08

2139 Words
Chapter 08 3rd Person's POV Inianunsyo ang pagdating ni Ragen kasama si Lazaro at sina Victor. Maraming tao sa bulwagan ang natulala matapos makita si Ragen at ang katabi nitong malaking leopard. Napatigil din ang hari at si Yulo matapos makita si Ragen— kamukhang-kamukha nito ang dating konsorte. Yumuko si Ragen kasunod sina Victor. Nag-away-away ang mga prinsipe ukol sa ginawang pagbibintang ng pangalawang prinsipe. Tanging si Ragen at ang unang prinsipe lang ang hindi nagsasalita at nagre-react. "Wala kayong mga respeto. Sa harap pa kayo ng hari nag-away away," ani ni Yulo. Natahimik ang mga prinsipe. Agad na lumuhod ang pangalawang prinsipe at nagmakaawa na bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kaniyang ina. "Nagmakaawa ka para sa buhay ng iisang tao? Hindi na ako nagtataka kung bakit ikaw ang pinakamahina sa ating pito," ani ng unang prinsipe. Napatingin si Ragen. "Paano naging kahinaan ang paghingi ng hustisya? Hindi ba tao ang tingin mo sa sarili mo?" sabat ni Ragen. Biglang bumigat ang atmosphere. Tumingin ang unang prinsipe. "Sino ka para sagutin ako ng ganiyan ha!" bulyaw ng unang prinsipe. Tumingin sa direksyon ni Ragen ang kasamang dragon ng prinsipe. Pumagitna si Lazaro at nilingon ang dragon. "Katulad mo na isa din prinsipe," banat ni Ragen. Nagliyab ang paligid after 'non. Naghiyawan ang mga tao dahil sa init. Agad na naglaho ang mga prinsipe na nasa gitna. Sinabi ng prinsipe na hindi sila magkapareho dahil isa lamang mababang uri ng nilalang si Ragen. Hindi alam ni Ragen kung anong dahilan ngunit wala siyang nararamdaman na takot. Hindi katulad 'nong nasa university sila at nakita niya ang tunay na kapangyarihan ng prinsipe. "Mahal na prinsipe!" sigaw ni Victor. Hindi makalapit sina Victor dahil aa apoy na pumalibot sa kanila ni Ragen. May mga batang nag-iyakan sa bulwagan. Napatigil ang lahat matapos biglang umulan ng mga bulaklak sa paligid. Lumakas ang hangin. Na-supress 'non ang apoy na kinatigil ng unang prinsipe. Naghalo ang hangin at apoy na naging dahilan para mawala ang init sa loob ng bulwagan. Napalitan iyon ng mabangong amoy at may sariwang hangin. "Masyado kang mainit brother Zaphiro. Nagsabi lang ako ng aking opinyon," ani ni Ragen. Nag-snap si Ragen at nawala ang hangin kahit ang apoy. Medyo nagulat din si Ragen dahil lumakas ang kapangyarihan niya. Tiningnan niya si Lazaro na nasa harapan niya ngayon. "Sino ba ang kailangan ng opinyon mo?" may diin na sambit ng prinsipe. Matama siyang tinitigan ni Ragen. "Hindi ka dapat maging hari. Natatakot ako sa hinaharap ng kaharian kapag ikaw ang naging hari— wala kang kakayahan makinig," kalmadong sambit ni Ragen. Agad na sumabat ang hari at pinagalitan si Zaphiro dahil sa naging asal nito at ginawang atake dahil sa nagpadala ito sa emosyon. Nagdilim ang mukha ni Zaphiro doon. Yumuko ang prinsipe. Napatigil ang lahat matapos biglang lumaki ang dragon. Nagwala iyon at agad na nagiba ang palasyo. Maraming babagsak na pader— napatingin si Ragen sa itaas. Gumawa si Lazaro ng barrier. Napaupo ang lahat at tinakpan ang sarili dahil sa mga pader na dapat babagsak sa kanila. Tumalsik sa iba't ibang bahagi ng palasyo ang mga pader. Sumigaw ang ilang mga prinsipe