Falling 2

1902 Words
Migael Kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan ang mga tanong sa pahinang sinabi ng Professor sa harap. Wala akong maintindihan ni isa. Idagdag pa roon ang pasakit na pasakit na balikat ko. Sanay ako sa lamig sa tagal kong tumira sa ibang bansa pero ngayon ay gusto kong magbalot ng kumot. Nilalamig ako. F*ck this life! It's useless to stare at this book. Wala naman akong maisasagot kaya isinara ko na lang ito at yumuko. Inaantok ako. Sa nanlalabo kong paningin ay nakita ko ang katabi kong tinititigan na naman ako. "Twinkle twinkle little star..." Napahawak ako sa bibig ko at pinigilang huminga habang lalo ko pang isiniksik ang sarili ko sa loob ng cabinet na kinaroroonan ko. Hindi niya ako puwedeng makita. "How I wonder what you are...where are you sweetie?" Nanlaki ang mga mata ko nang makita sa siwang na nasa harap na siya ng kinaroroonan ko. He'll find me! "Ooops looks like she's not here..." Napalunok ako nang umalis siya. Huminga ako nang malalim nang marinig ko ang pagpinid ng pinto. Napapikit ako pero mabilis na napadilat nang bumukas ang cabinet na kinaroroonan ko. Napatingin ako sa lalaking nasa harap ko. Nakangisi siya na parang demonyo habang pinagmamasdan ako. "Found yah, sweetie..." Nakita ko ang kamay niya na umambang hahawakan ako. Hindi! Ayoko sa kanya! "Miss Carreon! Miss Carreon!" May humawak sa masakit kong balikat kaya hindi ko napigilan ang sarili ko at inabot ang kamay na iyon at pinilipit. Narinig ko ang pagsinghap ng mga tao sa paligid ko. Doon lang ako natauhan sa ginagawa ko. Napatingin ako sa tabi ko at bumungad sa akin si Klode na nakangiwi habang hinahawakan ang nasaktan niyang kamay. Napatayo ako at muntikan pang mabuwal kung hindi naman ako nahawakan ng tao sa harap ko na walang iba kung hindi ang Professor namin. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya nang mahawakan ang braso ko. "I think you're not supposed to be in my class." Seryosong saad ng Professor na ikinalunok ko. Don't tell me first day of class pa lang mada-drop na ako? "Sorry Sir for sleeping-" "You should go to the clinic." Tumalikod siya. "Sir...I'm okay-" "You're sick Miss Carreon, aba'y puwede nang magluto sa init ng katawan mo." Pinamulahan ako ng mukha sa sinabi niya. Niligpit ko ang mga gamit ko at naghanda sa pag-alis. "Do you know how to find our clinic?" Nahihilong nilingon ko ang nagsalita. Titig na titig siya sa akin at parang hindi napapansin na nakukuha na namin ang atensyon ng buong klase. "I don't know..." nasabi ko na lang at muli pa sanang magsasalita nang tumayo siya. "I'll bring you to the clinic." "No!" napalakas kong saad kaya nagbulungan ang mga kaklase naming tila nanonood ng isang palabas kung pagmasdan kami. "I mean, thank you for your help but I can manage." Ngumiti ako nang pilit. Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at nahihilo man ay may pagmamadali akong lumabas ng silid. Bakit ba napakalaki ng eskuwelahan na 'to?! Nahahapong sumandal ako sa puno na nadaanan ko. I was about to go to the clinic pero nagbago ang isip ko. My wound is not just a simple wound. Wala akong maiisip na dahilan para sa sugat ko. I can't f*cking tell them na ang sugat ko ay nakuha ko mula sa isang saksak. That would be a lot of explanation. Baka kontakin pa nila ang Tatay ko. Nasa ganoon akong akto nang merong lalaking lumapit sa akin. "Hi...are you okay?" Kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan ang lalaking maputi. Pilyo ang ngiti niya habang pinagmamasdan ako. Guwapo ang mokong but I knew better kung anong kailangan niya. Lumagpas ang tingin ko sa kanya at tumaas ang kilay ko nang makita ang apat na kalalakihan na nakatingin sa amin habang nagtatawanan. Hindi ko na sana siya papansinin pa nang mapagmasdan ang suot-suot niyang uniporme. "What's your course?" Ngumisi siya at walang hiyang tumabi sa akin. "Course? Hindi ba pangalan ko muna ang dapat mong tanungin?" "I'm not interested with your name." Lumingon ako sa kanya at nakita ko ang paglaglag ng panga niya sa sinabi ko. Mabilis naman siyang nakabawi at tumawa. "Interesting..." "A-Are you a medicine student?" napangiwi ako nang maramdaman na naman ang sakit sa balikat ko. "Hey, okay ka lang?" wala ng himig ng paglalaro ang tanong niya habang pinagmamasdan ako. "I'm not. Now, answer my question." "Yes I am." Ngumisi ako kahit nahihirapan at tumayo. "Good to know that..." Tiningala niya ako. "Where are you going?" "Where's your dorm?" Ngumisi siya at binalikan ng tingin ang mga lalaking naghiyawan. Napailing ako nang makitang kumindat siya sa mga ito. NARARAMDAMAN kong mas tumitindi ang pag-iinit ng katawan ko. Mas lumalabo ang mga paningin ko sa hilo pero sa dami ng mga pagkakataong nagkakaganito ako, nasanay na yata ang katawan ko. "This is where my dorm is located," muwestra niya sa isang 4-storey building na nasa harap namin. Hindi ko siya pinansin at nauna pa akong pumasok sa loob pero hinarang ako ng isang guard. "Miss, saan ka pupunta? Bawal babae rito..." Naiinis kong nilingon ang kasama ko na hindi ko alam kung anong pangalan at hindi ako interesadong malaman pa. Natatawa siyang umakbay sa akin na para bang close kaming dalawa. "She's with me, Kuya Jaime." Naiinis kong pinalis ang kamay niya sa balikat ko at lumayo sa kanya. "Boss, alam mo namang bawal dahil maaga pa-" Lumapit siya sa guard at may binulong dito. Ngumisi ang malanding lalaki at mayamaya lang ay tumango na rin ang guard at sumaludo pa. Muli ko siyang inunahan sa paglalakad. "Alam mo ba kung saan ang dorm ko?" Lumingon ako at tumigil sa paglalakad. Hindi ako nagsalita at narinig ko na lang ang nakakairita niyang tawa. Naglakad siya sa tabi ko at walang choice na sinundan ko siya. "We're here..." saad niya at huminto kami sa isang pinto na may nakasabit na 104. Binuksan niya ang pinto at bumungad sa akin ang malinis na sala. Kakatwa para sa isang dorm ng mga kalalakihan. Apat ang pinto at nagtungo siya sa pangalawa sa kaliwa. Walang sali-salita na sumunod ako sa kanya. "What do you want? Coffee? Juice? I also have chocolates-" Napatigil siya sa pagsasalita nang sinarado ko ang pinto at ni-lock iyon. Hindi pa ako nakuntento ay sinara ko ang kurtina niya. Umupo ako sa kama at itinaas ang pang-itaas kong damit. "Woah Miss, I don't even know your name baka puwedeng-" Tuluyan kong nahubad ang damit kong suot at napahinto sa pagsasalita ang lalaking nasa likod ko. "Holy crap!" Lumingon ako. "Treat me and I'll pay you." Nalaglag ang panga niya habang pinagmamasdan ang balikat kong nababalutan ng gasa na alam kong may mga dugo na naman. "What happened to you?" Bored ko siyang tiningnan. "Will you treat me or not?" Ang kaninang mapaglaro niyang ngiti ay naglaho at napalitan ng seryosong mukha. Nagtungo siya sa cabinet na nasa harap ng kamang kinaroroonan ko. Nakita kong kumuha siya ng gloves at isinuot sa mga kamay niya. Makaraan ay nagtungo siya sa akin. Napapikit ako sa sakit nang dumampi ang kamay niya sa balikat ko at alisin ang gasang nakabalot dito. "Woman, you should have gone to the hospital!" "D-Do you think nandito ako kung puwede?" Kumunot ang noo niya. "Bakit hindi puwede? Malala ang sugat mo! Saan mo ba 'to nakuha?" "Will y-you please stop asking questions?" Mukhang maling tao ang sinamahan ko. He can't treat me kung wala siyang ibang gagawin kung hindi ang tanungin ako. "We need to suture the wound. Bumuka na ang sugat mo." Saad niya bago pa ako tumayo at umalis na lang. Kaya pala hindi tumitigil ang pagdudugo. Sabi na nga ba. Hindi professional si Terrence na siyang gumamot ng sugat ko. Ni hindi ko nga alam kung paano niya nagawang isara ang sugat ko. Umalis siya sa kama at naging abala sa pagkuha ng mga gamit sa cabinet niya. "I have everything we need except an anesthesia," Lumunok ako. "I don't need it." "A-Are you sure?" "Just close it," pumikit ako at makaraan ay may ekspresyon ko na siyang binalingan. "Please?" "MAY mga iniinom ka bang gamot para sa sugat mo? You have a fever. I think you're having an infection." Nanlalabo na ang mga mata ko sa kaantukan. Pinagmasdan ko siyang inaayos ang mga ginamit niya para sa pagtahi ng sugat ko. "I h-have a pain reliever..." bulong ko. Inilagay niya ang palad niya sa noo ko. Wala na akong lakas para palisin pa iyon. "You also need an antibiotic...and-" Hindi ko na narinig pa ang sasabihin niya nang lamunin na ako ng antok. Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog sa kuwarto ng estranghero. Nagising na lang ako na madilim na. Hinipo ko ang noo ko at hindi na katulad kanina ang init nito. Masama pa rin ang pakiramdam ko at masakit pa rin ang balikat ko pero kahit papaano ay panatag na ako dahil naisara na ang sugat ko. Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng kuwarto at napagtantong mag-isa na lang ako. Inalis ko ang bimpong nakapatong sa noo ko at dahan-dahan na umupo. Pagtingin ko sa side table ay nakalagay ang isang basin na may malamig na tubig. Hindi ko gusto ang lalaking gumamot sa akin pero malaki ang utang na loob ko sa kanya. Kinuha ko ang bag ko at kinalkal ang wallet ko. Sampung libo lang ang halaga na nasa wallet ko. Kinuha ko ang credit card na ibinigay ng Tatay ko sa akin. Mukhang kailangan ko itong pakialaman. Inalis ko ang kumot na nakabalot sa akin at bumangon. Nasa kalagitnaan na ako ng pagsusuot ng damit nang bumukas ang pinto. Hindi ko iyon pinansin at tiningnan. Bagkus ay kinuha ko ang sapatos ko at isinuot iyon. Pero napatigil ako sa pagbubuhol ng sintas nang marinig ang baritonong boses mula sa pinto. "What are you doing h-here?!" sigaw ng taong dumating. Tumingala ako at nagtagpo ang paningin namin ng seatmate ko. Si Klode. Napanganga ako at hindi magawang makapagsalita. Kumunot ang noo niya at pinagmasdan ang hitsura ko. Napatagal ang tingin niya sa buhok ko na malamang ay magulo na. Tumikhim ako. "Dorm mates pala kayo ni..." The f*ck! I don't know his name! Nasaan na ba ang malanding lalaki na 'yon? "Bro! Anong sabi ni Miga..el? Rhima?!" Napatingin ako sa isa pang bagong dating na hindi ko matandaan ang pangalan. Tumayo ako at inayos ang bag ko. "Mauna na ako..." Siguro naman magkikita pa kami ng mokong na 'yon? Tinaasan ko ng kilay ang dalawa nang hindi sila umalis sa pinto. Tumikhim ang maingay na lalaki at tumabi pero nanatiling nakatayo pa rin ang katabi niya roon at masama ang tingin sa akin. "Ano sabing ginagawa mo rito?" Umismid ako. "Wala ka na ro'n..." Nang mapagtantong hindi pa rin siya aalis sa harap ko ay roon na ako dumaan sa kabila pero mabilis niyang hinawakan ang braso ko. Parang napapaso na marahas kong inalis ang pagkakahawak niya sa akin. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" "Tinatanong kita." Kumuyom ang kamao ko, "Hindi ko obligasyon na magpaliwanag sa 'yo." Hindi pa maganda ang pakiramdam ko at mas lalong sumasama 'yon dahil sa lalaking 'to. "Meron. Miyembro ako ng student council at mahigpit na ipinagbabawal ng university na magpapasok ng babae sa dorm ng mga lalaki. So, explain to me kung anong ginagawa mo rito or else..." Sinamaan ko siya ng tingin, "Or else what? You're going to report me?" Ngumisi ako. "Gusto mo ba talagang i-explain ko kung anong ginagawa ko sa kuwarto ng dorm mates mo?" Binalingan ko ang magulong kama at ibinalik ang tingin sa kanya, "Gusto mo ba talagang malaman? Ano sa tingin mo ang ginawa namin?" Umubo-ubo ang lalaking kasama niya. "Bro, h-hayaan mo na si Rhima... pasibatin mo na. G-Girlfriend naman ni Migael, eh." So Migael is his name... "I'm not her girlfriend!" masungit kong saad sa lalaking nagsalita. "Yeah. She's not." Napatingin kaming tatlo sa lalaking kakapasok lang na may bitbit na mga supot. "For now, she's not my girlfriend. But she will be..." Ngumisi siya sa akin. "...soon." Sabay kindat sa akin na akala mo naman ay ikinaguwapo niya. TBC
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD