Falling 1

2664 Words
Klode. Nag-aalinlangan kong pinindot ang doorbell na kanina ko pa tinititigan. Ilang saglit lang ay bumukas ang gate at lumabas ang isang guwardya. Hindi siya pamilyar sa akin, mukhang wala na ang dati naming guwardya. "Anong kailangan mo Miss?" nakangising saad sa akin ng lalaki. Pervert... Sa isip-isip ko nang makita ko kung paano niya hagurin ang hitsura ko. Nakasuot lang ako ng hapit na t-shirt na pinaresan ko ng maikling short at kung makatitig ang lalaki sa akin ay para bang may iniisip siyang hindi kaaya-aya. Pinagkrus ko ang kamay ko sa dibdib nang magtagal ang pagtitig niya roon. "I'm looking for Mr. Roman Carreon. Is he there?" "Ah si Mayor? Nasa loob. Sandali lang at itatawag ko. Ano bang pangalan mo?" seryoso nang saad niya. Mabuti naman at mukhang alam pa rin ng lalaki na trabaho ang dapat niyang atupagin imbes na ang pagtitig sa akin. Napalunok ako sa tanong niya. Tumikhim ako bago ko sabihin ang pangalan ko. "Rhima." "Rhima?" "Carreon." Lumarawan ang pagkagulat sa mukha niya. Tila hindi inaasahan na isa rin akong Carreon. "K-kaanu-ano niyo po si Mayor, Ma'am?" may paggalang nang tanong niya. "Can you just tell him that I'm here?! You're asking too many questions!" Naubusan na ng pasensyang saad ko. Lumunok ito at nagmamadaling tinalikuran ako. Mahigit labinlimang minuto na akong naghihintay at nag-uumpisa na akong mainis. Muli ko sanang pipindutin ang doorbell nang bumukas ang gate at lumabas ang lalaking hinahanap ko. Kunot ang noo. Namumutla at hindi makapaniwalang nakatingin sa akin. "W-what are you doing here?" Ngumisi ako nang marinig ang nauutal niyang tanong. "Iyan lang ba ang masasabi n'yo after not seeing me for four long years Daddy? Didn't you miss me?" puno ng sarkasmo kong saad. "KAILAN ka pa dumating?" "Nasaan sila Tita Charice? I'm pretty sure they miss me." "What happened? Where's your mother?" "I heard that you're a mayor now? Congratulations. Finally, you have achieved your dream." "Stop with your sarcasm Alice! And answer my questions!" Nawala ang ngiti sa mga labi ko at blankong inilibot ang paningin sa paligid. The house still the same. Kumikintab pa rin ang marmol nitong sahig. Elegante ang pagkakaayos ng mga gamit sa malawak na sala. Nadagdagan ang mga mamahaling muwebles at sa gitna ng dingding ay nakasabit ang isang malaking portrait. A family portrait. "Wow. Nice portrait." Walang kaemo-emosyon kong saad. "Alice..." hindi nakaligtas sa akin ang paglambot ng boses nito. I cringed hearing my first name. I hate it. Huminga ako nang malalim at hinarap siya. "I just got back a week ago. Moms' not with me. I'll get straight to the point. I need a place to stay. And I need you to support me for my studies." Tulala ito sa mga sunod-sunod kong pinagsasabi. Hindi ko na ito inantay pang magsalita at tumayo ako. "I'm going to the guest room. I suppose wala na kong kuwarto sa pamamahay na 'to." "Alice... y-you can't stay in here." So you're planning to throw me again? "Why? Because you're scared I might ruin again your perfect family?" saad ko ngunit hindi na ako nag-abalang lingunin pa ito. I don't want to see his face. "Don't worry. I'm too tired to do that." Hindi ito sumagot bagama't narinig ko ang paghinga nito nang malalim. "I'm still a Carreon. I suppose I still have my rights to be here. Kalahati ng pamamahay na 'to ay sa akin Dad. Ipinamana ni Lola remember?" Napadaan ako sa dati kong kuwarto at mapait akong napangisi nang makita kung sino ang lumabas mula roon. "Alice...anong ginagawa mo rito?" may gulat na saad ni Heaven. My half-sister. "Miss me?" nakangisi kong saad. Dumako ang paningin ko sa paa niya. "Nakakalakad ka na pala? That's good..." kumuyom ang kamao ko. "...to know." Nakita ko ang pamumutla sa mukha niya. Nagyuko siya ng ulo at mabilis na naglakad papasok sa dati kong kuwarto. Pagak akong tumawa at pinagpatuloy ang paglalakad. Pagkapasok na pagkapasok sa loob ng guest room ay mabilis akong dumapa sa kama. Wala pang ilang minuto ay nilamon na ako ng pagod at antok. Hindi ko alam kung gaano katagal ang itinulog ko pero nagising ako sa pamilyar na kirot sa kanang balikat ko. Nang hawakan ko ito ay napangiwi ako nang malamang basa ito. "D*mn it!" Tumayo ako at kinuha ang bag ko. Napasabunot ako sa buhok nang mapagtantong ubos na ang benda ko. Dali-dali akong pumunta sa loob ng banyo at kahit papaano ay nakahinga nang maluwag nang makita ang first aid kit. Hinubad ko ang suot kong damit at inalis ang bendang punong-puno na pala ng dugo. "Ahhhhhhhhhhhhh! D*mn it! Sh*t!" paulit-ulit kong sigaw matapos buhusan ng alcohol ang sugat. Nang matapos sa ginagawa ay tulala kong pinagmasdan ang sarili sa salamin. Napangisi ako nang makitang napakaputla ko. Mukha akong may sakit at malapit nang mamatay. "You're back, Alice. You're finally back." Paulit-ulit kong saad habang pinapahiran ng kolorete ang mukha ko. Tinatakpan ang bakas ng pagkahina ko sa pangambang makita nila ito. Hindi dahil ayaw kong mag-alala ang mga ito kung hindi dahil ayaw kong makitang hindi sila mag-aalala para sa akin. Tss. You're being sentimental, again. Minabuti kong maglinis ng katawan. Nang matapos ako sa ginagawa ay kinuha ko ang botelya ng gamot sa bag ko para lang manlumo nang makitang ubos na rin ito. Napahawak ako sa tiyan nang muling maramdaman ang pagkulo nito. Gutom na ako. Ilang araw na rin kasi ang nakakaraan nang makakain ako ng matinong pagkain. Bumaba ako pero imbes na dumiretso sa dining area ay sa dirty kitchen ako nagpunta. Tahimik ang kabahayan at mukhang wala pa rin ang pamilya niya. Napangiti ako nang makita ang taong pinaka-namiss ko simula nang umalis ako ng Pilipinas. Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa babaeng busy sa pagluluto at nang makalapit ako rito ay mahigpit ko itong niyakap mula sa likod. "Ay susmaryosep!" "I missed you, Nanay." Napalunok ako matapos magsalita para palisin ang namumuong bikig sa lalamunan ko. "Ales? Ikaw ba 'yan, anak?" anito sabay harap sa akin. Nanlaki ang mga mata ni Nanay at ilang sandali pa ay umiiyak itong yumakap sa akin. "Ikaw nga Ales! Kailan ka pa dumating? Bakit hindi ka man lang nagpasabi? Jusko, mabuti naman at umuwi ka rin." "Nay hinay-hinay mahina ang kalaban. Sasagutin ko ang mga tanong n'yo pero pwede bang pakainin ninyo po muna ako?" saad ko at natatawang pinahid ang mga luha sa pisngi ng babaeng itinuring kong kakampi apat na taon na ang nakakaraan. Tumango-tango ito. "Sige, maupo ka na sa dining at dadalhan kita ng mga pagkain. Tamang-tama at nagluto ako ng menudo, ang paborito mo." Umiling ako. "Dito na lang ako kakain, Nay." Ani ko sabay upo sa kalapit na upuan. Tinitigan niya ako na para bang hindi siya makapaniwala na nandito talaga ako. "Nay, opo nandito na ang minamahal niyong alaga kaya kalma na at sabayan niyo akong kumain." Pinagmasdan ko