sa unang prinsipe na kontrolin ang dragon. Inatake ng dragon ang hari— nagulat doon ang unang prinsipe. Nanatili sa trono ang hari at si Yulo. "Lazaro," ani ni Ragen. Napairap na lang si Lazaro. Inatake nito ang dragon. Nagulat ang lahat matapos tumalsik ito palabas ng palasyo. Isang atake lang ang ginawa ni Lazaro ngunit tumalsik palabas nag napakalaking dragon. Naglakad si Lazaro palabas. Nag-anyong tao ang dragon. Naging isa iyong lalaki at napapalibutan ito ng anim na bolang apoy. Halatang wala sa sarili ang guardian dahil sa nararamdaman na galit ng prinsipe. Kailangan ni Ragen pigilan ang laban. Inatake ng guardian si Lazaro ngunit agad lang iyon naiiwasan ni Lazaro— masyado malakas iyon ngunit nagagawa ni Lazaro na umilag at dumepensa ngunit hindi maganda ang nagiging epekto ng kapangyarihan na iyon ng dragon. Nagliliyab ang paligid at nasisira ang kapaligiran. "Lazaro! Tama na ang laro— pabagsakin mo siya!" sigaw ni Ragen. Sinigawan siya ni Lazaro at sinabing wala siyang karapatan na utusan niya. "Kapag hindi ka sumunod sa labas ka matutulog! Huwag kang papasok sa kwarto ko!" umuusok ang ilong na sambiy ni Ragen. Mahaba ang pasensya niya ngunit talagang nasasagad iyon kapag ang guardian niya ang kausap. Napaismid na lang si Lazaro. Nag-anyong tao ang itim na leopard— bumungad sa kanila ang isang napakagandang lalaki. May mahaba itong itim na buhok at magandang pangangatawan. Hindi umalis si Lazaro sa pwesto matapos siya tangkain ng guardian na suntukin at magbaon ng espada. Bago pa makalapit ang guardian may nga kadena ang humila sa paa ng guardian galing sa lupa. Natumba ito at agad siya tinapakan ni Lazaro sa dibdib. Napatanga doon si Ragen. Paano napigilan iyon ni Lazaro. "Mahinang nilalang," bored na sagot ni Lazaro. Pilit na hinihila ng guardian ang paa at kamay niya ngunit hindi nito magawang makaalis sa kadena either umatake. "Kailangan mo ba talaga mag-anyong tao para pabagsakin ang guardian na iyan?" tanong ni Ragen na nakakunot ang noo. Lagi niyang pinipilit si Lazaro na mag-anyong tao ngunit hindi ito pumapayag tapos ngayon sa harap ng maraming tao tiyaka ito babalik sa human form. "Gusto mo magkahiwalay-hiwalay ang katawan ng nilalang na ito?" tanong ni Lazaro na naka-pokerface. Naga-anyo siyang tao kapag nais niyang pigilan ang sarili niya. Kung nasa anyo siyang leopard kapag gumamit siya ng kapangyarihan imposibleng makontrol niya iyon. "You idiot! Hindi ako devine beast!" sighal ni Lazaro at nag-anyo muling leopard. Binangga pa nito si Ragen na napanguso. Hindi 'man lang alintana ng dalawa ang sobrang atensyon na nakuha nila. Biglang naglaho ang devine beast napalingon si Ragen. Nakita niya ang unang prinsipe. Lumuhod ito sa harap ng mahal na hari at sinabing tatanggapin niya ang kahit anong parusang ipapataw dahil sa kalapastanganan ng guardian niya. Nawala sa kontrol ang devine beast dahil lang din sa prinsipe. Tiningnan ni Ragen si Lazaro. Inismiran ni Lazaro si Ragen na kinasapo ni Ragen sa noo. "Nababasa ko iniisip mo alam mo ba iyon," ani ni Lazaro. Napa-pokerface si Ragen. "Then mabuti para hindi ko na kailangan ibuka ang bibig ko kapag gusto kita sermonan," ani ni Ragen. Nilayasan siya ni Lazaro. "Lazaro!" Ragen Percival's POV