I don't know you...
"What is she doing here?" matigas ang boses na tanong ng pakialamero kong kaklase sa malanding lalaki-
Iyang malanding lalaki na yan ang gumamot sa 'yo...
Pero hindi pa rin maiaalis nang panggagamot niya sa akin ang kalandian niya. Hindi uubra ang karakas niya sa akin.
Akala mo ay modelo na naglakad siya palapit sa amin at tumabi sa lalaking hindi pa rin nawawala ang talim ng mga mata. Umakbay siya kay Leigh-Klode.
"Pare, alam kong bawal pero pagbigyan mo naman ako oh, this will be the last time-"
"Gag*! Noong nakaraan sabi mo iyon na ang last time?" pambabatok sa kanya ng kaklase kong hindi ko matandaan kung ano ang pangalan.
"Shut up, Jace!" simangot nito sa lalaking Jace pala ang pangalan. Mula sa pagiging tigre tila naging isang kuting ito nang humarap sa katabi.
"Klode, promise this will be really the last time-"
"Just answer my question! Anong ginagawa niya rito?"
Hindi na ako nakatiis at iritable kong tiningnan ang nagsalita. "Ano bang pakialam mo kung anong ginawa ko rito? No matter what the reason is, labas ka roon!"
Hinigpitan ko ang bag na kapit ko at nilagpasan silang lahat. Gusto ko mang magpasalamat sa estranghero na tumulong sa akin. Ayoko nang magtagal sa loob ng silid na iyon. Nakakailang hakbang pa lang ako nang may sumigaw ng pangalan ko.
"Rhima!"
Bakit niya alam ang pangalan ko?
Lumingon ako at kumunot ang noo ko nang makita ang humahangos na si Migael. Papaano niyang nalaman ang pangalan ko?
Napailing ako, malamang ay dahil iyon sa kadaldalan ng lalaking nagngangalan na Jace.
"Are you okay, now?" tanong niya nang tuluyan na makalapit sa akin.
Tumango ako. Okay na sa akin na nabawasan ang kirot sa balikat ko maging ang pagkahilo ko. Tumikhim ako. "S-salamat sa pagtulong sa akin. I hope wala nang ibang makaalam nito." Saad ko na bagama't nagpapasalamat ay sinigurado kong hindi kakikitaan ng emosyon sa mukha.
May inabot siya sa aking supot pero hindi ko iyon tinanggap. "Accept this, nandiyan ang mga gamot na kailangan mong inumin. Take a rest." Nang hindi ko pa rin iyon inabot ay kinuha niya ang kamay ko at inilagay niya iyon doon.
Bumuntong-hininga ako at kinuha ang lilibuhing papel na ngayon ko lang naalala na ibinulsa ko.
Iniabot ko iyon dito pero katulad ko ay hindi niya rin iyon tinanggap.
"What's that?" kunot-noong tanong niya.
"Mukha bang pagkain?" sarkastiko kong balik-tanong. Kinuha ko ang kamay niya at inilagay ang pera sa palad niya.
"Kung kulang pa iyan, just tell me-"
"I don't need your money."
Kumunot ang noo ko. "At anong gusto mo?"
Ngumisi siya at hindi ko iyon nagustuhan. Bumalik sa alaala ko ang sinabi niya kanina sa harap ng mga kaklase ko kanina.
"Your number..." aniya na dinugtungan nang malanding kindat niya.
Yumuko ako at nakangising tumingala. "Number your face."
"How about some kiss?"
Napapantastikuhan ko siyang pinagmasdan. Saan niya nakukuha ang kakapalan ng mukha niya?
"Gag*! Maghanap ka ng ibang malalandi mo." inis kong saad at nakanganga siyang iniwan. Tila nagulat sa pagmumura ko sa kanya.
"Hey! Hindi mo pa tinatanong ang pangalan ko! I'm Migael Santillan. Don't you ever forget your life savior's name!" sigaw niya na mukhang nakahuma na sa pagkabigla dahil kahit nasa malayo na ako ay dinig na dinig ko pa rin ang nakakairita niyang pagtawa.
Naglalakad na ako palayo sa dorm building na iyon nang maramdaman na may humawak sa braso ko. Napapikit ako, hindi ba talaga siya titigil sa pangungulit? Marahas kong pinalis ang kamay na humawak sa akin nang hindi ito tinitingnan.
Mas naging tahimik siguro ang buhay ko kung sa clinic na lang ako nagpunta.
"Ano bang-" Napahinto ako sa pagsasalita nang hindi ang inaasahan kong tao ang nalingunan ko.
"Anong kailangan mo? Tatanungin mo na naman ba ako kung anong ginagawa ko sa dormitoryo ninyo?" saad ko habang umatras palayo sa kanya.
"Alice..."
Napatda ako sa kinatatayuan ko nang marinig ang pagtawag niya sa akin. Napalunok ako at iniwas ang paningin sa kanya.
"Stop calling me Alice. Hindi tayo close..."
Ngumiti lang siya na tila walang narinig mula sa akin. "Alice..."
"I said stop calling me by my first name!"
"Why? Alice naman pangalan mo hindi ba?" may mapaglarong ngiting tanong niya sa akin.
Humalukipkip ako. Pagod na nga ako at ang tanging gusto ko lang ay magpahinga pero heto at meron na namang isang tao na nang-iinis sa akin.
"Huwag ka ngang umarte na parang close ka sa akin..."
"We were close when we were young..."
Kumunot ang noo ko. "Come again? Tama ba ang narinig ko? Naging close tayong dalawa?" tila natatawa kong tanong sa kanya.
"Yes. Don't tell me you had forgotten me already?"
Sumeryoso ang mukha ko. "How can I forget you?"
Magsasalita pa sana ang lalaki nang itinaas ko ang kamay ko senyales na manahimik siya. "How can I forget someone na hindi ko naman talaga kilala in the first place?"
Matiim ko siyang tiningnan at umiling-iling habang umaarte na may iniisip. "I'm sorry but I think you've mistaken me for someone else. Maraming Alice sa mundo hindi lang ako."
"Hindi ako nagkakamali-"
"I don't know you." Pagputol ko sa sasabihin niya. Hindi ko na siya hinintay na muling magsalita at mabilis ko siyang tinalikuran. Mabuti na rin lang at hindi na siya sumunod sa akin.
Hindi ko siya kilala. Hindi. Ibang Alice ang kilala niya at hindi ako iyon. Too bad, he'll never find her because she's gone a long time ago.
MAINGAY na tatlong kababaihan ang narinig ko pagpasok ko sa kuwarto na na-assign sa akin. Napatigil ang pagtatawanan nila sa sala ng dormitoryo at pinagmasdan ako. Merong isa na nginitian ako. Habang ang dalawa ay tila isa akong mikrobyo na inoobserbahan.
I'm tired and all I want to do is just to rest and sleep like there's no tomorrow.
Wala akong planong makipag-usap kaya tumango lang ako sa kanila at pinuntahan ang pang-apat na pinto. Isinuksok ko ang susi na ibinigay sa akin kasama nang iba ko pang mga gamit para sa naturang eskuwelahan.
"Hey..."
Napahinto ako sa pagpihit ng doorknob nang marinig ang boses na iyon. Walang emosyong lumingon ako sa kanila at hindi nagsalita.
"Hindi ka man lang ba magpapakilala sa amin?" Nakataas ang kilay ng babaeng maputi, kulay green ang buhok at may piercing sa ilong. Singkit na singkit ang mga mata niya at itim ang lipstick na nasa labi niya.
"I'm Rhima..."
"Huh? I thought it's Alice?"
Kumunot ang noo ko. "How did you know?"
"May mga nagdala ng mga pagkain mo at nilagay sa ref."
Tumango-tango ako. "It's my first name but I preferred to be called Rhima."
Ngumuya siya at maangas na ngumiti sa akin. "Is that so? Anyway, I'm Trisha!" lumapit siya at iminuwestra ang kamay niya.
Tinanggap ko iyon pero hindi ko sinuklian ang ngiting iginawad niya sa akin. Nagsunuran ang dalawa niya pang kasama.
"I'm Anne..." saad ng isang babae na tila isang anghel ang hitsura. Masyadong mabait ang bukas ng mukha. Maputi, bilugan ang mga mata at walang bahid ng kolorete sa mukha. Nakasuot ng mahabang palda na pinaresan ng simpleng t-shirt.
Tumango ako at pilit na ngumiti. Bumabagsak na ang talukap ng mga mata ko sa kaantukan.
"I'm Fae!!!" matinis ang boses na saad sa akin ng babaeng maliit at medyo mabilog ang katawan. Namimintog ang pisngi at merong ngiti na tila hindi nawawala sa kanyang labi.
"It's nice meeting you all..." saad ko at hindi na napigilang mapahikab.
"Mukhang inaantok ka na. Magpahinga ka na, marami pa namang oras para makilala mo kaming tatlo."
Tumango lang ako at mahinang nagpasalamat. Isa-isa ko silang tiningnan at pumasok sa loob ng kuwarto. Binuksan ko ang ilaw at nakita ko ang maleta na nauna nang dalhin dito ng tauhan ng aking ama. Pinagmasdan ko ang paligid ng kuwarto na inilaan sa akin. Hindi gaano malaki pero hindi rin naman masasabing maliit.
Walang tv sa loob ng kuwarto. Isang malaking cabinet sa kaliwang bahagi ng kuwarto. Nakapaharap sa single bed ang isang tokador at sa gitnang bahagi ay ang study table na meron nang nakalagay na laptop. Kumunot ang noo ko nang makita ang sticky note sa ibabaw no'n.
Kinuha ko iyon at napatiim ang labi ko nang mabasa ang dalawang salita na nakasulat.
I'm sorry...
Kinuyumos ko sa palad ko iyon at itinapon sa trash bin.
Sorry? Sorry for what?
Gusto kong itapon ang laptop na ibinigay ng magaling kong ama pero alam kong kakailanganin ko iyon. Hindi pa ako nababaliw para unahin ang emosyon ko.
Ibinaba ko ang bag ko at napatingin sa hawak kong plastic. Binulatlat ko iyon at nakita ang sandamakmak na gamot. Kinuha ko ang kuwadradong papel at binasa. Ang mga unang nakasulat ay instruction kung paano ko iinumin ang gamot. Anong oras at kung ilan sa isang araw. Sa pinakaibaba ay napailing at napangiwi ako nang nabasa ang nakasulat.
Get well soon, darling~
Love, Migael ♥
Kinuha ko ang sinasabi niyang gamot at binuksan, dahil walang tubig ay mabilis ko na lang iyong ininom. Not minding na hindi pa ako kumakain. Nang matapos sa pag-inom ng mga gamot na ibinigay niya ay dumiretso ako sa kama at pumikit.
Sa unti-unting paglamon ng kaantukan sa akin ay narinig ko ang mga boses na iyon.
"Alice..." isang tinig ng isang bata.
"Alice..." isang tinig na kanina ko lang narinig. Ang boses ng lalaking pakialamero.
Hindi ako si Alice... hindi...
SA pagmulat ng mga mata ko ay ramdam ko pa rin ang init sa katawan ko. Pero hindi katulad kahapon, alam kong kaya ko nang kumilos. Pagtingin ko sa oras sa relo ko ay pasado alas-otso na pala ng umaga.
Nagpasya akong maglinis na ng katawan. Kinuha ko ang mga gamit ko at lumabas ng kuwarto ko. Nabungaran ko ang tatlo na nag-aalmusal sa dining area.
"Good morning!" matinis na bati sa akin ni Fae.
"You should eat first bago ka maligo." mahinhing saad ni Anne.
Umiling ako. "Thanks pero mamaya na ako..." sagot ko at dire-diretsong pumasok ng banyo.
"Tss.. sungit talaga!"
"Hoy Trisha bunganga mo nga!"
"Bakit totoo naman ah!"
Umiling-iling ako at nagpanggap na walang narinig. Matapos kong maglinis ng katawan ay lumabas ako at saktong papasok naman si Trisha sa loob ng banyo. Peke siyang ngumiti at nagtuloy sa loob.
Inayos ko ang mga gamit ko at lumabas mula sa kuwarto. Nagtungo ako sa dining area at binuksan ang malaking ref.
"Halos kalahati ng ref ay mapuno ng babaeng nagpunta rito. Kaanu-ano mo siya?" pag-uusisa ni Trisha.
"Assistant ng Tatay ko..." sabi ko at kinuha ang plastik na naglalaman ng mga mansanas. Kumuha ako ng isa at ibinalik ang natitira sa ref.
Doon ko napansing nakatayo pa rin sa tabi ko si Trisha.
"Gusto mo?" muwestra ko sa mansanas na hinugasan ko at mabilis na kinagatan.
"No thanks. Anong course mo?" patuloy niyang pag-usisa sa akin habang pinupunasan ng tuwalya ang buhok niya.
"Business Administration."
Tumango-tango siya. "I bet big shot ka, did you take that course dahil ikaw ang magmamana sa negosyo ng pamilya ninyo?"
Huminga ako nang malalim. "Look, we're dormmates but I'll really appreciate if you'll stop asking me personal questions." pagpapaprangka ko rito at naiwan siyang napanganga sa sinabi ko.
Pagpihit ko ay nakita kong nakatingin din sa amin ang dalawa naming kasama. Hindi ko sila pinansin at dire-diretsong umalis.
Katulad kahapon ay accounting ulit ang first subject ko.
Puno na ang klase nang dumating ako. Maingay ang lahat pero napatahimik silang lahat sa pagdating ko. Patay malisya akong nagtungo sa likod. Walang choice kung hindi umupo ulit katabi ng lalaking nakatingin na sa akin.
Iniwas ko ang paningin sa kanya.
"Good morning Rhima!" sigaw ni Jace na tinanguan ko lang.
"Are you okay, now?"
Hindi ko pinansin ang nagsalita sa tabi ko pero napakunot noo ako nang mapagtanto ang tanong niya.
Nilingon ko siya at tila nabasa ang nasa isip kong nagsalita siya.
"Migael told us--"
"Anong sinabi niya sa inyo?!" mariin ang boses kong tanong.
"Hey, chill Rhima, Migael told us that you passed out in front of him. Pero walang tao sa clinic kaya ka niya dinala sa dorm namin at siya ang tumingin sa 'yo." pagtatapos ni Jace sa sasabihin sana ni Klode.
"May iba pa dapat kaming malaman?" ayan na naman ang pang-uusig sa tingin at boses niya.
"It's none of your business. Mr. Monteciara will you please stop talking to me?"
Inalis ko ang paningin ko sa kanya napatda ako sa tanong niya.
"I thought you don't know me? How come you knew my surname Miss Carreon?"
Triple s**t.
TBC