ang galaw ni Nanay Celing habang taranta itong naghahanda ng pagkain sa lamesa. Sa paglipas ng apat na taon ay napansin ko ang pagpayat niya, tumanda na talaga siya at nakikita kong hindi na ganoon kaliksi ang pagkilos niya. Sino kaya ang nag-alaga rito sa mga panahong may sakit siya? Tumayo ako at nilapitan siya. "Nay ako na riyan, maupo po muna kayo." Nag-aalalang saad ko nang mapansin ang hirap na pag-ubo niya. "Nasaan po ba ang ibang katulong at kayo ang nagluluto eh mukhang may sakit pa ho kayo." "Day-off nila Henia at Tonyang." aniya nang makaupo sila sa hapag-kainan. "Sus, eh bakit kayo hindi?" saad ko at nilagyan ng kanin ang plato niya. Ngumiti lang siya at hindi na kumibo pa. "Kumusta ang M-Mommy mo?" Napahinto siya sa paglalagay ng kanin sa plato nang marinig ang tanong nito. A certain images flashes through her mind. "Ay a-ano ba itong kadaldalan ko. Kumain na nga muna tayo at nagugutom na rin ako. Pero teka nga muna, kailan ka pa nakabalik? Ni hindi man lamang ako tinawag ng ama mo para sabihin na naririto ka na pala." May maliit na bahay na tinutuluyan si Nanay Celing sa likod ng mansiyon kaya siguro hindi niya ako nakita kanina. At hindi ko na rin naman ikipinagtaka na hindi ipinaalam ng ama ko ang tungkol sa pagbabalik ko. Malungkot akong napangiti sa pagbabago ng paksa ni Nanay. Kilalang-kilala pa rin ako nito. I was 13 years old nang tumira ako sa mansiyon na ito matapos akong kunin ni Lola sa Davao. After she died, my life has change. Kaya nagpapasalamat ako kay Nanay Celing dahil siya ang pumalit sa namayapa kong abuela. "How are you? Is your wound okay? C'mon Rhima answer me!" Tumawa ako at narinig ko ang nabubugnot na buntong-hininga ng kaibigan sa kabilang linya. Humithit muna ako sa hawak-hawak na sigarilyo at bumubugang sinagot ang histerikal kong kausap na Amerikano. "Relax Terrence. I'm fine. I'm here at my Dads' house. As for my wound, don't worry about it. I'm okay, Rence. How about you? You're okay, right?" sambit ko habang pinagmamasdan ang kalangitan. Kasalukuyan akong nasa balkonahe at nagpapahangin. "I'm here at Texas. He won't stop pestering me at San Francisco. I'm working at my Aunts' resto." Napabuntong-hininga ako at pinagmasdan ang kalangitan. "Did he hurt you?" "No-" "Who are you kidding? Of course, he hurt you. This is all my fault, Terrence. I'm really sorry." "Stop blaming yourself Rhima. I'm fine. Malayow sa butow-" Hindi na niya natapos ang sinasabi nang malakas akong napatawa. Alam na alam talaga ng kausap ko kung paano maiaalis ang tensiyon sa pag-uusap naming dalawa. Sa pamamagitan ng pilipit niyang pananagalog. "I miss that. Your laugh, I wish I could see you now. I miss you, Rhima." Huminto ako sa pagtawa at napangiti nang malungkot. "I miss you too, Terrence. Let's have face time tomorrow?" "Why not, now?" Napailing ako. "I wish I can do that. But I still don't know the f*****g password-" "Stop cursing, sweetie." "Sorry-" "Hey Rence, Aunts' calling you!" "Call you tomorrow, Rhima. Take care of yourself. Bye. I love you." "Love you too." Nakaramdam ako ng pagkauhaw kaya lumabas ako ng kuwarto para lang mapatda sa kinatatayuan ko nang makita kung sino ang nasa labas. "T-Tita Charice..." Lumunok ako at kinalma ang sarili ko. Yumuko ako at sinigurado kong sa pagtingala ko ay naka-plaster na ang ngiti sa labi ko. "Y-You're really back..." nasa mata niya ang hindi pagkapaniwala habang