Pagkatapos ng nangyari na iyon nalaman ko na nagwala ang unang prinsipe. Nagalit din ang reyna— may kumalat na pineke ko na mahina ako o ano. Pero iyong sa bulwagan. Nagulat ako dahil lumakas ang kapangyarihan ko sa mga bulaklak at hangin. Noong sinubukan ko ulit iyon ngayon-ngayon lang hindi ko na ulit nagawa. "Iyong sa bulwagan Lazaro— ikaw ba may gawa 'nong hangin tapos iyong nga bulaklak?" tanong ko at tiningnan si Lazaro na nakadapa lang sa lilim ng puno. "Ako ba iyong tipong may kakayahan na magpaulan ng bulaklak?" sagot ni Lazaro at humilig. "Then kapangyarihan ko nga iyon? Bakit malakas?" tanong ko. Sinabi ni Lazaro na natural lang iyon dahil siya ang guardian ko. Wala akong maintindihan. "Kung gusto mo magawa ulit iyon palakasin mo ang sarili mo. Nakalimutan mo na— 4 days ka natulog pagkatapos mo gamitin iyon," sagot ni Lazaro na kinatigil ko. May ganoon ba talaga akong kapangyarihan na naitatago sa katawan ko? Paano nangyari iyon. "Bakit kasi hindi mo linawin kay Ragen lahat Lazaro? Hindi mo sinabi sa kaniya na nagsha-share na kayo ng kapangyarihan at dapat balanse ang enerhiya niya at stamina," ani ni Leroy na nakaupo sa lamesa. Sinabi ni Lazaro na tinatamad siya— naiyukom ko ang kamao ko at pinikit ang sarili. In some reason gusto ko ubusin lahat ng balahibo ni Lazaro at tanggalin lahat ng ngipin niya. Paanong mas mukha pa siyang prinsipe kaysa sa akin. Tiningnan ko ng masama si Lazaro. Tumawa lang si Leroy at sinabing kumain na muna ako. Lumapit ako sa table. Umupo at kumuha ng isa sa mga dessert doon. "Lazaro, ano hindi ka sasabay? Uubusan kita ng cookies," ani ko. Dumampot ako ng cookies at kinagat iyon. Magsasalita ako nang makaramdam ako ng kakaiba sa cookies. Tiningnan ko ang cookies. Nabitawan ko iyon— narinig kong tinawag ako ni Leroy ngunit hindi ko na siya napagtuunan ng pansin matapos mapaubo ako at nakakita ako ng maraming dugo sa kamay ko. "Ragen!" 3rd Person's POV Bago pa bumagsak si Ragen. Nasalo ito ni Lazaro na nasa anyong tao na din ng oras na iyon. Sumigaw si Leroy at tinawag ang mga tagapaglingkod ni Ragen. Dinala ni Lazaro si Ragen sa room nito. Agad ito dinaluhan nina Victor sinabing kailangan magpadala ng mga physician. "Hindi na kailangan," ani ni Lazaro. Sinapo ang noo at sinabing kusang gagaling si Ragen. "Walang tatawag sa inyo ng physician," ani ni Lazaro. Minulat ni Lazaro ang mga mata. "Hah! Masyado silang maduming maglaro," ani ni Lazaro at ngumisi. Tiningnan ni Leroy si Lazaro at pinaalalang magagalit si Ragen kapag may pinatay na tao si Lazaro. "Sinong may sabing papatay ako? Hindi sapat ang kamatayan para sa kanila," ani ni Lazaro. Kailangan lang naman na hindi siya mahuli. Walang maiwan na ebidensya. "May idea ka ba kung sino ang gumawa nito?" tanong ni Leroy. Tumingin si Lazaro at ngumisi. "What do you think?" Nang pumatak sa kalaliman ng gabi. Nagkaroon ng kaguluhan sa palasyo— ang mga uwak ay bigla na lang umatake sa palasyo ng reyna. Nag-freak out ang reyna matapos makitang sunod na sunod na bumagsak at bumabangga sa glasswall ang mga uwak. Walang nakatulog sa palasyo ng reyna ng gabi na iyon dahil sa mga uwak. Inaatake ng mga ito ang reyna. Sunod na gabi ay ang mga kabayo sa palasyo. Nagwala ang mga ito at pinipilit pumasok sa palasyo ng reyna. Maraming kumalat na balitang sinumpa ang reyna. Nang marinig ang balita na iyon tiningnan ni Ragen si Lazaro na nakadapa sa kama at natutulog. "Kahit ang mga holy priest hindi alam?" tanong ni Ragen. Umiling si Victor na kasalukuyang nag-aayos ng bulaklak. "Pinatawag ako ng hari kahapon at tinanong nga kung may kinalaman na naman kayo ni Lazaro sinabing kong sigurado akong wala. Hindi maganda ng pakiramdam mo kahapon at hindi naman umaalis si Lazaro sa tabi mo," sagot ni Victor kahit ang totoo ay may hinala siyang may kinalaman si Lazaro. Wala naman na nakakita at ebidensya kaya medyo nakahinga doon si Victor. Alam ni Victor na may dahilan si Lazaro kung bakit iyon ginawa ng guardian sa reyna. — "Sigurado akong ang batang iyan ang sumumpa sa akin! Anak iyan ng demonyo!" Tila wala na sa sarili ang reyna habang tinuturo si Ragen. Nagtawanan ang mga tao sa bulwagan matapos marinig iyon. "Mahal na hari tulungan mo ako. Siguradong ang batang iyan ang may kagagawan. Hindi iyan anak ng hari!" Nagwala ang reyna. Iniutos ng hari na ialis na doon ang reyna. Agad naman nilapitan ng mga konsorte ang hari para pakalmahin ito. "Maari kayang totoo ang sinasabi ng reyna? Galing sa sinumpang emperyo ang ina ng ika-walong prinsipe diba?" "Ngunit magagawa ba iyon ng prinsipe? Diba nilason si prinsipe Ragen at ilang araw din nasa kama." Sari-sari ang naging bulungan ukol sa nangyayari sa reyna. Natahimik ang lahat matapos tumayo ang leopard. Nag-unat ito at tumingin kay Ragen. Sinabi ng hari na wala muna sa mga prinsipe ang maaring umalis ng palasyo habang iniimbestigahan ang mga nangyayari. Hanggang sa mga oras na iyon wala pang nakakaalam kung sino ang pumatay sa unang konsorte, lumason kay Ragen at ang nasa likod ng kababalaghan sa nangyayari sa reyna. Hindi maiwasan ni Ragen mag-alala. Nang makabalik sila sa palasyo. Umupo si Ragen sa kama at huminga ng malalim. "Halatang wala ng pakialam ang hari. Mukhang nagsisimula na ang laban— ano ng plano mo Ragen?" tanong ni Lazaro. Sinabi ni Ragen na hindi niya alam. "Wala akong nakikitang paraan para makaiwas sa nangyayaring kaguluhan," ani ni Ragen. Tinitigan lang ni Lazaro si Ragen. "Bakit ba palaging pag-iwas ang ginagawa mo Ragen? Hindi ako makapaniwalang isa't kalahati kang duwag," ani ni Lazaro. Hindi umimik si Ragen. Aminado si Ragen na takot siya lalo na ang makasakit. Lumipas ang tatlong araw napatigil si Ragen matapos nagpa-panic na pumasok si Victor sa kaniyang silid. "Mahal na prinsipe! Kailangan natin tumakas ngayon!" sigaw ni Victor. Pumasok sina Kyler na agad na lumapit sa closet niya. "Anong nangyayari!" sigaw ni Ragen. Natataranta ang lahat kaya kahit siya hindi din maiwasan mag-panic. "May mga dumating na kawal galing sa imperial palace. May kasulatan na pinadala ang emperor at sinabing kailangan ng hari pumunta sa imperial palace para harapin ang aligasyon. Sinabing traydor ang hari at maaring patawan ng kamatayan ang hari," ani ni Victor. Napasigaw ang mayordoma at si Victor matapos biglang tumakbo ang prinsipe palabas. Hinabol siya ng mga kawal sa imperial palace. "Hindi— hindi iyon totoo. Hindi magagawa iyon ni ama."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD