ni Ragen na may naasar na expression. Ngumisi lang si Lazaro at bahagyang sinuklay ang buhok.
"Huwag ka nga masyadong seryoso. Binibiro lang kita," ani ni Lazaro. Sumama ang expression ng mukha ni Ragen.
"Ito seryoso na," ani ni Lazaro. Nagtangka muli si Lazaro na lumapit. Umatras si Ragen at sinaway si Lazaro na ngayon ay nakatungkod ang dalawang braso sa magkabilang gilid ni Ragen.
"Lazaro!" saway ni Ragen. Tumawa si Lazaro at sinabing lalagyan niya lang ng seal si Ragen. Nilapit ni Lazaro ang labi sa leeg ni Ragen na kinasinghap ng prinsipe matapos mapadikit ang malambot na labi ng guardian.
Binuka ni Lazaro ang mga labi— kinagat si Ragen. Napasigaw si Ragen sa sakit at sa init. Biglang bumukas ang pinto.
Nanlaki ang mata nina Victor. Sumigaw na mahal na prinsipe at hinugot ang espada.
Nakita nila si Lazaro na halfnaked at nakakulong sa mga braso nito si Ragen na hawak ang gilid ng leeg. Bago pa makalapit sina Victor may itim na kapangyarihan ang humarang.
Pinigilan sila ni Ragen na hawak ang gilid ng leeg at sinabing si Lazaro iyon. Parang pinupunit ang laman niya sa leeg. May naramdaman din siyang bultahe ng kuryente na pumasok sa katawan niya na hindi niya alam kung saan nanggaling.
Nanginginig ang laman niya dahil doon. Hanggang sa nakaramdam siya ng hilo— dahil yakap lang siya ni Lazaro. Napahilig lang si Ragen.
—
Kinabukasan nakausap ni Ragen si Leroy matapos ito muling pumunta sa palasyo niya. Nagtaka si Leroy.
"Marka?" ulit ni Leroy. Tumayo ito ay lumapit kay Ragen. Naikwento nga nito na nagkaroon na nga sila ni Lazaro ng contract. May seal na din siya.
Pinakita ni Ragen ang marka niya. Matapos makita ang marka na nasa gilid ng leeg ni Ragen parang tinuklaw ng ahas si Leroy. Sobrang pamilyar ng marka na iyon sa kaniya.
"Ra-Ragen— noong nagkaroon ng ritual para sa pagpili niyo ng guardian. Galing ba si Lazaro sa magic circle?" tanong ni Leroy. Nagtaka si Ragen ngunit sinabi nitong hindi niya alam.
"Natatandaan ko lang sa araw na iyon nagkaroon ng c***k iyong magic circle. May itim na liwanag tapos lumabas si Lazaro."
Naitikom ni Leroy ang bibig. Pagkatapos 'non bumalik na si Leroy sa upuan niya at pinagmasdan si Ragen na kasalukuyang umiinom ng tea.
Nag-iba ng ng usapan si Leroy. Lumipas ang ilang oras nagpaalam na din si Leroy hinatid siya ng lalaki sa labas ng palasyo.
Ngumisi si Leroy at kumaway kay Ragen ng mga oras na iyon ay kasunod ang mga tagapaglingkod niya.
Pagtalikod ni Leroy nakapamulsahan na tinahak ni Leroy ang daan patungo sa palasyo ng hari.
Inianunsyo ang pagdating niya at pagpasok ng bulwagan. Nagbigay ng respeto ang mga nasa loob maliban sa hari na nanatiling nakaupo sa kaniyang trono.
"Anong ginagawa ng hari ng Greenefield dito? Nakakapagtakang nakipagkita sa akin," ani ng hari. Nag-gesture ang hari na lumabas ang lahat.
Nanatili si Yulo sa loob. Lumabas lahat ng tao na nasa bulwagan nang sa mga oras na iyon ay kausap ng hari.
"Anak niyo ba talaga si Ragen?"
"Anak ko siya o hindi. Hindi ba't hindi na dapat manghimasok dito ang Greenefield?" sagot ng hari. Sumama ang expression ni Leroy.
"Then alam niyong isa leveling beast ang guardian ni Ragen at hindi devine beast," ani ni Leroy. Napatigil ang hari at kumunot ang noo. Magsasalita ang hari nang may lumabas na nilalang sa katawan ng hari.
"Anong ibig mong sabihin? Leveling beast! Alam mo ba kung anong sinasabi mo mortal!" bulyaw ni Rasin. Napatingin si Yulo. Nagdidilim ang mukha ni Rasin.
"Pinakita sa akin ang marking ng isang leveling beast. Hindi ako pwedeng magkamali," ani ni Leroy. Ang kaharian nila ay pinanggagalingan ng lahat ng kaalaman. Wala silang hindi alam lalo na kung tungkol ito sa mga guardian.
"Galing ako sa Greenefield at sigurado ako doon. Noong una nagdududa pa ako kasi hindi talaga ako sigurado at the first place hindi pa ako nakakita ng isang leveling beast. Nagdududa lang ako dahil sa pakikitungo ng guardian ni Ragen sa kaniya then nakumpirma ko iyon matapos makita ko ang first mark ni Ragen. 100% sure ako na hindi iyon nanggaling sa isang devine beast or kahit sa mga low rank beast.
Ang devine beast ay ang mga nilalang na natural na nilikha ng mga diyos para maging kaagapay ng mga royal bloods sa iba't ibang kaharian sa emperyo.
Bumabase ito sa kung anong nararamdamang emosyon ng contractor at umaatake base sa sinasabi ng contractor. Karaniwan sa mga attribute ng mga ito ay base sa kalikasan katulad ng apoy, tubig, lupa at iba pa.
Ang direktang tumatanggap ng blessing na ito ay ang mga tagapagmana na nanggaling sa lionhart kingdom. Pinanganak para mga mamuno.
Ang mga shape shifter beast o ang mga tinatawag na low rank beast naman ay ang mga nilalang na maaring nanggaling sa black sea empire. Ito ang mga descendants na sinilang para maging mga mandirigma. Kaya ng mga guardian na ito na mag-anyong sandata base sa kagustuhan ng contractor.
"Imposible na magkaroon pa ng isang leveling beast sa panahon na ito. Matagal na silang hindi nage-exist," ani ni Rasin. Nainis si Leroy. Tinawag nito ang guardian.
"Athena— ipakita mo sa kanila ang nakita kong marka ni Ragen," utos ni Leroy. May lumabas na isang nilalang. Asul na nilalang— walang mukha nguni may pakpak at katawan ng isang babae.
Umikot ito at naging asul na liwanag. Napatingin doon ang hari at doon nakita nila ang marka.
"Hindi iyan ang seal ng isang devine beast," ani Yulo. Nagulat si Rasin matapos makita iyon.
"First mark iyan ng isang leveling beast. Hindi malayo iyon sa seal ng isang devine beast ngunit malaki ang pagkakaiba ng ng mga ordinaryong beast sa isang leveling beast," ani ni Leroy. Pinaglaho niya ang guardian niya.
"Kaya ng isang leveling beast na wasakin ang isang emperyo gamit ang isang atake lang. Sabihin na natin maswerte si Ragen at ang emperyo na ito na napunta sa kaniya ang isang leveling beast ngunit—"
"Hindi nalalayo ang mga leveling beast sa isang tao. May sarili silang buhay, pag-iisip at desisyon. Wala silang sense of justice at pakialam sa kahit na sino— iyon ang dahilan kung bakit pinatulog sila ng mga diyos at itinapon sa malayo at malalim na bahagi ng heaven's realm," bulong ni Rasin. Puno ng pagnanasa at pagkasakim ang mga leveling beast lalo na kung may isang bagay silang ninais.
"Mabait ang prinsipe kaya alam ko na hindi niya iti-take advantage ang kapangyarihan ng leveling beast," ani ni Yulo. Tumingin si Leroy.
"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Hindi ito about sa kung ano ang nasa kalooban ni Ragen. Hindi isang devine beast ang guardian ni Ragen," may diin na sambit ni Leroy.
"May mga nabasa akong libro about sa mga leveling beast. May isang emperyo ang winasak ng isang leveling beast at pinatay nito ang guardian niya matapos magpakasal ibang lalaki."
"Masyadong territorial ang isang leveling beast maswerte tayo kung sa ibang bagay ma- obsessed ang leveling beast na iyon ngunit paano kung kay Ragen?" tanong ni Leroy. Sumama ang mukha ng hari matapos marinig iyon.
—
"Wala akong balak magpakasal kaya ayos lang," sagot ni Ragen. Napatanga si Yulo matapos marinig iyon.
Sinasandalan ni Ragen si Lazaro na hindi 'man lang piangtuunan ng pansin si Yulo. Sinabi ni Yulo ang about sa leveling beast.
"Wala sa kaharian na ito ang hindi magkakainteres sa iyo at isa pa hindi mo nais makigulo sa pitong prinsipe diba? Kung magpapakasal ka at pupunta sa ibang kaharian— hindi mo kailangan makipaglaban pa para sa buhay mo mahal na prinsipe," ani ni Yulo. Tiningnan ni Ragen si Yulo.
"Sinasabi mo talaga iyan ng nasa tabi ko si Lazaro?" tanong ni Ragen. Minulat ni Lazaro ang mga mata na kinatigil ni Yulo.
"Naiintindihan ko na nag-aalala kayo ng hari at nina Leroy ngunit ito ang uri ng responsibilidad na hindi ko pwedeng basta talikuran."
"Binigay sa akin ng langit si Lazaro— tinadhana kaming dalawa at naniniwala akong merong dahilan kung bakit binigay sa akin si Lazaro. Maaring hindi kami magkasundo ni Lazaro ngunit hindi ibig sabihin 'non matatakot ako dahil maari niya akong saktan katulad ng sinabi mo," sagot ni Ragen. Yumuko si Yulo at nagbigay ng respeto. Humingi ito ng tawad sa panghihimasok niya.
"Paano mo nasabing hindi kita sasaktan? Aware ka na ngayon na iba ako sa mga aso ng kapatid mo," ani ni Lazaro. Lumingon si Ragen matapos magsalita si Lazaro pagkaalis ni Yulo.
"Sa temperament na meron ka. Siguradong matagal mo na akong ginawang abo dahil lagi palagi kitang kinukulit at ginugulo. Noong bata tayo nasasaktan pa kita dahil masyadong matigas ang ulo mo. Hindi ka sumusunod pero ni minsan hindi mo ako pinatulan," ani ni Ragen. Pinako muli ang tingin sa hawak na libro.
"Whatever," bored na sambit ni Lazaro at hinilig muli ang ulo sa kama. As long as nasa tabi niya si Ragen at nakikita— sigurado naman si Lazaro na hindi mawawala ang lahat ng sanity niya.
At the first place ang dahilan kung bakit siya nanatili doon ay dahil lang sa iisang bagay at tao. Wala siyang interes sa emperyo, trono o sa kapangyarihan.
"Gusto mo ba maging hari Ragen?" tanong ni Lazaro. Napatigil si Ragen.
"Wala akong interes sa trono. Kung ako ang tatanungin gusto ko tumira sa malayong lugar malayo sa palasyo— kasama ka, sina Victor at ama. Ngunit alam ko na imposible iyon. Isa akong prinsipe— para maka-survive kailangan ko labanan ang mga kapatid ko at maging hari."
"Kung wawasakin ko ang kaharian na ito siguradong posible iyon," abi ni Lazaro. Tumawa si Ragen at sinabing huwag magbibiro ng ganoon.
"Mahal na prinsipe."
May kumatok sa pinto. Bumukas iyon at niluwa si Victor. Sinara ng lalaki ang pinto at lumapit kay Ragen.
Yumuko si Victor at nagbigay ng respeto. Nagtaka si Ragen matapos makita ang sobrang pag-aalala sa mukha ni Victor.
"Nagwawala ngayon ang pangalawang prinsipe at nagkakagulo ngayon sa bulwagan. May pumatay sa unang konsorte," ani ni Victor. Napatigil si Ragen at binaba ang hawak na libro.
"Pinatatawag kayo ngayon ng hari sa bulwagan," ani ni Victor. Nagbago ang expression ni Ragen at tumayo.
"Maghanda na tayo," bulong ni Ragen. Minulat ni Lazaro ang mga mata at tumayo.
Hindi inaasahan ni Ragen na maagang mangyayari ang kinakatakutan niya. Ang laban sa pagitan ng mga konsorte— ayaw na ni Ragen isipin kung anong sunod 'non.