pinagmamasdan ako. "Charice..." mula sa pagkakatitig sa akin ay dumako ang paningin niya sa ama kong hindi namin parehas namalayan na dumating. "MOMMY!" isang batang babae ang nagtatakbo na yumakap kay Tita Charice. Dumako ang paningin ng bata sa akin at nginitian ako. "Hello, who are you?" She's the little girl that I've seen in the family portrait downstairs. "Mandy, go to your room." "But Mommy-" "No buts baby, go with your Yaya." Bumuntong-hininga ang bata at kahit na sumama sa kanyang Yaya ay hindi pa rin naaalis ang tingin sa akin. "You still have the guts to go back here? After what you've done to this family!" Kumuyom ang kamao ko. "Oh come on Tita Charice, enough with the past. Don't worry, for as long as I'm here hinding-hindi n'yo mararamdaman ang presensiya ko. I'll be invisible in this 'perfect' family." Nakangisi kong saad at binalingan ang walang imik kong ama. Tumalikod ako pero napatigil sa sinabi ni Tita Charice. "You can't stay in here! I won't allow it." Humigpit ang pagkakakuyom ko sa kamao ko na ramdam ko ang pagtusok ng kuko ko sa aking palad. "Alice...nag-usap na kami ng Tita Charice mo. If you really want to study, you can go to Clinton University. We'll arrange everything." Tumiim ang labi ko. Clinton University? A school wherein students are required to stay in a dormitory. "Fine. Just give me the 'best' dormitory room." Kinagat ko ang labi ko bago muli silang hinarap. "Thank you guys! I really appreciate your warm welcome and your help for my study." Ngumiti ako at kinindatan pa silang dalawa. Si Tita Charice na masama pa rin ang tingin sa akin at ang ama kong hindi magawang salubungin ang tingin ko. He threw me away, again... Kinapa ko sa puso ko ang pamilyar na kirot pero wala akong naramdaman. CLINTON UNIVERSITY Binasa ko ang nakasulat sa taas ng prestihiyosong unibersidad na papasukan ko. "Alice..." Nilingon ko ang ama kong kanina pa bumubuntong-hininga sa tabi ko. Wala pang dalawang araw ay mabilis nilang naproseso ang mga papeles ko para makapasok sa Clinton University. Ganoon sila kaatat na mawala ako sa paningin nila. Inabot niya sa akin ang black card. Ngumisi ako at walang pag-aalinlangan na tinanggap iyon. "Please buy some other clothes. And what's with your face?" "What's wrong with my clothes?" tanong ko at tiningnan ang suot kong tattered pants at hanging blouse. Hindi na lang umimik ang ama ko at nasa mukha pa rin ang diskumpyado sa hitsura ko. "Don't worry walang makakaalam na anak ako ni Mayor Carreon." Matabang kong saad at lumabas na ng kotse. Hindi man kabigatan ang bag ko pero napangiwi ako nang isukbit ko iyon sa balikat ko. It's still f*****g painful. Baka bumulagta na lang ako dahil sa pagkaubos ng dugo ko. Hinipo ko ang leeg ko at tama ang hinala kong nilalagnat pa ako. A great way to start my first day in this prestigious university. Isinukbit ko ang ID na napagawa na rin ng ama ko. Chineck ng guard ang loob ng bag ko at halos halukayin niya ito. Tss. A f*cking judgemental. Sa isip-isip ko habang napapailing siya sa hitsura ko. Wala ng mga estudyanteng nagkalat sa malawak na hallway ng CU. Kinuha ko ang mapa ng school at nakita ang room ng first subject ko. Kinuha ko ang brochure na kasama nito at nakita na sa kabilang building pala ang College of Medicine. Hindi na ako aabot sa first class ko kung uunahin kong pumunta roon. Nahihirapan man sa sakit ng balikat ko, binilisan ko ang lakad ko papunta sa room ko. Thank God dahil may elevator. Habang nasa elevator ay pinagmasdan ko ang repleksyon ko. Kinuha ko ang lipstick sa gilid ng bag ko at ipinatong pa iyon lalo sa labi ko. It was a good thing na dito na rin ako ipinatapon ng ama ko. Mas imposible niya akong matagpuan. I just needed four years in this place. Pagkatapos kong tapusin ang pag-aaral ko. Magpapakalayo ako at sisiguraduhing hindi na ako mahahabol pa ng nakaraan. Huminga ako nang malalim bago malakas na kinatok ang pinto. Binuksan ko iyon nang marinig ang sigaw na pumasok na ako. Sanay na akong parang mikrobyong pinag-aaralan at pinagmamasdan. Diretso lang ang lakad ko papunta sa professor na nasa harap. Katulad nang inaasahan ko ay nasa mukha nito ang disgusto sa hitsura ko. Pinagkibit-balikat ko na lang iyon at sinagot ang tanong nito kung sino ako. "I'm the new transferee. Sorry sir, for being late." Tumaas ang kilay nito. "What's your name Miss Transferee?" "I'm Alice Rhima Carreon, Sir." Narinig ko ang bulungan sa paligid. Tumango-tango ang Professor, "I see. Introduce yourself then, and next time I don't accept late in my class." "Isang Carreon!" "How is she related to Mayor Carreon?" "It's just coincidence probably, look at her. She doesn't look like a Carreon." Ngumisi ako at hinarap ang mga bubuyog na hindi maituturing na bulong ang mga sinasabi. Saglit akong natigilan nang magtama ang paningin namin ng isang lalaki. His eyes. It's familiar. Ilang segundo ko ring hindi inalis ang paningin sa kanya at ganoon din siya sa akin. "Good morning everyone, I'm Alice Rhima Carreon. Please call me, Rhima." Peke akong ngumiti. Nakita ko ang pagkagulat sa mga mata ng lalaking tinititigan ako. Pinagkibit-balikat ko 'yon at naglakad papunta sa likod. Ngumisi ako at iginala ang paningin ko. It turns out sa tabi niya lang pala ang bakante. Umupo ako at naramdaman kong nakatingin pa rin siya sa akin. "Hi..." pagbaling ko sa tabi ko nang makita sa gilid ng mga mata ko na nanatili pa rin ang tingin niya sa akin. "Klode, what's the problem man? Nabighani ka ba sa kagandahan ni Miss Transferee?" Klode? Isang imahe ng dalawang bata ang lumitaw sa isipan ko. "Leightonnnnnnnnnnn! Leightonnnnnnnnnnnn!" "I told you to stop calling me that name!" "Hi Miss, my name is Jace...It's nice meeting you," napabalik ako sa reyalidad nang marinig ang boses ng katabi nito. Tiningnan ko ang kamay nitong nakikipagkamay sa akin at natatamad iyong inabot. "I'm Rhima..." napunta ang paningin ko sa tinawag nitong Klode. Kunot ang noo nito habang nakatingin pa rin sa akin. "May dumi ba ako sa mukha?" Tila natauhan na mabilis niyang iniwas ang paningin sa akin. Pagak akong natawa at kinuha ang notebook sa bag ko. Napamura ako sa isipan ko nang mapagtantong naiwan ko ang ballpen ko. "Here..." may nagpatong ng ballpen sa arm chair ko. Paglingon ko sa tabi ko ay seryosong nakatingin ito sa papel na nasa harap habang nagsusulat. Aakalain kong hindi siya ang naglagay ng ballpen dahil mukhang busy ito sa ginagawa para pag-ukulan pa ako ng pansin. "Thanks...Klode." Mahinang usal ko. I felt like there's a bitter taste in my mouth when I said his name. Napailing ako. Imposible. Hindi naman siguro ganito kaliit ang mundo, hindi ba? Napapikit ako nang maalala ang eksenang iyon sa isipan ko. "I hate you Klode Leighton! Katulad ka rin ni Daddy!" Damn. TBC
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD